WARNING!!! READ AT YOUR OWN RISK... "Iñigo, sandali! Ano ba nangyayari sa iyo?!" Hindi maiwasan ni Marie na magalit kay Iñigo dahil pagdating na pagdating mismo sa pamamahay ng binata, kaagad siya nitong pinasok sa loob ng kwarto't ni-lock ang pintuan. Hindi magawang makalabas ni Marie dahil kinuha din mismo ni Iñigo ang swipe card ng pintuan. Sinundan ni Marie si Iñigo sa banyo. "Iñigo, buksan mo ang pintuan, ano ba problema mo?! Hindi na nga ako aalis, diba? Sumang-ayon na ako sa iyo na dito na ako maninirahan sa pamamahay mo!" Lumabas si Iñigo ng banyo—nakabuntot pa rin ang dalaga sa kanya. Galit na galit, at hindi tumitigil sa kakasalita. Tahimik lang si Iñigo at mayamaya in-unlock ang pintuan at binuksan iyon. "The door is open, and?" Wika ng binata kay Marie. "Well... thank you... Sir!" Saka lumabas ng kwarto. "You promise me, you won't run away, Marie!" Sa loob ng walong taon mahigit, saka lang ulit nakapasok ng sariling kwarto si Marie. Napahanga siya nang mak
Huling Na-update : 2024-12-08 Magbasa pa