Naku Szarina pinagtripan ka lang pala ni Samuel para mapapunta lang niya si Jeran sa mansion niya.
Szarina point of view "Ms. Magda. Tumawag si Mr. Lorenzo, maaari kana daw makalabas ngayong gabi dahil baka sa susunod na linggo pa daw siya makabalik dito sa Pilipinas. At pinapasabi din niya na pasensya na daw saiyo kung napag bintangan ka na kasabwat ng lalaking mandurukot na iyon." Sabi ni sir Dante sa akin, hindi talaga ako iniwan ng mga kaibigan ko dito at tinotoo nila na hindi sila uuwi hangga't hindi ako nakakalabas dito, pwera lang kay Aria na kailangan talaga nitong umuwi. "Ganun ganun lang yon sir Dante, pagkatapos niyang pagbintangan ang kaibigan namin at ipakulong dito ng halos tatlong araw ay hindi siya magpapakita ng masapak manlang namin ang pagmumukha ng Mr. Lorenzo na yon!" Galit na sabi ni Marian. "Ang kapal kapal ng pagmumukha ng matandang Samuel Lorenzo na iyon! Naku kapag nakasalubong ko lang talaga iyon sa daan, papatikimin ko iyon ng lumilipad na sapatos sa mukha ng makita niya!" Galit din na sabi ni Marian. Hindi ako makasingit ng aking sasabihin dahil sa
Szarina Point of view. Lumipas ang isang linggo pagkatapos kong makalabas sa kulongan. Ngayon ay lunes at uwian na namin, maaga natapos ang aming klase kaya makakapasok ako ng maaaga sa part time job ko. Kailangan ko ng makaipong pera, dahil ginigpit na sila ng tiyanhin kong walang puso baka dalawa na sa mahal ko sa buhay ang atakihin sa puso. "Szarina, saan ang punta mo?" Tanong ni Marian ng makita akong palabas ng aking silid. "Kina ate Marie, tumawag siya sa akin ngayon kailangan niya ng tulong ko ngayon sa kanyang karendirya." Sagot ko kay Marian. Tumatango tango naman ito ng kanyang ulo. "Ah ganun ba, sege mag ingat ka." Nakangiting paalala sa akin ni Marian. Umalis na ako ng aming Dorm at naglakad sa may sakayan ng taxi. Nagpahatid ulit ako sa Mansion ni Jeran pero ng dumating ako sa mansion niya ay wala ito, ang sabi daw nito kay Kian kapag dumating ako ng maaga sa mansion nito ay dalhin ako sa kanyang kumpanya. "Bakit kailangan mo akong dalhin sa kumpanya niya? E sched
Szarina point of view Nagmamadali kaming pumunta sa isa pang kumpanya ni Jeran ang 'Jeran Eletronics company; nagkaroon daw ng kaunting problema doon kaya kailangan ako ngayon ni Jeran. Lumiban mona ako sa aming klase ngayon dahil maaga akong sinundo ni Kian at sa Probinsya pa ng Batangas ang pupuntahan namin dahil doon nakatayo ang kumpanya ng aming boss. Halos isang oras at kalahati ang nakunsyom naming oras sa byahe, mabuti nalang ay sa South Luzon expressway (SLEX) kami dumaan at sa Star Tollway ( autosweep) kami lumabas at eksakto mismo sa Jeran Business Park (JBP) patungo sa mga kumpanya dito sa Batangas. Ang gaganda ng mga kumpanya na nadadaanan namin, ang dami palang nakatayo na kumpanya dito sa pag-aari ni Jeran. Tumigil ang sasakyan sa tapat mismo ng gate. Tanaw na tanaw dito ang Mt. Makiling. Kinuha ko ang aking phone sa loob ng dala kong bag at kinuhanan ko ang napakagandang tanawin ng Mt. Makiling, pinaharap ko ang aking camera at sa sarili ko naman ito nakaharap.
Szarina Point of view. 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. "Hindi pa ba tayo kakain ng lunch po sir Jeran?" Tanong ko dito. "Nagugutom na po kase ako." Ani ko pa. Bahala siya diyan kung panay na ang reklamo ko, unti unti na akong sinasapian ng tupak. Alam ni Kian na hindi pa ako kumakain ng breakfast, basta basta na lang ako sinabak sa ganito. "Oh, im so sorry, nakalimotan ko. Hindi ka pa nga pala kumakain ng breakfast, sandali na lang ito at lalabas na tayo." Sabi na lang nito sa akin. Umikot na lang ang aking mata ng palihim, nagrarambulan na talaga ang mga alaga kong anaconda dito sa loob ng aking tiyan. Nagtiis pa ako ng ilan pang minuto na nakatayo sa gilid ni Jeran habang pinapanuod nito ang paglalagay ng technician sa isang turnilyo sa nasirang machine bago kami lumabas ng production Area (Cleanroom 1) kung tawagin nila, dapat sa ulo ni Jeran ilagay iyon para mawala na ang pagkatuyuin nito. Maghapon daw kami dito, isa pa lang na production area ang napapasukan namin at dito pa lang s
POV- Szarina "Sino ka para lang pagsabihan ako ng isang babaeng basahan? Hindi mo ako kilala kaya mag ingat ka sa mga sinasabe mo tungkol sa akin!" Galit kong asik at binigyan ko ng mag asawang sampal ang babaeng pinsan ni Jeran na nakatira dito pansamantala sa condo unit na binigay sa akin ni Jeran. Hindi alam ni Jeran kung anong katangahan na ginagawa sa akin ng kanyang pinsan. Pero hindi kona kailangan pang sabihin, dahil hindi ko ugali ang magsumbong. "Nakalimotan mona ba na pinsan ako ng Presidente ng Pilipinas na kinakalantari mo! Kung ayaw mong isumbong kita sa asawa ng pinsan ko ay magpakabait ka sa akin naiintindihan mo ba ako!" Galit din na sigaw nito sa pagmumukha ko habang hawak nito ang magkabilaan niyang pisngi na sinampal ko. "Wala akong pakialam kahit magsumbong kapa sa asawa ni Jeran! Baka nakakalimotan mo kung bakit naandito ka ngayon sa condo na binigay sa akin ng pinsan na sinasabe mo. H'wag mong ubusin ang pasensya ko Trish baka ingudngod ko ang pangit mong muk
POV- Szarina. "Nay! Tay. Nakapasa po ako sa exam ng scholarship na pinasahan ko, makakapag aral na po ako sa Manila. Maipagpapatuloy kona po ang pag aaral ko sa kolehiyo." Masaya kong balita sa aking kinikilalang magulang. Usap usapan dito sa aming Barangay Masikap na hindi ako tunay na anak nila nanay at tatay, Basta na lang daw akong nakita sa isang basket na nakabalot sa isang pink na lampin na may na nakasulat na Szarina Kim pero walang apelyido at nakalagay din kung kelan ako isinilang. Ang lahat ng iyon ay totoo pero para sa akin at kina nanay at tatay at sa dalawa ko pang kuya ay tunay nila akong pamilya. Hindi kona inalam pa kung sino nga ba ang tunay kong magulang, hindi na sa akin mahalaga iyon dahil kong mahalaga ako sa kanila hindi nila ako aabandonahin o iiwan na lamang sa labas ng bakuran ng isang bahay kaya wala na rin akong pakialam sa kanila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mga taong kumupkop sa akin at nagmamahal ng totoo na imbis na sa kanila ko nararamdaman.
"POV- Szarina.Nakilala ko ang mga bago kong kaibigan na sina Isadora Ajaziah, Aria Zelle, Marian, Rasselle at Chyrll. Sa Tuwing may gimik ang mga kaibigan ko ay hindi ako nawawala kung nasaan sila ay naandon din ako. Sa aming magkakaibigan ay si Isadora ang naunang nagkaroon ng kasintahan at ito ay si Anthony na ka klase namin. May manliligaw itong gwapo at sikat na negosyante pero sa hindi namin alam na dahilan ay si Anthony ang mas pinili nito. Si kuya Eutanes at Jeran ay magkaibigan na matalik.Hindi ko na hinintay pa ang dalawa kong kaibigan na kasama ko sa dorm, Nauna na ako sa kanila pumasok. Habang naglalakad ako papasok sa university na pinapasukan namin ng aming kaibigan ay nakasalubong ko ang kapitbahay namin sa probinsya na si ate Marie."Oh Bunso, kumusta kana. Tama nga ang usap usapan sa Kubo ng Barangay natin na dito kana nag aaral sa Manila." Wika ni Ate Marie ng makilala n'ya ako."Ikaw po pala ate Marie.. Okay lang po ako... Ikaw po kumusta?" Balik tanong ko sa kanya
POV- Szarina Tatlong araw na akong secretary ng hindi ko pa nakikilalang Boss ko. Nasa kontrata na aking pinermahan ang nakasulat na, pagkatapos ng isang buwan bilang secretary na part time job ko ay nakasaad don na hindi ko mona makikilala kung sino talaga ang pinaka boss ko, dahil kailangan nilang makaseguro na magtatagal nga ba ako sa part time job ko. Wala naman sa akin problema iyon, mabuti na nga rin na huwag ko ng makita ang boss ko baka matakot lang ako sa kanya. Gusto ko sanang itanong don sa ginang na nag interview sa akin na ano bang itsura ng magiging boss ko, nahiya lang ako baka masisante na agad ako hindi pa ako nakakapagsimula. "Ano ba yan, na curious naman ako sa hitsura nya. Mukha kaya itong adik sa kanto, bungi bungi ang ngipin tapos nabubulok pa. Mabaho ang hininga, maraming an-an at buni sa mukha. Tigyawatin at balbas sarado pa. Grrr.. Ano ba yan naiimagine ko sa mukha ng boss ko, nakakakilabot naman. Huwag naman sana ganun ang mukha nya, baka hindi na ako pumas
Szarina Point of view. 𝐂𝐨𝐧𝐭𝐢𝐧𝐮𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. "Hindi pa ba tayo kakain ng lunch po sir Jeran?" Tanong ko dito. "Nagugutom na po kase ako." Ani ko pa. Bahala siya diyan kung panay na ang reklamo ko, unti unti na akong sinasapian ng tupak. Alam ni Kian na hindi pa ako kumakain ng breakfast, basta basta na lang ako sinabak sa ganito. "Oh, im so sorry, nakalimotan ko. Hindi ka pa nga pala kumakain ng breakfast, sandali na lang ito at lalabas na tayo." Sabi na lang nito sa akin. Umikot na lang ang aking mata ng palihim, nagrarambulan na talaga ang mga alaga kong anaconda dito sa loob ng aking tiyan. Nagtiis pa ako ng ilan pang minuto na nakatayo sa gilid ni Jeran habang pinapanuod nito ang paglalagay ng technician sa isang turnilyo sa nasirang machine bago kami lumabas ng production Area (Cleanroom 1) kung tawagin nila, dapat sa ulo ni Jeran ilagay iyon para mawala na ang pagkatuyuin nito. Maghapon daw kami dito, isa pa lang na production area ang napapasukan namin at dito pa lang s
Szarina point of view Nagmamadali kaming pumunta sa isa pang kumpanya ni Jeran ang 'Jeran Eletronics company; nagkaroon daw ng kaunting problema doon kaya kailangan ako ngayon ni Jeran. Lumiban mona ako sa aming klase ngayon dahil maaga akong sinundo ni Kian at sa Probinsya pa ng Batangas ang pupuntahan namin dahil doon nakatayo ang kumpanya ng aming boss. Halos isang oras at kalahati ang nakunsyom naming oras sa byahe, mabuti nalang ay sa South Luzon expressway (SLEX) kami dumaan at sa Star Tollway ( autosweep) kami lumabas at eksakto mismo sa Jeran Business Park (JBP) patungo sa mga kumpanya dito sa Batangas. Ang gaganda ng mga kumpanya na nadadaanan namin, ang dami palang nakatayo na kumpanya dito sa pag-aari ni Jeran. Tumigil ang sasakyan sa tapat mismo ng gate. Tanaw na tanaw dito ang Mt. Makiling. Kinuha ko ang aking phone sa loob ng dala kong bag at kinuhanan ko ang napakagandang tanawin ng Mt. Makiling, pinaharap ko ang aking camera at sa sarili ko naman ito nakaharap.
Szarina Point of view. Lumipas ang isang linggo pagkatapos kong makalabas sa kulongan. Ngayon ay lunes at uwian na namin, maaga natapos ang aming klase kaya makakapasok ako ng maaaga sa part time job ko. Kailangan ko ng makaipong pera, dahil ginigpit na sila ng tiyanhin kong walang puso baka dalawa na sa mahal ko sa buhay ang atakihin sa puso. "Szarina, saan ang punta mo?" Tanong ni Marian ng makita akong palabas ng aking silid. "Kina ate Marie, tumawag siya sa akin ngayon kailangan niya ng tulong ko ngayon sa kanyang karendirya." Sagot ko kay Marian. Tumatango tango naman ito ng kanyang ulo. "Ah ganun ba, sege mag ingat ka." Nakangiting paalala sa akin ni Marian. Umalis na ako ng aming Dorm at naglakad sa may sakayan ng taxi. Nagpahatid ulit ako sa Mansion ni Jeran pero ng dumating ako sa mansion niya ay wala ito, ang sabi daw nito kay Kian kapag dumating ako ng maaga sa mansion nito ay dalhin ako sa kanyang kumpanya. "Bakit kailangan mo akong dalhin sa kumpanya niya? E sched
Szarina point of view "Ms. Magda. Tumawag si Mr. Lorenzo, maaari kana daw makalabas ngayong gabi dahil baka sa susunod na linggo pa daw siya makabalik dito sa Pilipinas. At pinapasabi din niya na pasensya na daw saiyo kung napag bintangan ka na kasabwat ng lalaking mandurukot na iyon." Sabi ni sir Dante sa akin, hindi talaga ako iniwan ng mga kaibigan ko dito at tinotoo nila na hindi sila uuwi hangga't hindi ako nakakalabas dito, pwera lang kay Aria na kailangan talaga nitong umuwi. "Ganun ganun lang yon sir Dante, pagkatapos niyang pagbintangan ang kaibigan namin at ipakulong dito ng halos tatlong araw ay hindi siya magpapakita ng masapak manlang namin ang pagmumukha ng Mr. Lorenzo na yon!" Galit na sabi ni Marian. "Ang kapal kapal ng pagmumukha ng matandang Samuel Lorenzo na iyon! Naku kapag nakasalubong ko lang talaga iyon sa daan, papatikimin ko iyon ng lumilipad na sapatos sa mukha ng makita niya!" Galit din na sabi ni Marian. Hindi ako makasingit ng aking sasabihin dahil sa
Szarina Point of view. Alas singko na ng hapon ay wala parin pumupunta dito kahit ang mga kaibigan ko. Panay ang kulit ko sa mga Pulis na pahiram ako ng phone nila, ayaw akong pahiramin. Sinasabi pa nilang kasabwat talaga ako ng lalaking mandurukot na iyon. "Ms. Magda, may bisita ka-.. "Szarina!" Napatingin ako sa may pintuan na nag-uunahan ang mga kaibigan ko sa pagpasok dito. "Mga babaeng ito, hindi nagdadahan dahan sa pagpasok!" Inis na sabi ni Dante na nakakunot noo. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nakakulong?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Marian. Hindi kaagad ako nakasagot sa tanong sa akin, natulala ako sa mga kaibigan ko. Ganitong ganito ang pangyayari sa panaginip ko, pinuntahan ba nila ako para itakas nila ako dito.. "Hoy! Szarina!" Tawag ulit nila sa akin. Tumulo na lang ang aking luha. Dahil mahal talaga ako nang mga kaibiga ko, napatingin ulit ako sa may pinto nangg pumasok si Jeran at si Kian. Ang sama ng tingin ni Jeran kay Dante. "Bakit ka umiiyak?" N
Szarina Point of view "Badjao! Szarina! Naimulat ko ang aking mga mata dahil sa ingay at ang boses ni Marian na tinatawag ako. Pagmulat ko ay ang mga mukha ng aking mga kaibigan na nag-aalala ang nakita ko. Napabangon ako sa saya at umiyak nang umiyak sa kanilang harapan. Awang-awa naman sila sa akin ng ekwento ko sa kanila ang buong pangyayari. At sinabi din nila sa akin kung paano nila ako natunton dito, iyon ay ang cellphone na naiwan ko sa sasakyan na gamit ni Kian at tiningnan nilang lahat ang cctv footage kaya napanood nila ang pangyari ng pagdakip na lang sa akin basta basta ng mga buwayang Pulis. "Sino naman ang Samuel Tyron Lorenzo na iyon?" Tanong ni Isadora. "Makita ko lang ang lalaking iyon, masasapak ko ng aking tsinelas ang pagmumukha nun." Galit na turan pa nito. "Di kaya ay isang leader ng sindikato yon? O kaya ay isang Mafia boss" Sabi naman ni Marian. Nagkatinginan naman kaming apat. "Dapat maitakas ka namin dito bago pa man dumating ang gagong yon." Ani pan
Szarina Point of view _Continuation_🦋 Tahimik lang ako habang nakikipagtitigan sa gwapong lalaki na kaharap ko, ang sarap naman nitong kurotin pumuputok ang mga muscle sa dalawang braso. Nakakagutom tuloy, naglalaway tuloy ako, sana may magdala ng kanin dito ang sarap nitong e ulam. "KIinton, pakipunasan ng tisue ang laway ng mandurukot na yan." Utos ng lalaki sa kanyang tauhan. Bumalik ang aking katinuan ng may nagpunas sa aking bibig. Ginoo ko, nakakahiya hindi ko namalayan na naglalaway na pala ako sa mala greek gods ang dating. Kung bakit ba kase may masarap na putahi dito sa harapan ko. "Tapos kana ba pagpantasyahan ang katawan ko? Hindi mo naman seguro ako inubos? Kawawa naman ang girlfriend ko kung walang natira." Puna nito sa akin habang nakangisi pa. "Hindi naman nagtira pa naman ako kahit kaunti." Wala sa sarili kong sagot, napagtanto ko lang ang aking sinabi ng marinig kong tumawa ang mga tauhan nito. "A-Ang ibig kong sabihin ay hindi ko p-pinagpapantasyahan
Szarina Point of view. Pagkalabas ko nang mall ay naglakad-lakad ako, hindi na ako naabotan pa ni Kian nang magtago ako. Lumabas lang ako nang makita ko itong sumakay na sa Fortuner nito na may kausap sa phone. Sa tingin ko ay si Jeran ang kausap non. Habang naglalakad lakad ako ay may nakabangga sa akin na isang lalaki na mabilis na tumatakbo na hinahabol ng pulis, pagtingin ko sa aking kamay ay hawak ko na ang isang bag na galing don sa lalaki. Paglingon ko sa kanan ay pumito at nagpaputok pa sa itaas ng kalangitan ang isang Pulis na humahabol. "Tigil!" Sigaw pa nito, tapos ay tumingin ito sa akin at sa hawak kong bag. Lumapit ang dalawang Pulis sa akin at ina-aresto ako. "Huwag ka ng manlaban pa, hinuhuli kita sa pagkakasalang kasabwat sa pandurukot. Malaya kang kumuha ng abogado mo para dipensahan ang sarili mo, kung wala ka namang kakayahang kumuha ng abogado mo ay bibigyan ka ng serbisyong pampublikong abogado ng aming opisina." Sabi ng Pulis habang pinosasan ang kamay ko s
Szarina Poin of view. Kinabukasan nagising ako ng maaga, naglaba at naglinis ako ng aking silid. Habang nakaupo ako at tinutupi ang mga damit kong natuyo na ay bumukas ang pinto ng aking kwarto at niluwa nito ang dalawa kong kaibigan. "Hoy, Badjao! May tinatago kaba sa amin? Ha!" Bungad ka agad sa akin ni Marian. Babaeng ito sinasapian nanaman nang pagka aning aning. "Ano ba ang pinagsasabi mo mamasang? Na-aaning kana naman ba?" Sagot ko dito, ganito kaming magkakaibigan mga bansag ang tinatawag sa amin kung minsan. "Nakita ka namin kagabi Badjao na hinatid ka ni Jeran sa labas ng gate nang dormitoryo natin, kaya huwag ka nang magkaila pa. Umamin ka nga may relasyon ba kayo non nang ulikba na iyon?" Saad din ni Issa na nakapamaywang pa sa harapan ko. "Pati ba naman ikaw Ursula. Ang dumi na agad ng isip ninyo, hinatid lang may relasyon na kaagad." Nakairap kung sagot sa kanila. Tumayo ako at nilagay ko sa aking drawer ang mga natupi kong damit. "Bakit ka niya hinatid? Saan kaba