Napaka detalye nga ng mga impormasyon tungkol kay Raymond. Siguro ay matagal na nga na inimbestigahan ni Jeffrey si Raymond dahil alam nya na darating nga ang araw na hihingin ito ng dalaga.Nakasulat nga roon ang buong kasaysayan ng buhay ni Raymond at pati na rin nga ang isang malinaw na diagram ng ugnayan sa loob ng pamilya Villamayor. At kahit nga ang listahan ng mga babae na naugnay kay Raymond ay naroon din at nagpapakita nga na malinis nga ito.Ngunit sa pinaka ilalim nga ng mga papel na iyon ay isang pangalan nga ang pumukaw ng pansin ni Karylle. Dahil kasama nga rin sa mga impormasyon na iyon ang kasalukuyang pagkakakilanlan ni Sophia. At siya pala ang utak sa likod ng Prudence.Pinaalalahanan at nagbabala naman din nga si Jeffrey kay Karylle na hindi kailanman naging simpleng tao si Sophia. Dahil ito nga mismo ang kapital.Ang relasyon kasi nila Raymond at Sophia ay isang laro ng damdamin na sila lamang nga talaga ang nakakaunawa. At sa estado nga ni Sophia ngayon ay malabo
“Ginawa mo na ang lahat para sa kanya. Ayaw mo ba talagang ipaalam sa kanya ito?” paos ang boses na tanong ni Jeffrey kay Karylle.Bahagya naman ngang nanigas ang katawan ni Karylle at ilang saglit pa nga siyang natigilan kaya naman saglit na katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago nga nagsalita si Karylle.“Sa tingin mo ba ay mabuti iyon?” sagot ni Karylle sa binata. “May sarili naman na siyang buhay kaya hindi na siguro niya kailangang malaman ang tungkol sa akin,” dagdag pa nya.Bahagya naman nga na bumigat ang paghinga ni Jeffrey dahil sa naging sagot na iyon ni Karylle.“Talagang walang pag iimbot ang pagmamahal mo kay Sophia,” may halong panunuya na sagot ni Jeffrey kay Karylle,Napapikit naman nga sandali si Karylle at pilit nga niyang nilalabanan ang kanyang emosyon at para bang may kung ano nga na nakabara sa kanyang lalamunan.“Jeffrey alam mo naman kung gaano kahalaga si Sophia sa akin,” sahot ni Karylle.Napangisi naman si Jeffrey dahil sa sinabi na iyon ni Karyll
CHAPTER 148Narinig naman nga ni Raymond ang tunog ng pagputol ng tawag bago tuluyang na-block ni Jeffrey ang kanyang numero. Napabuntong hininga na lamang nga talaga siya nang marinig na nga niya ang beep na tunog nito.Hindi nga kasi magawang kontrolin ni Jeffrey ang babae niya kay si Raymond nga ang napagbuntonan nya ng galit dahil sa pang aasar nito sa kanya. Limang taon na kasing sinusubukan ni Jeffrey na palambutin ang puso ni Karylle peto hindi nga niya magawa. Kaya dino nga ba ang dapat niyang sisihin? Siguro ay ang pagiging kakaiba nga nito ang isa sa mga dahilan. Kung natuto lang sana nga si Jeffrey na magpakita ng tapat na damdamin ay matagal na nya sigurong nakuha ang nais niya. Hindi na sana sya nagsasayang ng oras hanggang ngayon.Wala namang balak si Raymond na pakialaman ang buhay pag ibig ni Jeffrey.May sarili ngang matatalik na kaibigan si Francis at ganoon din nga si Raymond. Ngunit ang mga dating kasamahan nga niya sa inuman ay hindi kabilang sa mga ito. Sa kab
Pinilit nga ni Jeffrey na angkinin ang dalaga nang hindi man lang nag alok ng pagmamahal. Para kay Jeffrey si Karylle ay parang isang alagang hayop na pinananatili sa kanyang tabi at ang isang alagang hayop ay hindi kailanman maaaring maging kasintahan.Katulad nga ng tawag niya kay Karylle na Little Fox— ay paano nga ba magkakaroon ng pag ibig sa pagitan ng isang soro at isang tao? At higit sa lahat ang isang tao na sanay na sa pagiging makapangyarihan ay paano siya bababa para ipakita ang tunay na pagmamahal?“Kapag natuklasan niya ang lahat ay malalaman nga niya na hindi na siya kailangan ni Sophia at aalis na siya sa’yo,” deretsahan na sabi ni Raymond at para bang wala nga siyang pakialam kung masasaktan man si Jeffrey.Nanatili naman nga na tahimik si Jeffrey. Habang lihim naman nga na natutuwa si Raymond. Dahil masarap nga sa kanyang pakiramdam na patahimikin ang isamg katilad ni Jeffrey na isang tuso at mapanirang tao.Pero natigilan nga rin bigla si Raymond ng bigla ngang mag
CHAPTER 149Pagkamulat nga ng mga mata ni Karylle ay saglit pa nga siyang natigilan nang magtagpo ang kanilang tingin ni Jeffrey na nasa kanyang harapan. Ilang saglit pa nga siyang tahimik na tumitig lamang sa binata.Wala na nga ang bakas ng napakasimpleng ugali ni Karylle kagabi noong nakikiusap sya sa binata.Halata naman na gising na nga si Karylle pero sa halip nga na magsalita ay tiningnan lamang nga niya si Jeffrey habang nakataas ang kilay. Kinuha nga niya mula sa kamay ng binata ang showerhead at nagsimula na nga siyang banlawan ang kanyang sarili.Ramdam pa rin nga talaga ni Karylle ang hapdi at sakit ng kanyang buong katawan kaya naman napasandal na lang nga siya sa malamig na pader at saka nga niya binago ang temperatura ng tubig mula sa malamig patungong mainit. Napabuntong hininga na lamang nga talaga si Karylle dahil bigla ngang nakaramdam siya ng kaginhawaan sa kanyang katawan.“Karylle bilisan mo ng magbanlaw r’yan at magbihis. Kukunin na natin ang certificate,” sabi
At sa isang kisapmata nga ay para ngang naging isang tusong soro na naglalaro ng apoy si Karylle.“Mr. Jeffrey Cristobal wag mong gamitin ang katawa tawang kasal na iyon para itali ako sa transaksyon na ito,” sabi pa ni Karylle na may halong panghahamak pa nga sa tinig nito at saka nga siya napasimangot. “Wala kang lugar sa hinaharap ko,” walang pakundangan nga na sabi pa ng dalaga.Si Jeffrey ang tagapagmama at pinuno ng pamilya Cristobal. Isang lalaki na nakatayo sa rurok ng kapangyarihan at isang tao na hindi kailanman nasanay na tinatanggihan. Ngunit ngayon nga ay isang simpleng babae ang tahasang nagsabi sa kanya na hindi siya kailanman magiging bahagi ng kanyang kinabukasan. At isang matinding insulto talaga iyon para kay Jeffrey.Muli ngang nagdilim ang mga mata ni Jeffrey habang nakatitig nga siya kay Karylle. “Bakit? Ano bang klase ng hinaharap ang pinaplano mo para sa sarili mo Karylle?” mababa ang boses na tanong ni Jeffrey sa dalaga.Bahagya naman nga na yumuko si Karyll
Hinawakan naman nga ni Karylle ang pisngi ng binata at saka nya nga ito matamis na nginitian.“Sayang naman ang ganda kong ito kung hindi ko ipapakita sa mundo,” nakangiti pa na sabi ni Karylle.Tahimik naman na tinititigan ni Jeffrey si Karylle. Siya kasi ang dahilan kung paano nahubog ang isang inosenteng dalaga na nasa kanyang harapan. Siya rin ang saksi sa paghubog nito na mula sa pagiging isang batang walang muwang hanggang sa pagiging isang babae na may mapang akit na alindog.At ngayon nga ang kanyang munting ibon na dati ay nasa hawla ay nagsasabi sa kanya na hindi lang siya lilipad papalayo kundi papadok nga ito mismo sa pinakamalaking kulungan sa mundo—ang mundo ng industriya na kung saan makikita at makikilala nga siya ng lahat.“Kapag pumasok ka na sa mundong iyon ay wala na iyong atrasan,” paalala ni Jeffrey kay Karylle.“At bakit ko naman gugustuhin na umatras?” sagot ni Karylle habnang may kakaiba ngang ningning sa mga mata nito na tila ba punong puno ito ng kasabikan a
CHAPTER 150“Sinabi mo rin sa akin noon na kaya mo ako pinanatili sa tabi mo ay dahil kamukhang kamukha ko ang isang tao na hindi mo makuha. At hindi ako ang tao na iyon. Isa lang akong anino niya at ang anino ng babae na matagal mo ng pinapangarap pero hindi mo kailanman nakuha,” seryoso pa nga na sabi ni Karylle kay Jeffrey.Hindi kailanman naging sunud sunuran si Karylle pero hindi rin diya kailanman nagpakasama para tularan ang babae na iyon. Siya ay ligaw, walang takot at determinado. At ang gustong mangyari ngayon ni Karylle ay ipamukha kay Jeffrey ang malaking pagkakaiba nila ng babae na iyon.“Jeffrey tandaan mo na hindi ako ang babae na iyon,” sabi pa ni Karylle at isang malamig na ngiti nga ang pumaskil sa labi ng dalaga bago muling nagpatuloy sa pagsasalita. “At hindi ko rin nais na maging siya.”Banayad pa nga na ngumiti si Karylle saka nya marahang idinampi ang kanyang labi sa labi ni Jeffrey. At isang halik nga iyon na walang anumang init o pagmamahal. Pagkatapos nga na
“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo. Ikaw mismo ang nagplano para patayin ang tagapagmana mo,” sabi ni Sophia at patuloy pa rin nga sa pag agos ang kanyang luha habang sinasabi nga niya iyon.At talagang napakasakit nga nitong isipin. Siya ang nasaktan pero tila si Francis ay wala ngang pakialam. Paanong nagawa niyang patayin ang sarili niyang anak na para bang wala lang?“Bakit Francis? Bakit mo nagawa ito? Ikaw ang salarin dito. At iaw ang ugat sa lahat ng kasamaan na ito. Kaya dapat lang na magdusa ka rin kasama ko,” sabi pa ni Sophia.Nanatili naman nga na nakatayo lang si Francis at nakaatulala. Paa bang pakiramdam nga niya ay bigla ngang nawalan ng saysay ang lahat. At para bang wala siyang ibang naririnig kundi ang isang pangungusap na paulit-ulit nga sa kanyang isip.“Francis, ikaw mismo ang pumatay sa anak mo.’Napakurap kurap pa nga si Francis habang nakatingin nga siya kay Sophia at tila ba naguguluhan nga siya. Hindi nya alam kung anong ibig sabihin no’n? Paanong s
CHAPTER 215Sa mga sandali nga na iyon ay para bang tuluyan nang nakalimutan ni Francis ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan ni Sophia.Para bang hindi kailanman nangyari ang diborsyo, ang aksidente o ang lahat ng sakit sa pagitan nila. At para bang mag-asawa pa rin nga sila. At talaga namang nakakatawa nga iyon. KKung noon siguro ito ay maaaring natuwa pa nga si Sophia pero ngayon nga ay tila ba isa na itong katawa-tawang biro na lamang.“Francis, mukhang nakalimutan mo na ang lahat ng pader sa pagitan nating dalawa. Kailangan pa ba kitang paalalahanan ngayon?” sabi ni Sophia at saka nga siya napatingin sa red wine na nasa harapa nga niya at sa loob-loob nga niya ang may bahid nga ng pangungutya.“At saka kelan lang ako nakunan. Masyado pang mahina ang katawan ko. Hindi pa ako pwedeng uminom ng ganyan,” dagdag pa nga ni Sophia.Sa pagbanggit nga ni Sophia ng salitang ‘nakunan’ ay bigla ngang nagdilim ang mata ni Francis.“Huwag mo nang banggitin ang bagay na iyan sa harapan ko,” m
Dahan-dahan naman nga na tumayo si Sophia at muli nga siyang tumingin sa buong paligid at talaga ngang walang nagbago roon.Nandoon pa rin nga ang mga stuffed toys sa sofa na siya nga mismo ang naglagay. Ang mga couple mugs na siya rin nga ang pumili ay nakapwesto rin nga sa mesa. Ang mga upuan ay ganoon pa rin nga ang disenyo. Ang rystal chandelier na siya rin nga mismo ang nagdisenyo ay nandoon pa rin. At ang mga mural sa pader na isa-isa nga niyang pinintahan ng buong pagmamahal noon para sana salubungin ang isang bagong buhay ay naroon pa rin. At halos sa lahat nga ng sulok ng bahay na iyon ay may bakas pa rin nga ng kanyang presensya.“Bakit hindi mo ito pinapalitan? Bakit nandito pa ang lahat ng ito? Iniisip mo ba na babalik pa ako?” mga tanong sa isipan ni Sophia habang inililibot nga niya ang kanyang tingin.Marahil nga sa sobrang liwanag ng ilaw ay itinaasnga ni Sophia ang kanyang mga kamay at saka nga niya tinakpan ang kanyang mga mata. At pakiramdam nga niya ay para bang ma
“Pwede kang bumalik sa bahay natin,” sabi ni Francis at may bahid nga ng hinanakit ang kanyang boses. Matagal na kasing hinihintay ni Francis ito ang pagbabalik ni Sophia sa kanilang tahanan— sa tahanang itinuring nila na tahanan nilang mag-asawa.Ibinaling nga ni Sophia ang kanyang tingin at saka nga siya mahinang sumagot dito. At sa totoo lang ay wala nga siyang pakialam kung saan sila magkikita ngayon.“Sige, pupunta ako,” sagot nga ni Sophia.Pagkababa nga ng tawag ay nanatili pa nga rin na nakaupo si Sophia sa kanyang hospital bed habang hawak nga niya ang kanyang cellphone. At tila ba hindi pa rin nga siya nakakabalik sa kanyang sarili.Maya maya nga ay dahan-dahan na nga siyang tumingin kay Harold.“Dalhin mo ako roon,” mahina ang boses na sabi ni Sophia kay Harold. Alam kasi niyang narinig ni Harold ang buong pag uusap nila ni Francis.Hindi naman din kasi kalayuan ang bahay nila dati ni Francis noon sa ospital kung nasaan siya ngayon. At mga sampung minuto lang naman ang bya
CHAPTER 214Pero ano nga ba ang papel ni Bianca sa lahat ng ito?Mahal na mahal nga ni Bianca si Francis at sa sobrang pagmamahal nga niya rito ay hindi nga niya matanggap na may ibang babae sa paligid ni Francis. Lalong lalo namang hindi niya matatanggap na si Sophia pa ang magdadala ng magiging anak ni Francis.Kaya naman hindi na nga kailangang kumilos ni Francis. Sapat na nga ang ibalita niya ang pagbubuntis ni Sophia at si Bianca na nga ang bahalang gumawa ng paraan para tapusin ito.Ang pagkalaglag nga ng bata na nasa sinapupunan ni Sophia ay dahil nga sa iniinom niyang gamot.Matapos nga na maisakatuparan ni Bianca ang una niyang plano ay mas lalo nga itong naging mapangahas. At unti-unti nga siyang tumapang. Lahat nga ng bagay tungkol kay Sophia ay kinamumuhian niya. At gusto nga niya na tuluyan na nga na mabaliw si Sophia hanggang sa manghina nga ito at sa huli ay mamamatay na lang na parang isang tuyong bulaklak.Sa puso nga ni Bianca ay pareho lang silang anak ni Nelson per
Nanatili naman nga na tahimik si Louie at pinagmamasdan nga niya ang lahat sa harap niya. Ni hindi nga ito ngumingiti at hindi rin nga niya pinipigil ang galit ni Harold. Pero sa totoo lang ay pareho nga sila ng iniisip.Maya maya nga ay lumapit na nga siya kay Dr. Gerome.“Dr. Gerome wala na dapat tayong inaaksaya pa na oras. Kailangan na nating madaliin ito,” mahina ngunit deretsahan na sabi ni Louie.Pero sino nga ba ang maaaring gumawa nito kay Sophia? Wala nga silang kaide-ideya kung sino. At sa totoo lang ay iniisip nila na baka nadiskubre na ang totoong pagkatao ni Sophia na siya pala ang tunay na utak sa likod ng Prudence.Iniisip nila na baka gusto ng mga ito na pigilan ang pagdalo ni Sophia sa paparating na financial summit kaya gumamit sila ng ganito karuming paraan.Kung iyon nga talaga ang dahilan ay napakarami nga ng posible nilang kalaban kagaya na lamang nga pamilya Villamayor, pamilya ng mga Marquez, mga dating kasosyo at pati na rin ang mga tao na galing pa sa malal
Pero kailan nga ba nagsimula na palitan ang gamot na iyon? Bago ba o pagkatapos ng pagkakalaglag ng batang nasa sinapupunan ni Sophia?Tahimik nga na tiningnan ni Dr. Gerome ang report na iyon. At lalo lamang ngang bumigat ang pakiramdam niya.Akala niya ang Shawn Hospital ay isang ligtas na tahanan at isang lugar na kontrolado niya. Pero hindi nga niya inaasahan na may ibang kamay na pala ang humahawak sa loob nito.Napansin naman nga nina Harold at Louie ang biglang pag-iiba ng ekspresyon ng mukha ni Dr. Gerome. Pareho pa nga silang napatingin sa kanya na puno ng kaba.“May problema ba sa mga gamot mo?” hindi na nga napigilan na tanong ni Harold ay Dr. Gerome.Alam kasi niya na para bang may kakaiba nga roon. At ramdam na ramdam nga niya ito noon pa dahil hindi nga ganito si Sophia.Hindi kasi kailanman naging ganito kabaliw si Sophia. Siya kasi ang klase ng tao na paagi ngang kalmado at kontrolado ang kanyang sarili. Kahit noon pa man na napilitan nga itong lumagda sa kontrata na k
CHAPTER 213Kinabukasan nga ay maaga nga na isinalang ni Dr. Gerome si Sophia sa iba’t ibang klase ng test para malaman nga niya kung bakit hindi pa rin nga gumagaling si Sophia.At nang lumabas na nga ang resulta ng lahat ng ginawang test kay Sophia ay napakunot na lamang nga ang noo ni Dr. Gerome habang tinitingnan nga niya ito.Bagamat nagreseta nga siya ng mga gamot na pampalakas ng dugo para kay Sophia ay kitang kita naman nga na lalo nga na nanghihina ang katawan nito. At para bang may sintomas nga ito ng matinding pagkawala ng dugo at higit pa nga roon ay tila ba naapektuhan na rin nga ang kanyang utak.Isang maling galaw nga lang at maaari nga na tuluyan na itong mauwi sa bipolar disorder. Sa mga nakalipas kasi na mga araw ay napapansin nga ni Dr. Gerome na lalo ngang nagiging magulo at hindi na makatwiran ang mga kilos ni Sophia. Kaya nagtataka nga siya kung bakit nga ba ito humantong sa ganito.“Ano ba ang mga kinakain niya nitong mga nakaraang mga araw? unot noo nga na tan
Ang tanging laman ng puso ni Sophia ngayon ay si Raymond lang at wala ng iba pa.Tinitigan nga ni Sophia si Francis at nagtagpo nga ang malamig nilang mga mata at si Sophia na nga rin ang dahan-dahan na umiwas dito. Wala nga ni isang salita ang lumabas sa kanyang bibig. At wala na talaga siyang pakialam ngayon kay Francis.Dapat nga ay noon pa ito nangyari sa mismong araw ng kanilang paghihiwalay. At wala na ring dahilan pa par sa matinding damdamin sa pagitan ng isang dating mag-asawa.“Francis,” mahinang sabi ni Sophia. “Ang dami mong naging malasakit sa butihin mong tiyo. Pero tingnan na lang natin kung kaya mong protektahan ang mga binti niya,” malamig pa na sabi ni Sophia.Pagasabi nga ni Sophia no’n ay unti-unti na nga na umangat ang bintana ng kotse at tuluyan na nga na isinarado ang pagitan nila.Tuluyan na nga na umalis ang sasakyan kung saan nakasakay si Sophia. At naiwan nga si Francis na nakatayo lang doon at tahimik na pinapanood ang papalayong anyo ni Sophia. At sa ilali