Pagkarating ni Princess sa bahay, agad niyang naramdaman ang init ng kanyang galit na sumik mula sa puso, ngunit pilit niyang pinipigilan. Pagtungtong sa sala, nakita niyang magkasama ang ina ni Xavier na si Rosalinda at ang kanyang sariling ina, si Vilma, na masayang nakikipagkwentuhan. Ngunit nang mapansin ng kanyang ina ang hindi magandang mood ni Princess, agad itong nagtanong."Princess, ano'ng nangyari?" tanong ni Vilma, habang tinitingnan ang anak na may malalim na pag-aalala. Napansin nito ang kalmot at mga galos sa mukha ni Princess na parang nagdadala ng isang lihim na kuwento."Mom, wala 'yan," mabilis na sagot ni Princess, ngunit halatang may panggigigil sa boses. Subalit hindi nakaligtas sa matalim na mata ni Rosalinda ang galos at kalmot sa mukha ni Princess."Princess, hindi ko alam kung ano'ng nangyari, pero kita ko ang mga galos mo... sayang ang maganda mong kutis, iha," sabi ni Rosalinda, ang tono ng boses nito ay malumanay ngunit puno ng pag-aalala. "Kung may nangya
Last Updated : 2024-11-25 Read more