공유

CHAPTER 149.3

작가: Phoenix
last update 최신 업데이트: 2025-03-06 23:11:36

Hinawakan naman nga ni Karylle ang pisngi ng binata at saka nya nga ito matamis na nginitian.

“Sayang naman ang ganda kong ito kung hindi ko ipapakita sa mundo,” nakangiti pa na sabi ni Karylle.

Tahimik naman na tinititigan ni Jeffrey si Karylle. Siya kasi ang dahilan kung paano nahubog ang isang inosenteng dalaga na nasa kanyang harapan. Siya rin ang saksi sa paghubog nito na mula sa pagiging isang batang walang muwang hanggang sa pagiging isang babae na may mapang akit na alindog.

At ngayon nga ang kanyang munting ibon na dati ay nasa hawla ay nagsasabi sa kanya na hindi lang siya lilipad papalayo kundi papadok nga ito mismo sa pinakamalaking kulungan sa mundo—ang mundo ng industriya na kung saan makikita at makikilala nga siya ng lahat.

“Kapag pumasok ka na sa mundong iyon ay wala na iyong atrasan,” paalala ni Jeffrey kay Karylle.

“At bakit ko naman gugustuhin na umatras?” sagot ni Karylle habnang may kakaiba ngang ningning sa mga mata nito na tila ba punong puno ito ng kasabikan a
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

관련 챕터

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 150.1

    CHAPTER 150“Sinabi mo rin sa akin noon na kaya mo ako pinanatili sa tabi mo ay dahil kamukhang kamukha ko ang isang tao na hindi mo makuha. At hindi ako ang tao na iyon. Isa lang akong anino niya at ang anino ng babae na matagal mo ng pinapangarap pero hindi mo kailanman nakuha,” seryoso pa nga na sabi ni Karylle kay Jeffrey.Hindi kailanman naging sunud sunuran si Karylle pero hindi rin diya kailanman nagpakasama para tularan ang babae na iyon. Siya ay ligaw, walang takot at determinado. At ang gustong mangyari ngayon ni Karylle ay ipamukha kay Jeffrey ang malaking pagkakaiba nila ng babae na iyon.“Jeffrey tandaan mo na hindi ako ang babae na iyon,” sabi pa ni Karylle at isang malamig na ngiti nga ang pumaskil sa labi ng dalaga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “At hindi ko rin nais na maging siya.”Banayad pa nga na ngumiti si Karylle saka nya marahang idinampi ang kanyang labi sa labi ni Jeffrey. At isang halik nga iyon na walang anumang init o pagmamahal. Pagkatapos nga na

    최신 업데이트 : 2025-03-07
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 150.2

    Kanina nga lang ay mariin na tinanggihan ni Karylle ang kasal na sinasabi ni Jeffrey ngunit sa isang iglap nga ay heto sya at may ngiti sa labi at buong puso na yumuyuko sa binata.“Sigurado ka na ba? Pinag idipan mo na ba itong mabuti?” tanong ni Jeffrey kay Karylle habang malamig nga niyang pinagmamasdan ang dalaga na pilit nagpapalubag loob sa kanya. At wala ngang bakas ng pagiging malambot sa kanyang mga mata.“Syempre naman. Matagal ko ng pinag isipan iyan. Wala akong ibang nais kundi ang mapangasawa ng isang Mr. Jeffrey Cristobal,” sagot pa ni Karylle habang may matamis nga na ngiti sa kanyang mga labi.Kung iisipin nga naman ay ano ba ang masama sa pagpapakasal kay Jeffrey?Si Jeffrey lang naman ang tagapagmana ng pamilya Cristobal. At siya nga ang magiging tunay na madam ng pamilya at wala na ngang hihigit pa na posisyon dito. Kaya ano pa nga ba ang hindi niya makukuha kapag isa na siyang ganap na Madam Karylle Cristobal?Maliban na nga lang talaga sa kalayaan na matagal na n

    최신 업데이트 : 2025-03-07
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 151.1

    CHAPTER 151Mabilis nga na natukoy ni Sophia ang mga pyesa at wala ngang kahirap hirap na binuo ang mga ito. Mas mabilis pa nga ang kilos niya kaysa sa ibang mga kalahok at ang naging resulta nga noon ay bumasag sa dating record.Nang humarap nga si Sophia sa panayam ng isang reporter ay bakas nga sa kanyang mukha ang maliwanag, matapang at walang takot na ngiti.“Ako nga pala si Sophia. At ang paligsahan na ito ay simula pa lamang. Magtatayo ako ng mas mabilis at mas matibay na mga modelo at lilikha ako ng sarili kong brand ng sasakyan,” buong kumpiyansa pa na sabi ni Sophia.At doon na nga natapos ang video na iyon.Ang mga tao nga na nag iingay sa internet na nagsasabi na ang paggawa ng sasakyan ay hindi para sa mga babae ay bigla na nga lang natahimik. At kahit pa nga may ilan na pilit pa rin na binababa ang tagumpay ni Sophia ay agad din nga silang napahiya ng pinaliwanag ng mga nakakaalam ng kompetisyon kung gaano nga ito kahalaga.“Ang paligsahan na ito ay ang pinaka kagalang g

    최신 업데이트 : 2025-03-09
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 151.2

    **********Sa kabilang banda naman si Raymond ay bahagya ngang naningkit ang mga mata habang tinitingnan ang mga komento sa internet. Maya maya nga ay bumaling ang tingin niya kay Sophia na abala sa pagdidilig ng mga halaman.Palagi nga lamang simple ang ayos ni Sophia kapag nasa bahay ito ngunit kahit nasa loob nga lang ito ay tila hindi pa rin nga siya kubusang nakaka relax. Marahil ay dahil matagal na siyang nasanay na nakasuot ng maskara na sanay sa ilaw ng entablado at sa palakpakan ng madla. Bahagya nga na umubo si Raymond saka nya nga kinuha ang pandilig. Pag aari niya rin ang bahay na ito kaya bakit hindi niya ito tulungan? Pero bago pa man nga niya maibuhos ang tubig ay agad siyang tinitigan ni Sophia.Kaya naman napakunot nga ang noo ni Raymond dahil wala pa naman nga siyang sinasabi.Bagamat hindi nga tumutol si Sophia ay tila ba may kung anong gumapang sa pakiramdam ni Raymond dahil sa titig na iyon.“Hindi mo pwedeng basta basta na lamang diligan ang mga iyan. Hindi ni

    최신 업데이트 : 2025-03-09
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 152.1

    CHAPTER 152Si Angelo Mendoza ay ang pangalawang anak ng pamilya Mendoza ay kilala bilang palabiro at mahilig sa kalokohan lalo na at ang kanyang nakatatandang kapatid ang tagapagmana ng kanilang negosyo. Pero sa kabila nga ng kanyang tila walang interes sa negosyo ng pamilya ay may malalim siyang pakikitungo at ugnayan kila Raymond at Jeffrey.Gayunpaman medyo wala ngang preno ang dila ni Angelo sa pagsasalita kaya naman palaging nag alala si Raymond na baka may masabi siyang hindi dapat marinig o ipalabas.Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakawalan ni Raymond bago nya muling tiningnan si Sophia.“Sophia saglit lang. Sasagutin ko lamang ang tawag na ito,” sabi ni Raymond kay Sophia.Hindi naman siya pinigilan ni Sophia. Dahil kahit naman magkasintahan nga silang dalawa ay alam naman nilang kailangan pa rin nilang bigyan ang isa’t isa ng kaunting pribadong espasyo.“Hindi ko na alam kung ano ba ang iisipin ko. Para akong nasa isang mundo na guguho na lang bigla dahil h

    최신 업데이트 : 2025-03-10
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 152.2

    Pero sa totoo lang ay wala namang may makalumang pag iisip sa pamilya Mendoza. At ang dahilan nga kung bakit hindi nila hinabol si Sophia noon ay dahil hindi pa kumalat ang balita ng divorce na nga ito kay Francis. Pero sino nga ba ang mag aakala na mauunahan sila ni Raymond?Pero ano pa nga ba ang magagawa ni Angelo ngayon dahil hindi naman nga niya magawang magreklamo. At sa huli nga ay wala siyang nagawa kundi ang lunukin ang pagkainis niya.**********“Tumawag nga pala ang kaibigan ko kanina. Gusto mo ba siyang makilala?” deretsahan nga na sinabi ni Raymond kay Sophia ang tungkol sa relasyon niya pamilya Mendoza.“Sabihin mo lang kung kailan at saan,” nakangiti naman na sagot kaagad ni Sophia at talagang hindi na nga siya tumanggi rito.Nang marinig nga ni Raymond na pumayag si Sophia ay napatikhim nga siya bigla.“B-Baka nga pala makilala mo na rin si Jeffrey Cristobal,” sabi ni Raymond.Napakurap kurap naman si Sophia dahil sa sinabi na pangalan ni Raymond.“J-Jeffrey Cristoba

    최신 업데이트 : 2025-03-10
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 153.1

    CHAPTER 153Samantala naman katatapos lang basahin ni Sophia ang ilang kontrata bago ang itinakdang pagkikita nila nina Jeffrey at Angelo.Alam naman ni Sophia na mayroon talagang mga lalaki na walang kwenta. Paano na nga ba ang kasabihan na ang anyo ng asawa ay siyang dangal ng may bahay. Bagama’t hindi pa nga nasa ganoong relasyon sila Raymond at Sophia ay madalas naman itong nagpipigil sa harap ng iba. Kaya naman gusto rin nga ni Sophia na ipanalo ang laban para kay Raymond.Kung tutuusin ang ginagampanan na nga nito na papel ay parang sugar daddy at munting bituin sa buhay niya kaya naman hindi na rin imposible na lambingin ito paminsan minsan.Kaya naman nag ayos nga ng maigi si Sophia ngayon. Nagsuot nga siya ng bestida at naglagay na rin nga siya ng simpleng make up lamang kaya naman nagmukha nga siyang parang isang makinang na bituin na handang maglakad sa red carpet anumang sandali.Nang makita nga ni Raymond ang ayos na iyon ni Sophia ay hindi nga niya naiwasan na mapaluno

    최신 업데이트 : 2025-03-11
  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 153.2

    Nang mapansin nga ito ni Sophia ay hindi nga niyamaiwasan na mapakunot ang noo habang nakataas ang kilay.“Linoloko mo ba ako?” tanong ni Sophia kay Raymond.“Hindi ko magagawa ang bagay na yun Sophia,” sagot naman ni Raymond pero ang mga mata nga nito ay nanatiling mapanukso.At kahit nga tapos na niyang ayudin ang seatbelt ni Sophia ay hindi pa rin nga siya lumayo kay Sophia. Bagkus ang kamay nga niya na nakahawk sa buckle ay biglang gumapang papunta sa kanyang baywang.Bigal naman ngang napapitlag si Sophia. Alam niyang sensitive ang bahaging iyon at bihira nga diyang hawakan ni Raymond doon. Pero sa mga oras nga na iyon ay hindi nga siya umiwas. At sa halip nga ay bahagya pa nga siyang nanginig dahil sa mainit na palad ng binata.Nakalaylay nga ang mahabng buhok ni Sophia sa likurannniya at kahit nga wala siyang kahit na naong kolorete sa mukha sa malapitan ay lalo pa ngang lumutang ang kanyang natatanging ganda na simple lang at tila ba napakabata nga nitong tingnan.Ang maouti n

    최신 업데이트 : 2025-03-11

최신 챕터

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 215.2

    “Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 215.1

    CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.3

    Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.2

    “Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 214.1

    CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 213.3

    Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 213.2

    Pero kailan nga ba nagsimula na palitan ang gamot na iyon? Bago ba o pagkatapos ng pagkakalaglag ng batang nasa sinapupunan ni Sophia?Tahimik nga na tiningnan ni Dr. Gerome ang report na iyon. At lalo lamang ngang bumigat ang pakiramdam niya.Akala niya ang Shawn Hospital ay isang ligtas na tahanan at isang lugar na kontrolado niya. Pero hindi nga niya inaasahan na may ibang kamay na pala ang humahawak sa loob nito.Napansin naman nga nina Harold at Louie ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Dr. Gerome. Pareho pa nga silang napatingin sa kanya na puno ng kaba.“May problema ba sa mga gamot mo?” hindi na nga napigilan na tanong ni Harold ay Dr. Gerome.Alam kasi niya na para bang may kakaiba nga roon. At ramdam na ramdam nga niya ito noon pa dahil hindi nga ganito si Sophia.Hindi kasi kailanman naging ganito kabaliw si Sophia. Siya kasi ang klase ng tao na paagi ngang kalmado at kontrolado ang kanyang sarili. Kahit noon pa man na napilitan nga itong lumagda sa kontrata na k

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 213.1

    CHAPTER 213Kinabukasan nga ay maaga nga na isinalang ni Dr. Gerome si Sophia sa iba’t ibang klase ng test para malaman nga niya kung bakit hindi pa rin nga gumagaling si Sophia.At nang lumabas na nga ang resulta ng lahat ng ginawang test kay Sophia ay napakunot na lamang nga ang noo ni Dr. Gerome habang tinitingnan nga niya ito.Bagamat nagreseta nga siya ng mga gamot na pampalakas ng dugo para kay Sophia ay kitang kita naman nga na lalo nga na nanghihina ang katawan nito. At para bang may sintomas nga ito ng matinding pagkawala ng dugo at higit pa nga roon ay tila ba naapektuhan na rin nga ang kanyang utak.Isang maling galaw nga lang at maaari nga na tuluyan na itong mauwi sa bipolar disorder. Sa mga nakalipas kasi na mga araw ay napapansin nga ni Dr. Gerome na lalo ngang nagiging magulo at hindi na makatwiran ang mga kilos ni Sophia. Kaya nagtataka nga siya kung bakit nga ba ito humantong sa ganito.“Ano ba ang mga kinakain niya nitong mga nakaraang mga araw? unot noo nga na tan

  • The Regret of my Billionaire Ex-Husband   CHAPTER 212.3

    Ang tanging laman ng puso ni Sophia ngayon ay si Raymond lang at wala ng iba pa.Tinitigan nga ni Sophia si Francis at nagtagpo nga ang malamig nilang mga mata at si Sophia na nga rin ang dahan-dahan na umiwas dito. Wala nga ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. At wala na talaga siyang pakialam ngayon kay Francis.Dapat nga ay noon pa ito nangyari sa mismong araw ng kanilang paghihiwalay. At wala na ring dahilan pa par sa matinding damdamin sa pagitan ng isang dating mag-asawa.“Francis,” mahinang sabi ni Sophia. “Ang dami mong naging malasakit sa butihin mong tiyo. Pero tingnan na lang natin kung kaya mong protektahan ang mga binti niya,” malamig pa na sabi ni Sophia.Pagasabi nga ni Sophia no’n ay unti-unti na nga na umangat ang bintana ng kotse at tuluyan na nga na isinarado ang pagitan nila.Tuluyan na nga na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Sophia. At naiwan nga si Francis na nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang papalayong anyo ni Sophia. At sa ilali

좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status