Daisy“Good morning, asawa ko,” sabi ko, pikit-mata at may matamis na ngiti sa labi, pero agad napalis ang matamis kong ngiti nang wala akong nakapa sa tabi ko—wala si Onse sa tabi ko. Dismaya akong bumangon at umupo sa gilid ng kama. Dinampot ko rin ang phone ko sa bedside table. Check ko if may iniwan ba na mensahe si Onse, pero wala. Saan ba ‘yon nagpunta? Ala-syete palang kaya ng umaga. Nakapagtataka lang dahil hindi naman siya umaalis ng ganitong oras. Alas-otso ng umaga siya pumapasok. At saka, mula no’ng engkwentro nila Vincent ay hindi na siya umaalis ng bahay nang hindi nagpapaalam.Matamlay akong tumayo sumilip sa bintana, hoping na nasa garahe pa ang kotse niya, pero wala. Talagang umalis siya na hindi nagpaalam. Puso ko ay nagsisimula na namang kumabog. Sa dami ba naman kasing masamang nangyayari, idagdag pa ang nangyari kahapon na halos ikapugto ng hininga ko, hindi ko talaga maiwasan ang kabahan, hindi pwedeng hindi ako mag-alala.Hindi na ako mapakali, palakad-lakad a
Last Updated : 2025-01-13 Read more