Manyakis itong si Isadora, bold yong nahanap niyang panonoorin.
Szarina Point of view. Lumipas ang isang linggo pagkatapos kong makalabas sa kulongan. Ngayon ay lunes at uwian na namin, maaga natapos ang aming klase kaya makakapasok ako ng maaaga sa part time job ko. Kailangan ko ng makaipong pera, dahil ginigpit na sila ng tiyanhin kong walang puso baka dalawa na sa mahal ko sa buhay ang atakihin sa puso. "Szarina, saan ang punta mo?" Tanong ni Marian ng makita akong palabas ng aking silid. "Kina ate Marie, tumawag siya sa akin ngayon kailangan niya ng tulong ko ngayon sa kanyang karendirya." Sagot ko kay Marian. Tumatango tango naman ito ng kanyang ulo. "Ah ganun ba, sege mag ingat ka." Nakangiting paalala sa akin ni Marian. Umalis na ako ng aming Dorm at naglakad sa may sakayan ng taxi. Nagpahatid ulit ako sa Mansion ni Jeran pero ng dumating ako sa mansion niya ay wala ito, ang sabi daw nito kay Kian kapag dumating ako ng maaga sa mansion nito ay dalhin ako sa kanyang kumpanya. "Bakit kailangan mo akong dalhin sa kumpanya niya? E sched
Szarina point of view Nagmamadali kaming pumunta sa isa pang kumpanya ni Jeran ang 'Jeran Eletronics company; nagkaroon daw ng kaunting problema doon kaya kailangan ako ngayon ni Jeran. Lumiban mona ako sa aming klase ngayon dahil maaga akong sinundo ni Kian at sa Probinsya pa ng Batangas ang pupuntahan namin dahil doon nakatayo ang kumpanya ng aming boss. Halos isang oras at kalahati ang nakunsyom naming oras sa byahe, mabuti nalang ay sa South Luzon expressway (SLEX) kami dumaan at sa Star Tollway ( autosweep) kami lumabas at eksakto mismo sa Jeran Business Park (JBP) patungo sa mga kumpanya dito sa Batangas. Ang gaganda ng mga kumpanya na nadadaanan namin, ang dami palang nakatayo na kumpanya dito sa pag-aari ni Jeran. Tumigil ang sasakyan sa tapat mismo ng gate. Tanaw na tanaw dito ang Mt. Makiling. Kinuha ko ang aking phone sa loob ng dala kong bag at kinuhanan ko ang napakagandang tanawin ng Mt. Makiling, pinaharap ko ang aking camera at sa sarili ko naman ito nakaharap.
Szarina Point of view. 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. "Hindi pa ba tayo kakain ng lunch po sir Jeran?" Tanong ko dito. "Nagugutom na po kase ako." Ani ko pa. Bahala siya diyan kung panay na ang reklamo ko, unti unti na akong sinasapian ng tupak. Alam ni Kian na hindi pa ako kumakain ng breakfast, basta basta na lang ako sinabak sa ganito. "Oh, im so sorry, nakalimotan ko. Hindi ka pa nga pala kumakain ng breakfast, sandali na lang ito at lalabas na tayo." Sabi na lang nito sa akin. Umikot na lang ang aking mata ng palihim, nagrarambulan na talaga ang mga alaga kong anaconda dito sa loob ng aking tiyan. Nagtiis pa ako ng ilan pang minuto na nakatayo sa gilid ni Jeran habang pinapanuod nito ang paglalagay ng technician sa isang turnilyo sa nasirang machine bago kami lumabas ng production Area (Cleanroom 1) kung tawagin nila, dapat sa ulo ni Jeran ilagay iyon para mawala na ang pagkatuyuin nito. Maghapon daw kami dito, isa pa lang na production area ang napapasukan namin at dito pa lang
Szarina Point of view. Lumipas ulit ang buwan, monday ng hapon ngayon sinundo ako ni Kian dahil kailangan ako ni Jeran sa Palasyo, katulad ni Jeran kapag pumupunta siya sa kanyang kumpanya ay nakasuot ito ng prosthetic face kaya hiniling ko kay Jeran na kung sa Palasyo ako kailangan ay dapat nakasuot din ako ng prosthetic face bilang personal assistant niya. Kapag ka ganito kaseng monday inaabot sila ng alas otso ng gabi kapag may pagpupulong sa senado kung minsan pa ay inaabot ng hating gabi bago matapos ang pagpupulong. Kailangan kong palitan ang personal assistant nito sa araw dahil medyo may edad na. Noong unang araw ko sa agency na mag training iba yong sinabe sa akin, nagbago ang lahat kaya ngayon ay personal assistant na lang niya ako. "Love, pakikuha nga ng necktie ko sa secret room!" Utos sa akin ni Jeran. Napairap nanaman ako ng aking mata sa kanya, napakatigas talaga ng ulo hindi natatakot na baka may makarinig sa kanya sa tuwing tinatawag niya akong love. Kung siya ay h
Szarina Point of view. Agad bininta nila kuya ang natitira pa naming mga kambing para makapag bigay ng kalahati ng bayad para masimulan na ang operasyon kay nanay, mabuti na lamang ay may naipon akong pera kahit papaano sa pagtatrabaho ko kay Jeran na para sana sa pagtubos sa lupa na nakasanla kina tiya Beth. Binayaran kona ito kanina pagkatapos sabihin sa akin ni tatay at ni kuya Pawpaw para wala ng aalalahanin pa sina tatay sa bayarin ng bill dito, kaya pala wala dito si Kuya Franco ay naghahanap pa ng pwede pagkautangan. Hindi pa seguro nakakauwi ng aming bahay kaya patay ang ilaw sa amin. Hindi ko akalain na susundan nila ako dito kaya sinabi ko na lamang kay Jeran ang Address kung nasaan ako ngayon. "Anong ginagawa mo dito sa labas ng hospital?" Tanong sa akin ni Jeran ng makalabas ito ng sasakyan habang nakatingin sa labas ng hospital. "Ang nanay ko," tipid kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga naman ito. "Anong nangyari? Kumusta naman ang nanay mo?" Sunod sunod na tanong
Jeran Point of view. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng paghanga sa isang kolohiyala, napaka cute nito sa kanyang height. Napaka taray nga lang nitong babae kahit maliit ito. Gusto ko ang pag-uugali nito, isa siyang babeng palaban. Ngayon lang ako na rejected ng isang babae sa tanan ng buhay ko, kaya nag-isip ako ng paraan kung paano mahuhulog ang damdamin nito sa akin. Umaayon ang panahon sa akin ng sundan ko ito ng hapong iyon. Hindi ko akalain na naghahanap ito ng trabaho, eksaktong sa pag-aari kong agency ito nakatingin, pinagmamasdan nito ang nakapaskil na tarpaulin sa labas ng pinto na hiring ako ng sekretarya. Agad kong tinawagan si Ruth na kausapin ang babaeng nasa tapat ng agency na paalis na dapat, kung ano ang kailangan nito. Tinanggap ko ito at pinagtraining ko ito ng isang buwan. Ang lahat ng trabaho niya sa akin ay kagagawan ko lamang para makasama ko lang siya, paiibigin ko siya at gusto kong subukan kong hanggan saan ang pinapakita niyang katarayan sa akin. K
Jeran Point of view. "Boss, lasing kana. Umuwi na tayo." Naririnig ko pang pag-aya sa aking ng aking tauhan na si Kian, nakayukyok ang ulo ko sa aking braso habang nakapatong sa table na puno ng bote ng alak na wala ng laman. "Hindi pa ako lashing Kian, alam ko pa nga ang sagot sa 1+1= Magellan eh at saka hindi pa duling ang paningin ko saiyo, kaya ko pa din patumbahin ang mga siraulo na grupo ng mga lalaki na iyon." Lasing na sagot ko sabay turo ko sa kanyang likuran. Hindi pa naman ako lasing, niloloko ko lang si Kian para kahit papaano ay maibsan itong inis na nararamdaman ko ngayon kay Angelina. "Gusto mo lapitan ko pa sila ng makita nila ang hinahanap nilang mga bituin na bumagsak dito sa lupa?" Nakangisi ko pang pagyayabang kay Kian. "Naku! Boss huwag na, hindi ka naman nila inaano at saka nagkakasiyahan lang naman sila dito, kaya umuwi na lamang tayo." Pag-awat sa akin ni Kian. "Baka ikaw pa Bossing ang makatagpo ng mga bituin na bumagask dito sa lupa sa laki ba naman ng mga
Jeran Point of view "Ah, shit! Ang sakit ng ulo ko, siraulong alak yon." Reklamo ko ng bumangon ako. Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako kinaumagahan. Hindi naman ako nasobrahan ng inum kagabe. Pagkatapos kong maligo at ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng aking silid.. Naupo ako sa sala at tinawang si Nanay Rita at pinagtimpla ko ng aking kape. Nagbabasa ako ng news sa diyaryo ng lumapit sa akin si Angelina. "Galit kapa rin ba sa akin, dahil isinapubliko ko ang kasal natin?" Malungkot na tanong nito sa akin. Wala ako sa mood makipag-usap sa kanya ngayon kaya minabuti ko na lang na sagotin ito para hindi na humaba pa ang usapan naming dalawa. Wala din naman na akong magagawa na malaman pa ng mga tao na kasal na kami ni Angelina. "Huwag mo ng intindihin yon, may magagawa pa ba ako na kalat na ang balita dito sa buong Pilipinas na kasal na tayo. Itahimik mo na lang ang bibig mo ngayon at sa mga susunod pang mga araw para wala tayong pag-aawayan pa kaya please lang Angeli
Jeran Point of view Walang pagsidlan ang aking nadaramang katuwaan ng pagbigyan akong muli ng isa pang pagkakataon na itama ang aking pagkakamali ng aking pinakamamahal na asawa. Lahat ginawa ko mapatawad lang niya ako. Ngayon ay ganap na mag-asawa na kami. Masasabi ko ng akin ng tuloyan ang nag-iisang babae na pinangarap ko. Isang linggo lang ang aming honeymoon sa Isla Rosana, kaya sinulit ko ang isang linggo na 'yon. Ngayon ay nandito kami sa Angels Mental Hospital, dinalaw namin ang pinsan ko na si Trish. Hindi parin ako makapaniwala naka takas ito, nakita na lamang daw ito sa isang parke na nakaupo sa bench habang pinapasuso ang isang kuting sa kanyang dede. Pinabayaan na ito ng tuloyan nila dahil nakakahiya daw ito sa pamilya nila. Ang katwiran pa ay wala silang anak na baliw, kaya ako na lang ang nagmamalasakit sa pinsan ko. Nakatanaw lamang kami sa kanya, habang mahimbing siyang natutulog. Kailangan itong patulogin upang hindi ito magwala, awang-awa na ako sa kalagayan
Szarina Point of view. "Walang salitang sapat para maipahayag ko kung gaano ako ka swerteng tao dahil pinagbigyan mo ako ng pangalawang pakakataon na mapatunayan saiyo na sobra kitang mahal. Hindi sapat ang salitang sorry sa mga nagawa kong pang-aabuso sa'yo bilang isang babae, tama lang ang ginawa mo na pinahirapan mo ako bago ko nakamtan ang pagpapatawad at pagtanggap mo sa akin diyan sa puso mo at bilang isang ama sa mga anak natin. Pinagsisisihan ko ang mga bagay na nagawa ko saiyo sa nakalipas na limang taon. Sa harap nila at sa harap ng Panginoon, pinangako ko sa kanilang lahat na hindi ko sasayangin ang binigay mong pangalawang pagkakataon sa akin, bagkus pahahalagahan ko ito at iingatan na mas higit pa sa diamante ang puso mo, hindi ko ito hahayaan na mahulog sa sahig at magkapira-piraso. Iingatan ko ang puso mo gaya ng kung paano mo iniingatan ngayon at minamahal ang akin. Sabihin na nilang madamot ako, wala akong pakialam. Ang gusto ko, akin ka lang at ako'y sayo, hindi lan
Szarina. Matapos ang pagpropose ko kay Jeran nong umuwi ako buhat sa Isla Rosana ay nandito kami ngayon sa Malacańang. Sunod sunod ang kislapan ng camera ba kumukuha sa amin ng mga anak ko, marami ang mga katanungan sa amin. "Ms. Doctora Orpesa, balita ko po kayo daw po ang nag propose kay Mr. President?" Tanong sa akin ng nagngangalang Agane Chaves na Reporter ng Lireo Station. 101.2 Napangiti naman ako bago sumagot. "Oo, tama ka sa nakalap mong balita Miss. Agane. Inunhan ko na, baka maunahan pa ako ng iba." Nakangiti kong sagot. "At totoo rin po ba na tinutukan mo pa ito ng laruang baril?" Habol pa nitong tanong. Natawa na ako ng maalala kong muli ang pagtutok ng baril kay Jeran. "Oo, tama ka ulit. Tinutukan ko na para hindi na makatanggi pa. Natawa naman ang mga tao na nandito sa harapan namin. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap ay natapos din kami, mabuti na lamang ay hindi nagpasaway ang mga anak ko. Marami ang natuwa na nagkaroob kami ng tatlong anak na mababait. M
Szarina. Asaran at tuksuan ang naganap sa maghapon sa trabaho ko, paano ba naman itong si Jeran simula ng maging maayos kami ay wala ng ginawa kundi ang bumuntot sa akin. Si Doc. Jack lang ang nakakaalam na may anak kami ni Jeran, nakita niya kase isang beses na magkakausap kami sa video call, at alam narin niya na ako ang babaeng tinutukoy ng Presidente ng bansa na may anak sa akin. Mabuti na lamang ay mapagkakatiwalaan ito. Pero napag-usapan narin namin ni Jeran na pagkatapos ng medical mission namin dito ay bago matapod ang kanyang termino bilang isang pangulo ng bansa ay ipapakilala na niya kami sa mamamayan na nag-aabang sa amin. Ngayong gabi ay babalik na ulit sila ng Manila dahil nagkaroon daw ng kaunting problema sa Malacańang. Hindi naman palagi na nandito si Jeran, mas lamang parin na nasa Malacańang siya. Pupunta lang siya dito kapag susuyuin at kukulitin ako. Pero nong maging okay na kami, isang beses na lamang siya pumupunta dito sa Isla Rosana, kapag maaga naman siyan
Szarina. Kinaumagahan na nga kami nakabalik dito sa camp namin. Simula ng makita kami ni Jeran sa gubat nila Eutanes at Red ay inaasar kami ng dalawa. Sa tuwing dadaanan nila ako ay pasipol sipol ang mga to sa akin. "Hindi nyo ba ako titigilan na dalawa." Sita ko kina Red at Eutanes, hindi na ako makatiis dahil pinagtitinginan narin kami ng aking mga kasamahan. "Uhm... May sinasabi kaba doc. sa amin?" Pagkakaila pa nito sa akin kahit alam naman niya kung bakit ko sila sinisita. "Ehem. Napalingon ako sa taong nasa likuran ko ng tumikhim ito. Si Jeran na may hawak na isang halamang gubat na kung tawagin ay yellow lollipop plant. "Para saiyo," nahihiya pa na sabi nito sa akin na iniaabitbsa akin ang bulaklak. Tumingin naman ako sa paligid ko, lahat sila ay may mapanuksong tingin sa akin. Namumula ang mukha ko na tinanggap ko ito, kaya ang mga siraulong kaibigan ni Jeran ay inaasar nanaman ako, lalo na ang dalawa. "Salamat pero saan mo ito pinitas?" Tanong ko kay Jer
Szarina_ "Anong ginagawa mo, Jeran? Lubayan mo nga ako. Kanina kapa panay ang sunod sa akin." Naiinis na sita ko dito, ki aga-aga pinapainit ang ulo ko. "Kausapin mo muna ako," sagot nito sa akin. Hindi ko ito pinansin, nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. "Sorry na hindi na mauulit. Nagawa ko lang naman yon dahil hindi mo ako pinapansin." Sabi pa ulit nito sa akin. habang nakasunod sa aking likuran. Hindi ko parin ito pinansin. Tatlong araw na mula ng gumawa ito ng kadramahan sa akin na masakit ang kanyang dibdib kaya hindi ko ito pinapansin ng ilang araw. "Szarina. "Bakit ba ang kulit mo? Bumalik kana don sa Camp, o kaya ay bumalik kana don sa pinang galingan mo, isama mona rin yang mga kaibigan mo, at lubayan ninyo ako! Hindi na ako natutuwa sainyo, lalo na saiyo! Nakakairita na kayo!" Sunod-sunod na sabi ko sa kanya na halos hapuin ako. "Hindi mo ba talaga ako kayang patawarin, tatalon ako sa bangin na 'to." Pananakot ni Jeran sa akin ng pumunta ito sa may bahagi
Szarina Point of view Iniwan ko ang mga bata kina tatay. Lumuwas ako pabalik ng Rizal kung nasaan ang unang pinatayo ng ama ni papa na private hospital. Nagkaroon ng pagpupulong kinabukasan ng pumasok ako sa hospital ni papa, pinag-usapan kung ano ang mga dapat naming gagawin pagpunta namin don. Iilan lang ang nakakakilala na anak ako ng may-ari ng hospital ni papa, ang may matataas na katungkulan lamang, dahil kailangan ko munang magsimula sa mababa, bago ako ilagay sa mataas na posisyon. "Doc. Szarina, naghihintay na po ang iba sa atin sa roof top tayo na lamang pong dalawa ang hinihintay nila." Tawag sa akin ni Doc. Jack Sawyer na may lahing americano. "Um, okay, susunod na ako, ligpitin ko lamg itong gamit ko." Sagot ko. Niligpit ko na nga ang lahat ng gamit ko, at sumunod kay Doc. Jack. Ngayon ay nandito na kami sa rooftop pasakay ng helecopter na magdadala sa amin sa Isla Rosana. *** Isang oras lang ang nilakbay namin. Nakarating kami sa Isla Rosana. Lumanding a
Szarina Tinawagan ko muna si Nurse Megan na pumunta dito sa bahay ni Tiya Beth, at magpasama kay kuya Franco. "Tiya Beth, uuwi po muna ako sa bahay, nandito naman po si Nurse Megan at si Kuya na makakasama mo." Paalam ko kay tiya Beth. Nakatingin lang ito, sa akin. Lumabas na rin ako ng silid nito. "Segurado kaba, sa ginawa mo Bunso? Hindi naging mabuti ang pakikitungo niya sayo simula't sapol." Tanong sa akin ni Kuya Franco. "Kuya, kung ano man ang nakaraan namin ni Tiya Beth, ay tapos na yon sa akin, kinalimotan ko na at nakaraan na lamang 'yon.) sa amin. Hindi na sa aking mahalaga Kung naging mabuti ba siya sa akin o hindi, ang importante ay itong ngayon, at ipamulat na lang natin sa kanya na ang lahat ng taong masasama ay may hangganan, pwede silang maging mabuti pa rin, gabayan natin sila kung maaari... Hindi sila palaging ang nasa taas, darating din ang araw na manghihina din sila at mangangailangan din ng tulong galing sa iba, sa atin. Hindi pa naman huli ang lahat eh
Szarina. Kinaumagahan ay maaga ako nagising, upang magluto ng almusal ng mga anak ko. Hindi ko na inutusan pa sina Nurse Pia at Nurse Megan. Habang nagluluto ako ng hotdog ay naalala ko ang pagharana sa akin ni Jeran at ng mga kaibigan nito, hindi ko akalain na susundan ako ng siraulong ama ng mga anak ko. Naiiling na lang ako ng aking habang binabaligtad ko ang hotdog, kapag naalala ko ang mga dinala nila sa akin, rose na may bulaklak ng aswang sa gitna, at ginataang itik na hindi ko kinakain. Bumabaligtad ang sikmura ko kapag nakakaamoy ako nito na hindi ko alam kung bakit eh simpleng ulam lang naman ito. Hinango ko na ang hotdog at nilagay ko na ito sa maliit na pinggan. Ano ba ang dapat kong gawin? g Gusto ko naman ng kumpletong pamilya at masaya, dapat ko na bang tanggapin ang pag-ibig ni Jeran sa akin para sa mga anak namin. Pero natatakot ako, paano kung pakulo lang niya ulit ito, upang gantihan ako dahil sa pagtatago ko sa mga anak namin sa kanya?Mas gugustuhin ko pa