Kinabukasan, sa ilalim ng mainit na araw, magkahawak-kamay sina Xavier at Antonette habang binabaybay ang daan patungong Bulacan. Tahimik si Antonette, nanginginig ang mga kamay niya, pero naramdaman niya ang paghaplos ni Xavier sa kanyang palad, nagbibigay ng lakas. “Relax ka lang, Antonette. Ako na ang bahala,” sabi ni Xavier, puno ng kumpiyansa.Pagdating nila sa bahay ng pamilya Pinagpala, sinalubong sila ng mga magulang ni Antonette, sina Rico at Maris. May halong kaba at saya ang reaksyon ng mga magulang niya nang makita si Xavier, na kilala nilang CEO ng Heaven Shipping Inc. Bagamat sanay sila sa simpleng buhay, ramdam nila ang sincerity ng binata sa bawat kilos nito.“Magandang umaga po, Ginoo at Ginang Pinagpala,” bati ni Xavier habang maingat na yumuko. “Pasensya na po kung hindi ko agad ito nagawa, pero gusto ko pong humingi ng pormal na basbas sa inyo para pakasalan si Antonette.”Nagpalitan ng tingin sina Rico at Maris. “Halika, Xavier, Antonette, maupo kayo,” sabi ni Mar
ปรับปรุงล่าสุด : 2024-12-12 อ่านเพิ่มเติม