Geraldine's Point of View* Nagmamaneho ako ngayon papunta ako ngayon sa bar. Walang dalang mga bodyguards o kahit ano dahil birthday ngayon ng isang brother ko na si Skyler. At doon magpa-party sa bar. Hindi uso sa kanila ang children's party ngayon. Napabuntong hininga na lang ako. Kung tinatanong niyo kung alam ba ni Mike na papunta ako doon sa party ngayon? Syempre wala. Hindi naman kasi iyon papayag na pupunta na wala akong guards at ano pa. Nasa company siya ngayon at sinabi ko naman na kaarawan ni Skyler pero di ko sinabi na sa bar ako pupunta ngayon. Habang nagmamaneho ako ngayon papunta doon ay nakita ko na may checkpoint sa unahan. Napatingin naman ako doon. "Nah, nagmamadali ako ehh ako na lang ang hinihintay sa amin. Sino kaya ang hinuhuli nila doon." Naglilinya ako ngayon hanggang sa ako na ang sumunod. "Good evening, Miss." "Hello, sir." Bati ko sa kanila. "Check lang po." "No problem mo." Nilibot naman nila ang boung sasakyan ko. "Anong meron, sir?"
Last Updated : 2025-03-09 Read more