Beranda / Romance / HEAL MY BROKEN HEART / Bab 111 - Bab 120

Semua Bab HEAL MY BROKEN HEART: Bab 111 - Bab 120

129 Bab

Chapter 111

"ANO bang klase ang ginagawa niyong paghahanap? Isang bata lang naman ang hinahanap niyo!""Madam,nagdagdag na po ako ng mga tauhan. Sooner or later, mahahanap rin namin siya.""I want the result, NOW!" singhal ni Amelita. "Not sooner or later!""Honey, huminahon ka lang." Sinenyasan ni Miguel ang pulis na nagdala ng balita na umalis na. Tumalima naman agad ito. "Hindi malulutas ang problema kahit pa maglumpasay ka riyan. Amber is just a child. Wala iyong alam sa kalakaran ng mundo kaya kahit ano pang pagtatago ang gawin niya, she'll appear again.""Dad, what if pumunta siya kay Jamilla?" pag-aalala ni Corrie. "That child is our only ace laban sa kanya.""I had my men na nakabantay sa lugar niya.""At anong gagawin nila roon? Magbantay lang?" asik ni Amelita.Nasa sala ang tatlo. Pare-pareho silang halos mga walang tulog. Ang dumaang buong magdamag ay nagdulot sa kanila ng walang kapanatagan sa isip."I ordered them to k!ll both!"Biglang napahinto si Monette sa akto na sanang pagpaso
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-25
Baca selengkapnya

Chapter 112

"SIR, maawa na po kayo!"Karamihan sa mga taong nasa loob ng police headquarter ay napapatingin kay Erin na nasa loob ng selda. Pero animo'y wala namang naririnig ang mga pulis na ang iba, nakatuon ang mga atensiyon sa hawak na cellphone habang ang ilan ay nagbibingi-bingihan lang."Sir, please po? Nakikiusap ako!"May ilan na naroon sa headquarter ang gustong-gusto nang magpahiram sana ng cellphone kay Erin. Natatakot lamang ang mga ito na baka mapagalitan, masita o mapalabas nang wala sa oras kaya mas pinili ng mga ito na huwag nang pansinin ang nagsusumamong babae."Baka nag-aalala na sa akin ang pamilya ko! Nakikiusap ako, sir!"Isa sa mga pulis ang napahilot sa sintido. Lumarawan sa mukha nito ang iritasyon."Sige na po, sir! Pagamitin naman po ninyo ako ng telepono! Sir! Sir!""Ikaw!"Napatingin si Erin sa pulis na muntikan pang mabuwal ang silyang kinauupuan nang marahas itong tumayo at galit na galit siyang dinuro."Hindi ka ba talaga tatahimik? Kagabi ka pa! Wala na akong iba
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-26
Baca selengkapnya

Chapter 113

"MA'AM Ella!"Nakalarawan ang labis na pag-aalala sa mukha ni Jamilla nang makita sa loob ng selda si Erin. Tila ito kriminal na hinatulan nang hindi dumaan sa tamang pagtrato.She looked ragged. At nanghihina rin ito nang tumayo mula sa pagkakasalampak sa sahig nang makita siya."Erin!""Ma'am Ella!""What happened to you?"May dinadala man siyang mabigat na problema dahil sa mga rebelasyon na nalaman niya tungkol sa batang hindi naman niya anak at nakalibing kasama ng kanyang pamilya, nagdulot pa rin sa kanya ng pangamba ang balita tungkol kay Amberlyn."Kailangan kong makalabas dito! Ma'am, tulungan niyo po ako!""Calm down. I need to know the details para matulungan kita. Anong nangyari? Nasaan si Amberlyn?"Umiling-iling si Erin habang patuloy sa pag-iyak. "Hindi ko alam! Kasalanan ko! Hindi ako nagtiwala sa 'yo! Natakot lang ako!""Saan ka natatakot? Kanino? Bakit?" sunud-sunod na tanong ng dalaga na gusto nang madaliin ang paglalahad ng kausap."Pinagbabantaan nila ako na ilala
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-26
Baca selengkapnya

Chapter 114

"ANONG meron dito?"Lahat ay nabaling ang atensiyon sa nagmamay-ari ng malagom na tinig."Sir!" sabay-sabay na saludo ng apat na pulis sa dumating na opisyal ng mga ito."Siya ang Captain dito," bulong ni Gener kay Jamilla."We meet again.""Kilala mo?""Hinding-hindi ko siya makakalimutan. Inukit ko sa isip ko ang mukha niya."Tumahimik muna si Gener nang makita nito ang tingin ng dumating na pulis."Reyes, bakit nandito ka pa?""Kinuha ko lang mga gamit ko."Napatingin ito sa kahon na nasa paanan ni Gener. "Ano pang ginagawa mo rito?""Nanggugulo, sir."Natuon ang tingin nina Gener at Jamilla sa nagsumbong na pulis na lumayo rin naman agad nang masulyapan nito si Tere na napahawak sa baril."Aalis ka na lang, pero nanggugulo ka pa? Tama lang talaga na mawala ka rito dahil masama kang halimbawa sa lahat nang mga kasamahan mo rito."Natuon ang atensiyon ng lahat sa malakas na pagtawa bi Jamilla."Anong nakakatawa?""Pardon me, Mr. Lopez. Hindi ko lang inaasahan na manggagaling mismo s
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-27
Baca selengkapnya

Chapter 115

"THAT moron!""Okay ka lang?" usisa ni Gener nang bumalik si Jamilla nang hindi na halos maipinta ang mukha sa galit.Humiwalay muna ang dalawa sa grupo para pahupain ng dalaga ang emosyon na gusto nang sumabog sa dibdib."Kapitan siya rito?""Si Anton Lopez?"Tumango si Jamilla."Na-promote siya kasama ng buddy niya isang araw matapos maisara ang kaso ng pamilya mo.""Nasaan 'yong isa?""Si Lito Laczamana? Chief-Of-Police na siya sa ibang presinto.""Tingnan mo nga naman. Mas pinagpala pala ang mga gumawa ng masama.""May tamang panahon din na aanihin nila ang bunga ng mga kasalanan nila.""They were really on the last of my list. Pero nang makita ko siya without any remorse or regrets, parang gusto ko na silang unahin.""Hindi ko muna itatanong kung ano ang kaugnayan mo sa kanila. Pero sigurado naman ako na hindi iyon maganda. For now, unahin muna natin si Amberlyn. I think hinihintay niya kayo ni Erin."Biglang nabura ang nararamdamang galit ni Jamilla sa pagkakabanggit ni Gener sa
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-28
Baca selengkapnya

Chapter 116

"ARE you sleepy, Angel?""No," tugon ni Amberlyn sa sarili niyang tanong gamit ang pinaliit na tinig habang pinapagalaw ang ulo ng teddy bear. "I'm bored!""Me, too.""I miss my Mommy.""I don't miss my Mommy, but I want to see your Mommy.""Let's play and be happy!""How about we go and see your Mommy?""Yeheeeyyy!" masayang sigaw kunwari ng manika na iniitsa pa ni Amberlyn sa hangin."But it's just our big secret, okay?""Okay.""Tito Gener must not know. You know his temper.""Because he's always alone and no one likes him," wika ni Angel sa pinaliit uling tinig ni Amber."We like him. But not from Pluto to Eart."Pinatango-tango ni Amberlyn ang ulo ng manika bilang tugon sa kanyang sinabi."Let's go?""Yeheeeyyy!""Wait. I have to write a letter. Para hindi siya mag-worry sa atin."Matapos ngang mag-iwan ng sulat ni Amberlyn ay tumungo na siya sa pinto. Pinakinggan muna niya sa likod niyon kung may tao. Wala naman. Tahimik sa labas.Marahan niyang pinihit ang seradura. At sumilip
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-28
Baca selengkapnya

Chapter 117

NAGKATAON na wala sa penthouse si Jordan dahil may mahalaga itong lakad. Gabi na rin itong makakauwi. Pero agad tinawagan ni Jamilla ang reception hall ng City Royale, pero busy ang linya kaya hindi niya maabisuhan ang receptionist na naka-duty roon."Puwede mo bang bilisan pa?" pakiusap na utos ng dalaga kay Gener."Hindi tayo niyan makarating kung maaaksidente tayo.""Iba talaga ang kaba ko ngayon, Gener.""Hindi iyan kaba. Excitement. Gusto mo na siyang makita at mayakap. Tama ba?"Umiling si Jamilla. "Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag. Kapag nalaman nilang nagkita na kami ni Amberlyn, posible na ipahanap nila ang tirahan ko. And they'll guard it until she showed up.""Huwag kang mag-overthink. She'll be fine," pagpapalakas ng loob ni Gener sa dalaga. "Manalangin ka na lang na sana hindi mangyari iyang iniisip mo."Pumikit si Jamilla at hiniling sa langit ang kaligtasan ng kanyang anak. Sapat na rin naman siguro ang mga pinagdaanan niya na sakit at pagdurusa para hindi dinggin n
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-28
Baca selengkapnya

Chapter 118

HINDI halos maihakbang ni Jamilla ang mga namimigat na paa kahit nakaalalay sa kanya si Tere. She wanted to run, but her knees wobbled like a jelly."No, no!" paulit-ulit na usal ng dalaga. "Not my child! Not my child! Diyos ko! Huwag ang anak ko!"She gather her strength nang makitang pareho nang hindi gumagalaw sina Erin at Amberlyn na sabay bumagsak sa lupa habang nayayakap ang isa't isa. And that sight alone pierced a mother's heart."No!"Bumitiw siya sa pagkakahawak ni Tere at kahit paika-ika o umiikot ang paningin ay tinakbo na niya ang direksyon ng dalawa. Ang gusto lang niya sa mga oras na iyon ay maikulong sa mga bisig ang anak."Amber! Amber!"Napamulagat si Jamilla nang mapansin na duguan din ang anak nang malapitan ito."No, baby! No! No! Please, huwag mong iiwan si Mommy! Nakikiusap ako, anak!" Humingi siya ng saklolo sa mga naroon. "Tulungan niyo ako! Tulungan niyo ako!Ang anak ko!"Mabilis na kinarga ni Rex si Amberlyn."Kailangang madala agad natin sila sa ospital!"P
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-29
Baca selengkapnya

Chapter 119

MATIYAGANG naghintay at nag-abang sa labas ng operating room si Jamilla. Hindi rin siya tumigil sa paulit-ulit na pag-usal ng panalangin."Ma'am...""I'm fine, Tere."Tumayo ulit si Jamilla na ilang segundo pa lamang nakakaupo. Normal lang na hindi siya mapakali. Kinakabahan siya. Natatakot. At durog na durog din ang kanyang puso habang iniisip niya ang kondisyon ng anak na nasa operating room."Maupo ka lang," sita ni Gener. "Nahihilo kami sa kasusunod ng tingin sa 'yo. Sige na. Mapapagod ka lang sa ginagawa mo."Tumalima naman si Jamilla."She will be fine," pampalakas-loob ng binata. "Matapang si Amber."Tumango-tango lang si Jamilla. Pero muli siyang tumayo at saka nagpalakad-lakad. Hindi na siya sinita ni Gener nang makita ang senyas ni Tere."Ella!""Jordan!""Anong nangyari?" Sinipat nito ang kabuaan ng dalaga. "Are you hurt?"Umiling si Jamilla. "Okay lang ako." Pinahid niya sa damit ang dugo na namataan ni Jordan sa kamay niya. "Everything will be fine. Right?""Of course, of
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-29
Baca selengkapnya

Chapter 120

MABIBILIS ang kilos ni Monette. Matapos maiupo si Jerry sa wheelchair ay tinalian niya ito upang hindi malaglag. May malay na ito, pero nanghihina pa.Natuklasan niyang tama ang hinala niya sa mabagal na response nito sa kanyang mga pinapainom na gamot. Pinapainom ito ni Corrie ng isang ng herbal medicine na kumukontra sa ibinibigay niya."Hang in there, okay?" Tumitig sa kanya si Jerry. "Ginagawa ko ito dahil sa anak mo. Ayoko lang malungkot siya kapag may mangyari sa iyong masama.""Hhmm.""Good. Humawak kang mabuti. But don't worry. Bihasa ako sa pagmamaneho."Mahigpit na inihawak ni Jerry ang mga nanghihina pang kamay sa magkabilang armrest ng wheelchair. Isinandal din nito ang likod at nakatunghay ang mga mata sa direksyon ng nakabukas na pinto."Ready?""Hhmmm," maikling sambit lang ni Jerry dahil kahit ang pagbuka ng bibig ay hindi nito magawa.Mabilis nang pinaandar ni Monette ang wheelchair. Naihanda na niya kanina ang staircase lift kaya hindi na nasayang pa ang kanilang ora
last updateTerakhir Diperbarui : 2024-11-30
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status