Call(Thala's Point of View)One month later, matutuloy na rin sa wakas ang kasal na ni-lo-look forward namin ni Alaric. Gusto ko sanang pamilya lang namin ang dadalo subalit sa yaman ng mga Atkinson at sa dami ng koneksyon nila, hindi talaga maaari. Marami rin kasi ang gustong dumalo sa sa kasal ng bilyonaryong mapapangasawa ko.“Ayos ka lang ba?” tanong ni Alaric mula sa kabilang linya. Inaasikaso na ngayon ang make up ko kaya nasagot ko na rin ang tawag niya sa wakas. “Ano ba, Alaric? Magkikita naman tayo mamaya,” halakhak ko na hinihinaan ang boses dahil sa hairdresser at stylist na nandito sa silid.“Are you happy?” namamaos niyang usisa. “Because I am,” amin niya na rinig ang pagsinghap.“Yes, I am. Masayang-masaya ako sa kinahinatnan nating dalawa. Wala akong pagsisisi at nagpapasalamat akong hindi ang kapatid mo ang naging asawa ko,” panunukso ko sa kanya na bago niya pa sagutin ay inunahan ko na. “I need to hang up. Magbibihis na ako, Alaric. Bye, I love you!” masayang paala
Last Updated : 2024-10-24 Read more