“Ginawa mo na ang lahat para sa kanya. Ayaw mo ba talagang ipaalam sa kanya ito?” paos ang boses na tanong ni Jeffrey kay Karylle.Bahagya naman ngang nanigas ang katawan ni Karylle at ilang saglit pa nga siyang natigilan kaya naman saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago nga nagsalita si Karylle.“Sa tingin mo ba ay mabuti iyon?” sagot ni Karylle sa binata. “May sarili naman na siyang buhay kaya hindi na siguro niya kailangang malaman ang tungkol sa akin,” dagdag pa nya.Bahagya naman nga na bumigat ang paghinga ni Jeffrey dahil sa naging sagot na iyon ni Karylle.“Talagang walang pag iimbot ang pagmamahal mo kay Sophia,” may halong panunuya na sagot ni Jeffrey kay Karylle,Napapikit naman nga sandali si Karylle at pilit nga niyang nilalabanan ang kanyang emosyon at para bang may kung ano nga na nakabara sa kanyang lalamunan.“Jeffrey alam mo naman kung gaano kahalaga si Sophia sa akin,” sahot ni Karylle.Napangisi naman si Jeffrey dahil sa sinabi na iyon ni Karyll
Last Updated : 2025-03-04 Read more