Home / Romance / Daisy His Remedy / Chapter 71 - Chapter 80

All Chapters of Daisy His Remedy: Chapter 71 - Chapter 80

84 Chapters

Daisy His Remedy 70 " Court Hearing"

Onse was finally discharged from the hospital. Hindi pa rin siya magaling, medyo kinakapos pa rin siya sa hininga, pero nagpupumilit siya na lumabas na para sa kaso na dahilan kung bakit siya napahamak. “Onse, matulog ka na.” Katabi ko na siya sa kama, kaya lang tutok pa rin siya sa laptop. Heto nga at panay na ang papansin ko, tigilan niya lang ang ginawa. “Maya maya matutulog na ako," sagot niya. Sindali niya lang akong nilingon tapos balik na naman ang mukha niya sa laptop. Kahapon pa siya nakalabas ng hospital, pero puro trabaho na ang inaatupag niya. Madalas niya ring kausap si Danreve. Medyo asar na nga ako. Pati kasi ang landiin ako, hindi na niya nagawa. Nakahain na ako sa harapan niya, pero sa trabaho naman ang focus niya—sa upcoming court hearing, at gaya ng narinig ko kanina sa kausap niya sa phone, walang makapagpigil sa kanya na pagbayarin ang may sala. “Onse, bukas na ang court hearing, dapat ay magpahinga ka ng maaga. Matulog ka na. Paano kung lalala ang sakit mo…"
last updateLast Updated : 2024-12-19
Read more

Daisy His Remedy 71 "Wave Of Fury"

Matapos ang tension na naganap sa courtroom at banta ni governor kahapon na nagpakaba sa akin ng husto, nag-decide si Onse na ‘wag munang pumasok. Sasamahan niya raw ako, babantayan, hanggang mawala ang takot ko, pero focused niya, sa phone pa rin. Tahimik ko lang siyang pinagmamasdan, nagbabasa nga ako ng nobela, pero mata ko naman nakapako sa kanya. Ang gwapo ‘e. He was so effortlessly captivating, even when he wasn’t trying. Kaya lang, kainis na hah. Kanina pa ako rito sa harap niya, at malamig na nga ang kape na tinimpla ko para sa kanya, pero hindi niya pa rin ako tinapunan ng tingin. I cleared my throat, hoping to catch his attention. Pero wala talaga. Napasimangot tuloy ako, at pabagsak na sumandal sa armrest. “Onse…” tawag ko sa kanya. He looked up, his expression instantly softening into a smile that made my heart skip. Ito ako, tatampo-tampo pero agad namang dumadagundong ang puso, simpleng ngiti niya lang. “Hmm?” ‘Yon lang ang sagot niya, pero ang lambing na. T
last updateLast Updated : 2024-12-20
Read more

Daisy His Remedy 72 "Sense Of Satisfaction"

Ang sunod kong naramdaman ay yakap na ako ni Onse. Hinaplos-haplos na nito ang likod ko."Don't let her leave," utos nito sa mga guard na agad namang sumunod at hinarang si Althea. Ayaw nito pahawak, pinagtatampal ang kung sinong hahawak sa kanya na sinabayan pa ng malulutong na mura. Bukod sa mga guard, may ibang mga tao rin na humarang sa kanya. Ang iba ay minura rin siya at pinagduduro. Nakasakit nga raw, siya pa ang matapang.Hindi sa lahat ng panahon ay papabor sa kanya ang sitwasyon.Hindi lahat, mabubulag sa panlabas niyang ganda. Ngayon ay wala siyang lusot. Maraming nakakita sa kabaliwang ginawa niya. Dahil sa selos na wala sa lugar, maraming nadamay at nasaktan. Hindi man malubha ang mga sugat na natamo, pero malaking perwisyo naman ang dulot sa kanila.“Call the police now," utos ni Onse with authority. His eyes fixed firmly on Althea, na ngayon ay itinakip na ang bag mukha. May kumukuha na rin kasi ng mga larawan at video. Mapapailing ka na lang talaga sa bulok na ugali n
last updateLast Updated : 2024-12-21
Read more

Daisy His Remedy 73 "All-out"

ONSEI’ve always prided myself on being a man of composure, but today my composure was slipping. Nasaktan ang asawa ko. Sinadyang saktan ni Althea. ‘Yong mga salitang binitiwan ko kanina, kulang pa ‘yon. I could be harsher. ‘Yong mapapahiya siya ng sobra sa puntong magtatago na lang siya habang buhay. Pero dahil maraming tao ang nakapaligid, maraming kumukuha ng video, pinigil ko ang sarili. Ayaw ko na ako ang mukhang masama at si Althea ang mukhang kawawa.May tamang paraan na magpagbayad siya sa pananakit sa asawa ko. Simula nang mahalin ko Daisy, she became the center of my world, and her safety my top priority. But ngayon, I had failed her.Hindi ko alam kung paano ako nakalapit kay Daisy nang bumagsak ang mga bote. Ang alam ko lang ay kailangan niya ako. Ang putla-putla niya habang nakatayo sa sentro ng mga basag na bote.I clenched my fists, the anger boiling inside me like a volcano about to erupt. Naiinis ako sa sarili ko. Lumayo lang ako ng konti sa kanya. Naging kampante a
last updateLast Updated : 2024-12-23
Read more

Daisy His Remedy 74 "My Love"

Ngayong katabi ko na si Daisy, rinig na rinig ko ang malakas na tibók ng puso niya. Nadadarang ako sa tunog pa lang. Dumagdag pa sa init ng katawan ko ang medyo madilim na silid. Tanging ang ilaw lang kasi ng poste mula sa labas ang nagbigay liwanag sa loob. bumagay sa nararamdaman ko ngayon. Hinawi ko ang buhok na kumalat sa pisngi niya, pero mg mata ko, sa labi naman niya nakatutok. Daisy," sabi ko. Ngayon ay hinaplos-haplos ko na ang pisngi niya, tracing the smooth curve of her jawline. "Are you sure about this?" tanong ko, sabay ang banayad na paglapat ng labi ko sa kanya. Nagtanong nga ako, pero hindi ko naman hinintay ang sagot niya. Her lips parted slightly, pero hindi dahil gusto niyang sumagot, kung hindi, dahil buong puso siyang tumugon sa halik ko. Her quiet affirmation sent a wave of emotion through me—love, desire. ‘Yong pakiramdam na gusto ko siyang alagaan, mahalin, at paglingkuran. Gusto kong iparamdam sa kanya ang kaligahan na ako lang makapagbibigay. Heto
last updateLast Updated : 2024-12-24
Read more

Daisy His Remedy 75 "Making Love"

Daisy Matamis na ngiti ng gwapo kong asawa ang bumungad sa akin pagmulat ko. Patagilid siyang nakahiga at nakatukod ang siko, titig sa mukha ko. “Good morning, my beautiful wife,” sabi nito. Ang lambing ng boses niya na nagpapagalaw naman sa mga insekto ko sa tiyan. Bago pa man ako makapagsalita, he leaned down and kissed me on the lips. Nakagat ko ang labi ko. Nahiya ako. Kagigising ko pa nga lang. I tried to cover my face with my hands, but he chuckled, pulling my hands away gently. “Why are you hiding?” Kagat-kagat naman niya ang pang-ibabang labi, at ang mata ay nagpalipat-lipat sa mga mata ko at sa labi. “Don’t tell me, matapos ng nangyari sa atin kagabi, nahiya ka pa…” Muli niyang inilapit ang mukha sa akin. Hindi ko na hiyaan na lumapat na naman ng labi niya sa akin. Idiniin ko ang mukha ko sa dibdib niya. Hoping na hindi niya makita ang namumula kong mukha. Hindi nga niya nakita ang mukha ko, pero niyakap naman ako ng mahigpit, at ngayon ay hinalik-halikan na ang tukto
last updateLast Updated : 2024-12-26
Read more

Daisy His Remedy 76 "Sudden Embrace"

Kanina pa habang nag-uusap kami ni Onse, ramdam ko na parang may mga matang nakatanaw sa amin, pero dahil nasa kalsada nga kami, may mga taong dumadaan, may mga kapitbahay na alam kong humahaba ang mga leeg masipat lang kung ano ang ginagawa namin ni Onse, isinawalang-bahala ko ang nararamdaman ko. Kinukumbinsi ang sarili na dahil lang sa mga nangyari sa amin ni Onse nitong mga nakaraan kaya ganito ang nararamdaman ko. But…the sudden embrace happened. Gulat na gulat ako, pero alerto namang kumilos ang katawan ko. Siniko ko ng malakas ang lapastangan na yumakap sa akin, at agad akong lumingon sa namimilipit na lalaki–si Vincent. Kapa nito ang sikmura na siniko ko habang ang mga mata ay walang kurap na tumitig sa akin. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko na parang bang anumang oras ay sasabog na. Mas tumindi pa ang kabang nararamdaman ko habang nakatingin kay Vincent, hindi kasi sakit ang nakikita ko sa mukha niya—galit. Nag-aapoy ang mga mata niya na nagpaatras sa akin at nagpanga
last updateLast Updated : 2024-12-27
Read more

Daisy His Remedy 77 "Another Man's Arm"

ONSEAng ganda na naman ng araw ko. Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Lahat nakikiayon sa sayang nararamdaman ko. Pagpasok ko palang sa firm ay mga ngiti na ng mga kasamahan ko ang bumungad sa akin.Simula nang maipanalo ko ang high-profile r*pe case against the governor’s son, dumagsa pa ang maraming kleyente sa firm, may mga pumasok na bagong investors at dumami rin ang mga benefactor sa mga charity institution na sinusuportahan ng aming firm.Pero ang nagpapasaya lalo ng araw ko ay balitang pinakahihintay ko—Althea’s disbarment had finally been approved.‘Yong satisfaction na nararamdaman ko, hindi ko ma-explain. Pumipintig-pintig ang puso ko na para bang umindak sa tuwa. Hindi na muling makakaapak si Althea s courtroom bilang isang lawyer. Noon, ako ang tumulong sa kanya, ma reduce lang ang araw ng supension niya, pero sa huli ako rin pala ang nagpapaalis sa kanya sa pagiging abogado. Malinaw pa sa alaala ko ang rason ng supension niya. A client’s wife had filed a complaint, acc
last updateLast Updated : 2024-12-28
Read more

Daisy His Remedy 78 "Photographs"

Wala sa sariling pinulot ko ang mga larawan, tulalang pumasok sa kotse, at nanghihinang sinara ang pinto. Dumagdag pa sa panghihina ko ang nang-aasar na tawa ni Althea. Gusto ko siyang singalan, gustong kong tumahimik siya, pero para kasing nawalan ako ng lakas na harapin siya. Sa manibela ko binuhos ang galit ko, ang sakit na nararamdaman ko, mahigpit ko iyong hinawakan sa puntong bumakat na lahat ng ugat ko sa kamay, at halos lumuwa na ang mga buto sa kamay ko. Gusto na rin sanang makalayo na. Ayaw ko nang makita ang mapangkutyang mukha ni Althea, but I couldn’t bring myself to start the engine. Instead, I stared at the pictures again. Sa larawan, parang ang lambing nila. Yakap ng lalaki si Daisy sa likuran. Para na namang mapugto ang hininga ko. Ipinikit ko na lang ang mga mata saka paulit-ulit na umiling-iling. Hindi ‘to magagawa ni Daisy—my Daisy, wouldn’t do something like this. ‘Yon ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili, pero ‘yong doubt, hindi basta-basta mawawala.
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more

Daisy His Remedy 79 "Stay Away"

Hindi mawala ang tingin ko kay Daisy na natutulog sa tabi ko. Dapat ay masaya kami ngayon. Hindi ganito na kahit tulog na siya ay bakas pa rin ang tension sa mukha niya. Nakakagalit. Nasira na naman ang mga plano ko dahil sa mga taong walang magawa sa buhay na gusto kaming sirain. Hindi pa rin mawala sa isipan ko ang nakita ko sa surveillance camera—ang biglaang pagyakap ni Vincent, ang pagdikit ng mukha niya sa leeg ni Daisy, ang pagtatalo nila, lahat ng ‘yon ay nagpakukulo ng dugo ko. Nakuyom ko na naman ang kamao ko; hindi ko pa mapigil ang mapatiim bagang. Awang-awa ako sa asawa ko. Vincent made her cry, and for that, I couldn’t forgive him. Kahit pa sabihin na nakaganti ng siko at sampal si Daisy, hindi pa rin ‘yon sapat na kabayaran sa sakit at takot na idinulot niya sa asawa ko. Pigil akong bumuga ng hangin. Mahimbing na nga ang tulog ni Daisy, pero ako, hindi makatulog, hindi ako mapanatag. Dibdib ko nag-aalburoto pa rin. Hindi pwedeng wala akong gagawin. Hindi ko
last updateLast Updated : 2024-12-29
Read more
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status