Binalot ng tensiyon ang hapag - kainan pero wala ni isa ang naglakas loob na magsalita. Lahat ay manghang nakatingin kay Raine, habang ito naman ay nakatitig din sa kapatid nito. Paklang tumawa si Athelios, dahilan upang batuhin siya ng malamig na tingin ni Crassus. Si Raine ay hindi gustong putulin ang pagtitig sa kanyang kapatid. Ni hindi siya natinag sa nakakasurang pagtawa ni Athelios. Sa halip ay pasimple pa niya itong ginantihan ng pekeng ngiti."Crassus, care to explain?" Lolo Faustino asked."Ako na. Kapatid ko po siya, Lolo Austin kaya ako ang mananagot sa katangahan niya," sabat pa ni Raine sa usapan. Tumingin siya sa mesa para sana uminom ng ibang likido pero lahat ng nandoon ay hindi pwede. Maliban na lang sa orange juice na nakahain sa mesa. Pinagkasya na lang niya ang sarili sa pag - inom niyon."Pasensiya ka na po, Lolo kung bakit hindi ko pinakilalala sa'yo ang kapatid ko. Isa lang ito sa mga dahilan kung bakit ayaw ko na lumapit siya sa pamilya na iniingatan ninyo."
Hinanap ni Crassus ang numero ng taga HR DEPARTMENT at tinawagan ito. Nang sinagot na nito ang tawag ay hindi na siya nagpaliguy - ligoy pa."I asked you to vacate Raine's apartment before. Have you given it to someone else?" Crassus said in a tone that he was oppressed but had to obey.Nilayo niya muna ang cellphone at tinap ang loudspeaker para marinig nila Raine ang usapan nila. "Hindi pa po. Kukunin ni'yo po ba ulit?" tanong pa ng Direktor ng HR.Napakamot sa kilay si Crassus. "Yes. May naiiwan pa na gamit si Raine sa apartment. Pakibalik na lang sa kanya.""Noted, Sir." Then Crassus hang up the phone.Nang marinig ito nina Athelios at Tia ay labis silang nadismaya. Palihim na ikinuyom ni Athelios ang kanyang kamay habang si Tia naman ay napakurot sa kanyang hita. Tinutoo nga ni Crassus ang hiling ni Raine.Pero nangangalumihan pa rin si Athelios. Talaga bang nagpakasal sila hindi dahil sa papel? Napaisip ng malalim siya ng malalim. Kung pagbabasehan ang sinabi ng kanyang kapati
Napapadalas ang pagtitig ni Crassus kay Raine. May mga oras na nagtama ang kanilang mata at dahil sa ilang, ito na ang umiiwas sa kanya. Alam na niyang hindi lang ito isang simpleng babae. She have the guts. Ilang beses na siyang pinakitaan ng kakayahan nito at sa tuwing nagpapakitang gilas ito ay hindi niya maiwasang mamangha. Lalo na ngayon, pagkatapos itong komprotahin ni Athelios ay tila hindi man lang ito natakot o nag - panic. Bagkus ay naging kalmado pa ito. Ito pa ang nang - bilog ng ulo. She lied so well that even he began to doubt whether her pregnancy was true or not.Wala sa sariling napainom ng wine si Crassus. Inisang lagok niya ang laman niyon. Pagkatapos niyang uminom ay pabagsak niyang nilapag sa la mesa ang baso dahilan upang mapalingon sa kanya si Raine. Tinitigan naman siya nito pero hindi ito nagsalita. Isang oras ang lumipas, dumating si Diana sa villa ni Crassus. Nasa bungad pa lang ito ay napaawang na ang labi nito habang nakatingala sa magarang chandelier ng
Ipinagpatuloy nila Raine na ipagdaos ang kaarawan ni Lolo Faustino. Maraming nakahain na pagkain at hindi ito kayang ubusin ng tatlong tao. Kaya tinawagan niya sila Manang Lena. Maging si Diana ay pinapasok na rin niya sa loob.Tuwang - tuwa si Lolo Faustino dahil matapos ang maraming taon, ngayon lang ito nagdiwang ng kaarawan na punong - puno ng kasiyahan. Hindi katulad sa nakasayan nito na tahimik. Kinantahan pa nila ito happy birthday at pina - blow ng cake. Napuno ang halakhalakan ang dining area."Tina, kumain ka ng cake. May bata kang dala riyan sa tiyan mo kaya kailangan mong kumain ng marami," paalala pa ni Lolo Faustino."Lolo! Kanina mo pa ako pinapalamon! Time out muna," reklamo pa ni Raine.Hindi ito nakinig. Sa halip ay nag - slice ito ng cake at naglagay ng isang slice sa platito. Inusog nito ang platito papunta sa kanya. "Eating sweets is a happy pill for a baby. Go on, eat it."Walang magawa si Raine kung hindi sundin ang gusto nito."Lena, simula ngayon, magluto ka n
Hindi na nakahuma si Raine nang lumapit si Crassus sa kanya. Lalo na nang lumiit ang distansiya nilang dalawa. Tinitigan niya ito sa mata pero ang mata nito ay nakatingin sa labi niya.Naningkit ang mata ni Raine. Hindi niya ito maintindihan. Kanina lang ay tinanong nito kung buntis ba talaga siya. Ngayon ay nasa harap na niya ito. Nang tinanong niya rito kung bakit ito nagagalit, hindi naman ito sumagot."Bakit ka ba nagagalit? Dahil ba sa pagsisinungaling ko kanina?" tanong pa ni Raine.Dumilat ito ng tama. Napakunot ang kilay nito. "What are you up to?"Napipilan si Raine. "Anong ibig mong sabihin?"Lumayo ito sa kanya. "Bakit mo ginawa iyon?"Kumunot ang kanyang noo. "Hindi mo ba naintindihan?""Naintindihan ko pero bakit kailangan umabot sa gano'n?""Dahil wala akong choice. Kapag hindi ako gumawa ng alibi, mabubuko tayo." Naglapat ng mariin ang labi niya. "Mabuti na lang at hindi nag - usisa si Lolo."Napaisip naman si Crassus. "Huwag mong sabihin na heartbroken ka dahil sinabi
Kababalik pa lang nila sa trabaho dahil sa weekend pero naging paksa na naman ng usapan si Raine. Mabilis na kumalat ang balita at naging bukambibig na nila ang kanyang pagbubuntis.Pumunta siya sa coffee room at naabutan siya ng isa niyang kasamahan doon. Nang makita nito na naglagay siya ng mug sa ilalim ng coffee maker ay nagsalita ito."Raine, masama sa bata ang kape. Mag - gatas ka na lang o di kaya hot water. Mahihirapan kang makatulog niyan at maapektuhan ang bata," pagbibigay payo pa nito.Hilaw siyang napangiti. "Ganoon ba?""Hmmm. Kaya ikaw mag - ingat ka sa pinag - iinom mo, okay?"Tumango na lang siya sa kawalan ng masagot. Paano, ito iyong panay tsismis sa kanya rati pero ito naman ngayon ang concern sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung genuine ba ito o pakitang gilas lang.Pagbalik naman niya sa kanyang upuan ay natigilan siya. May makapal na cushion na nakalagay roon kaya napakurap siya. Napatingin siya sa paligid. Sa huli ay dahan - dahan niyang inupuan ito.Kakasimula
"You look happy. Care to tell?" Crassus asked Raine while his hands are on the steering wheel. His eyes are on the road.Nagtaas ng noo si Raine. Sinulyapan niya si Crassus. "First time mo akong pinuri sa harap ng maraming tao. Sino ba naman ang hindi lalaki ang ulo." Tumikyas ang kilay ni Raine na may bahid na ngiti sa kanyang labi."You think too much." Crassus raised the corner of his lips lightly."At bakit?"He sneers. "I'm just afraid that people will say that I don't teach my wife well." Crassus said lightly."Tch! E di wow!" Binato niya ito ng masamang tingin.Nag - iba siya ng pwesto. Sinandal niya ang kanyang ulo sa upuan at bahagyang tumagilid. Saka niya tinitigan ang mga puno na nadadaanan nila.Ang sarap talaga nitong kausap, nakakagana, sa sobrang ganado niya ay gusto niya itong kausapin ng pabalang. Kung hindi lang niya ito amo, baka kanina pa ito nakatikim ng tampal sa bibig."Oo nga pala, saan ang punta mo? Sabi mo may business trip ka," tanong pa ni Raine nang hindi
Kagaya ng sinabi ni Tia ay pumunta si Raine sa Avillia, isang rooftop garden restaurant na patok sa mga mag - couple dahil sa maganda nitong ambience tuwing gabi. May katabi na isang malaking puno ang naturang restaurant kaya ang pinakataas nito ay pinapalamutian ng fairy lights at lanterns. Doon siya iginiya ng isang staff. Sa pinakatuktok ng restaurant na may nakapalamuti pang mga sinaunang kurtina. Ani pa kasi nito ay may pinareserve raw na mesa si Tia. Nagulat na lang siya dahil dito siya dinala. Kung hindi lang talaga si Tia ang nang - aya ay baka kanina pa siya kinilig. Napaka - romantic ng ambience sa lugar na ito. Nauna na pala si Tia. Nang papalapit na sila ay nakita niyang may kausap ito na isang staff. Nakaupo ito sa mesang pina- reserve nito. Nagmukha itong fairy sa suot nito na puting bestida. Flowy pa ang tabas niyon at abot hanggang talampakan ang taas kaya nagmumukha itong engkatada na napadpad sa mundo ng mga tao."Ma'am, nandito na po siya," bati pa ng staff nang m
Saglit na natahimik si Raine. Inisip niya ang suggestions ni Diana. "Di ba? Subukan mo lang. Wala namang mawawala sa'yo," dagdag pa ni Diana at ininom ang malamig na ice tea.Hindi sumagot si Raine. Iniisip niya si Crassus. Bagaman ito ang unang kumibo ay hindi pa rin siya masyadong nahimasmasan. Nagtatampo pa rin siya rito lalo na at nag - iwan ng marka ang kamay nito sa braso niya. Hindi naman malubha, pero sapat na sa kanya iyon para mainis at magtampo siya rito.Hind tulad ng dati, madali na ito pakiusapan. Hindi na rin ito satkastiko. Kaya lang ay hindi siya pa handa sa magiging komento nito. Bukod pa roon ay hindi rin alam ni Diana na nagpatranslate na siya kay Crassus ng resume. Nagbigay na nga siya ng ibang kopya niyon kay Mr. Rothan mismo pero hindi niya alam kung natanggap ba nito ang resume niya.Dala ng pagkasabik, tinanggap ni Raine ang ideya ng kaibigan. Kahit na alam niyang suntok sa buwan ang posibilidad na matanggap siya. Maraming mas magaling pa sa kanya, at marami
Simula noong mag - walk - out si Raine sa kwarto ay hindi na sila nagka - imikan ni Crassus. Naputol lamang iyon nang ayain siya nito na kumain ng dinner. Pero hindi niya pa rin ito kinibo. Kahit na noong nasa harap na sila ng hapag - kainan ay panay lang itong pasulyap ng tingin. Mabuti na lamang at nakauwi na si Lolo Faustino. Bahagyang nabuhay ang atmospera dahil sa pag - uusap nila. Pahapyaw rin kung sumabat sa usapan si Crassus. Tinatanong nito kung kamusta ang naging lakad ng Lolo nito. Naunang matapos si Lolo Faustino. Para makaiwas kay Crassus at nagpresenta siya na samahan na pumunta sa kwarto si Lolo. Mabuti nga lang at hindi na ito nagtanong. Hindi na rin siguro ito nagtataka dahil madalas din naman ay inaakay niya ito. Nang nasa bukana na sila ng dining room ay napasulyap siya kay Crassus. Napalunok siya nang makitang nakatitig ito sa kanya habang umiinom ng tubig. Mabilis niyang iniwas ang kanyang mata. Pagkatapos niyang asikasuhin si Lolo Faustino ay pumunta siya s
Tinitigan ni Raine si Crassus. Inaanalisa niya ang sinabi nito. "Importante, paanong naging importante ang initials na 'yon, Crassus?" takang tanong pa ni Raine.Crassus shrug. "I just like it."Muling napaisip si Raine. "Dahil ba sa meaning?" tanong niya ulit. "Iyong dahil ba sa pangalan natin o dahil doon sa Crassus loves Raine?""No, I just want it."Natahimik siya. "Oo nga naman, paano mo ba naman ako maging mahal. May Tia ka pa sa puso mo."Natigilan si Crassus mula sa pagtipa. Napalingon siya kay Raine. "Bakit parati mo na lang siya isinisingit sa usapan?"Nagkibit - balikat si Raine. Iniwasan niya ang mata ni Crassus. Bumigat ang puso niya. Alam naman niya na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa ito sa ex nito. Takot lang ito na umamin. "In- denial ka pa kasi," saad ni Raine. Malungkot niyang saad. "Alam ko naman na may nararamdaman ka pa sa ex mo."Inilapag ni Crassus ang laptop sa higaan. "Who told you?""Ako," diretsang sagot ni Raine. B
"What?"Naglapat ng mariin ang labi ni Raine. "Magbibihis lang ako at dapat pagbalik ko rito ay wala na 'yan sa katawan mo. Huwag mo akong hamunin, Crassus," malamig na wika niya.Saka siya umalis sa harap ni Crassus. Pumasok siya sa closet room nila para magbihis. Nilapa niya ang kanyang tote bag sa mesa. Tahimik siyang nagbibihis at nang matapos ay lumabas kaagad siya.Naikuyom niya ang kanyang kamay nang hindi man lang natinag mula sa kinatatayuan si Crassus. Mataman itong nakatitig sa kanya habang nakapamulsa. Nang maanalisa niya na wala itong balak na hubarin ang damit ay mabilis siyang lumapit. Marahas niyang tinanggal mula sa pagkabutones ang suot nito.Pinigilan ni Crassus ang kamay ni Raine. "What are you doing?""Tatanggalin ko ang damit. Ayaw mong maghubad kaya ako na ang gagawa," sagot ni Raine.Hinila nito ang kamay niya. "Bakit ba galit na galit ka?""Huwag ka ng magtanong. Basta hubarin mo na lang iyang damit," hirit pa ni Raine.Pero hindi nakinig si Crassus. Pinigila
Ramdan ni Crassus ang galit sa boses ni Raine. Kalmado man ito pero kitang - niya sa mata nito ang pagkadegusto. Malamig itong nakatingin sa kanya na para bang anumang oras ay kaya nitong manuntok. Crassus face Raine, "Since you knew her intentions were not pure, why did you accept her clothes?" Napaismid si Raine. "Simula nang makilala ako ni Tia, mainit na ang ulo niya sa akin. Palagi niya akong pinapahiya sa harap mo. Ginagawan niya rin ako ng kuwento, tapos magsusumbong siya sa'yo. Ikaw itong uto - uto, naniniwala naman. Hindi mo ba pansin? Halos lahat ng ugat ng pinag - awayan natin ay siya ang mitsa." Napatitig sa kawalan si Raine. "Minsan nga ay napapatanong ako sa sarili ko kung tama ba itong pinasok ko. Palalampasin ko lang sana ang gingawa niya kasi papaano ay naintindihan ko siya. Pero lately ay sumusobra na siya. Kung hindi ko siya papatulan, hindi niya rin ako titigilan. Hinding - hindi niya ako tantanan hangga't hindi tayo maghihiwalay." Natahimik si Crassus. Kinu
Habang kumakain ay napatingin sa pinto si Raine. Nakita niyang pabalik na si Crassus. Hindi ito nag - iisa. May kasama ito na lalaking server.Umupo si Crassus sa tabi niya. Nilapag naman ng server ang tray na may takip. Napatingin siya roon ng may pagtataka. Tinanggal nito ang takip. Nanubig ang bagang niya nang makita niya ang isang mamahaling ice cream na nakalagay sa isang maliit na baso. Kaunti lang ang serving niyon at parang tsokolate ang flavor. May cherry pa ang tuktok nito.Tinitigan niya ng mabuti ang dessert. "Enjoy your meal, Ma'am, Sir," ani ng server saka ngumiti.Ginantihan ito ni Raine ng ngiti. "Salamat."Tumalikod ang server. Dinala nito ang tray. Nang makalabas ito ay napalingon siya kay Crassus."Iyong maliit lang ang inorder ko. Baka sasakit ang tiyan mo at magkasipon kapag napadami ka ng kain," ani pa ni Crassus."A-akala ko galit ka," tanong ni Raine. Napakunot ang noo ni Crassus. "Bakit naman ako magagalit?"Napailing si Raine. "An
Marahas na napabuga ng hangin si Tia. Saka niya dinampot ang kanyang bag. Nilisan niya ang vip room nang hindi nagpaalam kina Raine at Crassus. "What is that?" Napalingon si Raine kay Crassus. "Ang alin?" "That, your speech. Where is that coming from?" Crassus asked. "Uh, from the heart?" Napalunok si Crassus. Hinila niya ang kanyang kwelyo dahil parang nahihirapan siyang huminga. Saka siya tumikhim. At dahil umalis na si Tia. Malaya na silang makapag - usap. "Tinatanong kita ng maayos," saad pa ni Crassus. Lumingon ulit si Raine sa kanya. "Sinasagot din naman kita ng maayos ah?" "Raine." "Ano?" Napipikang tanong pa ni Raine. Ngumuya siya. "Ayaw mo bang kumain? Nagugutom na ako." Marahan niyang pinitik ang noo ni Raine. "Kaya ka tumataba dahil puro ka lamon." Sumama ang mukha ni Raine. "Babe, baka nakalimutan mo na kaunti lang ang nakain ko kanina dahil sa pinaggagawa mo." Tumikhim ulit si Crassus. Pinigilan niya ang sarili na mapangit
Tahimik na nakikinig at nagmamasid kina Raine at Tia si Crassus. Nang marinig niya ang huling sagot ni Raine ay alam niyang may mali. Sinasabi na nga ba niya at may tinatago ang kanyang asawa. Ngayon at kinopromta na ito ni Tia ay hindi niya maiwasang maging kyuryoso. Mabagal niyang hinaplos ang kanyang ilong. Habang nakatingin kay Raine ay hindi maiwasan ni Tia na makaramdam ng suya. Kung wala lang si Crassus sa harap nila ay kanina niya pa ito sinupalpal. Hindi siya makabwelo dahil katabi nito ang ex bf niya. Gusto niyang mapanatili ang good impression nito sa kanya kaya kailangan niyang magpigil. Mababalewala ang pinaghirapan niya kung magpapadala siya rito.Kaya lang, hirap siyang magpigil. Kaya napagsalitaan niya pa rin si Raine. Hindi siya papayag na mapahiya sa harap ni Crassus.Pekeng ngumiti si Tia. "Girl, what do you mean? It's three naman talaga. Bakit ako pa ang tinatanong mo? I'm the one who order it so siyempre alam ko kung ilang letra ang naka - burda riya
Pagpasok nina Raine at Crassus sa entrance ng restaurant ay naagaw nila ang atensiyon ng mga tao. Natigilan pa ang ilan sa mga babae habang ang iba ay napasinghap. Lalo na ang mga kalalakihan, para silang nakakita ng isang dilag na napadpad sa mundo ng mga tao.Raine is wearing a dark blue dress. Ang mahaba niyang buhok ay nakabuyangyang. Isang white hairband lang din ang aksesorya sa buhok niya. Pati ang bitbit niya na mamahaling tote bag at belt ay puti rin kaya kaaya - aya sa mata ang kasuotan nito.Crassus is wearing a expensive dark blue polo shirt. Pinaresan nito ng khaki pants ang pang - itaas nito. Even his black belt is screaming for elegance. Simple lang ang desinyo pero bumagay sa suot niya na black formal footwear. They entered the restaurant with a poise. Halos mabali na ang mga leeg ng mga kababaihan sa kakatingin kay Crassus. Ang ilan sa mga lalaki ay napainom ng wine habang nakatitig kay Raine. The two steal the spotlight. Na para bang pinapares talaga sila sa isa't -