Geraldine's Point of View* Dahan-dahan akong napamulat at napatingin ako sa tabi ko at nakikita ko si dad na nakahawak sa kamay ko at napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Nakikita ko na may katandaan na siya katulad ng huling kita ko sa kanya. Nagbabasa siya ngayon ng libro habang nakaupo sa sofa at nakahawak sa kamay ko. Hinawakan ko pabalik ang kamay niya na kinatingin ko sa kanya at natigilan naman siya at dahan-dahan na napatingin sa akin. "My daughter..." Biglang umagos ang luha nito na kinalaki ng mga mata ko at napaupo ako sa higaan at humarap sa kanya. "Daddy, bakit ka po umiyak? Hala, tahan na po. Baka makita ka ni mommy at baka mabatukan ka na naman nun dahil sa pagka-over acting mo." Natigilan naman ito at mas lalong umagos ang luha sa mga mata nito at hinawakan niya ang pisngi ko. "Thank God, you're now back, my daughter." "Nagtataka nga ako dahil nasa hospital ako nagising. Daddy, hindi ko alam kung paano ako napunta doon." Nakita ko na nagulat siya dahil sa
Last Updated : 2025-03-19 Read more