Home / Romance / Ex-wife Return: Love Me Again / Kabanata 151 - Kabanata 160

Lahat ng Kabanata ng Ex-wife Return: Love Me Again: Kabanata 151 - Kabanata 160

380 Kabanata

A gift from Daddy

Naisip din ni Avigail ang iniisip ng lalaki at hindi niya napigilang makaramdam ng kaunting pananabik.Ngunit nang makita niyang kumuha ang bata ng papel at panulat mula sa bag, nawala ang kaunting pag-asa niya. Gayunpaman, hindi niya ipinakita ito at kalmado niyang sinabi."Huwag mag-alala, kakabuti lang ng kalagayan ni Sky at hindi pa ito ganap na matatag. Mukhang nagsasalita lang siya kapag sobrang excited siya. Unti-unti lang tayo."Tumango si Dominic, na hindi na nagsalita pa.Tama ang sinabi ni Avigail. Ang pagsisimula ng pagsasalita ni Sky ay isang malaking hakbang na, at hindi siya dapat magmadali. Hinayaan na lamang niya ito sa tamang daloy.Nag-isip muna nang mabuti si Sky habang sumusulat, at kalaunan ay sinagot ang mga tanong nila nang isa-isa.Nagbigay ng maikling tugon sina Dominic at Dane bilang suporta.Natapos ang palabas ng puting balyena, ngunit mukhang hindi pa rin kuntento ang tatlong bata.Tiningnan ni Avigail ang oras at nakita niyang maaga pa, kaya naisipan niy
last updateHuling Na-update : 2024-11-22
Magbasa pa

A gift of apology

“Hindi ba parang napakarami niyan for Sky?” nag-aalangang tanong ni Avigail kay Dominic. Sa totoo lang sa dalawang box ay sobra sobra na para sa maliit na batang babae. Isa pa ang mga laruang ito ay panay panglalaki.“ Sa totoo lang ang mga ito ay para sa kambal mong anak na sina Dane at Dale. Mali ang nasabi ko noong nakaraang araw. Nang makauwi ako, napag-isip-isip ko na kahit bata pa sila, dapat pa rin akong humingi ng tawad sa kanila. Napansin ko ang ilang dekorasyon sa bahay mo noong huli tayong magkita, at naisip kong magugustuhan nila ito." Alanganing pag-amin ni Dominic. Gusto niyang mapasaya ang mga bata sa munting peace offering niya.Pagkatapos ay tumingin siya sa dalawang bata at iniabot ang kahon sa kanila. "Humihingi si tito ng tawad. Sana magustuhan ninyo ito." Nagningning ang mga mata ng dalawang bata. Natural na mahilig ang mga lalaki sa mga robot at larong karera, at dahil mas mataas ang kanilang IQ kaysa sa mga kaedad nila, mas pabor sila sa mas sopistikadong mg
last updateHuling Na-update : 2024-11-23
Magbasa pa

The Big Event is Coming

Nang pumayag si Avigail, masayang naglakad papuntang parking lot ang mga bata. Si Dominic at Henry ay tumulong na maglagay ng ilang mga kahon sa kotse ni Avigail, at pagkatapos ay nagpaalam nang hindi na nagsabi pa ng iba. Pagkatapos sumakay sa kotse, nagtanong si Henry nang may pag-aalangan. “Sir, hindi ba kayo maglalaan ng mas maraming oras para sa batang babae?” Matagal nang nananatili ang bata sa bahay ni Avigail at kakaunti lang ang nagiging pakikisalamuha niya sa kanyang ama. Natatakot si Henry na baka maging malayo ang loob ng mag-ama sa isa’t isa. Umiling si Dominic at hindi na nagsalita. Ang dalawang bata ay malinaw na hindi pa rin talaga siya napapatawad. Isang araw na siyang sumasama sa kanila. Kung ipipilit niya pang makisama, baka tuluyang mawala ang kaunting kabutihang-loob na nakuha niya mula sa kanyang mga regalo. Habang iniisip pa din ang maaring saloobin ng bata kaya hindi niya maiwasang sumakit ang kaniyang ulo.Biglang nag-ring ang telepono sa loob ng kotse.
last updateHuling Na-update : 2024-11-23
Magbasa pa

Can't wait to see her reaction

Kinahapunan, sa starbucks coffee shop.Nagpasyang magkita sina May at Lera. Magkaibigan talaga silang dalawa. Nagkakape silang dalawa habang magkaharap na nagkukwentuhan.Habang nag-uusap, napunta ang usapan nila sa ika-70 kaarawan ng matandang ginoo. “Ate Lera, pupunta ka rin sa ika-70 kaarawan ng lolo ko, hindi ba?” tanong ni May na may halong intensyon. Gumagawa na naman ng katarantaduhan sa kaniyang isip si May.Nabalitaan rin naman ito ni Lera. Malalim ang pagkakaibigan ng pamilya Lee at pamilya Villafuerte, kaya’t natural lang na magpakita siya sa selebrasyon. Tumango siya.“Oo, bakit?” sagot niya nang nakatingin. “Eh di ba… magkasama kayo ni Kuya Dominic na pupunta? Kayo naman ang kinikilalang magkasintahan!” dagdag pang tanong ni May kay Lera.Nang marinig ito ni Lera, biglang siyang napa-isip. Alam niyang pupunta si Dominic, pero kung magkasama ba silang dadalo, hindi siya sigurado. Dahil makalipas ang maraming taon kahit hindi inuring ni Dominic ang kanilang kasunduan ng
last updateHuling Na-update : 2024-11-23
Magbasa pa

Luisa's plan for Dominic

Bago magsimula ang salu-salo ng kaarawan, ginamot muna ni Avigail ang matanda. Mas maganda na ang kalagayan ng matanda kumpara sa dati; kaya na niyang bumangon at makagalaw, pero hindi pa rin siya puwedeng maglakad nang matagal.Ipinreskriba ni Avigail ang ilang gamot at pinaalalahanan ang matanda na inumin ito sa tamang oras. Doon natapos ang buong gamutan.Dumating na ang araw ng salu-salo para sa kaarawan.Pagkatapos magtrabaho sa research institute, umuwi si Avigail, nag-ayos nang simple, nagpalit ng damit, itinaas ang kanyang mahabang buhok, at naglagay ng magaan na makeup bago pumunta sa salu-salo.Pagdating sa mansyon ng pamilya Lee, kung saan gaganapin ang selebrasyon, magsisimula na ang salu-salo. Puno ng mga mamahaling sasakyan sa labas mansyon, at mas marami pang mga bisita sa loob, lahat ay mga kilalang tao sa buong bansa.Nanirahan na si Avigail nang kahit sandali lang sa bansa kahalubilo ng mga mayayaman at sikat sa business, kaya marami siyang nakikilalang mukha, pero
last updateHuling Na-update : 2024-11-23
Magbasa pa

The Celebration

Matapos maghintay ng matagal, sa wakas ay lumabas si Lera mula sa compartment."Hindi masama, isuot mo na lang ito." Pinagmasdan ni Luisa ang suot ni Lera at tumango nang may kasiyahan.Ngumiti si Lera ng matamis at tumingin kay Dominic. Kunwari pang nagulat ito. "Dominic, nandito ka na! salamat sa pagsundo sa amin ni Tita."Tumango si Dominic nang walang emosyon.Hindi alintana ang malamig na pakikitungo ni Dominic, ngumiti si Lera bago ito nagsalita sa harap ni Dominic.“Inutusan lang ako ni Tita na pumili ng damit dito. Sa tingin mo okay ba ito? Maganda ba?" hinging opinion niya kay Dominic.Habang nagsasalita, dahan-dahan siyang umiikot.Dahil sa mga inihanda ng kanyang ina, medyo hindi masaya si Dominic. Nang marinig ito, tumingin lang siya kay Lera at tumango nang pabigla. "Okay lang."Nakita na wala pa ring reaksyon si Dominic, nakaramdam ng kaunting hiya si Lera sa sarili, pero pilit pa rin siyang ngumiti.Dahil dito, tumayo na si Luisa "Kahit papaano, pupunta naman si Lera
last updateHuling Na-update : 2024-11-23
Magbasa pa

Caught his Attention

Nang marinig ang sinabi, lahat ng miyembro ng pamilya Lee ay napatingin sa entrada ng cater, at napatingin din si Avigail nang walang malay. Si Dominic naman ay nakasuot ng itim na custom-made na suit. Ang kasuotan ay perpektong ini-akma, na nagpakita ng matipuno niyang pangangatawan. Ang kanyang buhok ay inayos paatras, na naglantad sa matalim niyang mga facial feature. May ilang hibla ng buhok na nahulog sa kanyang noo, na nagbigay ng malamig na impresyon sa kanyang mga mata at nagbigay sa kanya ng aurang parang may distansya sa lahat. Sandali lang, ang mga mata ng mga panauhin ay napako sa kanya. Ilang hakbang sa likod ni Dominic, makikita si Lera na nakasuot ng eleganteng itim na damit. Ang kanyang buhok ay inayos sa malalaking kulot na nakalugay sa harap ng kanyang dibdib, at ang kanyang mapupulang labi ay kapansin-pansin. Nakahawak siya nang malapit sa braso ni Luisa ang ina ni Dominic at nakasunod sa mga likod ni Dominic.Ang mahabang damit na halos kapareho ng istilo ng sui
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa

Thoughtful Couple

Pagkatapos tanungin ni Avigail kung kumusta na si Mr. Lee, hindi na siya muling nagsalita. Dahil hindi pa nagsasabi ang matanda ng anuman, wala rin siyang dahilan upang umalis. Tumayo na lamang siya nang tahimik at pinakinggan ang kanilang usapan.Tinanggal ni Luisa ang kanyang tingin kay Avigail at tumingin kay Mr. Lee na may malasakit. "Isang malaking biyaya para sa pamilya Lee na nasa mabuting kalusugan kayo."Ngumiti si Mr. Lee at tumango, saka lumingon kay Avigail."Salamat kay Dr. Suarez. Kung hindi dahil sa kanya, malamang nasa kama pa rin ako ngayon!"Pagkasabi nito, agad na napatingin ang lahat kay Avigail.Sumingit si Gerald."Si Dr. Suarez talaga ang dakilang tagapagligtas ng aming pamilya namin."Sa dalawang maikling pangungusap, biglang napunta sa harapan nina Luisa at ng kanyang grupo si Avigail.Bahagyang kumunot ang noo ni Avigail ngunit ngumiti siya ng malamig. "Hindi naman po ako tagapagligtas. Ginagawa ko lamang ang dapat kong gawin bilang isang doktor. Masaya ri
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa

Perfect couple

Nang biglang banggitin ng kanyang ina ang tungkol sa kasal nina Dominic at Lera, muling tumingin si May kay Avigail, na tahimik lang sa isang tabi. Bahagyang nakayuko ang mga kilay ni Avigail, kaya’t mahirap makita ang kanyang nararamdaman. Ngunit bahagya pa ring nakaangat ang mga sulok ng kanyang labi. Sa sandaling iyon, hindi matukoy ni Martin kung ano ang iniisip ni Avigail. Si May naman, na mula pa kanina’y nakatingin kay Avigail, ay hindi nakaligtaan ang munting pagbabago sa ekspresyon nito nang banggitin ng kanyang ina ang tungkol sa kasal ni Dominic. Nang makita niyang tila naapektuhan si Martin, mas lalo siyang natuwa at nagpatuloy sa panunulsol.“Tama iyon! Si Kuya Dom at si Lera ay talagang parang itinadhana. Kahit wala pang kasalang naganap, hindi ba’t matagal na silang itinuring na isang pamilya ng lahat?” Pagkatapos niyang sabihin iyon, tiningnan niya si Avigail na may mapanuksong ngiti. May ganitong balak din si Luisa. Kaya nang marinig ang kanilang usapan, ngumiti
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa

May i know you

Tumitig si May sa dalawang taong magkasamang naglalakad, pagkatapos ay ibinaling ang tingin kay Avigail na nakaupo sa isang sulok. Labis siyang nasisiyahan at nakahanap ng dahilan upang lisanin ang mga nakatatanda. “Uy, bakit mag-isa lang si Dr. Suarez dito?” Magulo ang isip ni Avigail. Sa wakas, nakaupo siya sa sulok para makapagpahinga at ayusin ang kanyang iniisip, pero biglang may narinig siyang kakaibang boses na tumunog sa kanyang tabi. Pagtingala niya, nakita niya si May na nakatayo sa kanyang harapan, mayabang ang ekspresyon. Napakunot ang noo ni Avigail at nakaramdam ng inis. Kanina pa lang, sa harap ng mga nakatatanda, pinuri na ni May sina Dominic at Lera bilang perpektong magkapareha. At malinaw na sinabi iyon upang asarin siya. Hindi niya akalain na hahabulin pa siya nito kahit umalis na siya. Hindi man lang napansin ni May ang kanyang pagkainis. Tinitingnan siya nito nang may panghahamak at itinuro pa ang direksyon nina Dominic at Lera na nakatayo sa grupo ng mg
last updateHuling Na-update : 2024-11-24
Magbasa pa
PREV
1
...
1415161718
...
38
DMCA.com Protection Status