Szarina Point of view. đđ¨đ§đđ˘đ§đŽđđđ˘đ¨đ§. "Hindi pa ba tayo kakain ng lunch po sir Jeran?" Tanong ko dito. "Nagugutom na po kase ako." Ani ko pa. Bahala siya diyan kung panay na ang reklamo ko, unti unti na akong sinasapian ng tupak. Alam ni Kian na hindi pa ako kumakain ng breakfast, basta basta na lang ako sinabak sa ganito. "Oh, im so sorry, nakalimotan ko. Hindi ka pa nga pala kumakain ng breakfast, sandali na lang ito at lalabas na tayo." Sabi na lang nito sa akin. Umikot na lang ang aking mata ng palihim, nagrarambulan na talaga ang mga alaga kong anaconda dito sa loob ng aking tiyan. Nagtiis pa ako ng ilan pang minuto na nakatayo sa gilid ni Jeran habang pinapanuod nito ang paglalagay ng technician sa isang turnilyo sa nasirang machine bago kami lumabas ng production Area (Cleanroom 1) kung tawagin nila, dapat sa ulo ni Jeran ilagay iyon para mawala na ang pagkatuyuin nito. Maghapon daw kami dito, isa pa lang na production area ang napapasukan namin at dito pa lang
Last Updated : 2025-01-14 Read more