Naramdaman ni Alicia na humina ang kanyang kondisyon sa nakalipas na dalawang araw, mas tiyak noong nagkita ulit silang dalawa ni Woodley. Nagpasya si Alicia na pumunta sa ospital at sumailalim sa regular na paggamot. Si Dr. Chavez, ang doktor, ay mukhang nag-aalala matapos suriin si Alicia. "Bakit ganito ang kalagayan mo? Maayos ka naman noong mga nakaraan araw, Alicia. Ano bang nangyari sayo?" Tanong ni Dr. Chavez na nakatingin kay Alicia na nakahiga pa rin. Natahimik si Alicia saglit. "Okay lang ako," sagot niya. "Huwag kang magsinungaling, Alicia. Naramdaman kong may mali sa iyo."Tumingin ulit si Frederick sa kanya ng malalim. Kinagat-kagat ni Alicia ang kanyang labi. Napagtanto ni Alicia na hindi niya kayang itago ang lahat. "Doc, yung nagbigay ng tulong sa shop ni Sue, siya… si Woodley," ani Alicia. "Ano?!" Nagulat si Dr. Chavez. "Woodley? P-paano iyon nangyari?" Umiling si Alicia. "Hindi ko alam, Doc. Kahapon siya dumating, at nakaramdam ako ng takot dahil nakita
Kaninang umaga sa bahay ni Woodley, magkasama ang kanyang ina at si Mariana, tila nagkasundo ang dalawang babae. Nagalit si Merida nang marinig ang kwento ni Mariana na kagabi ay nakita nina Mariana at Woodley si Alicia kasama ang kanyang kasintahan. Hindi nagdalawang-isip si Merida na utusan ang kanyang anak na makipaghiwalay kay Alicia. "Ano pa bang aasahan mo sa isang babaeng katulad niya, Woodley! Halatang pinagtaksilan ka niya, niloko ka na niya ng harap-harapan!" Sigaw ni Merida. "Hiwalayan mo na siya!" Marahang tumikhim si Woodley. "Business ko 'to, Mom, ako na mismo ang bahalang magdedesisyon." "Tsk! Sana hindi mo na kailangang maghintay pa para itapon ang babaeng iyon!" Muling nagsalita si Merida. Marahang hinawakan ni Mariana ang kamay ni Merida at sinabing, "Huwag kang mag-alala, Tita, sigurado akong si Woodley may mahusay na desisyon si Woodley, hindi ba, Woodley?” Pero nanatiling tahimik si Woodley. Tahimik pa ring pinagmamasdan ni Merida ang kanyang anak.
Gabi na nang isara ni Alicia ang flower shop. Agad siyang pumasok sa kwarto at inilabas ang malaking bag niya saka inimpake lahat ng damit niya. Wala nang ibang pagpipilian si Alicia, nagpasya siyang umalis sa bahay nina Sue. Gusto niyang layuan si Woodley. "Alicia, tingnan mo ito, bukas marami tayong inorder na bulaklak—" Natigil si Sue nang buksan ni Alicia ang pinto ng kwarto niya. Natahimik si Sue at pumasok para panoorin si Alicia na nag-iimpake. "Oh My God, Alicia… Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Sue. Matamis na ngumiti si Alicia. "Sue, simula ngayon mag-isa na akong mamuhay. Gusto ko rin magkaroon ng sariling tirahan," paliwanag niya. "Tsk! Naku Alicia, paano kung may mangyari sa'yo?! Saan ka naman lilipat?" Lumapit si Sue kay Alicia at kinuha ang bag niya. Bakas sa mukha ni Sue na hindi siya sang-ayon sa desisyon ni Alicia. Kahit noong una ay tinulungan niya si Alicia dahil hiniling ito sa kanya ni Dr. Chavez, masaya siya na manatili si Alicia sa shop
Mabilis na lumipas ang ilang araw, naging abala si Alicia sa kanyang trabaho. Matapos mapagtanto na dumarami ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan, mula sa pagpapagamot, pagkain, at mga bayarin sa bahay, pinag-isipan ni Alicia kung papaano siya kikita ng maraming pera. Gumawa si Alicia ng magagandang imitasyon na mga dekorasyon at accessories ng bulaklak, at ibinenta niya ito sa tindahan nina Sue. "Grabe Alicia, tingnan mo! Ang dami mong order para sa dekorasyon ng mga bulaklak!" sigaw ni Sue na pumalakpak. Napangiti si Alicia at niyakap si Sue. "Hindi ko inaasahan Sue. Marami pala ang may gusto sa mga flower decoration na ginawa ko!" Masayang sabi ni Alicia. "Oo nga! Ang galing mo talaga, besh!" sigaw ni Sue, sabay thumbs up. Abala si Sue sa pagbibilang ng pera mula sa pagbebenta ng mga bulaklak na gawa ni Alicia na sa hindi inaasahang pagkakataon ay naubos ng napakabilis. Kasalukuyang nag-oorder ng bulaklak si Alicia nang biglang lumapit si Sue at inabot ang ila
"Paano ito nangyari, hija? Anong problema ninyong dalawa?!" Laking gulat nina Lucia at Lola Monica nang marinig ang balitang ikinuwento ni Alicia sa kanilang dalawa ang nangyaring hiwalayan nila ng asawang si Woodley. Ikinuwento rin ni Alicia ng tapat ang lahat mula sa simula ng kanilang kasal hanggang ngayon sa dalawang minamahal at pinagkakatiwalaang tao. Wala ng itinago si Alicia, maliban sa kanyang karamdaman. "Siguro dahil hindi kami compatible sa isa't isa, at hindi siguro kami ang nakatadhanang magsama kaya napagdesisyunan naming dalawa na maghiwalay nalang, Lola Monicai," sabi ni Alicia na malungkot na tumingin sa kanyang lola. Agad namang siyang niyakap ni Lucia ng napakahigpit ang pamangkin. Sa mga bisig ng kanyang Lola at tiyahin, hindi napigilan ni Alicia ang kanyang mga luha. Ang yakap na ito ay nagpadama kay Alicia na parang nakabalik na siya sa tahanan nila sa probinsya. "I'm sorry, Lola... hindi nagawa ko na tupad ang panga ko ko kay Lolo na aalagaan ko ang
Kinaumagahan, pumunta si Woodley sa flower shop ni Sue. Matapos ang mahabang gabi ay hindi siya mapakali dahil iniisip niya si Alicia. Sa pagkakataong ito, si Woodley na ang mismong nag-kumpirma kung nandoon pa ba si Alicia, o kung talagang umalis na siya. Sa pagdating ni Woodley, nagulat ang dalagang may-ari ng flower shop. Binuksan ni Sue ang pinto at kinakabahang tumingin kay Woodley. "G-good morning, sir," bati ni Sue, nakatayo sa tabi ng pinto at nakatingin kay Woodley. "Good morning, Miss Sue," maikling sagot ng lalaki. Naglakad papalapit sa kanya si Sue na punong-puno ng mga tanong at pagtataka na nananatili sa kanya. "Ano po bang ipinunta ninyo ngayon, Sir? May kina laman po ba ito sa akin o gusto niyo bang umorder ng flower arrangement?" tanong ni Sue na nakatingin kay Woodley na nakatayo pa rin sa harap ng mesa ng cashier. "Both," sagot ni Woodley. "O-okay,Sir, please sit down." Kumuha si Sue ng upuan at inilagay sa tabi ni Woodley. Ang guwapong lalaki na naka
Pagkalipas ng limang araw ay nasa Manila sina Lola Monica at Tita Lucia kasama si Alicia. Ngayon ay nagpaalam na silang babalik sa kanilang pinanggalingan, sa probinsya. Hinatid ngayon ni Alicia ang kanyang dalawang paboritong tao sa istasyon. Nalungkot ang dalaga sa kanilang pag-uwi, ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang manatili. Kailangan pa niyang tapusin ang negosyo niya rito. "Alicia, ipangako mo kay Auntie na babalik ka ulit sa probinsya," sabi ni Tita Lucia, kinusot pa ang pisngi ni Alicia. Masunurin namang tumango ang magandang dalaga. "Yes Tita, I promise na hahabol ako sa susunod." "Ingatan mong mabuti ang iyong sarili, apo. Sana ay maabutan mo kami kaagad." Naiiyak si Lola Monica at niyakap ng napakahigpit si Alicia. Malungkot ang araw ni Alicia ngayon, sa totoo lang gusto niya ng umuwi sa kanila. Gayunpaman, si Alicia ay walang sapat na pera sa ngayon, lalo na't ang kanyang katawan ay hindi maganda ang kalusugan. Napatingin si Alicia sa kanilang dalawa
Si Alicia ay tumigil sa pagtatrabaho sa lugar ni Sue mula kahapon. Nakatutok ngayon ang dalaga sa paghahanap ng bagong trabaho. Kaninang umaga, handa nang pumunta si Alicia na may dalang liham ng aplikasyon para sa trabaho, mula sa isang lugar patungo sa isa pa. "Sana ay hindi na ako umabot ng tanghali para makahanap ng trabaho, Diyos ko, pagbigyan niyo na sana." sabi ni Alicia na binilisan ang kanyang mga hakbang. Hanggang sa bigla siyang huminto sa harap ng isang musical instrument shop, nanatili doon si Alicia na nakatingin sa labas sa isang piano na nakakuha ng kanyang atensyon. Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. Naalala ni Alicia ang kanyang pagkabata, madalas siyang tumugtog ng piano at medyo bihasa siya dito. Sa katunayan, pangarap niya ang maging isang piyanista. Hanggang ngayon, ang pangarap na iyon ay nakatago pa rin sa pinakamalalim na sulok ng kanyang puso. Noong nakaraan, gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang music school, ngunit dahil sa limitadong pondo,
Nitong mga nakalipas na araw, si Walter at Alicia ay nagpapalipas ng oras sa kanilang simpleng bahay at walang kaalam-alam si Woodley. Silang dalawa lang ni Emerald ang nakakaalam ng lihim na pagkikita nila ng batang si Walter. Medyo hapon na nang dumating si Emerald para sunduin ang apo. Sa pagdating niya, napangiwi si Walter na nakita siya. Agad na niyakap ng bata si Alicia at nagtago sa likod ng katawan ng kanyang ina. "Bakit mo ako sinundo agad? Gusto ko pang makipaglaro kay Mommy!" galit na sigaw ng bata gaya ng dati. "Apo, babalik naman tayo bukas, kailangan lang nating umuwi ngayon." Sagot ni Emerald sabay upo sa isang upuan. Nagprotesta ang mukha ni Walter, napangiti naman si Alicia. Marahang hinawakan ng dalaga ang pisngi ni Walter. "Honey, today you need to go home with Lolo. Balik ka dito after school mo bukas, okay?" Hinalikan ni Alicia ang noo ni Walter. "Hmp,lolo naman. Gusto pa ni Walter makasama si Mommy." Huminga ng malalim si Emerald at binigyan ng ora
"Miss na rin ni Walter si Mommy, bakit hindi ka paron umuuwi, Mommy??" Agad namang hiniling ng bata kay Alicia na buhatin siya pagkatapos niyaya ng dalaga ang kanyang biyenan na pumasok sa loob ng bahay. Umupo si Emerald sa isang upuan sa sala. Napansin niyang ipinapakita ng apo niya ang kanyang spoiled side kay Alicia. Hindi na madilim at nagtatampo ang ekspresyon ni Walter tulad ng dati. "Ngayon masaya ka na ba? Nakita na ni Walter si Mommy niya?" natatawang sabi ni Emerald. "Opo Lolo! Sobrang saya ko na makita ulit si Mommy!" Kumportableng umupo ang bata sa kandungan ni Alicia at niyakap siya ng mahigpit. Tuwang-tuwang si Alicia, paulit-ulit niyang hinalikan ang tuktok ng ulo ng anak bago nilingon ang biyenan. "Papa, kamusta po? Pasensya na po talaga, matagal na po tayong hindi nagkita," sabi ng dalaga na bahagyang ibinaba ang ulo. Ngumiti lang si Emerald, nakita ng lalaki na walang nagbago kay Alicia. Magalang pa rin ang pananalita niya at lagi siya nitong nirerespeto
Pagkauwi mula sa hapunan sa bahay ng kanyang mga magulang, naisip ni Woodley ang madalas na inireklamo sa kanya ni Walter, ito ay tungkol sa saloobin ni Mariana noong kasama niya ang kanyang anak. Napakilos si Woodley na maglakad patungo sa kwarto ni Walter dahan-dahan niyang binuksan ang kahoy na pinto sa kanyang harapan at nakita niya ang kanyang anak na naglalaro mag-isa. "Walter..." tawag sa kanya ni Woodley at pumasok doon. "Daddy!" Agad na tumayo ang bata at naglakad palapit sa kanya. "Saan ka pupunta?" Iniangat ni Woodley ang maliit na katawan ni Walter na ngayon ay payat na. "Walang pupuntahan si Daddy, gusto ni Daddy na makausap si Walter," sagot ni Woodley, muling isinara ang pinto ng kwarto ni Walter at naglakad pababa sa unang palapag. Napangiti ang anak, hinawakan ang leeg ni Woodley at isinandal ang ulo sa balikat nito. Pumasok silang dalawa sa opisina ni Woodley. Doon, umupo si Woodley at hinawakan si Walter sa kanyang kandungan na abala sa pagkuha ng panul
Ang tunog ng paulit-ulit na katok sa pinto sa labas ay parang matinding trauma para kay Alicia. Natatakot siya na baka si Woodley na naman ang dumating. Humiga na lang ang dalaga pagkatapos uminom ng gamot. Gayunpaman, ang marinig ang tunog ng katok sa pinto ay naging dahilan upang hindi makapagpahinga si Alicia. "Alicia...Nakauwi ka na diba? Alicia!" Nang marinig ni Alicia ang boses ni Dr. Frederick, agad siyang bumangon sa kama. Mabilis na naglakad ang dalaga. Bumukas ang puting kahoy na pinto, at totoo ngang nagpakita si Dr. Frederick. "Dr. Frederick," bulong ni Alicia na nakatingin sa kanya. Palaging nakangiti ang doktor gaya ng dati, itinaas niya ang dalawang kamay na ipinapakita ang paper bag na kasalukuyang dala. "Dinalhan kita ng tanghalian," sabi niya. "Hay naku Doc! Nag-abala ka pa! Eh, araw-araw naman akong nagluluto ng pagkain dito." sabi ng dalaga sabay bukas ng pinto ng bahay niya. Hindi siya pinansin ni Dr. Frederick at nagpatuloy sa paglalakad papasok
Ang mga segundo ay mas malala pa kaysa sa inaasahan ni Woodley. Matapos ang galit ni Alicia sa kanya, ang lalaki ay hindi makatulog buong gabi at ang pagkairita ay lumitaw sa lahat ng panig. Kahit kaninang umaga, tahimik na nakaupo si Woodley sa sala kasama si Secretary Edward na tahimik lang sa likod niya. “Sir, inayos na po ng mga katulong ang kwarto,” biglang sabi ni Secretary Edward. Walang tugon mula kay Woodley ng ilang segundo, hanggang sa tuluyan na itong nagsalita. "I don't feel like doing anything today," simpleng sagot ni Woodley. "Okay, Sir Woodley." Narinig ni Woodley ang tunog ng mga yabag na papasok sa bahay. Gayunpaman, hindi siya interesadong tingnan kung sino ang pumasok ngayon sa kanyang bahay. Nang makita ang pigura ni Mariana ay agad na iniwan ni Secretary Edward si Woodley at ang babae. "Good morning," sabi ni Mariana na matamis na nakangiti. Lumapit ang babae kay Woodley na tahimik na nakaupo habang nakatingin sa tanawin ng hardin at sa kaulapan
Kinabukasan, bumalik si Alicia sa trabaho. Gayunpaman, hindi tulad ng kanyang inaasahan, ang sitwasyon ngayon katulad pa rin noong nga nakaraang araw, tensyunado at magulo. Noong una ay inakala ni Alicia na magiging tahimik na ang kanyang trabaho at babalik na ang lahat sa normal pero nagkakamali siya. Mas pinaulanan siya ng batikos. At talagang hindi inaasahan ni Alicia na mangyayari ito, kahit na inalid na ang mga balita. 'Bakit ganyan sila makatingin? Hindi ba inalis ang balita kagabi?' Paulit-ulit na tanong ni Alicia habang nagtutugtog ng piano kahit na puno ng kaguluhan ang kanyang isip at puso. Hanggang sa biglang umupo ang ilang mga babae sa hindi kalayuan malapit sa kinauupuan ni Alicia. "Napakabait talaga ni Mr. Woodley, naglabas siya ng balita tungkol sa kabulukan ng makulit niyang asawa," sabi ng babaeng nakasuot ng matingkad na pulang damit. “You're right, Mr. Woodley is still willing to forgive his wife for cheating on him, what a extraordinary man," sabi ng i
Ilang araw ng uminit ang balita, sa wakas, nahuli at nahila ng mga tauhan ni Edward ang salarin na nagpakalat ng balita at dinala siya kay Woodley. Sa kanyang pribadong silid, tuwid na nakatayo si Woodley habang nakatingin sa isang lalaki sa kanyang harapan. Mukhang galit ang lalaki, parang hindi siya ang may gawa. "Bitawan mo ako!" Pagpupumiglas ng lalaki. "Tumahimik ka!" Sigaw ni Secretary Edward at sinipa ang lalaki sa likod ng tuhod hanggang sa lumuhod ito. Sinubukan ng lalaki na kalabanin si Secretary Edward, pero humakbang si Woodley papalapit sa kanya. "So ikaw...," Malamig na sabi ni Woodley. "Ikaw pala ang nagkalat ng balita tungkol sa aking asawa?" Inangat ng lalaki ang ulo para tingnan si Woodley. Kinabahan at namutla ito. "A-anong ibig mong sabihin? Hindi ko alam ang pinagsasabi mo at hindi ko magaagwa 'yun!" sigaw ng lalaki. "Sabihin mo ang totoo, Marlo!!" utos ni Secretary Edward. "Marlo..." Banggit ni Woodley sa pangalan ng lalaki pero hindi niya ito ki
Madilim na, nananatili pa rin si Alicia sa bahay. Makalipas ang ilang minuto ay umalis si Dr. Frederick Chavez at babalik mamaya para dahan siya ng hapunan. Pinagbawalan ng lalaki si Alicia na lumabas ng bahay upang maka iwas sa mga pambabatikos ng mga tao dahil mainit pa ang mga isyu sa mga sandaling ito. Hanggang sa tuluyang tumunog ang doorbell, agad na napalingon sa pinto si Alicia na nakaupo sa family room. "Dr. Frederick," bulong niya at agad na tumayo. Mabilis na binuksan ni Alicia ang pinto. Ngunit muli, hindi si Dr. Frederick Chavez ang dumating, kundi isang lalaking kinamumuhian na ngayon ni Alicia. Si Woodley Campbell ay napatingin sa pulang mukha ni Alicia na halatang galing sa kaiiyak. "Bakit ka pa ba pumupunta dito?! Mas mabuti pang huwag ka ng magpapakita ulit!" bulalas ni Alicia, tinataboy si Woodley. Isasara na sana ni Alicia ang pinto ng kanyang bahay, ngunit mabilis na hinarangan ni Woodley ang pintuan at walang sapat na lakas si Alicia na pigilan si
Nabigla at nalungkot si Alicia sa mabilis na pagkalat ng mga gawa-gawang balita sa social media tungkol sa kanyang sarili at nadamay pa si Dr. Frederick Chavez sa ngayon. Lahat ng mata ay napatingin sa kanya na may mga mapait na panunuya at pambabatikos. Kahit na sa kanyang kasalukuyang pinagtatrabahuan, nakaramdam ng labis na kahihiyan si Alicia dahil sa mga poot na tingin at maririnig pa ang pangungutya ng ibang tao. "Ikaw na walang utang na loob na babae! Ang sarap na magkaroon ng asawang tulad ni Mr. Woodley, pero sa halip naisip mo bang makipagrelasyon sa iba!" Pamamahiya ng isang babae kasama ang iba niyang kaibigan. "Totoo, tingnan mo nga, isa lang siyang pianist sa isang restaurant kahit mayaman naman ang asawa niya! Walanghiyang babae!" dagdag pa ng babae, sarkastikong nakatingin kay Alicia. Ang maaanghang na panlalait na narinig ni Alicia ay nagpakirot sa kanyang puso. Bakit ba ang unfair ni Woodley sa kanya? Ano ba talaga ang gusto niya? Matapos siyang lumapit at