Hindi na ako nagbihis. Kung ano ang suot ko sa party, iyon na ang suot ko ng kinuha ko ang mga gamit ko. Sampung minuto akong dumating sa bahay nang lumabas ulit ako. Walang nagawa ang guard ng lumabas ako kasama ang malita ko. “Ma’am, saan po kayo?” tanong niya ng may alarmang boses. Sinamaan ko ng tingin ang guard. “Sa condo ko.” “Pero ma’am, alam po ba ito ng mama niyo?” “Alam niya! Can you just mind your own business?” Tumahimik ang guard at saka ako pinagbuksan ng gate. Mabilis akong pumara ng taxi paglabas ko ng subdivision. “Kuya, sa NAIA po.” It was a smooth escape. Ilang oras lang nang bumaba ako sa NAIA. Mabilis akong pumasok sa loob. Dumiretso ako sa ticket counter at tingnan kung may available flight papunta sa Australia. May available nga, two hours bago umalis. Matapos kong bumili, mabilis lang akong nag-check in. Diretso ulit ako sa immigration. Buong akala ko mabilis lang ako sa immigration dahil galing naman akong Australia. I have my visa! Kaya hindi ko main
Terakhir Diperbarui : 2025-02-20 Baca selengkapnya