CHAPTER 150“Sinabi mo rin sa akin noon na kaya mo ako pinanatili sa tabi mo ay dahil kamukhang kamukha ko ang isang tao na hindi mo makuha. At hindi ako ang tao na iyon. Isa lang akong anino niya at ang anino ng babae na matagal mo ng pinapangarap pero hindi mo kailanman nakuha,” seryoso pa nga na sabi ni Karylle kay Jeffrey.Hindi kailanman naging sunud sunuran si Karylle pero hindi rin diya kailanman nagpakasama para tularan ang babae na iyon. Siya ay ligaw, walang takot at determinado. At ang gustong mangyari ngayon ni Karylle ay ipamukha kay Jeffrey ang malaking pagkakaiba nila ng babae na iyon.“Jeffrey tandaan mo na hindi ako ang babae na iyon,” sabi pa ni Karylle at isang malamig na ngiti nga ang pumaskil sa labi ng dalaga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “At hindi ko rin nais na maging siya.”Banayad pa nga na ngumiti si Karylle saka nya marahang idinampi ang kanyang labi sa labi ni Jeffrey. At isang halik nga iyon na walang anumang init o pagmamahal. Pagkatapos nga na
Terakhir Diperbarui : 2025-03-07 Baca selengkapnya