"Naughty, matulog ka na at masama sa iyo ang magpuyat." Ipinasok na ni Leonard ang asawa sa silid nila. Napangiti si Rose, sa wakas ay nagbunga rin ang lahat ng pagnanais niyang manatili sa pamilya ng asawa. Kahit walang sex namamahitan sa kanilang mag asawa ay kuntinto sila sa isa't isa. Bawal pa kasi habang buntis siya at baka magulo ang dugo ng fetus sa sinapupunan niya. Naghalo na nga sina Alexander at Dylan, hindi puwedeng dumagdag ang asawa niya.Kinabukasan, nagising si Alexander na naduduwal. Nagising na rin si Dylan at nag aalalang sinundan siya."Baby, what's wrong?" Nag aalalang tanong ni Dylan sa asawa habang hinahaplos ang likod nito."Hindi ko alam..." sandaling natigilan si Alex pagkaalala kay Rose kagabi. "That bitch, ano na naman ang ginawa niya sa akin kagabi?"Napangiti si Dylan nang mahulaan ang iniisip ng asawa. Nakita nga niya kagabi ang mag asawa na lumabas sa silid nila. Nagbabasa sila ni Alexander ng libro tungkol sa pagbubuntis ng isang babae kaya alam nila
Last Updated : 2025-01-11 Read more