Hello, salamat sa pagbasa ng kabanata na ito! Please vote Gem and also follow me in the profile here. And add my other books in your library. Thank you! Salamat sa mga nagbigay ng Gem and also gifts. Grabe ang saya ko.
3rd Person's Point of View* Nakahiga ulit si Gerry sa higaan at malalim na nag-iisip ngayon Maximus sa gagawin. "Master, hindi niyo naman iniisip na iuuwi si milady sa hometown ninyo ano?" nag-aalalang ani ni Jane sa kanya. "Yun nga ang plano ko. Mas safe siya doon kaysa dito sa lugar na ito na maraming memories na di na dapat niya pwedeng balikan." "Mas masakit sa part niya na iwan ang lalaking mahal niya. Masaya siya sa piling ni Muller, master." "I know that pero ang chief nila ay siya ang target. Alam mo naman ang nangyayari sa kanya diba? May amnesia pa siya sa nangyayari sa kanya 23 years ago." "Gusto mo bang magalit sayo si milady kung gagawin mo yun sa kanya?" "Maintindihan din iyon ni Geraldine sa huli na ginawa ko lang ang bagay na yun para sa kaligtasan niya at wala ng iba. Wag mong ikukwento sa kanya ang mga bagay na nangyayari sa kanya. Naintindihan mo, Jane?" Napabuntong hininga na lang si Jane. Wala naman siyang magagawa kung yun ang sinabi ng master niya. Geral
Geraldine's Point of View* Umiinom ako ngayon ng juice habang nakatingin kay Jane na naiilang na nakatingin sa akin. "M-Milady, kumalma na po ba kayo?" Di ako nagsalita at nakatingin lang ako sa kanya. "Milady..." "Na-in love ka ba?" Natigilan naman siya sa sinabi ko at nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Inilagay niya sa bag niya ang phone niya at napalunok. Nakita ko kasi siya kanina na parang may hinihintay sa phone niya na message o ano at nakikita ko din ang inis sa mukha niya ngayon. "Tell me, Jane." "Hindi po kami." Tinaasan ko siya ng kilay habang nakatingin sa kanya. "I mean, he loves me pero binabalewala ko lang siya sa araw-araw na pangliligaw niya sa akin." "And then?" Napayuko naman siya at mukhang alam ko na ang sagot sa problema niya. "Ngayon sumuko na siya tapos hindi na siya nagpaparamdam sayo at isa pa na-feel mo na na may kulang sa puso mo ngayon at naamin mo na sa sarili mo na nahulog ka na talaga sa kanya? Yun yun diba?" Nanlalaki ang
Geraldine's Point of View* Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. "Oh ano? Bakit di ka makapagsalita?" "Sa totoo lang po may Asawa din kayo." Napakunot ang noo ko at na-loading ako sa sinabi niya. "Ha!" Lumapit ako sa kanya at kinuwelyuhan ko siya at seryoso akong nakatingin sa kanya. "May Asawa ako?! Tell me who's that bastard? Did I intercourse with him?" Nanlalaki ang mga mata niya at namula ang pisngi niya dahil sa sinabi ko. Napayakap ako sa sarili ko. "Oh my god! Ano ba ang nangyayari sa 23 years kong walang maalala? Pinagsamantalahan ba ako?" Nanghihina na lang akong napaupo sa sofa na kinapanik naman ni Jane. "Tell me Jane... Napunta ba ako sa maling landas? Like nag-live in ako ng taga daan lang?" Napatingin ako sa singsing. Hindi naman masasabi na isang ordinaryo lang ang singsing na sout ko. "Tell me isang mayamang matanda ba ang napakasalan ko? Sa ganda ko pa ngang ito sinong di ma-aattract sa kagandahan ko. Agree ka naman doon diba?"
3rd Person's Point of View* Napatingin si Jane ngayon sa labas ng bintana habang nasa sasakyan sila ngayon. Dahan-dahan siyang napahawak sa puso niya habang inaalala niya ang nangyayari sa kanila ni Rafayel. Hindi niya na kilala ang sarili matapos ang pangyayaring iyon a month ago. Hinarap siya nun ni Rafayel at nasa funeral home sila nun. Bumilis ang tibok ng puso niya nang makaharap niya si Rafayel. Inaamin na niya sa sarili niya na tuluyan na nga siyang nahulog sa lalaki at hindi na niya iyon ipagkakaila dahil parang niloloko lang niya ang sarili niya. "Can I talk with you kahit sandali lang." Napatingin siya kay Rafayel nun at ramdam niya ang walang emosyon sa pagbigkas ng mga salitang iyon. Hindi alam ni Jane kung ano ang sasabihin nito pero umagree na lang siya na sumama kay Rafayel. "Okay." Lumakad sila palabas ng funeral at nasa garden sila ngayon at nakatalikod ngayon si Rafayel sa kanya at mukhang ito na din ang oras para aminin na din sa kanya na mahal niya ang lala
Geraldine's Point of View* "No, forget him." Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay dad. "Bakit po?" Doon ko na-realize na may Asawa na pala ito at yun ang sabi ni Jane sa akin. "O-Okay..." Napayuko na lang ako at napatingin sa kamay ko. "Sana maintindihan mo ang nangyayari ngayon." "Wala akong maintindihan, dy. Wala nga akong maalala sa nangyayari sa buhay ko ngayon." Nakikita ko na nag-aalala siya habang nakatingin sa akin. "Pero kagaya ng sinabi niyo po ay gagawin ko ang bagay na yan dahil alam ko ginagawa niyo lang ang nararapat para sa akin." "Mabuti naman at alam mo ang bagay na yun, sweetheart." Niyakap naman ako ni Daddy. Pero ramdam ko sa puso ko na parang may something parang may mali. Nakarating na kami sa isang restaurant at agad kong nakikita ang mga sweets sa stall. "Daddy, mukhang masarap yan po." "Bawal ka niyan baka magka-diabetis ka, Gerry." Natigilan naman ako sa sinabi niya at napa-pout naman ako. Naalala ko na hindi pala ako papakainin ni D
Geraldine's Point of View* Gabi na at tulog na si daddy at ako naman ay nakamulat pa din. Nangangati akong lumabas ng bahay parang may gusto naman kasi akong puntahan at hindi ko alam kung ano ang gusto kong puntahan. Alam ko na maraming mga taong nagmamasid ngayon sa kahit saang sulok ng condo ni Dad. Sino pa ba? Edi ang mga tauhan niya na mga assassins. Pero sanay na ako sa bagay na yan at makahinaan din sila na alam ko at madali akong makakatakas dahil sa bagay na yun. Biglang tumunog ang tiyan ko na kinahinto ko at napatingin ako sa tiyan ko. Tumayo ako at napapout ako dahil parang nag-crave ako ng sweets. Baka yun ang gusto kong puntahan. Napatingin ako sa malaking window ko at napa-isip ako doon ng magandang idea. Kasabay ng paghahanap ko ng sweet sa gabing ito ay ang pag-alam ko sa Asawa ko. Nandidito ako ngayon sa bansang ito at ang ibig sabihin nun ay nandidito din ang Asawa ko. "Okay..." Mahinang ani ko at tumayo ako. Pumunta sa cabinet at may nakikita naman ak
3rd Person's Point of View* Napamulat si Mike dahil hindi nga siya makatulog at ang tanging nasa isipan lang niya ay ang Asawa niya. Tumayo siya sa upuan niya at napatingin sa relo niya. Nasa kompanya pa kasi siya at kahit umuwi siya ay wala namang naghihintay sa kanya doon. Kinuha niya ang phone kasabay ang gamit niya at lumakad papunta sa elevator. Sumandal siya sa elevator at naalala niya ang mga sandali nila dito sa loob ng elevator at ang hinihingal na mukha ng Asawa niya habang hinahalikan niya ang leeg nito matapos sa malambot na labi nito. Hindi niya namalayan na tumutunog pala ang phone niya kaya tiningnan niya iyon at sa underground iyon pero hindi na niya muna sinagot dahil pagod na pagod pa siya. Napagdesisyonan niya na dumiretso na lang sa bar para mag-inom. Magpapalasing siya boung gabi para makalimutan niya sandali ang problema niya. At yun na lang ang paraan niya para makatulog na din siya. At nagmamaneho na siya papunta doon. Geraldine's Point of View* Na
Geraldine's Point of View* Naririnig ko ang malalakas na musika na nanggagaling sa mga malalaking speaker sa boung paligid. Dahan-dahan akong pumasok at tinanggal ko ng tuluyan ang jacket ko at inilagay sa bewang ko. Ginaya ko din ang ginagawa ng ibang babae na parang tinali niya sa tiyan niya ang damit nila na makikita ang tiyan nila. Ang buhok ko naman ay nilugay ko iyon. Para sa cake ay gagawin ko ang lahat makakain lang nun. Lumakad ako papunta ako sa kung nasaan ang mga inumin. Mukhang masarap ang mga juice doon sa parang stall at napatingin ako sa katabi ko na mukhang masarap ang iniinom niya na parang rainbow na inumin. "Ah Kuya," tawag ko na kinatingin sa akin ng bartender. "Isang ganyan nga po." "Okay, miss." Agad na niyang ginawa sa harapan ko at namamangha ako habang nakatingin doon. "Here's your drink, ma'am." Namamangha pa din akong nakatingin doon. "Thank you." Tinanggal ko ang mask ko. Agad ko iyong tiningnan bago ininom at nanlalaki ang mga mata ko at