Home / Romance / Love Amidst the Danger / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of Love Amidst the Danger : Chapter 81 - Chapter 90

117 Chapters

Chapter 81

Love Amidst the Danger Aria Pov "Baby ko, I'm so sorry anak ko," lumuluha na naman ako habang nakatitig sa maamong mukha ng anak ko na payapang natutulog.Hindi kaya ng puso ko na makitang ganito ang sitwasyon ng isa kong anak. Nakahiga sa hospital bed at wala pa rin malay hanggang ngayon. Nasasaktan ako, sumisikip ang dibdib ko kapag naaalala ko kung paano siya basta na lang inihagis na parang unan lang. Hindi man lang naawa sa bata.Hindi ko man lang naagapan, hindi ko man lang nadaluhan agad. Hindi ko man lang siya napansin na lumapit sa gawi namin ng ginang. Nalulungkot na naman akong napatingin sa anak ko. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa nito sa anak ko. Kahit ina pa siya ng ama ng mga anak ko.Nakaupo kaming lahat sa may sofa sa gilid. Napanood na raw nila ang video. Nahiya ako bigla dahil nasaktan ko rin ang ginang. Pero sa loob-loob ko deserve niya ang ginawa ko. Kulang pa nga iyon e, kumpara sa pananakit niya sa kawawang bata."H-hindi ko po.... uhm.. h-hindi ko po s-si
last updateLast Updated : 2024-12-14
Read more

Chapter 82

Love Amidst the Danger Dumating rin kinaumagahan ang parents ko at mga kapatid ko. Hindi na nila naabutan ang ama at kapatid ni Zaprine dahil agad rin silang umalis pagkakita sa mga bata. Maraming trabaho ang naghihintay sa Kuya ni Zaprine at ang ama naman nila ay ihahatid ang asawa sa Spain. Nagbalak pa nga raw na tumakas ang asawa nito mabuti at nakita nila agad. Takot sila kay Don Francisco kahit ang mga kasambahay ay loyal sila kay Don Francisco. Kaya walang nagawa ang ginang ng isumbong siya ng isa sa tauhan ni Don.Napag-alaman ko na nasaktan rin ni Don Francisco ang ina ni Zaprine, dahil sa ginawa ng ginang sa anak ko. Pinalo-palo pa raw ni Don Francisco ang ginang ng baston ng sagot sagutin niya ang matanda. Matapang ang ginang pero wala naman sa ayos. Kaya para sa akin deserve niya ang maitapon sa malayo at maging trabahador nila doon sa Spain."Ang apo ko," naaawang nakatingin si Mommy sa apo niya. Umiiyak ito habang hinahaplos ng marahan ang mukha ng bata. "Sinong may ga
last updateLast Updated : 2024-12-15
Read more

Chapter 83

Love Amidst the Danger Kalahating buwan kami nanatili sa hospital. Masaya na rin ang anak kong isa dahil gising na at nakakausap na rin nito ang kakambal. Ngayon na ang uwi namin sa mansion nila Don Francisco. Iyon kasi ang gusto ng matanda at kahit sila Mommy ay wala silang nagawa. Kahit pwede na maglakad ang anak ko ay binilhan pa rin siya ng Lolo nito ng automatic stroller. Ang pinakamahal pa ang binili nito tag-isa sila ni Zaria, para raw hindi mainggit ang isa. Tuwang tuwa silang dalawa ng sumakay sila sa bagong stroller nila. Sumama rin sa amin ang pamilya ko sa mansion ni Lolo Francisco. May selebrasyon daw kasi sa mansion na inihanda nila para sa welcome party kay baby Zamia. Na-touch naman ako sa pa welcome party ni Lolo Francisco sa apo nito. Tulak na ni Daddy at Zaprine ang kambal na nakasakay na sa mga stroller nila. Sa may outdoor pavilion daw gaganapin ang party. Hindi ko nakita ang lugar na ito dito noong una. May ganito pala silang pavilion at ang ganda ng d
last updateLast Updated : 2024-12-16
Read more

Chapter 84

Love Amidst the Danger Aria Pov Kinagabihan ay hindi ako makatulog. Hinihintay ko si Zaprine dahil nagkakasiyahan pa sila sa labas. Kasama ang ilan sa mga pinsan niya at bayaw. Palakad lakad ako sa loob ng kwarto namin dito sa mansion ni Don Francisco. Nakauwi na rin ang pamilya ko at mamasyal raw ulit sila kapag maluwag ang schedule nila sa trabaho. Lumabas ako at umupo sa terrace ng kwarto namin. Kay ganda pagmasdan ang mga bituin sa langit. Nagkikislapan na parang nagpapaligsahan sila dahil sa mga sunod-sunod nilang pagkislap. Tumaas ang mga balahibo ko sa biglaang pagdaan ng hangin sa tabi ko. Nanginig ako bigla sa lamig. Nagulat pa ako ng may yumakap bigla sa likuran ko. "Bakit gising ka pa ha?" tanong ni Zaprine. Amoy ko ang amoy alak nitong hininga. "Hindi ako makatulog," mahina ko na sagot. Naduwag ako bigla na magtanong tungkol sa narinig ko kanina. Nakiliti ako sa paghalik niya sa punong tainga ko. Nag-init agad ang pakiramdam ko pero hindi na muna pwede
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Chapter 85

Love Amidst the Danger Zaprine Pov Nasa kanya na ang result ng DNA test na pinagawa niya sa isang tauhan na mapagkakatiwalaan niya. Matagal na niyang pinamanmanan ang pamilya iyon, lalo na sa bata. May kaba siyang naramdaman sa dibdib. Marami ng sakit na naidulot niya kay Aria, lalo na ng malaman nitong may anak siya sa labas. Pero panalangin niya talaga na hindi niya anak ang bata. Pero sa kaibuturan ng puso niya, okay lang na anak niya ang bata para may mga kalaro at ate ang kambal niya. Sana. Pero sa sinabi ni Aria sa kanya, alam niya at ramdam niya na mahirap nitong matanggap ang bata kung sakali man na anak niya nga ito. Nag-overthink na naman at na-stress ng dahil sa kanya. Nasasaktan siya tuwing nakikita niyang umiiyak ito ng dahil na naman sa kanya. Nandito siya ngayon sa secret headquarter namin. Dito dinala ng mga tauhan niya ang babae. Isang buwan na ang babae dito. Wala talagang nakakaalam na dito dinala ang babae dahil nasa underground ang lugar na ito. Iyon n
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Chapter 86

Love Amidst the Danger Zaprine Ako lang sa magkakaibigan ang nandito ngayon sa headquarter kaya tinawagan ko si Tremonte para gamutin ang mga sugat namin. Pagkatapos niya kaming magamot ay sabay na kaming umalis dahil may meeting kaming magkakaibigan na Lima. Gusto naming planuhin kung paano mawawasak ang grupo ng asawa ng babaeng iyon. Nang hindi na sila makapermisyo pa ng ibang tao.But for now, kailangan ko muna makuha ang result ng DNA test ng kuya ko at ang bata. I need to clear everything ng hindi ko na naman masaktan ang fiancee ko. Marami na itong sakripisyo sa buhay, mga problema, sakit na naranasan sa mga kamay ng mga taong malalapit sa akin. Mga sama ng loob niya ng dahil sa kagagawan ko. Ayokong mawala na ng tuluyan ang tiwala nito sa'kin. Ayoko na baka madala na naman sa emosyon niya ay maisipan na naman niyang magtago sa akin. Fvck! Hindi maari na basta na lang ulit niya ako iiwan. Hindi pwede iyon! Kaya gagawin ko ang lahat mapatunayan ko lang na hindi ko anak ang
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

Chapter 87

Love Amidst the Danger Zaprine Kami na lang pala ni Aria ang hinihintay nila pagkapasok namin sa loob ng library. Bumati na muna kami bago naupo sa harapan ng Lolo ko. "What do you want to tell us, hijo?" tanong agad ng matanda pagkaupo pa lang namin ni Aria. "Yung bata na tinatanong mo noon sa amin, Grandpa. Hindi ko po alam kong saan mo nakalap ang balita tungkol sa bata, but the truth is the baby is part of our family, Grandpa," mahinahon kong sabi sa kanila. Nagulat silang tatlo sa isiniwalat ko. Napasinghap naman si Aria. Kaya nagpatuloy ako. "Dalawa ang pinagawa kong DNA test dahil ipinagpipilitan ng babae na ako ang nakagalaw sa kanya. Base kase sa kwento niya ay si Kuya Lucas talaga ang nakasama ng babaeng iyon hindi ako," sabay lapag ko sa dalawang copy ng DNA test. May ilang percentage na magkadugo kami ng bata pero mas perfect match si Kuya at ang bata. Nagulat rin si Kuya at Lolo sa nakikita nilang resulta ng DNA test. Nagkwento na ako sa pagkakastigo ko sa babae,
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more

Chapter 88

Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Balik Tagaytay na kami kasama si Lolo Francisco at kapatid ni Zaprine. Naitawag ko na kay Axeros ang pagdating namin doon. Approved na rin ang pagpasok ng Kuya ni Zaprine sa loob ng exclusive na lugar sa Tagaytay. Kanina dumaan na muna kami sa hospital para ipa-check up ulit si baby Zamia. Maayos na ang braso nito, pero wag na muna masyado maglilikot para maging fully recovery na ito agad. Naging hyper na naman kasi ito sabik na tumakbo at maglaro. Naglilikot na naman eh baka mapwersa ang braso, mabinat pa ito. Pagdating namin sa Sevenity club ay sinalubong kami ng kapatid ko sa Helipad. Dalawang sasakyan ang naghihintay para magsundo sa amin. Nagtanong na ako agad kay Axeros kong nandito ba si Radeon. Nandito raw sila with his family. Tamang tama naman pala ang dating namin."Bro, baka pwedeng patulong na pakiusapan si Radeon or papuntahin mo na lang siya sa restaurant mo. Para doon na lang namin i-discuss ang gusto naming sabihin," sabi nam
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

Chapter 89

Love Amidst the Danger Aria/Zaprine Ilang sandali pa ay pumasok na si Yanna at ang batang si Lea. Tapos na rin kumain ang mga anak ko kaya naki-join na sila sa pwesto namin."Ate Lea, whoaaah you are here?" masayang bulalas ni Zamia."Hello sa inyong dalawa. Hindi na kayo nag-school dito?" tanong naman agad ni Lea sa kambal. Lumapit pa ang mga ito para i-hug si Lea."Nag-school pa rin kami Ate, may bad happen lang kay Zamia kaya hindi kami pasok sa school," sagot naman ni Zaria."Mommy, siya 'yung kwento ko na same kami ng eyes and hair," lingon pa sa akin ni Zaria."Mommy kapatid po ba namin siya?" tanong naman ni Zamia."Ikaw talaga anak basta may makita kang kakulay ng mata mo at buhok kapatid agad ang sinasabi mo. Aba, kapag napunta ka sa lugar ng Daddy mo baka sabihin mo na lang bigla, Mommy ang dami naming mga kapatid ni Zaria, whoaaah!" panggagaya ko sa reaction ng anak ko kapag bago lang sa kanila ang mga nakikita sabay nguso ko.Nagkatawanan naman ang kasama namin dito."Eh
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

Chapter 90

Love Amidst the Danger Aria Iniwan namin ang kambal sa bahay ng parents ko. Dahil si Lolo Francisco ay umuwi ng Spain para tignan daw kung ginagawa ng manugang niya ang trabaho sa hacienda nila. Ang kambal kung ano-ano ang pinapabili sa Grandpa nila. Inaawat ko eh sinusuway naman ako ng matanda. Kaya wala na ako nagawa pa. Kailangan daw matuto sa pagkakamaling nagawa ang ina ni Zaprine. Hindi pwede na hindi siya maparusahan sa pananakit niya sa amin ng anak ko. Lalo na sa anak ko na kamuntikan pa nitong ikamatay kung hindi ko naagapan. Okay lang sana na ako lang ang sinaktan niya pero dinamay pa nito ang bata. I know, na may mali rin ang bata dahil sa pagkagat nito sa ginang. Pinagtanggol lang rin naman kasi ako ng anak ko. Nasa sasakyan na kami ni Zaprine dadaan lang ako sa private hospital na pagmamay-ari nila Mommy, bago ako magtungo sa hospital na pagtatrabahuan ko. Kakausapin ako ng Kuya ni Serenity, parang interview ko na rin iyon. Malaki kasi ang offer ng mga Parker
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more
PREV
1
...
789101112
DMCA.com Protection Status