News(Thala's Point of View)“Franz...” Umiling ako sa kanya at nagmakaawang bawiin niya ang kanyang mga sinabi. “Franz, please... gusto kong makita ang kambal. Parang awa mo na,” nanghihina kong dugtong na hindi na halos makita si Franz dahil sa panlalabo ng mata dala ng pag-iyak.“Thala, hey Thala... listen to me. Alam kong mahirap tanggapin sa ngayon pero may isa ka pang anak. Kailangan mong maging malakas para sa kanya. Kayanin mo, Thala,” sambit ni Franz na tinulungan na rin ako sa pagpupunas ng luha sa aking pisngi.“What the hell is happening with my life, Franz? K-Kinuha na nga si mommy, pati ba naman ang anak ko?” Umiling-iling ako na halos hindi na masabi ng diretso ang mga salita sapagkat nahahaluan na ito ng paghikbi. Hinayaan lang ako ni Franz na hampasin siya. Hindi ganoon kalakas dahil sa panghihina ko subalit masakit pa rin sapagkat sunod-sunod ito. Sa kanya ko nailalabas lahat ng pagdadalamhati na nararamdaman ko ngayon. Nagpapasalamat akong nandito siya upang damaya
Laban(Thala's Point of View)“Thala, kumain ka. Kailangan ka ngayon ng anak at pamilya mo.” Pilit akong sinusubuan ni Franz ng pagkain ngunit wala talaga akong gana. Sobrang laki ng ibinawas ng aking timbang at namumutla pa ang aking balat. Nanunuyo ang aking labi at isang tulak na lamang ay matutumba na ako. Balisa pa rin ako hanggang ngayon at walang interes sa nangyayari sa lahat.“Thala naman. Huwag namang ganito. Hindi ko kayang nakikita ka ng ganito,” pagsusumamo ni Franz na wala pa ring balak na sukuan ako.Napatingin ako sa kanya. Itinikom ko ang aking labi at malungkot na ngumiti kay Franz. “Bakit hindi ka pa bumabalik sa Tremour?” nanghihina kong tanong.Ang laki ng pinagbago ni Franz. Hindi ko aakalaing siya ang lalaking kinaiinisan ko rati. Kung sino pa 'yong taong gusto kong burahin sa buhay ko, iyon pa pala ang magiging matalik kong kaibigan.“You are creeping me out, Thala.” Nailapag niya ang hawak na kutsara at kuryuso akong sinuri. “Pero mas maganda nga na ngumingi
Iba(Thala's Point of View) Tanging si Tito Limuel na lamang ang natira upang asikasuhin ang flower plantation. Lumuwas kasi sina lola at lolo sa Tremour upang dumalo sa libing ni mommy bukas. Kauuwi ko lamang sa bahay nila tito galing sa ospital ngunit dalawa lamang ang nasa isip ko ngayon; ang dalawin ang puntod ng aking anak at ang dumalo sa libing ni mommy.“Good job, Baby Flora. Salamat naman at lumaban ka kagaya ni mommy.” Parang may humaplos sa aking puso nang mapagmasdan ang kabuoan ng mukha ng anak ko. Hinalikan ko ang maliliit niyang daliri at tinanaw ang mamula-mula niyang pisngi. Maputi siya, namumula rin ang labi at matangos ang ilong. Kapansin-pansin din ang kanyang hazel brown eyes na paniguradong namana niya kay Alaric. Hindi nga nagkakalayo ang kanilang pagkakahawig. Ang tanging namana niya lamang sa akin ay ang dimples, at makapal at pakurbang buhok.“Crimson Flora Laurenco, salamat at hindi mo iniwan si mommy.” Naging emosyonal ako nang ilapag ko na siya sa kanyan
Imahinasyon (Thala's Point of View)Isang oras akong naiwang tulala at hinihintay ang pagdating ni Franz sa kanyang condominium. Pinadede ko na si Flora at ngayon ay bumalik naman siya sa pagtulog. Malusog na si Flora kaya kahit papaano ay nabawasan ang mga dinadala kong problema.“Thala? Anong nangyari bakit ka umiiyak?” bungad sa akin ni Franz na kararating lang. Kuryuso ang kanyang tingin sa akin saka inilipat ang atensiyon sa karga-karga kong si Flora. “May nangyari ba?” “Ha? Hindi naman ako umiiyak, Franz. Puyat lang 'to,” palusot ko na kaagad pinahid ang tumulong luha. “Kumain ka na ba? Gusto mong ipaghanda kita?” pag-iiba ko ng topic para hindi niya na ako usisain.Sinuri niya ako. Ang mga kilay niya ay tagpong-tagpo at ang mga mata ay nanliliit. Matagal na nanatili ang mapagtanong na mga mata niya sa akin ngunit wala siyang nakuhang sagot. “Magpahinga ka na. Alam kong pagod kayo ni Baby Flora dahil sa mahabang biyahe. Kailangan may lakas ka bukas kapag hinarap mo na ang pam
Patago(Thala's Point of View)Nakabihis ako ng isang simpleng itim na t-shirt at jeans. Ayaw kong makakuha ng atensiyon lalo pa at pinagbabawal akong pumunta ng daddy ko. Naka-ponytail naman ang aking buhok. Magulo ito ngunit natatabunan ng suot kong itim na sumbrero.Sumenyas si Franz sa akin na maghanda na. Kinausap niya ang dalawang bodyguards na nakaharang sa entrance ng funeral home upang libangin ang mga ito. Kaya naman ay nang matuon ang atensiyon nila kay Franz, doon ako mabilis na kumilos at lakad-takbo ang ginawa upang makapasok.Napainda ako sa sakit ng pagkakaupo nang makabangga ko ang kalalabas lamang na lalaki. Pinagpagan ko ang aking sarili at pilit na ibinababa ang sumbrero upang hindi ako makilala ng mga bodyguards na nasa amin na ngayon ang tingin. “Are you okay, Ma'am?” usisa ng isang bodyguard na dumalo sa akin. Halos malaglag na ang puso ko sa kaba. Nanlamig ako sapagkat kung sakaling makilala niya ako ay maaaring hinding-hindi na ako makakapasok. Mabilis akong
Anak (Thala's Point of View) “Thala?” pag-uulit niya na ngayon ay nasiguradong tama nga ang kanyang nakita. Gulat niya akong dahan-dahang itinuro. Bago pa siya makasigaw ay tumakbo na ako sa abot ng aking makakaya. “Daddy! Nandito si Thala!” “Shit!” Napamura ako sa sakit ng aking paa. Masyado ko na itong pinipilit na itakbo kaya naman ay nagsisimula na itong mamaga at magkapasa. Idagdag pa ang kahihilom lamang na tahi sa aking gitna at ang postpartum ko. This is a freakin' torture for me! “Franz? Where the heck are you?” naiiyak ko na namang paglinga sa paligid. Kahit saan ako tumingin hindi ko nakikita ang anino ni Franz. Nasaan ba siya? Namataan ko ang dalawang bodyguards na naalerto nang papalapit ako sa kanila. Malalaki at halatang sinanay ang mga ito sa pakikipaglaban kaya wala talaga akong kawala. Ano ng gagawin ko ngayon. “Get here!” rinig kong sigaw ni Penelope na nakasunod pala sa akin. What now, Thala? Hindi ka pwedeng mahuli! Kailangan mong umuwi dahil naghihintay
Pinatay(Thala's Point of View)Nagulo ko ang aking buhok at napatakip na lamang ng aking mukha dahil sa problemang nagawa ni Franz. Matapos iyong sabihin ni Franz ay hinila niya na ako paalis. Hindi na nakaangal si Penelope dahil sa gulat. “I’m sorry, Thala. Nadala lang ako ng galit ko. Mukhang hindi ka nila paaalisin kaya iyon ang naisip ko,” paliwanag niya na nagmamaneho na ngayon.Hindi ako nagsalita dahil sumasakit na naman ang aking ulo sa sunod-sunod na problema at ginawang pag-iyak. Sumandal ako sa upuan at ipinikit ang aking mga mata. All I need right now is to be with my Baby Flora.Ano nga ba ang ikinakatakot ko? Ang malaman ito ni daddy o ang makarating ito kay Alaric? Dunno.“Paano iyan? Paano kung magtaka ang daddy mo kung bakit bumalik kayo sa Zeaton gayong sinabi nating ikakasal na tayo?” pangungulit niya na halatang naaapektuhan na rin sa mga kasinungalingang binitawan niya.“Just let me think for now, Franz,” tanging na naisagot ko. Hindi na nga siya nangulit pa. K
Marriage Contract (Thala's Point of View)Tumulo ulit ang aking mga luha. Natahimik ako at sising-sisi sa mga nagawa ko rati. “I don't mind. Kung papipiliin ako ulit, pipiliin ko pa ring iwan siya. Kaysa sa hindi na siya makita habambuhay,” matapang kong sambit.“Ayaw mo bang sabihin sa kanya na may anak kayo? Hindi pwedeng ikaw lang ang nagluluksa sa namatay niyong anak, Thala. May karapatan din siyang malaman ang katotohanan,” mungkahi ni Sapphire na halata na rin ang pagiging problemado.“Ayaw kong masira ko ang relasyon nila ni Avory. Lalo pa at ikakasal na sila, Sapphire. Ipapaalam ko rin sa kanya, pero hindi muna sa ngayon.” Buo na ang pasya ko. Hinding-hindi ko sisirain ang ngiti niya ngayon. Sapat na sa akin ang makita siyang masaya kasama si Avory.“That’s bullshit!” Napatayo si Syd dahil sa mga narinig mula sa akin. Tila ba ang bobo ko dahil sa mga pinaninindigan kong desisyon ngayon. “Halata namang gusto niyo pa ang isa't isa, eh! Bakit hindi mo na lang ipaliwanag lahat ka
Obsession (Alaric's Point of View)I rushed to the hospital when Tito Harris called, asking about Thala's condition and how the surgery went. Noong una ay nabigla ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy ni Tito. It's late at ang alam ko ay nasa kwarto siya natutulog. I am busy with paperworks at my office na hindi ko na namalayang lumabas pala siya.“Roy, what exactly happened?” tanong ko sa aking assistant, kasama ang private investigator ko.“Si Rowena Gonzales ang nakausap at ang mismong bumaril kay Thala. Hindi lang iyon, kataka-taka rin ang pagsulpot niya sa Tremour gayong binalaan mo na siyang huwag saktan si Thala. Ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat pero mukhang may nagmanipula sa kanya upang muling pagtangkaan si Thala,” salaysay ni Roy.“Bakit niya alam kung saan sila magkikita? Thala knew her number at hinding-hindi siya basta-basta sasagot sa kung kaninong tawag, lalo na kung galing sa kanya,” kuryuso kong tanong. Nasa harapan na ako ng silid kung nasaan si T
Mother(Thala’s Point of View) Kinagabihan, bandang alas onse ng gabi, papatulog na sana ako galing sa kwarto ni Flora, subalit naudlot ito dahil sa isang tawag. Kinakabahan ko itong sinagot at tahimik na nagdarasal na sana hindi ito iyong babae.“Thala...” Naibsan ang kabang dumaloy sa aking katawan dahil narinig kong si Franz lang pala ito.“Bakit ibang numero ang gamit mo ngayon. Kinabahan tuloy ako nang wala sa oras dahil sa'yo,” wika ko na may kaunting inis sa aking sarili. Nagiging paranoid na ako lately dahil sa misteryosong babaeng iyon.“I found her, Thala,” seryosong sambit ni Franz na ikinaayos ko ng upo.“Alin? Iyong babae ba? Saan, Franz? Nasaan siya?” aligaga akong tumayo at naghanda para umalis ng bahay. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at jeans habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franz.“That woman is currently staying at your father’s Laurenco Relish. Katabi ng kwarto kung saan napabalitang tumalon ang mommy mo. Nandito siya ngayon sa rooftop, Thala,” salaysay ni Fra
Silid(Thala's Point of View)Nasa sasakyan si Alaric at hinihintay kaming makalabas ng bahay. Ngayon na kami lilipat ng Kiken. Bitbit ni Eliana si Flora pero nakabalot ito ng lampin. Tulog siya kaya kahit papaano ay napapayapa ako. Pinagbuksan ni Alaric si Eliana ng pintuan sa likod at pagkatapos ay ako naman sa harapan. Wala si Roy kaya nagtataka akong tumingin kay Alaric. “Tutulungan na kita, Alaric.” May tatlo kaming maleta at alam kong mabibigat ang mga iyon. Nakakahiya naman atang siya ang pagbuhatin ko.“You are too skinny to carry all of this. Ako na. Maghintay ka na lamang sa loob,” pagpigil niya at pinagsarhan na ako ng pintuan.Nagkatinginan kami ni Eliana nang lingunin ko ang direksyon nila. “Ayos ka lang ba, Ma'am Thala? Halata pong kinakabahan kayo,” sambit ni Eliana. Dahilan kung bakit ikinalma ko ang aking sarili.Tumingin ako sa labas at sinundan ng tingin si Alaric na naghahakot ng maleta namin. Papunta sa likuran ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya ay ngumiti
Obsessed (Thala's Point of View)Isang linggo ang nakalipas nang iniligtas ako ni Alaric sa humaharurot na sasakyan. Bukas din ay lilipat na kami sa Kiken. Labag man sa aking kalooban subalit mas pipiliin ko ang kaligtasan namin ni Flora sa ngayon.“Eliana, patulugin mo muna si Flora. May pag-uusapan lang kami ni Franz,” utos ko sa aming kasambahay. Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa mga tawag at death threats na natatanggap ko recently. Pati na rin iyong natanggap ko sa kasal namin ni Alaric. Maaaring konektado ang mga ito at iisa lamang ang may gawa. Kinakabahan man sa mga ibubunyag ni Franz ay nakahanda na akong marinig ito.“Kailangan mo ba talagang lumipat sa Kiken? Hibang ka na ba, Thala? Pwede naman sa ancestral house o sa aking condominium kayo pansamantalang manatili. Bakit kailangang doon pa sa mansyon ng tusong iyon?” iritadong siyasat ni Franz na hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses. “Franz...nag-usap na tayo tungkol dito. Isa pa, nandito tayo para pag-usapa
Babalik(Thala's Point of View)Nasa conference room kami ngayon. Kanina pa nagsisimula ang meeting pero hindi pa rin kami nangangalahati sa meeting. Bahing kasi nang bahing si Alaric. “Mr. Atkinson, maybe we can reschedule this meeting tomorrow,” suhestiyon ng isang shareholder. Nagtanguan naman ang iba pa.“Right... let's continue this tomorrow. Ayusin niyo na muna iyong pinapatrabaho ko sa inyo. The meeting is adjourned,” mabilis na salaysay ni Alaric dahil nababahing na naman siya.Nang makalabas na ang mga bisita ay lumapit si Roy kay Alaric. “Hindi po ba at si Ma'am Thala ang may sakit kahapon...” Itinagilid niya ang kanyang ulo at pabalik-balik kaming tinignan ni Alaric. Para bang may kung anong dapat i-point out pero hindi niya masabi. Sa huli, ngumiti na lamang siya sa amin at tumango-tango.Naiilang kaming nagpalitan ng titig ni Alaric. He cleared his throat at ibinaling ang tingin sa assistant. “Roy, call Dr. Sasha. Papuntahin mo siya.”“Uuwi ka...uh...Mr. Atkinson?” naii
Suob(Thala's Point of View)“Alam kong hindi totoo ang kasal niyo! Aminin mo na, Alaric. Excuse mo lang iyan para matakasan ako at magantihan si Thala!”Naalimpungatan ako dahil sa mga katagang dumaan sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-a-adjust pa ako sa liwanag at inaalisa ang nasa paligid. Kung nasaan na ba ako at ano ang nangyayari. Nanghihina akong umupo at inilibot ang paningin sa buong silid. Hanggang sa tumigil ito sa isang partikular na painting na huli kong nakita sa kwarto ko sa Kiken.Wait, ibig sabihin...“Nasa Kiken ako ngayon?!” histerikal kong sabi sabay bumalikwas ng tayo. Nagsisi rin kalaunan dahil nahilo ako bigla. Napaupo na lamang ulit ako sa sahig at sumandal sa kama. Nilalagnat pa rin ako at ni hindi man lang makatayo ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.“Nahimatay nga pala ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napayuko. Natulala ako sandali sa sahig nang maalala na ang lahat bago ako nawalan ng malay sa party.Avory proposed in
Alok (Thala's Point of View) “Are you done?” pagputol ni Alaric sa kasiyahang pumuno sa akin. “Kapag hindi ka tumigil kaiiyak, pababayaran ko sa iyo ang limang milyong aking ginastos sa painting na iyon,” banta niya pa. Natanto kong tumawid na pala ako sa kanyang linya. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at pinahiran ang aking namamasang pisngi. “P-Pasensya na, Alaric. Natuwa lang ako,” sagot ko. Mabilis kong pinagpag ang nabasa niyang suit sa may balikat na parte. As if naman matutuyo ito ng gano'n-gano'n lang. Hinuli niya ang aking palapulsuan at naniningkit ang mga matang sinuri ako. “Anong mayroon sa painting na iyon at umaasta ka ng ganito?” kuryuso niyang tanong na nagpatikom ng aking bibig. “What a show you got there Mr. and Mrs. Atkinson,” sabat ni Chairman Vizencio. Nang magkatagpo ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay. Nasa likod niya ang iilang socialites kasali sina Avory at Penelope. Lahat ng tingin nila sa akin ay napakasama. Kulang na lang ay marinig k
Crimson Love(Thala's Point of View)Nasa sasakyan ako katabi ang wala sa mood na si Alaric. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Dala no'ng tumawag sa akin. Nilalagnat pa ako ngunit kailangan ko pa ring sumama.Nakapikit lamang si Alaric at nakahalukipkip. Papunta kami sa Art Gallery upang simulan na ang plano namin. Nakasuot ako ng dark blue na one shoulder maxi dress at kumikinang ito dahil sa diamanteng ginamit bilang disenyo. Nakapusod ang aking buhok, a messy bun with braided hair to be exact. Sinigurado talaga ng makeup artist pati ng designer na magmumukha akong elegante.As if naman hindi. With or without makeup, may ayos man o wala, may ilalaban din itong ganda ko.Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe: FRANZ: So you're married huh? News everywhere...I sighed, “Hindi ko rin naman alam, eh.” ME: dunno either FRANZ: usap tayo, alam kong pupunta ka sa galleryI sighed again. Paniguradong maraming makikiusisa mamaya. Lalo na si daddy.“Stop sighing. I
What ifs (Avory's Point of View) Maaga akong nakarating sa restaurant na binook ko kahapon. Kung kagabi ay sobrang kaba ang pumuno ng aking sistema, ngayon ay tanging ang kagustuhan na makuha si Alaric na lamang ang laman ng aking utak. “I don’t care if you are married, I’ll still marry you.” Sa kanya lang talaga ako nabaliw ng ganito. Dati, kalmado lang naman ako sa mga bagay-bagay. Now? I’ll raise hell just to get him. Nagiging ugaling kanal ako pagdating sa kanya and I don't fvcking care. Kalahating oras ang nagdaan nang sa wakas ay dumating siya. Halatang galing pa sa trabaho at mukhang wala sa mood. “Hi, good evening, Alaric. Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin,” bungad ko sa kanya sabay ngumiti ng matamis. “Anong pag-uusapan natin, Av? Just spill it,” walang bahid ng ngiti niyang pagbabalik tanong. His eyes shifted on his wristwatch. “Order na muna tayo. Alam kong gutom ka na.” My smile slowly faded. Peke na lamang akong ngumiti ulit at sumenyas sa waiter.