Home / Romance / Ex-wife Return: Love Me Again / Chapter 741 - Chapter 750

All Chapters of Ex-wife Return: Love Me Again: Chapter 741 - Chapter 750

754 Chapters

You are the reason

"Hindi kita naiintindihan, Dominic. Anong sinasabi mo? P-Paanong nagkaanak ako ng hindi ko alam?" naguguluhang tanong ni Avigail habang nanlalaki ang mga mata.Paano niya magagawang kamuhian ang sarili niya? Paano niya magagawang talikuran ang isang inosenteng bata... e hindi nga siya binigyan ng pagkakataong makasama ang nag-iisa niyang anak na babae. Dahil sa ospital pa lang—hindi na raw ito kinayang mabuhay pa.Bago pa man makasagot si Dominic, dumating si Mrs. Luisa Villafuerte kasama ang hanay ng mga doktor at nurse, bitbit ang mga kahong hindi mawari ang laman. Napakunot-noo ang lahat, maging ang kambal ay hindi alam kung ano ang kanilang nasasaksihan."Too much doctor for Sky!" bulong ni Dale."That means, mahal na mahal ng lola niya si Sky," sagot ni Dane, habang nanlalaki ang mata."Lola din natin siya, ‘di ba?" tanong ni Dane sa kanyang kuya ng pabulong. Pinandilatan naman siya ni Dale kaya agad siyang natahimik at nag-observe na lamang nang tahimik."Kinuha ko ang lahat ng p
last updateLast Updated : 2025-04-05
Read more

Can't explain

Nang maipasok sa ICU si Sky at mailagay si Mrs. Luisa Villafuerte sa pribadong kwarto, lumabas si Dominic mula sa hospital room. Medyo kalmado na siya, ngunit hindi pa rin maitatago ang matinding pag-aalala na sumasalamin sa kanyang mukha."Pasensya ka na kay Mom," aniya kay Avigail. "Mas maganda siguro kung umuwi ka muna, at iuwi na lang ang mga bata. Pasensya na din kung absent sila dahil sa akin.""Okay lang," sagot ni Avigail, pilit na pinapalakas ang loob ni Dominic. "Hindi rin mapapakali ang dalawa kung hindi nila makikita si Sky. Alam mo naman kung gaano sila kalapit sa isa't isa." Tumango ang kambal sa likod ni Avigail, tahimik na nakatayo at nakikinig sa mga nangyayari sa paligid. Halata sa kanilang mga mata ang mga tanong at kalituhan sa mga pangyayari, lalo na't sila'y nagtatanong kung paano nga ba nagkaroon ng ganitong komplikasyon sa pagitan ng kanilang ina at si Sky. Hindi nila maipaliwanag kung paano ang mommy nila, na halos magkasing-edad lang ni Sky, ay siya ring tuna
last updateLast Updated : 2025-04-06
Read more

Looking for an answer

"Kamusta na si Sky?" tanong ni Avigail kay Dominic. Nasa isang private room sila ng ospital, katabi lamang ng kwarto ni Luisa Villafuerte, ang ina ni Dominic, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising mula sa pagkaka-collapse dahil sa labis na stress sa nangyaring insidente. Ang ama ni Dominic naman ay tinatapos pa ang ilang trabaho bilang chairman bago sumunod sa ospital. Limang oras na ang lumipas simula nang ilipat si Sky sa ICU. Sina Manang Susan at Henry ang nagbabantay sa kaniya. Nakasilip lang sila sa screen habang pinagmamasdan ang batang tila lantang gulay. "Hindi pa rin sigurado ang lagay niya," maikling tugon ni Dominic. "Hindi ko kayang kumain... Kumain ka na," alok ni Dominic kay Avigail. Bumuntong-hininga si Avigail at tiningnan si Dominic. Sa isip niya, kahit anong iwas ang gawin niya sa nararamdaman para sa lalaki, hindi niya maikakaila ang epekto nito sa puso niya. Simula nang bumalik siya, pilit niya itong iniiwasan. "Hindi na rin. Wala rin akong gana. Ayoko
last updateLast Updated : 2025-04-07
Read more

That Anger

Nakatulog si Avigail sa bisig ni Dominic. Ilang minuto rin ang lumipas bago tumunog ang cellphone. Pinilit pa ni Dominic na huwag magising si Avigail, pero huli na. Dahan-dahan itong bumangon mula sa pagkakayakap at umalis sa bisig ng lalaki. Napatigil si Dominic, nag-aalangan kung sasagutin ba ang tawag. Galing ito kay Henry."Mr. President, nahuli na po ng mga tao natin ang lalaking bumangga kina Ms. Ferrer at kay Madam Chairman. Naisagawa na rin po namin ang paraan para mapagsalita siya," panimula ni Henry nang sagutin ni Dominic ang tawag."Anong sinabi niya?" tanong ni Dominic."Noong una, sinasabi niyang aksidente lang daw ang lahat. Pero sa huli, napaamin din namin siya. Ayon sa kaniya, binayaran siya ni Mrs. Allianna Ferrer para takutin ang iyong ina. Mas naging maganda raw ang plano nang iniligtas ni Ms. Lera Gale si Madam Chairman. Doon ay nabaon sa utang na loob si Madam, kaya napilitan siyang panatilihin si Ms. Gale sa tabi niya."Tahimik na nakatitig sa pader si Dominic ha
last updateLast Updated : 2025-04-10
Read more

My Fault

Pagdating ni Martin, agad na sumakay si Avigail sa kotse. May sticker ng subdivision ang sasakyan ni Martin kaya't walang sinumang guwardiya ang humarang sa kanila sa gate.Tahimik ang biyahe. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa—lalo na si Avigail na halatang kabado at tensyonado. Pagkarating nila sa harap ng mansyon, agad niyang napansin ang sasakyan ni Dominic. Mabilis siyang bumaba at nilapitan iyon.Nakaramdam siya ng kaunting ginhawa nang makita si Dominic na nakayuko sa loob ng sasakyan. Kumatok siya sa bintana, at ilang sandali pa, tumingin ito sa kanya. Namumugto ang mga mata ni Dominic, at dali-daling pinunasan ang luha bago dahan-dahang ibinaba ang bintana.Bumaba rin si Martin at lumapit sa kanila."Kamusta, Dr. Suarez? Nandiyan ba si Kuya—Kuya Dom!" Napansin agad ni Martin ang itsura ni Dominic. "Sobrang nag-aalala si Dr. Avigail, kaya sinamahan ko siya papunta rito. Mukhang kailangan niyo ng masinsinang pag-uusap, kaya mauuna na ako. Ihatid mo na lang siya pauwi, ah."D
last updateLast Updated : 2025-04-11
Read more

Your name

"Hindi! Pero ang galit mo, maaaring sapat na dahilan para gawin ang bagay na iyon—para iwan si Sky." Diretsong sabi ni Dominic habang nakatitig sa mga mata ni Avigail.Napailing na lang si Avigail. Basa niya sa mga mata ni Dominic na totoo ang sinasabi nito—na kahit gaano kabigat ang sinasabi niya, iyon ang laman ng puso’t isipan nito. Bumuntong-hininga siya, pilit tinatago ang sakit na unti-unting bumabalot sa kaniya. Tumingin siya sa labas ng bintana, sa kalsada sa harap nila."Ihatid mo na lang ako sa labas ng gate. Sasakay na lang ako ng taxi pauwi." Mahina pero matatag ang boses ni Avigail."Ako na ang maghahatid. Pabalik din naman ako ng ospital ngayon," alok ni Dominic, tila umaasang maaayos pa ang pagitan nila kahit papaano."Hindi na. May kailangan pa akong puntahan," malamig niyang tugon, hindi na tumingin kay Dominic.Wala nang nagawa si Dominic kundi paandarin ang sasakyan. Tahimik silang bumaba ng mansyon ng mga Ferrer—parehong puno ng bigat, parehong may mga tanong na w
last updateLast Updated : 2025-04-11
Read more

Confussion

"Ano? Sinabi mo talaga 'yon kay Dominic? Gosh, Avigail!" Galit na ang tono ni Angel habang nakaupo sa tapat ng kaibigan. Halos malaglag ang hawak niyang baso sa narinig."Nagpakumbaba na siya. Inamin niya ang pagkukulang niya, halatang sobra na siyang nagsisisi—pero bakit hindi mo man lang binigyan ng kaunting puwang ang salita niya? Kahit hindi mo siya patawarin, sana hindi mo na lang nasabi ‘yon."Napatingin si Avigail, halatang pinipigilan ang luha."Galit ako nun, Angel. Sa tingin mo ba madali ‘yon? Iniisip niyang kaya kong itapon ang sarili kong anak? Anak ko!""Oo, gets ko ‘yon. Tama ang dahilan mo—may point ka, pero hindi pa rin tama ang naging sagot mo. Avigail, kung marinig ‘yon ni Sky, ano’ng mararamdaman niya? Na tinanggihan siya ng sariling ina?"Tumayo si Avigail at naglakad palayo sa sofa. "Pero hindi pa rin sigurado na anak ko siya, Angel! Pinipilit lang nilang paniwalaan ko ‘yon!""Pero paano kung totoo?" balik ni Angel, seryoso na rin ang tono. "Sinabi ng doktor na bu
last updateLast Updated : 2025-04-12
Read more

DNA RESULT

"Avigail!! Heto na, nakakuha ako ng mabilis na proseso ng DNA testing sa hospital namin. Ang galing nga kasi pinadeliver pa nila!" sigaw ni Angel habang mabilis na pumasok sa bahay ni Avigail, hawak ang isang brown envelope na may seal ng ospital.Nagulat ang kambal na sina Dane at Dale sa biglang pagsulpot ng kanilang Ninang. Dahan-dahan pa itong lumapit, nahihiyang ngumiti sa kanila."Ninang! Kumain ka na po ba?" tanong ni Dane na laging concern sa mga bisita nila."Mom, Ninang… para saan po ba ang DNA test na iyan? May problema po ba?" tanong naman ni Dale habang hawak ang laruang robot.Tumingin si Avigail sa dalawang bata. Naisip niyang wala na siyang maitatago pa sa kanila. Limang taon pa lang ang kambal, pero sobrang talino na nila—mga batang marunong magbasa ng damdamin at sitwasyon."Oo… Sorry kung ginawa ito ni Mommy nang hindi kayo sinabihan. Naguguluhan na kasi ako. I can't give birth twice in a row. Alam niyo ‘yung ibig sabihin, di ba?""Opo, Mommy," sagot ni Dale. "Pero d
last updateLast Updated : 2025-04-13
Read more

They are your son

"Kamusta si Skylei? May improvement na ba ang lagay niya?" tanong ni Avigail.Hindi siya nakatulog kagabi habang iniisip kung paano siya naging pabayang ina—kung paanong naniwala agad siyang patay na ang kanyang bunsong anak. Sa tulong ni Miguel Tan, ni Angel, at ni Dr. Daven Cruz, inalaman nilang lahat ang nangyari sa araw ng panganganak ni Avigail sa ibang bansa. Gustong-gusto ni Avigail na siya mismo ang gumawa ng hakbang, ngunit hindi katulad ng mga taong ito, wala siyang koneksyon—maliban na lang sa pagiging kilala niyang doktor sa traditional medicine."Akala ko hindi ka na babalik. Mabuti naman at nandito ka na," malungkot na sabi ni Dominic habang nakaupo sa bench sa labas ng ICU, at nakatingin sa bintana nito kung saan makikita si Skylei na nakahiga at maraming tubong nakakabit."Mommy! Tito!""Mom! Dad—I mean, Tito, hello po sa inyo.""Pasensya na. Iniwan mo sa akin ang mga bata para dalhin sa kindergarten. Nalaman ng teacher nila ang nangyari kay Sky, kaya binigyan sila ng p
last updateLast Updated : 2025-04-14
Read more

Co-parenting

“Sinasabi mo bang nanganak ka mag-isa sa tatlong bata?” tanong ni Dominic, puno ng gulat at lungkot ang boses.Tahimik lamang na tumango si Avigail.“Pero bakit nahiwalay si Skylei sa mga kapatid niya? Kung hindi ikaw ang may kagagawan, sino? Sino ang naghiwalay sa iyo kay Skylei?” Halata sa tono ni Dominic ang pagkalito, ang galit, at ang pagkabigo. “May sakit si Sky noon. Malala. Kung hindi namin naagapan… baka noon pa, wala na siya.”Napaluhod si Avigail sa harap ni Dominic. Wala siyang nagawa kundi ang humagulgol.“Patawarin mo ako...” nanginginig ang tinig niya. “Sinabi sa akin ng doktor na isa sa triplets ang mahina. Kaya nang sinabi nilang hindi na niya kinayang mabuhay pa kahit isang araw, tinanggap ko na lang. Ang sakit. Sobrang sakit. Pero kailangan kong magpatuloy… kasi may dalawa pa akong anak na umaasa sa akin.”Umiiyak siyang napayuko, nanginginig ang balikat.“Pero kahit kailan… kahit kailan, hindi ko nakalimutan ang bunso kong babae. Hindi ko siya inalis sa puso’t isip
last updateLast Updated : 2025-04-14
Read more
PREV
1
...
717273747576
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status