Enjoy reading po
Andrea Pagdating ng uwian. Kasama ko si Vianca patungo na kami sa gate. Dahan-dahan lang ang aking lakad kasi nakatunghay ako sa phone ko nag-te-text kasi ako kay Kier, natapos na ang klase ko. Ako: ihahatid mo ba ako? Kier: I'm sorry, babe. Hindi kita na inform need ko mag-library ngayon. Nang mabasa ko nakaramdam ako ng dismaya kay Kier. Ayaw ko naman maging demanding na girlfriend. Akala ko lang kasi ihahatid niya ako. Dati naman ganito ang set-up namin kapag Monday. Mas una ang labas ko kay Kier, mga thirty minutes lang naman kaya inaantay ko siya upang sabay kami umuwi. Hinahatid nito ako sa bahay kasi may kotse si Kier. Ako: gusto mo bang antayin na lang kita?” Kier: hindi na matatagalan ako rito. Mauna ka ng umuwi. Aba akala ko may ginagawa bakit mabilis nakareply? Hindi ko maiwasang tumaas ang kilay ko. Nakatitig ako sa phone ko siniko ako ni Vianca. “Pambihira ka Andeng! Kanina pa ako nagsasalita busy ka pala sa phone mo? Sino iyan?” ani nito huli na nakita na
Andrea “Nanay Fidelisa. Ano po iyang niluluto mo? Bakit ang dami naman po yatang ulam apat lang naman tayo. May luto ng adobong baboy rin po akong nakita sa dining table,” ani ko isang umaga ng pinuntahan ko ito sa kitchen. Holiday ngayon kaya wala kaming pasok sa school. “Kare-kare, anak. Ito ang pinaluto ni Erica. Sa adobo kay Olivia naman,” wika nito kaya hindi ko maiwasang tumaas ang kilay ko. “Palibhasa hindi nagpapagal sa trabaho kaya hindi marunong magtipid,” bubulong-bulong ko sabay irap kahit wala naman akong kaaway. Matipid na ngumiti si Nanay Fidelisa. Alam ko kahit ito, galit na sa Daddy. Hindi nga lang nito magawang umalis dito kahit ginagawa siyang alila ni Erica at Tita Olivia. Dahil pamilya na ang turing ni Nanay Fidelisa sa ‘min. “Tulungan na kita ‘nay. Ako na ang maghugas nitong mga gulay,” ani ko ng tutungo na dapat sa lababo ngunit kinausap ako nito. “Wala ka bang lakwatsa ngayon?” biro nito. “Ay si Nanay may gano'n po? Para naman mahilig ako gumala kapa
Andrea “Hindi nay! May ginagawa ka. Hayaan mo po siya ang gumawa niyan. Siya rin naman ang magsusuot niyan,” ani ko seryoso. “Fidelisa bilisan mo. Mahuhuli ako sa lakad ko!” sabi nito hindi lang pinansin ang sinabi ko. At kung magsalita akala mo parang kaedad lang niya ang inuutusan niya. “Sige, Andeng. Pakibantayan mo muna ito ha? Wala ito mabilis lang naman ito gawin,” ani Nanay Fidelisa. “No! Hayaan mo po siya ‘nay,” may diin ang boses ko pagkatapos sinamaan ng tingin si Erica. Aba pumalpak pa ang gaga nakangisi halos labas ngala-ngala. Nagtagisan kami ng titigan ni Erica. Ito ang unang nagbawi ng tingin humagikhik na parang buang. “Okay, okay, madali naman akong kausap…total pakialamera ka naman Andrea Keth, ikaw na lang ang magplantsa nito!” sabay bato ng blouse n'ya sa mukha ko. Nilukot ko iyon habang hawak ko. Nai-imagine ko pagmumukha ito ni Erica, habang hawak ko ang blouse niya. Labis akong nanggigil gusto kong tirisin. Mariin akong napapikit pagkatapos madili
Andrea Malalim akong napabuntong wala sa sarili umupo sa gilid ng aking kama. Nanatili muna ako sa kinauupuan ko upang magpakalma. Nakakamiss ang dating pamilya ko. Bigla kong na-question ang aking sarili kong ako ba ang mali kanina? Pinilit ko naman maging mahinahon. Nakibagay naman ako sa bagong pamilya ni Daddy, kahit labag sa loob ko ngunit buong puso ko silang tinanggap. Ano pa kaya ang kulang bakit unti-unti nawawala ang Daddy ko. Nakagat ko ang aking ibabang labi dahil nanginig iyon namalayan ko na lang may mainit na luha pumatak sa ‘king pisngi. Tumayo ako at umikot sa bedside table ko umupo sa harapan ng picture frame at pinagmasdan ko ang larawan namin ni Mommy. Umiiyak na pala ako at nakangiti habang nakatitig sa mommy ko. “Mommy…h-hindi na ako mahal n-ni…D-daddy…” hikbi ko sumbong dito. Nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bulsa ng short ko. Nag-text si Vianca. Napakurap ako pinunasan ang nabasang-basa kong pisngi. Vianca: Besh, sama ka? Pupunta kami Okada Manila
Andrea Nang makalabas kami ni Kier, dumaan ang katahimikan. Gusto kong itanong dito kung wala ba itong napansin sa pisngi ko ngunit wala talaga ito binanggit. Hinayaan ko na hindi naman big deal sa ‘kin kung wala itong napansin sa namumula kong pisngi. Ang immature ko naman kung dahil lang sa lapat ng kamay ni Olivia sa pisngi ko, mag-de-demand na ako tanungin ako ni Kier. Oo nakakatampo naman talaga wala itong pakiramdam impossible kasi hindi n'ya iyon nakita. Dedma na lang. Pasalamat nga dumalaw pa si Kier ngayon iyon na lang ang iisipin ko. “I have to go,” itinuro ni Kier ang kotse nito. Tumango ako. Malapit lang ako sa main door hindi ako umalis sa kinatatayuan ko. “Ingat ka Kier,” bilin ko sa kaniya sabay kinawayan ko pa kahit magkaharap lang naman kami. Tumango naman ito humalik sa pisngi ko. Muling itinuro aalis na siya. “Akala ko may training kayo?” pahabol ko ng nakatalikod na ito sa ‘kin. Kaya naman tumigil si Kier humarap sa ‘kin. “Na move kaya pumunta na lang ak
Andrea Pagkatapos naming kumain nagpaalam kami ni Vianca sa parents nito gagala muna kami sa Okada mall. Dinala kasi ng Kuya nito sa palaruan ang dalawang anak kasama ng asawa at magulang nila Vianca. Ayaw ni Vianca roon kaya nag-ikot-ikot kami sa mall. Mamaya sa parking lot na ang kita-kita namin, gano'n ang usapan nila Vianca at Kuya nito. “Girl, sa restroom muna ako bigla akong nanunubig," paalam ko kay Vianca na busy sa selfie sa phone n'ya. Bumungisngis ako kasi mahilig talaga ito sa selfie at active pa ito sa face book. Kaysa akin na swerte na ang isang buwan kung may post ako. Itong kaibigan ko kahit matutulog na lang may post pa. “Dito ka babalik ha?” bilin ni Vianca sa ‘kin. “Oo naman. Basta, ‘wag kang aalis dito, besh?” sabi ko kasi busy pa rin ito mag-selfie. “Pero kung maglakad-lakad ka naman. Update na lang tayo sa call and text,” ani ko pa itinaas ang hawak kong phone. Kasi paminsan-minsan kumukuha ako ng picture kapag may view akong nagustuhan. Wala lang dagd
Andrea Napangiti ako ng sabihin ng lalaki na torpe raw si Atlas. Torpe pa pala sa lagay na iyon mukhang playboy pa nga dinadan sa pagka suplado. Calling… Nanay Fidelisa? “Hello ‘nay?” nakinig ako sa garalgal na boses ni Nanay Fidelisa sa kabilang linya. Hindi nga talaga tinigilan ni Daddy pinauuwi ako ngayon. “Oo na po. Uuwi na lang ako ngayon,” saad ko sa Nanay Fidelisa sa kawalan ng masasabi. “Pasensya ka na anak ha. Pabalik-balik ang Daddy mo sa akin tawagan daw kita.” “No worries po Nanay. Bye, po CR pa po ako,” “Salamat Andeng,” tugon nito sa kabilang linya bago putulin ang tawag nito. Pagkatapos kong mag-CR. Palinga linga ako sa paligid. Nakahihiyang aminin pero hinahanap ko si Atlas. Argh! Andrea Keth. Nakalimutan mo yatang may boyfriend ka, bakit ibang lalaki ang iniisip mo. “Letsugas!” nagulat ako ng may humawak sa magkabila kong baywang sa likuran ko. Bumungisngis si Vianca nagpamaywang ako humarap sa kaniya. Nasa likuran ko na pala si Vianca sinundan na
Andrea “Nanay Fidelisa. Ingat po kayo sa biyahe ha?” malungkot kong bilin sa kaniya. “Kung hindi nga lang emergency. Ayaw kitang iwanan dito,” wika nito't malungkot din. May sakit kasi ang Nanay ni, Nanay Fidelisa. Kaya napilitan itong umuwi, kahit sa bakasyon sana ang balak namin ni Nanay umuwi at sasama pa dapat ako. Pinayagan na ako ni Daddy. Ngunit finals na kasi namin bukas kaya hindi ako pu-pwede ngayon sumama. Ang bilis lumipas ng araw. Six months na akong nagtitiyaga kasama ang mag-inang impakta. Ngunit walang pagbabago. Buhay donya pa rin at nag-aaway kami ni Tita Olivia at Erica kapag wala si Daddy. “May taxi na ‘nay,” anang ko. Pahahatid kasi ito sa airport. Niyakap ko si Nanay Fidelisa. Para akong batang iiwanan ng Nanay kasi namula ng mata ko paiyak na ako mahigpit nakayakap. Ewan ko nalulungkot ako mag-isa sa bahay. Solo ako ngayon kaya kailangan kong mag-double ingat at iwasan ang gagawin para hindi nagpang-abot ni Tita Olivia at Erica. “Kapag okay na si
Andrea “May plano na ba kayo magkaanak ni Atlas? Kaya lang nag-aaral ka pa pala baka hindi pa ano, hija?” walang preno-preno tanong nito ako ang kanina pa mainit ang pisngi pagkabanggit nito ng apo. “Ahehe…ano po M-mommy. H-hindi ko pa po alam,” anang ko ngunit tinawanan lang ako. “Naiilang ka ba Andrea?” bumungisngis ito hinaplos ang buhok ko. “Sorry naging madaldal ako. H’wag mo na lang seryosohin ang mga sinabi ko. Halika na para makakain na tayo ng tanghalian,” aniya hinawakan ako sa kamay ko. Nang mag-umpisa kaming lumakad. Doon ko napansin t-shirt pala ni Atlas ang suot ko. Pinamulahan ako ng mukha kasi tumingin din sa akin ang ginang. Wala naman akong nakitang pinipintasan niya ako. Hindi ko lang talaga maiwasang mahiya kasi kaharap ko kaya ang mommy ni Atlas. “Oo nga pala may mga damit ka na r’yan sa closet ni Atlas. Kung gusto mong maligo muna. Aantayin na lang kitang matapos. Dito lang ako sa kuwarto n'yo,” ani nito. “Pwede po ba?” “Oo naman ikaw talaga mahiyai
Andrea “G-good morning po. M-mommy po kayo ni Atlas?” nauutal kong tanong sa nakangiting ginang na nakaupo sa tabi ng kama. Nakangiti itong tumango. “Mommy mo na rin ako, kasi asawa ka ng anak ko. H'wag kang mahihiya sa ‘min ituring mo na kaming pangalawa mong magulang?” ani nito hindi maalis-alis ang ngiti sa labi niya. Namamangha lang ako kasi ang yaman-yaman ng pamilya nila pero ang bait nito. Bihira lang ako makaharap ng mayaman pero itong ginang walang kaarte-arte sa katawan. Watch at hikaw lang ang suot nito kasama pala wedding ring. Bukod doon wala na itong ibang suot na alahas. Kanina pa nakangiti pagpasok ng pinto ako na lang ang nahihiya na i-dedma ito kasi ang lumanay rin ng boses niya. Dahan-dahan akong bumangon umalis ito sa kinauupuan niya tinulungan akong makasandal sa headboard ng kama. “Thank you po,” nahihiya kong sabi. Hindi ko rin masabi sabi ang ‘mommy’ sa kaniya naiilang pa ako. “Kaya mo na bang bumangon, hija?” ani pa nito pagkatapos inayos ang buh
Andrea Tahimik ako ng nasa biyahe na kami. Panay ko hikab kaya sinabihan ako ni Atlas na matulog muna kasi malayo pa kami sa bahay nila. Inayos din ni Atlas ang upuan ko at sinabihan ako matulog muna kung inaantok ako. “Kanina ka pa panay hikab. Baby, gigising kita pagdating natin sa bahay,” anang nito inabot pa ang pisngi ko hinaplos niya. Humalukipkip ako tinaasan siya ng kilay ngunit tumaas lang ang sulok ng labi nito ako pa ang pinagtatawanan ng loko. “Hmp! wag kang masyadong mabait sa ‘kin baka manibago ako kapag maghiwalay na tayo...bahala ka hindi na kita pakakawalan pa," ani ko kinangisi nito. "Paano nga ba kung ako rin hindi na kita pakawalan kasi panay mo pa cute sa 'kin," "Woi hindi ah! Ganito talaga ako cute. Kaya magtiis ka," wika ko hindi ko maiwasang tumawa kasi laglag panga ni Atlas. "Pero seryoso ako roon sa una kong sinabi. Bawasan mo pagiging mabait sa 'kin baka makasanayan ko." Hindi ko inalis ang tingin ko kung anong magiging reaksyon nito. Napairap
Andrea “Iyan po ba ang gusto mo Dad, hindi na ako pupunta rito? Bahay ko rin po ito at gusto rin po kitang madalaw—” sabi ko pa dahil humabol ako sa kaniya ngunit nilampasan lang ako ni Dad. Inayos ko muna ang sarili ko. Naka labas na ako ng office ni Daddy. Ayaw ko makita ni Atlas ang hitsura ko na wala sa ayos. Though hindi ko maitatago sa kaniya ang namumugto kong mata at least maayos ang hitsura ko. Napangiwi ako ng salatin ko ang aking mata halata iyon namumugto ang takikap ko. Woah! Napabuga ako ng hangin sa bibig. ‘Okay Andeng! Kumalma ka. Nag-usap na kayong mag-ama at may sagot na siya. Malinaw naman na ang bagong asawa ng Daddy mo ang pinili. Kaya tanggapin mo na lang at ayusin ang pag-aaral mo. Tama. Pero hindi ibig sabihin na sumuko na ako. Hindi ibig sabihin na kalilimutan ko na si Daddy. Mag-aantay pa rin ako hanggang sa bumalik ang dating mapagmahal kong ama. Dumaan muna ako sa dining area bago ko ipasyang bumalik sa living room. Nakaramdam ako ng pagkauhaw pagk
Andrea “Atlas,” pigil ko sa kaniya dahil namumula sa galit si Daddy. Ngunit hindi talaga ito magpapaawat sa halip kasi ay tumayo na ito inilahad ang kamay nito sa akin senyales na aalis na kami. “Let's go,” he said. Umiling ako kaya napabuntong hininga ito. "Baby?" aniya nagpipigil ewan kanino ito galit dahil malambing naman ang titig nito sa 'kin. “Gusto ko pang makausap ng masinsinan si Daddy,” wika ko kay Atlas. Humugot ito ng hangin pagkatapos tumango. “I'll wait for you here,” tugon nito binitiwan ang kamay ko. “Thank you. Mabilis lang ako,” paalam ko sa kaniya pagkatapos ay tumingin kay Daddy. “Daddy please naman po. Mag-usap muna tayo ng masinsinan. Mahalaga po itong sasabihin ko kailangan mo itong nalaman,” wika ko ngunit naningkit anga mata ni Daddy hindi ako nagpatinag. “Tungkol saan nanaman ba ito ha, Andrea?” tanong nito at galit. “Sa office mo po dad. Pagkatapos ko itong masabi sa iyo. Nasa iyo po ang desisyon kung maniniwala ka sa ‘kin. Basta totoo po ang sasabih
Andrea “Daddy,” nakangiti ko pa sabi sa kaniya subalit hindi ako pinansin sa halip pumasok ito sa loob kaya nahiya ako kay Atlas hindi tuloy ako makatingin dito. Napayuko ako pinalooob ko ang buong labi ko upang hindi ako maiyak. Naramdaman ko humalik si Atlas sa buhok ko natigilan ako hindi ko lamang ‘yon pinahalata sa kaniya. “Ahm…pasensya na nakita mo pa ang kasungitan ni Dad,” ani ko wala naman akong nakuhang sagot galing sa kaniya. Bakit niya ako hinahanap kay Vianca kung ganito pala siya malamig ang pakikitungo sa ‘kin. “It's okay. Kasama mo ako,” paalala pa nito. Tumango ako. “Salamat. Tara na pasok na tayo,” umangat ako ng tingin kay Atlas ng maayos na ako. Tahimik lang ito sumunod sa akin. Kasi bakit sumama pa ito ngayon ‘yan tuloy malalaman nito hindi kami okay ng ama ko. “Hey, okay lang ‘wag kang mag-alala,” narinig ko pa bulong nito. “Halika upo tayo,” nakangiti kong alok sa pangusong itinuro ang sala namin. Naroon na si Daddy nakaupo roon nakatalikod sa a
Andrea “Iyan na ang bahay namin,” turo ko kay Atlas ng nasa tapat na kami ng gate ng bahay namin. Wala kaming guard kasi ang Nanay Fidelisa ang taga bukas kay Daddy at Mommy noon kapag papasok at uuwi galing trabaho. Kasi sila lang ni Daddy, ang mayroon kotse. Pero may susi ako sa maliit naming gate wala lang dito ngayon sa ‘kin kasi naroon sa backpack kong ginagamit pagpasok ng school. Alanganin akong ngumiti ng magbusina si Atlas. Wala kasi magbubukas ng gate. Seryoso lang ito nag-antay pa kami sa labas. Ewan ko kung nasa bahay si Daddy. Kung tawagan ko kaya. Pero baka nasa trabaho ito sayang naman ang punta namin ni Atlas, kung walang mangyari sa lakad ko. Inuna pa naman nito dito pumunta sa bahay kahit inaantay na ito ng Mommy nito. “Baka walang magbukas sa ‘tin,” naging tabingi ang ngiti ko kasi sampung minuto na kami sa labas ng gate. “W-wala yata ang Dad ko umalis na lang tayo," dugtong ko pa. “Antayin na lang natin ayos lang kahit mag-antay tayo," tugon ni Atlas pinas
Andrea Paglabas ng gate sa bahay ni judge Stewart. Kumaripas ng patakbo sa kotse niya si Macarius. Na welcome naman niya ako sa family nila pagkatapos umalis na may meeting daw ito sa trabaho sabi ni Atlas. Nag-vibrate ang phone ko sa loob ng bag ko. Senyales na mayroong bagong pumasok na text. Tumingin si Atlas sa ‘kin wala naman sinabi ng kunin ko sa bag ang cellphone ko. Bigay rin ni Atlas itong dala kong shoulder bag. Bago kami umalis sa condo unit nito inabot niya sa ‘kin. Kaya pala hindi ko napansin sa loob ng k'warto kasi nasa sofa kanina. Ibinigay niya sa ‘kin ng palabas na kami ng condo. Vianca: Andeng? Nag-reply agad ako upang alamin kung anong kailangan nito sa ‘kin. Ako: Besh? Yeah, pupunta ako mamaya. Sa bahay n'yo. May sagot agad ito sa ‘kin pagkasend ko ng reply sa kaniya. Pero ng mabasa ko ang text ni Vianca, kinalaki ng aking mata. Vianca: Galit na galit ang Daddy mo. Hinanap ka sa ‘kin. Ako: Oo, uuwi ako mamaya sa bahay bakit naman niya ako hahanapi
Andrea Pagbusina ni Atlas sa hinintuan naming matayog na gate. Agad iyon bumukas. Inaasahan na yata ang aming pagdating dahil wala ng tanong, tanong. Kung sino ang nasa labas. Mayroon agad sa loob nagbukas. Usually dapat kapag ganitong mayaman. Alam ko inaalam muna ng duty guwardiya kung sino ang dumating na bisita. Dito kay Atlas. Hindi naman niyon ginawa sumaludo pa nga kay Atlas, animo kilala siya ng dalawang g’wardiya ng pumasok ang sasakyan niya sa malawak na bakuran ng bahay ni judge. Nang makapasok kami sa loob ng bahay. Salubong na ang kilay ng pinsan ni Atlas, naiinip nakaupo sala may kasamang may-edad na lalaki. Naisip ko ito na yata ang judge na tinutukoy ni Atlas, na siyang magkakasal daw sa ‘min. Parang kasing edad ni Daddy o mas matanda hindi lang gaanong malaki base lang naman sa nakikita kong itsura nito. Ang tinutukoy ni Atlas na pinsan. Ang lalaki pala roon na kasama niya roon sa Okada. Tinitigan ko magkamukha pala sila ni Atlas kahit magpinsan lang. Hindi k