Pagkalabas ni Alicia sa bahay, dumiretso siya sa lugar ni Sue—ang lugar kung saan siya titira at magtatrabaho simula ngayon. Masaya siyang inilibot ng kaibigang si Sue sa loob ng flower shop. "Alicia, huwag kang mahiya, ituring mo itong sarili mong tahanan." Binuksan naman ni Sue ang pintuan ng kanyang silid at pumasok, sumunod sa kanyang likuran si Alicia. Hindi gaanong kalaki ang silid, pero malinis at komportable. May maliit na kama, isang kahoy na aparador, at ilang kahon na may nakalagay na mga bulaklak at ibang nagpatong-patong na dyaryo. Nakangiting pinagmasdan ni Alicia ang silid. Nakahinga siya ng maluwag dahil nakahanap siya agad ng bagong tirahan. "Salamat, Sue, binigyan mo na ako ng trabaho at matitirhan. Malaki ang utang na loob ko sa iyo," taimtim na sabi ni Alicia. "Relax lang, Alie. Maaari mo nang ilagay ang mga damit mo sa aparador at magpahinga ka na rin." Ngumiti si Sue at tinapik ang balikat ni Alicia. "Ngayong gabi, marami akong inorder na bulaklak kay
Matapos ang dalawang araw na pagkawala ni Alicia, kakaiba ang nararamdaman ni Woodley, lalo na kay Walter, na madalas umiyak at hinahanap ang kinikilalang ina. Kaninang umaga, bumisita ang ina ni Woodley na si Mariana sa mansyon para subukang aliwin si Walter at yayain itong maglaro. "Woodley, simula ngayon, ako na ang bahala kay Walter. Huwag kang mag-alala sa anak natin," sabi ni Mariana, nakangiti kay Woodley. "Oo nga, si Mariana ang tunay na ina ni Walter. Mas magaling itong mag-alaga sa apo ko kaysa sa babaeng iyon!" sabi ni Merida na nagmamayabang. Natahimik si Woodley at tumango, pinagmamasdan ang anak na tahimik na nakaupo sa sofa, yakap-yakap ang stuff toy na binili ni Alicia ilang buwan na ang nakakaraan. Ayaw maglaro ni Walter, ayaw makipag-usap, nahihirapang kumain, at umiiyak kapag may lumalapit sa kanya. Lumapit si Woodley at marahang hinaplos ang ulo ni Walter. "Makipaglaro ka na kay Tita Mariana, anak, gusto mo diba mag-play?" Bulong ni Woodley sabay halik
Ngayong umaga, nasa ibang lugar si Alicia na abala sa paghahatid ng mga bulaklak. Masaya naman siya sa bagong trabaho. Nakakapaglakbay siya sa ibat-ibang lugar at nakakakilala ng bagong mga tao, bagay na hindi niya nagawa noon dahil nakakulong siya sa bahay. "Isa na lang ang natitirang bouquet," sabi ni Alicia, bitbit ang isang bungkos ng bulaklak sa basket ng kanyang bisikleta. Nagbisikleta si Alicia papunta sa isang parke. Ang umaga ay maliwanag at mararamdaman niya ang preskong hangin sa ere, isang pakiramdam na hindi niya naranasan sa loob ng mahigit tatlong taon, noong nakasal siya kay Woodley. 'Ganito pala ang tunay na kalayaan? Wala na akong iiyakan, at gagaling din ako sa aking sakit.' Ipinikit ni Alicia ang mga mata, huminga nang malalim, at nagpatuloy sa pagbibisikleta. Bigla niyang napansin ang isang batang lalaki na papasok sa paaralan kasama ang ina at hindi niya mapagkakaila na nangungulila siya kay Walter. "Walter..." mahina niyang sabi. Nangako si Alici
Hanggang hapon, naghahatid pa rin ng bulaklak si Alicia. Pagod na pagod na siya pero hindi siya nagreklamo. Sa huling order, naghatid siya ng bulaklak sa isang restaurant. Iniwan niya ang bisikleta at pumasok. "Para po kay Mr. Ethan, table twelve," sabi ni Alicia, binabasa ang pangalan sa papel. Lumapit si Alicia sa table twelve. Isang lalaki ang kausap sa cellphone. "Excuse me, sir, kayo po ba si Mr. Ethan?" tanong ni Alicia. "Ah, oo, ako nga—" Mabilis na lumingon ang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo. Napatigil siya at nakasimangot na tumingin kay Alicia bago itinago ang cellphone. Nalilitong tumingin si Alicia sa lalaki at inilagay niya ang bulaklak sa mesa. "Ito po yung bulaklak na in-order niyo. Diretso na po ba kayong nagbayad sa shop?" tanong ni Alicia ng mahina ho. "Teka, parang kilala kita," sabi ng lalaki na biglang tumayo. Pinisil ni Alicia ang hawak na bag. Hindi niya kilala ang lalaki pero nakaramdam siya ng pagkailang sa mga titig nito. Nanlaki a
Maghapon na magkasama si Walter at Mariana. Gabi na rin nang samahan niya ang bata papauwi sa tahanan nila ni Woodley. Naiinis si Mariana sa bata na ayaw kumain, pinipilit nitong si Alicia ang magpakain sa kanya. "Walter, halika na, kumain ka lang ng konti. Pagod na si Mommy sa pagluluto ng mga pagkain na gusto mo," pangungumbinsi ni Mariana, umupo sa tabi ni Walter. "Ayoko, hindi masarap ang luto mo, Tita! Hindi katulad ng luto ni Mommy!" sigaw ni Walter, mabilis na tinakpan ang bibig dahil ayaw niyang subukan siya nito. Natatawa si Mariana pero naiinis na rin. "Wala na si Mommy mo, tara na, kain na tayo! Hindi ka pa kumakain simula tanghali, at buong araw kang nagsusungit!" Saway ni Mariana. Umiling si Walter at nanatiling nakatikom ang bibig. Tumingin siya kay Mariana ng masama. Halatang natatakot din siya. "Gusto kong kainin ang luto ni Mommy! Tita, umalis ka na lang dito, ayaw ko talaga sayo!!" sigaw ni Walter, yakap-yakap ang kanyang stuff-toy. Naubusan na ng pasen
Si Alicia ay sumailalim sa therapy treatment sa ospital kaninang hapon, matapos siyang paalalahanan ni Dr. Frederick Chavez sa kanyang mga kailangang gawin. Mahina pa rin ang kalagayan ni Alicia matapos ang proseso ng paggagamot ilang minuto na ang nakakaraan. Ngumiti ng taimtim ang guwapong doktor kay Alicia. "May magandang balita, Alicia," sabi ng lalaki sa kalahating bulong. "Ano ito?" Kinusot ni Alicia ang kanyang mga mata. "Ano naman ang sakit ko? Okay lang ako, Fred?" Isang tawa ang lumabas sa labi ni Dr. Frederick. "Okay lang. Kung tutuusin, mas mabuti na ang kalagayan mo ngayon kaysa kahapon, unti-unti na itong bumuti ng ilang porsyento." Ang ngiti sa manipis na labi ni Dr. Frederick ay tila nakakahawa kay Alicia. Napangiti rin ng maluwag ang dalaga. "Salamat sa Diyos. Maraming salamat, Frederick, lagi kang nandiyan para sa akin. Tinulungan mo pa rin ako hanggang ngayon," sinsero na sabi ni Alicia. Tumango si Dr. Frederick. "You're welcome, Alie. Basta lagi mong i
Alas nuwebe na ng gabi. Madilim na. Kalalabas lang ni Woodley mula sa kanyang opisina. Kaswal siyang naglakad, kinukurot ang tungki ng ilong. Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ang masayang boses ni Walter na tila kinakausap ang sarili. “Honey, bakit hindi ka pa natutulog?” tanong ni Woodley, naupo sa tabi ni Walter. “Gusto ko pang maglaro, Daddy,” sagot ng bata, abala sa paglalaro. Napatingin si Woodley sa katamtamang laki ng koala doll ni Walter. Mukhang bago ito sa kanya. Naisip niya na si Mariana ang bumili nito para kay Walter. “Hmp, 'wag mong hawakan!” sigaw ng bata nang akmang hawakan ni Woodley ang manika at nagitla siya ng sunggaban siya ng anak.“Ito ang paborito kong manika, Daddy!” masayang sabi ni Walter. Napangiti si Woodley sa cute na ekspresyon ni Walter. “Bilisan mo ng malar, anak. Pagkatapos nito, matutulog na tayo para bukas ay maaga kang magising at hindi inaantok sa paaralan.”Biglang huminto si Walter sa paglalaro. Tumingala siya sa kanyang
"Alicia, pwede bang maghatid ka ng bulaklak sa address na ito? May importante akong event kasama ang partner ko mamaya." Lumapit si Sue kay Alicia at inilapag ang isang pink na papel na may nakasulat na address. KInuha ni Alicia ang papel at tumango. "Oo naman, Sue. Asikasuhin ko na 'to." "Salamat, Alicia! Aalis na ako." "Sige. Mag-ingat ka, Sue!" Nakangiting kinawayan ni Alicia ang kanyang kaibigan. Pagkaalis ni Sue sa shop, agad na nagsimulang magtrabaho si Alicia sa mga order, lalo na sa medyo mamahaling mga bouquet. Ang ilan sa mga napiling pulang rosas ay malalaki at maaring masira, kaya nag-ingat si Alicia sa paghawak. Inabot ng mahigit isang oras si Alicia bago natapos ang bouquet ng rosas. Nakahinga siya ng maluwag matapos itong maayos. "Sa wakas tapos na!" sabi ni Alicia, nasiyahan sa resulta ng kanyang trabaho. Nagmamadaling naghanda si Alicia para ihatid ang order. Alas siyete na ng umaga, at alas otso y medya ang appointment sa customer. Nagmamadaling lu
Nitong mga nakalipas na araw, si Walter at Alicia ay nagpapalipas ng oras sa kanilang simpleng bahay at walang kaalam-alam si Woodley. Silang dalawa lang ni Emerald ang nakakaalam ng lihim na pagkikita nila ng batang si Walter. Medyo hapon na nang dumating si Emerald para sunduin ang apo. Sa pagdating niya, napangiwi si Walter na nakita siya. Agad na niyakap ng bata si Alicia at nagtago sa likod ng katawan ng kanyang ina. "Bakit mo ako sinundo agad? Gusto ko pang makipaglaro kay Mommy!" galit na sigaw ng bata gaya ng dati. "Apo, babalik naman tayo bukas, kailangan lang nating umuwi ngayon." Sagot ni Emerald sabay upo sa isang upuan. Nagprotesta ang mukha ni Walter, napangiti naman si Alicia. Marahang hinawakan ng dalaga ang pisngi ni Walter. "Honey, today you need to go home with Lolo. Balik ka dito after school mo bukas, okay?" Hinalikan ni Alicia ang noo ni Walter. "Hmp,lolo naman. Gusto pa ni Walter makasama si Mommy." Huminga ng malalim si Emerald at binigyan ng ora
"Miss na rin ni Walter si Mommy, bakit hindi ka paron umuuwi, Mommy??" Agad namang hiniling ng bata kay Alicia na buhatin siya pagkatapos niyaya ng dalaga ang kanyang biyenan na pumasok sa loob ng bahay. Umupo si Emerald sa isang upuan sa sala. Napansin niyang ipinapakita ng apo niya ang kanyang spoiled side kay Alicia. Hindi na madilim at nagtatampo ang ekspresyon ni Walter tulad ng dati. "Ngayon masaya ka na ba? Nakita na ni Walter si Mommy niya?" natatawang sabi ni Emerald. "Opo Lolo! Sobrang saya ko na makita ulit si Mommy!" Kumportableng umupo ang bata sa kandungan ni Alicia at niyakap siya ng mahigpit. Tuwang-tuwang si Alicia, paulit-ulit niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ng anak bago nilingon ang biyenan. "Papa, kamusta po? Pasensya na po talaga, matagal na po tayong hindi nagkita," sabi ng dalaga na bahagyang ibinaba ang ulo. Ngumiti lang si Emerald, nakita ng lalaki na walang nagbago kay Alicia. Magalang pa rin ang pananalita niya at lagi siya nitong nirerespeto
Pagkauwi mula sa hapunan sa bahay ng kanyang mga magulang, naisip ni Woodley ang madalas na inireklamo sa kanya ni Walter, ito ay tungkol sa saloobin ni Mariana noong kasama niya ang kanyang anak. Napakilos si Woodley na maglakad patungo sa kwarto ni Walter dahan-dahan niyang binuksan ang kahoy na pinto sa kanyang harapan at nakita niya ang kanyang anak na naglalaro mag-isa. "Walter..." tawag sa kanya ni Woodley at pumasok doon. "Daddy!" Agad na tumayo ang bata at naglakad palapit sa kanya. "Saan ka pupunta?" Iniangat ni Woodley ang maliit na katawan ni Walter na ngayon ay payat na. "Walang pupuntahan si Daddy, gusto ni Daddy na makausap si Walter," sagot ni Woodley, muling isinara ang pinto ng kwarto ni Walter at naglakad pababa sa unang palapag. Napangiti ang anak, hinawakan ang leeg ni Woodley at isinandal ang ulo sa balikat nito. Pumasok silang dalawa sa opisina ni Woodley. Doon, umupo si Woodley at hinawakan si Walter sa kanyang kandungan na abala sa pagkuha ng panul
Ang tunog ng paulit-ulit na katok sa pinto sa labas ay parang matinding trauma para kay Alicia. Natatakot siya na baka si Woodley na naman ang dumating. Humiga na lang ang dalaga pagkatapos uminom ng gamot. Gayunpaman, ang marinig ang tunog ng katok sa pinto ay naging dahilan upang hindi makapagpahinga si Alicia. "Alicia...Nakauwi ka na diba? Alicia!" Nang marinig ni Alicia ang boses ni Dr. Frederick, agad siyang bumangon sa kama. Mabilis na naglakad ang dalaga. Bumukas ang puting kahoy na pinto, at totoo ngang nagpakita si Dr. Frederick. "Dr. Frederick," bulong ni Alicia na nakatingin sa kanya. Palaging nakangiti ang doktor gaya ng dati, itinaas niya ang dalawang kamay na ipinapakita ang paper bag na kasalukuyang dala. "Dinalhan kita ng tanghalian," sabi niya. "Hay naku Doc! Nag-abala ka pa! Eh, araw-araw naman akong nagluluto ng pagkain dito." sabi ng dalaga sabay bukas ng pinto ng bahay niya. Hindi siya pinansin ni Dr. Frederick at nagpatuloy sa paglalakad papasok
Ang mga segundo ay mas malala pa kaysa sa inaasahan ni Woodley. Matapos ang galit ni Alicia sa kanya, ang lalaki ay hindi makatulog buong gabi at ang pagkairita ay lumitaw sa lahat ng panig. Kahit kaninang umaga, tahimik na nakaupo si Woodley sa sala kasama si Secretary Edward na tahimik lang sa likod niya. “Sir, inayos na po ng mga katulong ang kwarto,” biglang sabi ni Secretary Edward. Walang tugon mula kay Woodley ng ilang segundo, hanggang sa tuluyan na itong nagsalita. "I don't feel like doing anything today," simpleng sagot ni Woodley. "Okay, Sir Woodley." Narinig ni Woodley ang tunog ng mga yabag na papasok sa bahay. Gayunpaman, hindi siya interesadong tingnan kung sino ang pumasok ngayon sa kanyang bahay. Nang makita ang pigura ni Mariana ay agad na iniwan ni Secretary Edward si Woodley at ang babae. "Good morning," sabi ni Mariana na matamis na nakangiti. Lumapit ang babae kay Woodley na tahimik na nakaupo habang nakatingin sa tanawin ng hardin at sa kaulapan
Kinabukasan, bumalik si Alicia sa trabaho. Gayunpaman, hindi tulad ng kanyang inaasahan, ang sitwasyon ngayon katulad pa rin noong nga nakaraang araw, tensyunado at magulo. Noong una ay inakala ni Alicia na magiging tahimik na ang kanyang trabaho at babalik na ang lahat sa normal pero nagkakamali siya. Mas pinaulanan siya ng batikos. At talagang hindi inaasahan ni Alicia na mangyayari ito, kahit na inalid na ang mga balita. 'Bakit ganyan sila makatingin? Hindi ba inalis ang balita kagabi?' Paulit-ulit na tanong ni Alicia habang nagtutugtog ng piano kahit na puno ng kaguluhan ang kanyang isip at puso. Hanggang sa biglang umupo ang ilang mga babae sa hindi kalayuan malapit sa kinauupuan ni Alicia. "Napakabait talaga ni Mr. Woodley, naglabas siya ng balita tungkol sa kabulukan ng makulit niyang asawa," sabi ng babaeng nakasuot ng matingkad na pulang damit. “You're right, Mr. Woodley is still willing to forgive his wife for cheating on him, what a extraordinary man," sabi ng i
Ilang araw ng uminit ang balita, sa wakas, nahuli at nahila ng mga tauhan ni Edward ang salarin na nagpakalat ng balita at dinala siya kay Woodley. Sa kanyang pribadong silid, tuwid na nakatayo si Woodley habang nakatingin sa isang lalaki sa kanyang harapan. Mukhang galit ang lalaki, parang hindi siya ang may gawa. "Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ng lalaki. "Tumahimik ka!" Sigaw ni Secretary Edward at sinipa ang lalaki sa likod ng tuhod hanggang sa lumuhod ito. Sinubukan ng lalaki na kalabanin si Secretary Edward, pero humakbang si Woodley papalapit sa kanya. "So ikaw...," Malamig na sabi ni Woodley. "Ikaw pala ang nagkalat ng balita tungkol sa aking asawa?" Inangat ng lalaki ang ulo para tingnan si Woodley. Kinabahan at namutla ito. "A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at hindi ko magaagwa 'yun!" sigaw ng lalaki. "Sabihin mo ang totoo, Marlo!!" utos ni Secretary Edward. "Marlo..." Banggit ni Woodley sa pangalan ng lalaki pero hindi niya ito ki
Madilim na, nananatili pa rin si Alicia sa bahay. Makalipas ang ilang minuto ay umalis si Dr. Frederick Chavez at babalik mamaya para dahan siya ng hapunan. Pinagbawalan ng lalaki si Alicia na lumabas ng bahay upang maka iwas sa mga pambabatikos ng mga tao dahil mainit pa ang mga isyu sa mga sandaling ito. Hanggang sa tuluyang tumunog ang doorbell, agad na napalingon sa pinto si Alicia na nakaupo sa family room. "Dr. Frederick," bulong niya at agad na tumayo. Mabilis na binuksan ni Alicia ang pinto. Ngunit muli, hindi si Dr. Frederick Chavez ang dumating, kundi isang lalaking kinamumuhian na ngayon ni Alicia. Si Woodley Campbell ay napatingin sa pulang mukha ni Alicia na halatang galing sa kaiiyak. "Bakit ka pa ba pumupunta dito?! Mas mabuti pang huwag ka ng magpapakita ulit!" bulalas ni Alicia, tinataboy si Woodley. Isasara na sana ni Alicia ang pinto ng kanyang bahay, ngunit mabilis na hinarangan ni Woodley ang pintuan at walang sapat na lakas si Alicia na pigilan si
Nabigla at nalungkot si Alicia sa mabilis na pagkalat ng mga gawa-gawang balita sa social media tungkol sa kanyang sarili at nadamay pa si Dr. Frederick Chavez sa ngayon. Lahat ng mata ay napatingin sa kanya na may mga mapait na panunuya at pambabatikos. Kahit na sa kanyang kasalukuyang pinagtatrabahuan, nakaramdam ng labis na kahihiyan si Alicia dahil sa mga poot na tingin at maririnig pa ang pangungutya ng ibang tao. "Ikaw na walang utang na loob na babae! Ang sarap na magkaroon ng asawang tulad ni Mr. Woodley, pero sa halip naisip mo bang makipagrelasyon sa iba!" Pamamahiya ng isang babae kasama ang iba niyang kaibigan. "Totoo, tingnan mo nga, isa lang siyang pianist sa isang restaurant kahit mayaman naman ang asawa niya! Walanghiyang babae!" dagdag pa ng babae, sarkastikong nakatingin kay Alicia. Ang maaanghang na panlalait na narinig ni Alicia ay nagpakirot sa kanyang puso. Bakit ba ang unfair ni Woodley sa kanya? Ano ba talaga ang gusto niya? Matapos siyang lumapit at