Kung maantay n'yo po mga labs. May update pa po ako mamaya
Mattheus Nang bumukas ang pinto ng delivery room. Mabilis akong tumayo maagap akong sumalubong sa OB ni Brenda. Nakangiti naman ‘to tinapik ako sa balikat. “Ligtas na ang mag-i-ina mo. Maganda siguro kung sa room na antayin si Misis. Mamaya lang dadalhin na siya roon kasama ng poging triplets. Congratulations! Mr. Martinez,” anang nito iniwan agad ako bumalik sa loob ng delivery room. 'Nasasabik na akong masilayan kayo mga anak.' Nakaraan buwan pa, may napili na kaming name sa triplets. Alexaiver Martinez Yurich Martinez Ishmael Martinez Kay Misis ko na pinaubaya mag-isip ng name ng mga anak namin. “I told you anak. Tayo sa k’warto na lang mag-antay. Tingnan ko rin kung maayos na ang kama ni Brenda,” sabi ni Mommy. Naisip ko rin iyon kaya pumayag ako. Kapag cesarean daw sabi ni Mommy hanggang one week mananatili kami rito sa ospital kapag wala naman problema. Sabi naman ni doktora okay ang mag-i-ina kaya isang linggo lang kami rito. Nang nakaupo na ako sa gilid ng kama para s
Brenda Lalabas na lang kami may bisita pang dumating. Walang iba kun'di si dok Neng-neng. Kanina pang umaga umuwi lahat ang mga pamilya namin maliban sa Tiya Agnes. Nagpaiwan si Tiya Agnes sasabay na lang daw sa ‘min kahit inalok nila Daddy Aristeo, na sumabay na sa kanila. Kasi kasama nila Daddy at Tita Anaren si Atlas. May pasok kasi si Atlas sa school. Nag-aaral na ito sa nursery. “Wow! Doktora Neng-neng,” nakangiti kong sabi sa magandang doktora. “Halika pasok ka,” wika ko. Nakabihis na rin kami ayos na rin ang mga gamit namin. Inaantay lang kasi namin si Kuya Cezar na mag-text kung nasa labas na. Wala pang text kaya si Mattheus nakatunghay sa mga tulog na triplets. Sa amin na ni Mattheus si Kuya Cezar. Naging family driver namin. Si Mattheus naman kapag sa office lang ito pupunta. Hindi nito ugaling magpamaneho kay Kuya Cezar. Sanay na solo ngunit may bodyguard pa rin naman na nakabuntot hindi lang talaga halata. “Akala ko hindi na ako aabot. Asawa ko kasi mabagal kumilos,
Brenda Nakalaya na si Kaye paglipas ng tatlong taon. Binawi ni Mattheus ang dapat na anim na taon na hatol sa dalaga. Dahil din ‘yon sa paulit-ulit kong pakiusap sa kaniya. Matanda na kasi ang Mama ni Kaye, wala pang kasama sa bahay nito kaya hiniling ko kay Mattheus. Kung p'wede gawan ng paraan mabawasan ng taon ang hatol kay Kaye sa kulungan. Sa ngayon. Masayang namumuhay ang mag-inang Kaye sa lugar ng Mama niya sa Batangas. Ang bahay na pinagdalhan sa ‘kin noong kinidnap niya ako dahil sa utos ni Vidal. Benenta nila at nagtayo ng sari-sari store si Kaye dahil nga hindi na ito makapasok sa trabaho dahil sa pagkakakulong nito. Si Samantha naman tuluyan din nagbagong buhay ang dalaga. So far maganda ulit ang career nito at malapit ng ikasal sa afam nitong boyfriend. Nakatutuwa lang isipin dahil hindi ako nagkamali pilitin ang asawa ko na bigyan ng chance si Kaye na makalaya at si Samantha sa pagbabalik nito showbiz. Naniniwala kasi ako sa second chance. Kasi kung hindi ko sila bi
Title: I married Atlas Martinez after one-night stand Blurb: Matagal ng inuungot ng long-time boyfriend ni Andrea Keth Galiga na magsama na sila sa iisang apartment dahil pakakasalan naman daw siya nito kapag nakatapos na sila pareho sa college. Subalit paulit-ulit naman niyon tinatanggihan ni Andrea Keth, dahil gusto ng dalaga sasama lang siya rito kung kasal sila ng kasintahan. Isa pa bata pa siya at ano na lang ang buhay ang nag-aantay sa kaniya kung papayag sa gusto nito. Isang araw. Muling nag-asawa ang Daddy ni Andrea Keth. May anak itong babae na halos kasintanda lang niya. Hindi naging kasundo ni Andrea ang madrasta niya lalong-lalo na ang anak nitong babae na akala mo kung umasta siya talaga ang totoong anak ng Daddy niya. Madalas silang mag-away ng madrasta at ng anak nito. Ang malas pa niya dahil sa tuwing nagkakasagutan sila ng Madrasta. Siya naman dating ng Daddy niya. Kung ano-anong sumbong ng mag-ina na kasinungalingan at paniwalang paniwala naman dito ang daddy
Andrea Pagkatapos kong magbihis ng pambahay mabilis akong lumabas sa aking kuwarto at binagtas ang patungo sa 'ming dining area. Mamaya pa akong maliligo dahil babalik ako sa pagtulog ko pagkatapos kong pagbigyan si Daddy, na saluhan ko ng almusal. Isa pa tinatamad pa akong maligo kasi maaga pa naman. Wala rin akong lakad kasi ang boyfriend kong si Kier, may family outing kaya wala akong date ngayon. Isinasama ako ngunit tinatamad ako. Lately kasi nauurat ako kay Kier. Ang kulit-kulit magsama na raw kami, kasi nasa hustong gulang naman daw kami pareho. Si Kier kasi ay 22 years old at graduating na ito. Samantala ako ay 20 years old naman. Still ayaw ko. Hindi pa ako tapos mag-aral. Lalong ayaw ko kasi hindi naman kami kasal at para sa 'kin. Ang bata ko pa para sa gusto ni Kier na live-in. Kumunot ang noo ko malayo pa ako nakita ko na ang bisita ni Daddy. Naalala ko, ito ang jowa ni Dad. Kasi ito ang nakita ko roon sa mall. Aba unti-unti na ni Daddy dinadala ang jowa niya rito. Wel
Andrea Pagkalunes. Matamlay akong pumasok sa school. Dalawang araw ko kasi dinamdam ang nalalapit na pag-a-asawa ni Daddy. Nalaman ko pa sa Nanay Fidelisa. After kasal sa Maldives daw ang honeymoon ni Daddy at ni Olivia. Dahil iyon daw ang gusto ng babae. Sana lang hindi dumating sa point na ubos na ang naipundar ni Daddy at Mommy, bago si Dad. Magising sa katotohanan. Kaya pala sobrang busy ni Daddy kasi inaayos ang papers ni Olivia. Si Daddy kasi wala ng problema. Dahil noon naman buhay pa ang Mommy. Madalas din kami mag travel abroad. Hindi ko lang maunawaan sa Daddy ko. Malamig ngayon ang pakikitungo nito sa ‘kin. Natatakot ako Oo, parang unti-unti nawawala ang mapagmahal kong ama. Sandali muna akong huminto upang ilibot ang mata sa paligid. Bumuntong hininga ako. Hinahanap ko kasi si Kier, kung pumasok ba ito. Kasi tuwing umaga inaantay nito ako sa gate. Ngayon wala ang binata at hindi rin ako nito na text kaninang umaga. Dati naman nito ginagawa kung paalis na apartment n
Andrea "Vianca, hindi ako sasama mag-mall ha? Pupuntahan ko si Kier sa apartment niya kasi nag-aalala na ako hindi pumasok at walang paramdam simula pa noong sabado." "Hays bestfriend. Bahala ka na nga sa plano mo. Ingat ka roon, ha?" wika na lang ni Vianca at niyakap ako pagkatapos nagbe'so-bes'o kami. Pareho kaming sumakay ng taxi. Si Vianca patungong SM. Samantalang ako sa apartment ni Kier. Nag-text ako pupunta ako hindi naman nag-reply pero itinuloy ko pa rin ang balak ko. “Hi, akala ko hindi ka na darating,” salubong ni Kier masayang nakangiti pagkabukas ng pinto sa apartment nito. Gusto ko nga sanang talakan kasi nabasa pala nito hindi lang ako nareplyan. Pumasok ako't inilibot ko ang paningin sa paligid. Bakit kaya absent ito ngayon. Kasi pinuntahan ko sa engineering building absent daw ito hindi ngayon pumasok. “Bakit ka nga pala hindi ka pumasok?” tanong ko sa kaniya nakahalukipkip. Nakangiti lang ito parang ginagawang biro ang tanong ko sa kaniya, pagkatapos umupo
Andrea Lumipas ang isang linggo araw na ng kasal ni Daddy. Sinadya ko kahapon pagdating galing school. Nagkulong ako sa kuwarto ko. Hanggang ngayon hindi ako lumalabas kahit alas-diyes na ng umaga. Sabado rin naman ngayon kaya wala akong pasok kahit manatili lang ako maghapon sa silid ko. Sanay naman ako sa ganito nasa kuwarto ko lang kapag wala akong lakad. May kumatok sa pinto napilitan akong bumangon baka si Nanay Fidelisa ang nasa labas. Kaya kahit napipilitan nilapitan ko na ang pinto. “Dad?” natigilan ako ng ito ang napagbuksan ko ng pinto. Seryoso ang Daddy ko napa sentido malalim na humugot ng hangin. “Kung ipipilit mo po sa ‘kin Dad, na summa ako sa munisipyo? Dad, nagsasayang ka lang po ng laway. Hindi po ako sasama. Please po? Ayaw ko pong pag-awayan ulit natin 'to. Kaya igalang mo po ang pasya ko hindi sumama katulad na lang sa wala ka na rin narinig na salita galing sa ‘kin.” Bumuntong hininga si Daddy. Pinasadahan n'ya ako ng tingin. Napayuko ako’t hindi ko mata
Andrea “May plano na ba kayo magkaanak ni Atlas? Kaya lang nag-aaral ka pa pala baka hindi pa ano, hija?” walang preno-preno tanong nito ako ang kanina pa mainit ang pisngi pagkabanggit nito ng apo. “Ahehe…ano po M-mommy. H-hindi ko pa po alam,” anang ko ngunit tinawanan lang ako. “Naiilang ka ba Andrea?” bumungisngis ito hinaplos ang buhok ko. “Sorry naging madaldal ako. H’wag mo na lang seryosohin ang mga sinabi ko. Halika na para makakain na tayo ng tanghalian,” aniya hinawakan ako sa kamay ko. Nang mag-umpisa kaming lumakad. Doon ko napansin t-shirt pala ni Atlas ang suot ko. Pinamulahan ako ng mukha kasi tumingin din sa akin ang ginang. Wala naman akong nakitang pinipintasan niya ako. Hindi ko lang talaga maiwasang mahiya kasi kaharap ko kaya ang mommy ni Atlas. “Oo nga pala may mga damit ka na r’yan sa closet ni Atlas. Kung gusto mong maligo muna. Aantayin na lang kitang matapos. Dito lang ako sa kuwarto n'yo,” ani nito. “Pwede po ba?” “Oo naman ikaw talaga mahiyai
Andrea “G-good morning po. M-mommy po kayo ni Atlas?” nauutal kong tanong sa nakangiting ginang na nakaupo sa tabi ng kama. Nakangiti itong tumango. “Mommy mo na rin ako, kasi asawa ka ng anak ko. H'wag kang mahihiya sa ‘min ituring mo na kaming pangalawa mong magulang?” ani nito hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya. Namamangha lang ako kasi ang yaman-yaman ng pamilya nila pero ang bait nito. Bihira lang ako makaharap ng mayaman pero itong ginang walang kaarte-arte sa katawan. Watch at hikaw lang ang suot nito kasama pala wedding ring. Bukod doon wala na itong ibang suot na alahas. Kanina pa nakangiti pagpasok ng pinto ako na lang ang nahihiya na i-dedma ito kasi ang lumanay rin ng boses niya. Dahan-dahan akong bumangon umalis ito sa kinauupuan niya tinulungan akong makasandal sa headboard ng kama. “Thank you po,” nahihiya kong sabi. Hindi ko rin masabi sabi ang ‘mommy’ sa kaniya naiilang pa ako. “Kaya mo na bang bumangon, hija?” ani pa nito pagkatapos inayos ang buh
Andrea Tahimik ako ng nasa biyahe na kami. Panay ko hikab kaya sinabihan ako ni Atlas na matulog muna kasi malayo pa kami sa bahay nila. Inayos din ni Atlas ang upuan ko at sinabihan ako matulog muna kung inaantok ako. “Kanina ka pa panay hikab. Baby, gigising kita pagdating natin sa bahay,” anang nito inabot pa ang pisngi ko hinaplos niya. Humalukipkip ako tinaasan siya ng kilay ngunit tumaas lang ang sulok ng labi nito ako pa ang pinagtatawanan ng loko. “Hmp! wag kang masyadong mabait sa ‘kin baka manibago ako kapag maghiwalay na tayo...bahala ka hindi na kita pakakawalan pa," ani ko kinangisi nito. "Paano nga ba kung ako rin hindi na kita pakawalan kasi panay mo pa cute sa 'kin," "Woi hindi ah! Ganito talaga ako cute. Kaya magtiis ka," wika ko hindi ko maiwasang tumawa kasi laglag panga ni Atlas. "Pero seryoso ako roon sa una kong sinabi. Bawasan mo pagiging mabait sa 'kin baka makasanayan ko." Hindi ko inalis ang tingin ko kung anong magiging reaksyon nito. Napairap
Andrea “Iyan po ba ang gusto mo Dad, hindi na ako pupunta rito? Bahay ko rin po ito at gusto rin po kitang madalaw—” sabi ko pa dahil humabol ako sa kaniya ngunit nilampasan lang ako ni Dad. Inayos ko muna ang sarili ko. Naka labas na ako ng office ni Daddy. Ayaw ko makita ni Atlas ang hitsura ko na wala sa ayos. Though hindi ko maitatago sa kaniya ang namumugto kong mata at least maayos ang hitsura ko. Napangiwi ako ng salatin ko ang aking mata halata iyon namumugto ang takikap ko. Woah! Napabuga ako ng hangin sa bibig. ‘Okay Andeng! Kumalma ka. Nag-usap na kayong mag-ama at may sagot na siya. Malinaw naman na ang bagong asawa ng Daddy mo ang pinili. Kaya tanggapin mo na lang at ayusin ang pag-aaral mo. Tama. Pero hindi ibig sabihin na sumuko na ako. Hindi ibig sabihin na kalilimutan ko na si Daddy. Mag-aantay pa rin ako hanggang sa bumalik ang dating mapagmahal kong ama. Dumaan muna ako sa dining area bago ko ipasyang bumalik sa living room. Nakaramdam ako ng pagkauhaw pagk
Andrea “Atlas,” pigil ko sa kaniya dahil namumula sa galit si Daddy. Ngunit hindi talaga ito magpapaawat sa halip kasi ay tumayo na ito inilahad ang kamay nito sa akin senyales na aalis na kami. “Let's go,” he said. Umiling ako kaya napabuntong hininga ito. "Baby?" aniya nagpipigil ewan kanino ito galit dahil malambing naman ang titig nito sa 'kin. “Gusto ko pang makausap ng masinsinan si Daddy,” wika ko kay Atlas. Humugot ito ng hangin pagkatapos tumango. “I'll wait for you here,” tugon nito binitiwan ang kamay ko. “Thank you. Mabilis lang ako,” paalam ko sa kaniya pagkatapos ay tumingin kay Daddy. “Daddy please naman po. Mag-usap muna tayo ng masinsinan. Mahalaga po itong sasabihin ko kailangan mo itong nalaman,” wika ko ngunit naningkit anga mata ni Daddy hindi ako nagpatinag. “Tungkol saan nanaman ba ito ha, Andrea?” tanong nito at galit. “Sa office mo po dad. Pagkatapos ko itong masabi sa iyo. Nasa iyo po ang desisyon kung maniniwala ka sa ‘kin. Basta totoo po ang sasabih
Andrea “Daddy,” nakangiti ko pa sabi sa kaniya subalit hindi ako pinansin sa halip pumasok ito sa loob kaya nahiya ako kay Atlas hindi tuloy ako makatingin dito. Napayuko ako pinalooob ko ang buong labi ko upang hindi ako maiyak. Naramdaman ko humalik si Atlas sa buhok ko natigilan ako hindi ko lamang ‘yon pinahalata sa kaniya. “Ahm…pasensya na nakita mo pa ang kasungitan ni Dad,” ani ko wala naman akong nakuhang sagot galing sa kaniya. Bakit niya ako hinahanap kay Vianca kung ganito pala siya malamig ang pakikitungo sa ‘kin. “It's okay. Kasama mo ako,” paalala pa nito. Tumango ako. “Salamat. Tara na pasok na tayo,” umangat ako ng tingin kay Atlas ng maayos na ako. Tahimik lang ito sumunod sa akin. Kasi bakit sumama pa ito ngayon ‘yan tuloy malalaman nito hindi kami okay ng ama ko. “Hey, okay lang ‘wag kang mag-alala,” narinig ko pa bulong nito. “Halika upo tayo,” nakangiti kong alok sa pangusong itinuro ang sala namin. Naroon na si Daddy nakaupo roon nakatalikod sa a
Andrea “Iyan na ang bahay namin,” turo ko kay Atlas ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Wala kaming guard kasi ang Nanay Fidelisa ang taga bukas kay Daddy at Mommy noon kapag papasok at uuwi galing trabaho. Kasi sila lang ni Daddy, ang mayroon kotse. Pero may susi ako sa maliit naming gate wala lang dito ngayon sa ‘kin kasi naroon sa backpack kong ginagamit pagpasok ng school. Alanganin akong ngumiti ng magbusina si Atlas. Wala kasi magbubukas ng gate. Seryoso lang ito nag-antay pa kami sa labas. Ewan ko kung nasa bahay si Daddy. Kung tawagan ko kaya. Pero baka nasa trabaho ito sayang naman ang punta namin ni Atlas, kung walang mangyari sa lakad ko. Inuna pa naman nito dito pumunta sa bahay kahit inaantay na ito ng Mommy nito. “Baka walang magbukas sa ‘tin,” naging tabingi ang ngiti ko kasi sampung minuto na kami sa labas ng gate. “W-wala yata ang Dad ko umalis na lang tayo," dugtong ko pa. “Antayin na lang natin ayos lang kahit mag-antay tayo," tugon ni Atlas pinas
Andrea Paglabas ng gate sa bahay ni judge Stewart. Kumaripas ng patakbo sa kotse niya si Macarius. Na welcome naman niya ako sa family nila pagkatapos umalis na may meeting daw ito sa trabaho sabi ni Atlas. Nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag ko. Senyales na mayroong bagong pumasok na text. Tumingin si Atlas sa ‘kin wala naman sinabi ng kunin ko sa bag ang cellphone ko. Bigay rin ni Atlas itong dala kong shoulder bag. Bago kami umalis sa condo unit nito inabot niya sa ‘kin. Kaya pala hindi ko napansin sa loob ng k'warto kasi nasa sofa kanina. Ibinigay niya sa ‘kin ng palabas na kami ng condo. Vianca: Andeng? Nag-reply agad ako upang alamin kung anong kailangan nito sa ‘kin. Ako: Besh? Yeah, pupunta ako mamaya. Sa bahay n'yo. May sagot agad ito sa ‘kin pagkasend ko ng reply sa kaniya. Pero ng mabasa ko ang text ni Vianca, kinalaki ng aking mata. Vianca: Galit na galit ang Daddy mo. Hinanap ka sa ‘kin. Ako: Oo, uuwi ako mamaya sa bahay bakit naman niya ako hahanapi
Andrea Pagbusina ni Atlas sa hinintuan naming matayog na gate. Agad iyon bumukas. Inaasahan na yata ang aming pagdating dahil wala ng tanong, tanong. Kung sino ang nasa labas. Mayroon agad sa loob nagbukas. Usually dapat kapag ganitong mayaman. Alam ko inaalam muna ng duty guwardiya kung sino ang dumating na bisita. Dito kay Atlas. Hindi naman niyon ginawa sumaludo pa nga kay Atlas, animo kilala siya ng dalawang g’wardiya ng pumasok ang sasakyan niya sa malawak na bakuran ng bahay ni judge. Nang makapasok kami sa loob ng bahay. Salubong na ang kilay ng pinsan ni Atlas, naiinip nakaupo sala may kasamang may-edad na lalaki. Naisip ko ito na yata ang judge na tinutukoy ni Atlas, na siyang magkakasal daw sa ‘min. Parang kasing edad ni Daddy o mas matanda hindi lang gaanong malaki base lang naman sa nakikita kong itsura nito. Ang tinutukoy ni Atlas na pinsan. Ang lalaki pala roon na kasama niya roon sa Okada. Tinitigan ko magkamukha pala sila ni Atlas kahit magpinsan lang. Hindi k