Story na po ito ni Atlas and Andrea Keth. Daily update po ito mga labs at walang exact time, hehehe. Bukas po ako babawiin ng update ha? Salamat po
Andrea Pagkatapos kong magbihis ng pambahay mabilis akong lumabas sa aking kuwarto at binagtas ang patungo sa 'ming dining area. Mamaya pa akong maliligo dahil babalik ako sa pagtulog ko pagkatapos kong pagbigyan si Daddy, na saluhan ko ng almusal. Isa pa tinatamad pa akong maligo kasi maaga pa naman. Wala rin akong lakad kasi ang boyfriend kong si Kier, may family outing kaya wala akong date ngayon. Isinasama ako ngunit tinatamad ako. Lately kasi nauurat ako kay Kier. Ang kulit-kulit magsama na raw kami, kasi nasa hustong gulang naman daw kami pareho. Si Kier kasi ay 22 years old at graduating na ito. Samantala ako ay 20 years old naman. Still ayaw ko. Hindi pa ako tapos mag-aral. Lalong ayaw ko kasi hindi naman kami kasal at para sa 'kin. Ang bata ko pa para sa gusto ni Kier na live-in. Kumunot ang noo ko malayo pa ako nakita ko na ang bisita ni Daddy. Naalala ko, ito ang jowa ni Dad. Kasi ito ang nakita ko roon sa mall. Aba unti-unti na ni Daddy dinadala ang jowa niya rito. Wel
Andrea Pagkalunes. Matamlay akong pumasok sa school. Dalawang araw ko kasi dinamdam ang nalalapit na pag-a-asawa ni Daddy. Nalaman ko pa sa Nanay Fidelisa. After kasal sa Maldives daw ang honeymoon ni Daddy at ni Olivia. Dahil iyon daw ang gusto ng babae. Sana lang hindi dumating sa point na ubos na ang naipundar ni Daddy at Mommy, bago si Dad. Magising sa katotohanan. Kaya pala sobrang busy ni Daddy kasi inaayos ang papers ni Olivia. Si Daddy kasi wala ng problema. Dahil noon naman buhay pa ang Mommy. Madalas din kami mag travel abroad. Hindi ko lang maunawaan sa Daddy ko. Malamig ngayon ang pakikitungo nito sa ‘kin. Natatakot ako Oo, parang unti-unti nawawala ang mapagmahal kong ama. Sandali muna akong huminto upang ilibot ang mata sa paligid. Bumuntong hininga ako. Hinahanap ko kasi si Kier, kung pumasok ba ito. Kasi tuwing umaga inaantay nito ako sa gate. Ngayon wala ang binata at hindi rin ako nito na text kaninang umaga. Dati naman nito ginagawa kung paalis na apartment n
Andrea "Vianca, hindi ako sasama mag-mall ha? Pupuntahan ko si Kier sa apartment niya kasi nag-aalala na ako hindi pumasok at walang paramdam simula pa noong sabado." "Hays bestfriend. Bahala ka na nga sa plano mo. Ingat ka roon, ha?" wika na lang ni Vianca at niyakap ako pagkatapos nagbe'so-bes'o kami. Pareho kaming sumakay ng taxi. Si Vianca patungong SM. Samantalang ako sa apartment ni Kier. Nag-text ako pupunta ako hindi naman nag-reply pero itinuloy ko pa rin ang balak ko. “Hi, akala ko hindi ka na darating,” salubong ni Kier masayang nakangiti pagkabukas ng pinto sa apartment nito. Gusto ko nga sanang talakan kasi nabasa pala nito hindi lang ako nareplyan. Pumasok ako't inilibot ko ang paningin sa paligid. Bakit kaya absent ito ngayon. Kasi pinuntahan ko sa engineering building absent daw ito hindi ngayon pumasok. “Bakit ka nga pala hindi ka pumasok?” tanong ko sa kaniya nakahalukipkip. Nakangiti lang ito parang ginagawang biro ang tanong ko sa kaniya, pagkatapos umupo
Andrea Lumipas ang isang linggo araw na ng kasal ni Daddy. Sinadya ko kahapon pagdating galing school. Nagkulong ako sa kuwarto ko. Hanggang ngayon hindi ako lumalabas kahit alas-diyes na ng umaga. Sabado rin naman ngayon kaya wala akong pasok kahit manatili lang ako maghapon sa silid ko. Sanay naman ako sa ganito nasa kuwarto ko lang kapag wala akong lakad. May kumatok sa pinto napilitan akong bumangon baka si Nanay Fidelisa ang nasa labas. Kaya kahit napipilitan nilapitan ko na ang pinto. “Dad?” natigilan ako ng ito ang napagbuksan ko ng pinto. Seryoso ang Daddy ko napa sentido malalim na humugot ng hangin. “Kung ipipilit mo po sa ‘kin Dad, na summa ako sa munisipyo? Dad, nagsasayang ka lang po ng laway. Hindi po ako sasama. Please po? Ayaw ko pong pag-awayan ulit natin 'to. Kaya igalang mo po ang pasya ko hindi sumama katulad na lang sa wala ka na rin narinig na salita galing sa ‘kin.” Bumuntong hininga si Daddy. Pinasadahan n'ya ako ng tingin. Napayuko ako’t hindi ko mata
Andrea Abot tainga pa ang ngiti ko habang ako'y pababa sa hagdan ngunit pagdating ko sa living room, biglang nalusaw ang aking ngiti sa labi. Dahil sa taong nabungaran ko sa sala. Lihim akong napairap ayaw ko man aminin bigla akong nanibugho parang ako ang naging sampid sa bahay namin. Masayang nagtatawanan sina Daddy, Olivia at Erica. Tumingin sila sa ‘kin kaya napangiti na lang ako sa kanila at nagpaalam kay Daddy. "Daddy Alvin. Salamat po dito ah," saad ni Erica inangat ang hawak na ATM card. Napatingin ako roon. Nakitaan ko naman ng konting pag-aalala sa mata ni Daddy, ng bumaling siya ng tingin sa 'kin lalo ng palitan ko sila tiningnan ni Erica. Upang hindi na mag-alala si Daddy. Ako na ang mag-a-adjust. Ngumiti ako naitago ko ang tampo sa aking mata. “Daddy, papasok na po ako ah,” ani ko nginuso ko ang labas ng pinto. Nag-wave pa ako sa mag-ina para naman hindi na sumama loob ni Daddy at walang itong masabi na tutol ako sa mga ginagawa niya. Isa pa mahuhuli ako sa kla
Andrea Pagdating ng uwian. Kasama ko si Vianca patungo na kami sa gate. Dahan-dahan lang ang aking lakad kasi nakatunghay ako sa phone ko nag-te-text kasi ako kay Kier, natapos na ang klase ko. Ako: ihahatid mo ba ako? Kier: I'm sorry, babe. Hindi kita na inform need ko mag-library ngayon. Nang mabasa ko nakaramdam ako ng dismaya kay Kier. Ayaw ko naman maging demanding na girlfriend. Akala ko lang kasi ihahatid niya ako. Dati naman ganito ang set-up namin kapag Monday. Mas una ang labas ko kay Kier, mga thirty minutes lang naman kaya inaantay ko siya upang sabay kami umuwi. Hinahatid nito ako sa bahay kasi may kotse si Kier. Ako: gusto mo bang antayin na lang kita?” Kier: hindi na matatagalan ako rito. Mauna ka ng umuwi. Aba akala ko may ginagawa bakit mabilis nakareply? Hindi ko maiwasang tumaas ang kilay ko. Nakatitig ako sa phone ko siniko ako ni Vianca. “Pambihira ka Andeng! Kanina pa ako nagsasalita busy ka pala sa phone mo? Sino iyan?” ani nito huli na nakita na
Andrea “Nanay Fidelisa. Ano po iyang niluluto mo? Bakit ang dami naman po yatang ulam apat lang naman tayo. May luto ng adobong baboy rin po akong nakita sa dining table,” ani ko isang umaga ng pinuntahan ko ito sa kitchen. Holiday ngayon kaya wala kaming pasok sa school. “Kare-kare, anak. Ito ang pinaluto ni Erica. Sa adobo kay Olivia naman,” wika nito kaya hindi ko maiwasang tumaas ang kilay ko. “Palibhasa hindi nagpapagal sa trabaho kaya hindi marunong magtipid,” bubulong-bulong ko sabay irap kahit wala naman akong kaaway. Matipid na ngumiti si Nanay Fidelisa. Alam ko kahit ito, galit na sa Daddy. Hindi nga lang nito magawang umalis dito kahit ginagawa siyang alila ni Erica at Tita Olivia. Dahil pamilya na ang turing ni Nanay Fidelisa sa ‘min. “Tulungan na kita ‘nay. Ako na ang maghugas nitong mga gulay,” ani ko ng tutungo na dapat sa lababo ngunit kinausap ako nito. “Wala ka bang lakwatsa ngayon?” biro nito. “Ay si Nanay may gano'n po? Para naman mahilig ako gumala kapa
Andrea “Hindi nay! May ginagawa ka. Hayaan mo po siya ang gumawa niyan. Siya rin naman ang magsusuot niyan,” ani ko seryoso. “Fidelisa bilisan mo. Mahuhuli ako sa lakad ko!” sabi nito hindi lang pinansin ang sinabi ko. At kung magsalita akala mo parang kaedad lang niya ang inuutusan niya. “Sige, Andeng. Pakibantayan mo muna ito ha? Wala ito mabilis lang naman ito gawin,” ani Nanay Fidelisa. “No! Hayaan mo po siya ‘nay,” may diin ang boses ko pagkatapos sinamaan ng tingin si Erica. Aba pumalpak pa ang gaga nakangisi halos labas ngala-ngala. Nagtagisan kami ng titigan ni Erica. Ito ang unang nagbawi ng tingin humagikhik na parang buang. “Okay, okay, madali naman akong kausap…total pakialamera ka naman Andrea Keth, ikaw na lang ang magplantsa nito!” sabay bato ng blouse n'ya sa mukha ko. Nilukot ko iyon habang hawak ko. Nai-imagine ko pagmumukha ito ni Erica, habang hawak ko ang blouse niya. Labis akong nanggigil gusto kong tirisin. Mariin akong napapikit pagkatapos madili
Andrea Pagdating ng alas-singko ng hapon dumating si Atlas. “Oh, akala ko ala-sais ka pa darating kasama na sina mommy?” Lumapit siya sa ‘min ni Alvina. Mahina niyang kinurot ang pisngi ni Alvina. Hinalikan ako sa gilid ng ulo ko kasi karga ko si Alvina pinatatayo ko sa hita ko. Umupo si Atlas sa tabi ko. “Gusto mong kargahin si Alvina?” tanong ko kay Atlas kasi nakangiti siyang nakatingin sa ‘min ni Alvina. Ililipat ko si Alvina kay Atlas. Pumalahaw naman ng iyak si Alvina hindi ko itinuloy. “Ayaw niya sa mga pangit,” biro ko kay Atlas na kinasimamangot nito. Humalakhak ako umiyak lalo si Alvina. Natakot pa ang kapatid ko sa pagtawa ko. Tumayo na lang tuloy ako at sinayaw sayaw para lang tumigil ito sa pag-iyak. Nakangiti na si Atlas ngayon sa 'min nakatingin. “Baby, bagay sa ‘yo. I'm sure ngayon pa lang maswerte na ang mga anak natin sa ‘yo. Nagkaroon sila ng mommy na maganda, sexy at mabait pa," “Swerte rin sila kasi guwapo at mabait ang daddy nila,” napangiti ako kasi
AndreaNang paglabas ko galing CR tapos na magbihis si Atlas at busy kadodotdot sa phone niya. Kaya naman hindi ko mapigilan na kumunot ang noo ko dahil naka ngisi ito habang naka tingin sa phone niya."Baby," sabi niya at lumapit sa 'kin at nakangiti pa rin inirapan ko tss. Hmp sino naman ang kapalitan nito ng text at ang ngiti abot hanggang tainga."Si Yorme nag-text. Hindi raw siya makararating bukas, kasi pupuntahan niya ang mag-ina niya hindi raw siya tinitigilan na awayin ni mommy," nakatawa sabi ni Atlas, na para bang nakaalala nito ang katatapos na pag-uusap ng kapatid n'yang si Ishmael.Bahagyang tumulis ang nguso ko. Kasi ang ngiti ngayon ni Atlas para bang alam niyang nauurat ako ng maabutan ko siyang may ka-text kanina."Selos naman agad Misis? Kung hindi lang pamilya ko ang nag-text sa 'kin hindi ako mag-re-reply. Wala akong panahon sa iba dahil sa 'yo ko lang gustong ubusin ang oras ko.""Edi wow na lang,"Pinisil niya ang ilong ko. "Ayaw pa umamin ng asawa ko na kinilig
Andrea “Atlas, tigilan mo mamaya tatawagin na tayo ni nanay Fidelisa para sa hapunan. Sinabi ko pa naman ihanda na at magbibihis lang tayo. Ikaw pa naman hindi papayag kapag hindi iisa pa,” suway ko sa kaniya ngunit hindi lang umalis sa likuran ko. Nanatili lamang nakayakap sa likuran ko panay pa rin halik sa leeg ko. Maya-maya pinihit niya akong paharap sa kaniya at siniil ako ng halik. “Maaga pa naman baby,” saad nito at siniil ako ng halik pagkatapos mabilis n'ya akong kinarga at pinulupot niya ang magkabila kong binti sa baywang niya. Kahit naglakakad si Atlas patungo sa kama hindi naputol ang halikan namin. Na para bang hindi niya ako palaging hinahalikan kung makahalik ngayon puno pa rin iyon ng pananabik. Maingat niya akong ibinaba ngumisi sa ‘kin. “Ayaw talaga paawat huh?” saad ko. Inalis niya agad ang suot kong blouse sinunod ang aking bra. Wala siyang kahirap-hirap n'yang inalis iyon sa ‘kin. Dahil din kanina pa tanggal ang hook sa closet ko pa lang. Tuluyan a
Andrea “Nay! Samahan mo ako bukas bumili tayo ng mga upuan at lamesa. Naisip ko sa labas na lang ganapin para malayang kumilos. Alas-sais naman ng gabi malawak naman ang hardin. Siguro naman po. Kasya tayong lahat doon. Sa tingin mo ‘nay maganda ba ang naisip ko?” hingi ko pa ng opinyon sa kaniya. Bago pa sa akin ang magaganap na pagsalo-salo. Kaya mainam din hihingi ng opinyon sa ibang nakatatanda kung mayroon ma-i-suggest naiba. Baka mas maganda ang maging suggestion ni ‘nay Fidelisa. “Maganda ang naisip mo. Pero Andeng, kung tayo lang ang bibili. Hindi natin iyon kaya. Buti sana kung isang lamesa at upuan lang ang bibilhin natin. E, alam ko malaki ang pamilya Martinez. Hindi iyon sakto sa pamilya ng asawa mo kung isang seat lang ang bibilhin mo,” aniya. “Opo. Isasama na lang natin sina ate Lucy at ate Jane. Nand'yan din si Atlas, hindi iyon papasok bukas may kasama tayo. Sakto rin po ayos na rin natin sa labas pagdating galing bumili.” “Mabuti pa nga anak. Bibili pa ba ta
Andrea Alas singko na ng hapon kami nakauwi ni Atlas sa bahay. Tahimik buong living room ng pumasok kami. Hmmm saan kaya sina ate Lucy at ate Jane? Ang nanay Fidelisa alam ko kapag ganitong oras. Busy iyon sa kitchen kasi siya talaga ang nagluluto ng ulam kahit noon pa. Ngayon tiyak inako pa rin nito dahil naksanayan ng nanay Fidelisa at masarap din kasi itong magluto. “Saan ka pupunta?” tanong ni Atlas ng alisin ko ang kamay n'yang nakapulupot sa baywang ko. “Sa kitchen sisilipin ko lang kung naroon si ‘nay Fidelisa,” “Kararating lang natin magpahinga ka muna baby,” “Mamaya na after natin kumain ng hapunan. Mayroon lang akong pakikiusap sa nanay Fidelisa," “Tulad ng ano?” nakakunot ang noo nito tila ba ayaw niya akong payagan. “May pag-uusapan lang kami ni Nanay Fidelisa na plano para bukas sa pagpunta ng pamilya mo,” “Anong plano?” may pagtataka n'yang tanong sa ‘kin. “Mag-aayos lang kami bukas," “Baby, ‘wag ka ng magpagod okay lang kahit ano lang ang ihanda n'yo
Andrea Naantala lang pala ang reply ni Vianca kasi nag-reply pa ulit siya kung maari kaming gumamit ng swimming pool. Gustong maligo ni Vianca. Nakikiusap sa ‘kin kung p'wede. Ako: Oo naman besh basta magdala kayo ng swimsuit alam mo naman na bawal kagaya noong una mong punta rito. Hindi tayo pinayagan kahit anong pakiusap ko kasi naka t-shirt at short tayo. Naiintindihan ko ang guwardiya ayaw n'yang gayahin ng iba. Kung pagbibigyan nga naman kami. Maaring masabihan na may favoritism ang management. “Papasyal daw sina Vianca at Maxine sa condo natin. Sinabi ko next week at sabado sila pumunta kasi wala tayo sa condo bukas. “Okay nasa condo naman ako niyan papuntahin mo na,” sagot ni Atlas. “P'wede ba kaming mag-swimming niyan?” Lahat naman ng condo owner anytime p’wedeng gumamit ng swimming pool. Para iyon sa lahat ng condo owner. Basta sumunod lang sa dress code. “Sasamahan ko kayo,” “Mahihiya sila. Silipin mo na lang kami palagi roon. Kasama mo naman si ate Lucy,”
Andrea “Dammit, baby. Hindi naman aalis si ‘nay Fidelisa nagmamadali ka,” suway ni Atlas ng nahabol niya ako bago pa makarating sa sala. Kasi iniwan ko na siya pagkababa lang namin sa hagdanan dahil sabik akong mayakap ang bagong dating na si nanay Fidelisa. “Ikaw ba naman na matagal hindi nakita ang tinuring mong pangalawang ina hindi ka ba magkaganito? Oh, sasagot ka pa talaga Martinez ang pangit mo ka-bonding." Hinayaan na lang ako ni Atlas na maunang maglakad upang puntahan ang nanay Fidelisa. “Nanay Fidelisa! Namiss kita promise,” wika ko pa umupo sa gitna nila ni ate Lucy. Kahit masikip na sila nila ate Lucy sa upuan. Dedma ko lang pinagkasya ko ang sarili ko ‘wag lang kumilos. Dahil magkakabunguan na. Kasama pa kasi nilang tatlo si Alvina, nakanganga matulog sa mahabang sofa. Sumiksik pa ako kaya naging lima na kami kasama si Alvina. “Baby sumiksik ka pa maiipit ang tiyan mo r’yan,” suway ni Atlas. Nagbingi-bingihan lang ako sa sinabi ni Atlas. Sa halip masaya akong y
Andrea “Okay naman po mommy. Mabuti nga po walang malala na nasaktan. Si dad okay lang po siya,” tugon ko sa kaniya ang daming kinumusta ni mommy Brenda tungkol sa nangyaring pagbawi kay Alvina. “Gusto mo bang magdala kami ng buko pandan diyan sa sabado, hija?” malambing n'yang tanong sa 'kin. Ang sweet talaga ng biyenan ko napaka swerte ko sila ang magulang ng asawa ko. Bigla akong natakam sa buko pandan. Akala ko tapos na akong mag-crave noon kasi hindi na ako nag-aaya kay ate Lucy gumawa sa condo. Pagkarinig ko lang natakam agad ako. Bukas na pala sila pupunta rito sa bahay para pag-usapan ang church wedding namin ni Atlas. Na-excite ako sa magaganap na kasal. This time dadalo ng kompleto ang pamilya ni Atlas at akin. Kahit si daddy, Alvina, ate Jane at Nanay Fidelisa lang ang pamilyang mayroon ako. Buo ang sayang nararamdaman ko. “Sabi nga ng asawa mo may pagkain na siyang order sa restaurant ng daddy mo. Kahit mayroon na, may dala pa rin kami. Ayaw kong mapahiya sa balae
Andrea “Okay na ma'am. Bilhin n'yo lang po ng kompleto ang reseta ni Sir, Galiga. Maari na po kayong umuwi,” bilin ni doktora nag-assist kay Daddy sa emergency room pagdating namin sa loob ng ospital. Emergency room kasi ang available dahil nga hating-gabi na kami sumugod walang ibang doktor. Mabuti nga inasikaso kaagad si Daddy kaya kami'y nakalabas din agad. “Ako na ang bibili ng gamot ni Sir Galiga, ma'am Andrea,” presenta ng kuya Sonny ng magpaalam ako sa kanila mauna sila sa van. Ako naman ay tatawid pa para bumili ng mga gamot ni daddy. Sa harapan lang kasi ng ospital ang bukas na pharmacy. Sa ospital ay sarado kaya ako'y tatawid doon para bumili ng gamot. "Sigurado ka po ba kuya Sonny?” “Oo ma'am Andrea. Magagalit din si Sir Atlas, kapag kami ni sir Galiga lang ang magkasamang bumalik sa sasakyan. Kayo na lang po ang mauna at ako na ang bahalang bumili.” “Sige po kuya Sonny at salamat po,” tugon ko at inabot ko sa kaniya ang reseta at kumuha ako ng pera sa bag ko.