Leonora’s POVIlang araw na rin ang lumipas simula nang tumira kami kina Drack. Malapit na ang kaarawan ng kambal—mag-a-anim na taong gulang na sila. Ang bilis talaga ng panahon. Noong una, hawak-hawak ko pa si Alex at Ezra sa aking mga braso habang kinakantahan sila.“Iha, Leonora, have you thought of any theme para sa birthday ng mga apo ko?” tanong sa akin ni Mom Cass. Tumango ako sa kanya.“Yes po, actually, paborito po kasi nina Alex at Ezra ang Paw Patrol, kaya siguro iyon na lang po,” masaya kong sagot.Tumingin ako kina Ezra at Alex na masayang naglalaro kasama si Drack. Ang saya nilang pagmasdan.“I never saw Drack that happy before. I thank you for bringing them to him, iha,” sabi ni Mom Cass kaya tumingin ako sa kanya. Masaya niyang pinagmamasdan sina Drack, hindi niya mapigilang mapangiti na rin.“Nako, ako nga po ang dapat magpasalamat sa kabaitan po ninyo,” sagot ko nang bukal sa loob.“Deserve mong maging masaya, anak. At ang kambal, deserve nila ang isang masayang birth
Last Updated : 2025-03-03 Read more