Semua Bab Ex-wife Return: Love Me Again: Bab 751 - Bab 754

754 Bab

She is a mother

Tahimik ang hallway ng ospital. Tanging ang mahihinang tunog mula sa ICU monitor sa loob ng silid ang maririnig, kasabay ng malamig na hum ng aircon. Nakaupo sa bench sina Dominic at Avigail—magkatabing tila magkalayo pa rin. Walang salitang binibitawan, tanging mga mata at buntong-hininga ang nagpapahiwatig ng bigat sa kanilang dibdib.Sa loob ng ICU, si Skylei ay nakaoxygen at bantay-sarado ng doktor. Kasama niya roon sina Dale at Dane, tahimik na nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang kamay ng kapatid. Nasa loob din si Angel, ang ninang nila, taimtim na nagdarasal sa isang sulok.Sa labas, sa isang sandaling may kapayapaan, biglang umalingawngaw ang matalim na sigaw mula sa may elevator.“Dominic Villafuerte! Anong ginagawa ng babae niyan dito?!”Napalingon agad ang mga nurse at bantay sa paligid. Mabilis na tumayo si Dominic habang si Avigail ay napaatras at bahagyang nataranta. Sa harap nila ay ang ina ni Dominic—si Mrs. Luisa Villafuerte, ang reyna ng pamilyang Villafuerte, an
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-14
Baca selengkapnya

We can't accept you

“Mommy!!” sigaw ni Dale habang mabilis na lumapit kay Avigail. “Nakausap na namin si Skylie. Sabi ng doktor kay Ninang, limited time lang daw po kami puwedeng manatili sa loob. Kaya po lumabas na kami.”Nagulat si Avigail nang makita silang lumabas ng ICU. Hindi niya namalayang siya pala’y umiiyak na sa bisig ni Dominic. Agad siyang napahawak sa mukha, tinatago ang luha.“Iuuwi ko na sila. Sasamahan ko na lang—”“Ninang!” putol ni Dane habang hinahawakan ang kamay ng kaniyang ninang. “We want to stay here. Puwede po ba kaming maupo lang dito? Gusto lang po naming panoorin si Skylie.”Lumingon si Angel kay Dominic, saka kay Avigail, ngunit bago pa man siya makasagot, napatingin si Dominic sa kambal—at tila napako ang kaniyang tingin doon.Hindi siya makapaniwala.Ngayon lang niya lubos na pinagmasdan sina Dale at Dane, at parang unti-unting nabura ang mundo sa paligid niya. Para siyang nanonood ng lumang alaala—ng sarili niyang kabataan—nang bigla niyang mapansin: magkakamukha sila. Ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-15
Baca selengkapnya

We know already

“Dominic, pasensya ka na, ha. Nabigla yata sila…” Mahinang sabi ni Avigail, halos pabulong habang tinatanaw sina Angel na inaakay palayo ang kambal.“Kakausapin ko muna sila.” Nilunok niya ang kaba sa lalamunan, dama ang kirot ng eksenang iyon bilang isang ina at isang babae.Tahimik lang si Dominic. Halos ilang segundo rin bago siya sumagot, at nang magsalita siya, ramdam ang lungkot sa tinig niya.“Naiintindihan ko…” mahinahon niyang simula. “Pasensya na rin. Pero… gagawin ko ang lahat para makuha ko ulit ang loob nila.” Bumuntong-hininga siya bago tumingin kay Avigail, sinserong sinisid ang mga mata nito.“Alam ba nila ang nangyari sa atin?” tanong niya, may halong kaba. “Mukha kasing alam nila… na hindi kita trinato ng tama.”Napalingon si Avigail sa direksyon ng kambal, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha.“Matalino ang kambal,” wika niya sa wakas. “Madami silang tanong, Dominic. At mas pinili kong sagutin ‘yon kaysa magsinungaling. Hindi ko kayang itago sa kanila kung bakit w
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-15
Baca selengkapnya

Little Disaapointed

Nang masikaso na ni Angel si Avigail at magkausap na sila ng mga anak, agad ding umalis si Angel sa bahay ng mga ito. Alam niyang kailangan ni Avigail at ng kambal na mag-usap ng maayos, at hindi siya ang tamang tao na maging saksi sa lahat ng ito.Tahimik na lumabas si Angel, at nang makaalis na siya, lalo pang bumigat ang pakiramdam sa loob ng bahay. Ang mga mata ng kambal ay puno ng takot at pangamba. Hindi nila kailanman nakita ang kanilang ina na ganoon — parang hindi nila kilala. Si Avigail na laging matatag at maligaya, ngayon ay tila nawala ang sigla sa mata, at ang pagkabagabag sa bawat galaw nito ay hindi nila maikaila.Habang ang kambal ay tahimik na naghihintay, takot na takot, naglakad si Avigail patungo sa kusina. Lumipas ang ilang saglit bago siya bumuntong hininga, tila umaasa na sana’y magbabalik ang lahat sa normal. Tumayo siya sa harap ng kalan at nagsimula magluto ng tanghalian. Ang tanging ingay na naririnig ay ang tunog ng kawali at mga palayok sa kanyang paligid,
last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-16
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
717273747576
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status