Brenda Nang lulan na kami ng bagong bili yate ni Mattheus. May sumalubong sa ‘min na g’wapong lalaki. Sa tantiya ko nasa limang taon o higit pa ang tanda nito kay Mattheus. “Hon, this is Captain Morgan. Siya rin ang bantay nitong yate natin. “Morgan. Misis ko, Brenda Martinez,” Kinamayan ako nito. “Ikinagagalak ko po kayong makilala. Mrs. Martinez. Ngayon alam ko na kung bakit Queen Brenda, ang pangalan ng yate ni bossing. Ang ganda mo nga talaga,” magalang nitong sabi. “Hindi naman po. Pero salamat,” tugon ko napansin ko naningkit ang mata nito. Napasentido si Mattheus dahil humawak ako sa braso niya. Kasi slight akong kinabahan sa pananakot ni Captain Morgan. Binatukan ito ni Mattheus. Kaya humalakhak ito. “Tatakutin mo pa ang asawa ko gago ka,” ani Mattheus kay captain Morgan. “Biro lang Mrs. Martinez , p'wede alisin mo na ‘po’ kasi kasintanda ko lang ’yang si boss,” “No worries po…” sagot ko napakamot ito sa ulo. Hindi ko na rin kinausap kasi hinila na ako ni Matth
Last Updated : 2025-02-19 Read more