Bumukas ang mga pinto ng elevator sa palapag ni Irina. Inayos niya ang kanyang damit, tinuwid ang postura, at lumabas na may dalang briefcase. Pagdaan niya, nagsimula ang mga bulung-bulungan mula sa mga empleyado sa mga itaas na palapag.“Ugh, tingnan mo siya. Talaga, ang lakas ng dating. Bago lang siya sa kumpanya, at naririnig ko nang nagkakalat ng gulo.”“Ang laki ng ulo, parang ahas. Noong unang linggo pa lang niya dito, parang simpleng probinsyanang babae, tahimik at inosente. Lahat ng tao, nauto. Tapos ngayon? Si Sir Juancho, siya na ang hawak.”“Pati si Queenie, napaalis niya.”“Narinig ko, si Linda na raw ang bagong boss niya sa design department.”“Puta, mabilis siyang umakyat.”“Hindi lang mabilis—umakyat siya habang nagpapanggap na inosente, walang kalaban-laban. Sa ilang araw lang, si Sir Juancho at mataas na posisyon sa kumpanya, nakuha niya na.”“Alam mo, para siyang yung babae noong anim na taon na ang nakakaraan—yung nakipag-away kay Mr. Beaufort at pagkatapos nahuli s
Huling Na-update : 2025-04-04 Magbasa pa