"May problema ba dito?'" tanong ni Dylan habang palipat lipat ang tingin sa asawa at kina Lily. Mabilis na tumayo si Alexander qt nagmamadaling nilapitan ang asawa. "Nothing, babe. Bakit hindi ka nagpasabing darating bago pumunta dito?" "Hindi na ba ako allowede pumunta dito sa opisina mo without your permission?" Himig nagtatampong tanong ni Dylan sa asawa. "No, hindi iyan ang ibig kong sahihin, babe!" Kabadong bawi ni Alexander. Nang aarok ang tinging ipinukol ni Dylan sa asawa. "May iba ka bang pinagkakaabalahan?" Nangunot ang noo ni Alexander at hindi alama ang ibig sabihin ng asawa. "Babe, hindi kita nagisnan sa tabi ko kanina kaya ako nagkakaganito. Tinatawagan kita ay hindi mo rin sinasagot ang tawag ko." "Napapansin kong nitong mga nakaraang araw ay parang lagi kang nag aalala at maging ang mahalagang araw sa buhay natin ay mukhang nakalimutan mo." Himig nagtatampong ani Dylan sa asawa. Natigilan si Alexander at nangunot lalo ang noo. "Sorry, babe, nagkaroon lang
Last Updated : 2024-12-13 Read more