Dead (Thala’s Point of View) Kinakabahan kong sinilip ang naging resulta ng pregnancy test. Noong una ay hindi ako makapaniwala sa sinabi ni tito Limuel ngunit nang makita ko na ang dalawang guhit, napatulala ako sa kawalan. Bakit ngayon pa? Kung kailan wala na kami ni Alaric, ngayon ko pa lamang ito nalaman. Tulala pa rin ako pagkalabas ko ng bathroom. Nasalubong ko ang kuryusong mga titig nila tito Limuel at ng grandparents ko. Hindi ko alam pero nang ngitian ako ni Lola Hilda ay biglaan akong napaluha. “It’s alright, hija. Huwag kang iiyak, makakasama 'yan sa anak mo,” aniya na sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. Hinaplos niya ang aking likod upang tumahan ako. “Manang-mana ka talaga kay Marissa,” problemadong wika ni tito Limuel. “Tumahimik ka, Limuel. Nagkamali ang ina pero walang kasalanan dito ang anak,” makahulugang sita ni lolo Albert sa anak. “Anong plano mo ngayon?” pagsuko ni tito at malumanay na ang boses ngayon. “Aakuin ko po ang responsibilidad bi
Last Updated : 2024-10-28 Read more