Semua Bab Wild Plan: CEO's Desire: Bab 91 - Bab 100

160 Bab

Chapter 91 - Why did you give me to Tia

Pagkarating ng araw ng Lunes ay pumasok si Raine sa kabila ng kanyang pinagdaanan. Pagkatapos ng ginawa nito ay bumalik na naman ito sa rati. Samantalang siya ay nahihirapan siyang maglakad pagkatapos ng ginawa nito. Tadtad din ng pasa at pulang marka ang katawan niya dahil sa kakaibang pagparusa nito.Papaupo pa lang siya nang biglang tumunog ang internal phone na nasa mesa. Sandali siyang tumigil. Pinukol niya ng masamang tingin ang telepono na para bang may ginawa ito na masama sa kanya gayong wala naman.Mabigat ang loob na dinampot ni Raine ang telepono, ngunit parang pinagsisihan pa niya na sinagot ang tawag. Dalawang salita lang namutawi sa bibig nito pero sapat na iyon para umalsa ang inis niya."Come in," Crassus ordered.Hindi siya nagsalita at sa halip ay mabilis niyang ibinaba ang tawag. Pabagsak niya itong ibinalik sa kaha. Napabuga siya ng marahas na hangin.Imbes na sundin ang pinag - uutos nito ay hindi pumayag si Raine. Binalingan niya ang mga paperworks na nakatamba
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-22
Baca selengkapnya

Chapter 92 - Mark

Marahas na napabuga ng hangin si Crassus. "Kapag may nakakarinig ng ibang tao tungkol dito at may nakahuli sa iyo, mag-ingat ka. Hinding - hindi mo magugustuhan ang pakikitungo ko sa'yo."Napatikyas ang kanang kilay ni Raine. "Pakikitungo? Bakit? Ano na naman ang gagawin mo?"Napangisi si Crassus. Tumayo siya at inilagay sa bulsa ang dalawang kamay. Habang naglalakad siya papunta kay Raine ay hindi niya pinutol ang kanilang pagtitigan."Gusto mong malaman?" tanong niya.Bahagya siyang yumuko para magpantay ang mukha nila. Umangat ang gilid ng kanyang labi nang mapaatras ang ulo ni Raine pero hindi ito natinag sa kinatatayuan. "H- huwag na lang pala."Hindi niya mapigilang mapangisi. "Akala ko ipipilit mo pa. Kasi kung gusto mo talaga, I'll gladly obey your request. Para may hint ka na kung ano gagawin ko."Namula ang mukha ni Raine. "H- hindi na."Napataas ang kanang kilay niya. "Sigurado ka?"Umayos ito ng tayo at lumayo sa kanya. "Oo na. Hindi na.""Good." Then he go back to his de
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-23
Baca selengkapnya

Chapter 93 - Accidental Chat

NAKAHIGA NA SI RAINE sa kwarto pero naglalakbay pa rin ang diwa niya. Hindi siya makatulog. Pabaling - baling siya sa higaan habang iniisip si Crassus.Hindi kasi ito nag - text. Ni hindi rin ito tumawag at mas lalong hindi rin ito nag - chat. Hindi tuloy siya mapalagay. Ano kaya ang iniisip nito.Napabuntonghininga siya. Niyakap niya ng mahigpit ang hotdog pillow at nilaro ang punda nito. Saka siya pumikit para patulugin ang sarili.Nang sumunod na araw, biglang nagpadala ng mensahe ang training department. [The training on Friday was moved to this afternoon. At ang lecturer ninyo ngayong araw ay ang CEO natin.Main topic: Introduction to corporate crisis management.Everyone must on time. Huwag kayong magpahuli kung ayaw ninyo makatikim kay Mr. Almonte.]The training department specially created a group for East New Star. Kasali rin dito ang mga Senior Executives ng kompanya. Pati na rin si Mr. Almonte.Ang mga babaeng kasali sa training ay tinatawag na Lady of Celestina habang ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-24
Baca selengkapnya

Chapter 94 - facing the consequences

Tila walang pakialam ang mga kasama nila Raine na mabasa niya ang mga chat. Hindi niya alam kung nakalimutan ba ng mga ito na nandoon din siya sa group chat o sadyang matabil lang talaga ang dila nila. Ni hindi na nangingimi ang mga ito. Talagang sinasabi nila kung ano ang kanilang hinaing. Kaya hindi niya maiwasang mapikon dahil kung ano - ano na ang nababasa niya.May mga pumupuri sa kanya pero meron din nangutya. May pumanig pa kay Tia at siya pa ang pinalabas na masama. Ilang beses na siyang sumubok na mag - reply pero sa tuwing may lalabas na panibagong message ay natitigilan siya. Kaya ang ending ay binubura niya ang chat.Mayamaya pa ay biglang may umawat sa isa nila na kasama.[Awat na uy, kanina pa nakasunod sa chat si Raine. Nakalimutan mo ata na nandito rin siya sa group chat. Ano ka ba! Mahiya ka nga. Naduling ka ba at hindi mo nakita ang prof pic niya na panay nakasunod sa mga new chat?]Naglapit ng mariin ang bibig niya. "Anyone! Back to work!" Malakas na sigaw ni Mr. D
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-25
Baca selengkapnya

Chapter 95 - Serve me well at night

DUMAAN ANG KATAHIMIKAN sa pagitan nila. Nakabusangot si Raine at hindi makatingin kay Crassus. Ito naman ay taimtim na nakatitig sa kanya.Mayamaya pa ay binasag nito ang katahimikan. "Mangako ka."Napaangat siya ng tingin. "Mangako?"Tumango ito. "Mangako ka sa akin, nasa susunod kapag nag - away tayo ay hindi ka aalis ng bahay. Kung gusto mo talaga at ayaw mo magpapigil, magpaalam ka kay Manang Lena."Napaisip si Raine. Tinimbang niya ang mga sinabi nito."Raine?""Hmm." Tumaas ang kilay nito. "So?"Bigla niyang itinaas ang kanyang kamay at nanumpa sa harap nito. "I, Raine Athena Villanueva--"Villanueva?"Nakagat niya ang kanyang labi. Parte lang ng kanyang pagbibiro ang paraan ng panunumpa niya. Hindi niya inaasahan na sasabay ito sa trip niya at gawing katotohanan."I, Raine Athena Almonte, swear and ought in front of her husband, Crassus Adam Almonte to never leave the house in the future. Kung hindi na talaga ako makapagpigil, magpapaalam ako kay Manang Lena para hindi magaga
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-26
Baca selengkapnya

Chapter 96 - Blower

RAINE STAYED in the villa for several days. Wala naman siyang mapagpipilian kung hindi ang tumira roon. Nangako na siya kay Crassus na hindi siya aalis ng villa kung hindi kinakailangan. Maayos naman ang trato nito sa kanya at hindi naman siya inaaway nito kaya wala pa naman problema. Ibang away nga lang ang ginawa nito kaya pagkagising niya ng umaga ay paika - ika na naman siya kung maglakad. Nang maalala niya ang ginawa nito noong nakaraang gabi ay namula ang kanyang mukha. Isang araw, inanunsiyo ni Crassus na ang nalalapit na kaarawan ni Lolo Faustino. Bigla siyang na - excite. Ito kasi ang unang pagkakataon na magdidiwang ng kaarawan ang Lolo nito kasama siya. "Ano pong plano? Enggradeng selebrasyon po ba, Lolo? May maitutulong po ba ako?" tanong pa ni Raine. Habang sumisimsim ng kape, si Crassus ang sumagot sa tanong niya. "Lolo is not fond of extravagance. Simple handaan lang ang magaganap at tayong tatlo lang din ang mag - cecelebrate." Mahinang pumalakpak si Raine. "
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-27
Baca selengkapnya

Chapter 97- Longevity noodles

PAGLAPAT ng likod ni Raine sa kama ay sinunggaban na ni Crassus ang kanyang labi. Kumunot ang kanyang noo. Balak niya sanang itikom ang kanyang bibig pero nagawa na ni Crassus na palalimin ang paghalik nito. Napatangay na lang siya sa halik nito. Namalayan na lang niya na tumugon na siya sa halik nito.Napakapit siya sa leeg ni Crassus. Pinilit niyang pantayan ang paghalik nito pero kinakapus siya ng hininga. Huminto siya at dumilat ng mata. Napalunok siya nang makitang habol na ni Crassus ang hininga nito at bahagya pang namumungay ang mga mata."Crassus," pagtawag niya sa pangalan nito. Naglapat ng mariin ang labi nito. "Ayaw mo ba? Tell me, I'll stop."Hindi siya kaagad nakasagot. Parang may bumikig sa kanyang lalamunan. Nangangapa rin siya kung ano ang isasagot.Nahalata naman ni Crassus ang biglaang pagtahimik ni Raine. Imbes na tanungin ulit ito ay dahan - dahan siyang lumapit sa ilong nito. Gamit ang kanyang ilong ay binangga niya ang ilong nito. Napapikit naman ito at bahagya
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-02-28
Baca selengkapnya

Chapter 98 - Hostess of the house

"Nasaan ang asawa ko?" tanong pa ni Raine nang mapunang wala si Crassus sa villa."Ah, si Crassus?" tanong pabalik ni Tia. Nilapag muna nito sa mesa ang dala na tray bago sumagot. "Umalis. Pinabili ko ng rekados.""Ah..." Mabagal na tumango si Raine. Napaisip tuloy siya. Ilang putahe ba ang lulutuin nito at bakit kinulang iyong binili niya kahapon?Tia smiled. "I came here early in the morning to make longevity noodles for Lolo Austin. Nagluto na rin ako para sa'yo. Saglit lang, malapit na 'yon maluto," ani nito tapos bumalik ng kusina.Hindi maiwasan ni Raine na manibugho. Nahalata niya kasi na para na itong hostess ng bahay. Samantala siya naman dapat ang gumawa niyon. Natagalan lang siya ng gising, may pumalit na kaagad sa papel niya.Mukhang hindi na niya magagawa iyong plano niya na magluto. Napatingin siya sa la mesa. Saka pa lang niya nasagot ang kanyang tanong. Mukhang balak nga nitong punuin ang mesa ng mga putahe. Hindi pa nga ito tapos pero may apat na menu ng nakalatag.
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-01
Baca selengkapnya

Chapter 99 - Pregnant

"Bakit ka nandito?" maasim na tanong ni Raine sa kanyang kapatid.Napatapik si Athelios sa dalawang hita nito."Tignan ni'yo nga naman. Kapatid mo ako pero ganyan ang bungad mo sa akin. Siyempre, birthday ni Lolo ngayon. Hindi ba ako pwedeng pumunta rito?" tanong pa ni Athelios habang nakangisi."Happy birthday po, Lolo," bati nito sabay abot ng bouquet.Biglang naging alerto si Raine. Alam niyang may sadya ito. Simula't sapul ay parati na itong may masamang balak sa kanya. Kahit kailan ay hindi niya pinagsabi kung sinuman ang kaarawan ni Lolo Faustino. Hindi niya alam kung paano nito nalaman ang importanteng araw ni Lolo. Napatingin si Crassus kay Raine. Nang makita niyang hindi maganda ang timpla ng mukha nito ay biglang gumana ang kanyang instinct. Pero nasa harap nila si Lolo Faustino. Gusto man niyang paalisin ang kapatid nito ay hindi siya makakilos. Paniguradong magtataka ang Lolo niya kung bakit niya 'yon ginawa.Tinapunan niya ng malamig na tingin si Athelios."Tina, sa'yo n
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-02
Baca selengkapnya

Chapter 100- Pregnant

Binalot ng tensiyon ang hapag - kainan pero wala ni isa ang naglakas loob na magsalita. Lahat ay manghang nakatingin kay Raine, habang ito naman ay nakatitig din sa kapatid nito. Paklang tumawa si Athelios, dahilan upang batuhin siya ng malamig na tingin ni Crassus. Si Raine ay hindi gustong putulin ang pagtitig sa kanyang kapatid. Ni hindi siya natinag sa nakakasurang pagtawa ni Athelios. Sa halip ay pasimple pa niya itong ginantihan ng pekeng ngiti."Crassus, care to explain?" Lolo Faustino asked."Ako na. Kapatid ko po siya, Lolo Austin kaya ako ang mananagot sa katangahan niya," sabat pa ni Raine sa usapan. Tumingin siya sa mesa para sana uminom ng ibang likido pero lahat ng nandoon ay hindi pwede. Maliban na lang sa orange juice na nakahain sa mesa. Pinagkasya na lang niya ang sarili sa pag - inom niyon."Pasensiya ka na po, Lolo kung bakit hindi ko pinakilalala sa'yo ang kapatid ko. Isa lang ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko na lumapit siya sa pamilya na iniingatan ninyo."
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-03-03
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
89101112
...
16
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status