Runaway Bride (Thala's Point of View)Paulit-ulit akong napamura kahit hindi naman talaga ako palamura. Hindi ko lang talaga kinakaya ang lahat ngayon. It is my wedding day and I am supposed to be happy and tearing up because of joy. But how come na-reverse card ako ngayon ng hinayupak na kausap ko?“Naiinip na ako, Myrthala. Gusto mo bang bigyan kita ng sample kung paano ako mainip?” Ginugulo niya ulit ang utak ko. Kinasa niya ang baril at binanggit ang mga salitang, “Mukhang matigas ang biceps ng Alaric mo, ah? Tingin mo, sisigaw kaya siya kapag binaril ko siya sa braso?”“Please! Stop it! I am begging you! Huwag mong saktan si Alaric!” sigaw ko at natatarantang nagdesisyon kahit walang kasiguraduhan kung totoo ba ang pambabanta ngayon ng nasa kabilang linya.“Then cut the drama and decide!” Kinagat ko ang ibabang bahagi ng aking labi at nanginginig na umayos ng tayo. Tumingala ako upang pigilan ang pagtulo ng masagana kong luha ngunit wala ata itong katapusan. Ang puso ko ay nagd
Gone(Alaric's Point of View)Hindi na ako mapakali dahil limang minuto na lamang ay magsisimula na ang kasal. I am so excited dahil sa wakas, mapapatunayan ko na rin sa aking sarili na tama ang magtiwala ulit sa isang tao. Tama ang naging desisyon ko na sumugal sa pagpapakasal at tama ako nang piliin ko ulit na magmahal.Hindi ako si daddy na inabandona ni mommy. Iba ang istoryang meron ako at ng mga magulang ko. Their story was a tragic one but I bet mine is a happy ending. Thala made me believe in marriage again. I love her so much to the point of forgetting my traumatic past and the pain I've felt within those years.“Ang pogi mo, apo. Congratulations,” bulong sa akin ni lola nang lapitan niya ako at halikan sa pisngi.“Thanks, La,” I replied. Nagpabalik-balik ako sa paglalakad. Ni hindi alam na ganito pala ang pakiramdam ng mga ikakasal. I am too overwhelmed.“I really like her too. Mabuti na lang at parehas tayo ng taste. Hindi ko na kailangang maglabas ng pera para layuan ka,”
Last Words(Alaric's Point of View)Laglag ang panga ng lahat ng nakarinig sa sinabi ng babaeng staff. Kahit ako natahimik at pakiramdam ko ay nananaginip lang ng masama ngayon. Animo ay binagsakan ng mabigat na pasaning habangbuhay kung dadalhin. I felt numb. “Anong sabi mo?” paninigurado ni lola. “Where's my sister? I bet natagalan 'yon sa pagbibihis. The last time I checked, they are still putting her makeup,” maarteng sabat ni Penelope na ipinatahimik din naman ng seryosong ama.“Nasaan ba ang anak ko?” Bakas ang pagkaasar sa mukha ni Tito Harris dahil sa pagkakatigil ng kasal.“Sir, hindi ko po alam pero umiiyak po siyang tumakbo paalis ng silid. Naiwan niya nga po ang heels niya sa pasilyo ng Alas Tower,” paliwanag ng staff at muling ibinalik ang atensiyon sa akin. “‘I’m sorry, I can't do this.’ Iyan po mismo ang sinabi niya sa akin nang tawagin ko po siya,” dugtong niya pa.Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sumakay na sa sasakyang nasa harap. Natatanga kong tinungo ang ak
Familiar (Thala's Point of View)Habang papalayo si Alaric sa akin, ramdam ko ang bigat ng bawat hakbang na ginagawa niya. Kasing bigat ng nararamdaman ko ngayon. May bumubulong sa aking utak na bawiin ko ang lahat ng aking tinuran pero hindi maaari. Akala ko wala ng luhang babaybay sa aking pisngi ngunit hindi pa pala ito nauubos. “Are you sure about this?” Hindi ko alam kung ilang ulit na akong tinanong ni Franz ng ganito pero sa bawat tanong niya iisa lamang ang naisasagot ko; ang pagtango. “Kilala ko si Alaric, Thala. Mataas ang pride no'n. Gaganti at gaganti iyon—”“F-Franz, p-please...s-stop,” pautal-utal kong banggit. Pilit kong itinikom ang aking labi upang hindi bumigay ang mga masasakit na hikbi. Ang aking dibdib ay pasikip nang pasikip, tila ba mas nagiging mahirap ang aking bawat paghinga. Nang medyo humuhupa na ang luha ko, ay muli akong siniyasat ni Franz. Nakatulala lamang ako ngayon sa kawalan at sinusundan ng tingin ang bawat alon na humahampas sa yate.“What’s y
Dead (Thala’s Point of View) Kinakabahan kong sinilip ang naging resulta ng pregnancy test. Noong una ay hindi ako makapaniwala sa sinabi ni tito Limuel ngunit nang makita ko na ang dalawang guhit, napatulala ako sa kawalan. Bakit ngayon pa? Kung kailan wala na kami ni Alaric, ngayon ko pa lamang ito nalaman. Tulala pa rin ako pagkalabas ko ng bathroom. Nasalubong ko ang kuryusong mga titig nila tito Limuel at ng grandparents ko. Hindi ko alam pero nang ngitian ako ni Lola Hilda ay biglaan akong napaluha. “It’s alright, hija. Huwag kang iiyak, makakasama 'yan sa anak mo,” aniya na sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap. Hinaplos niya ang aking likod upang tumahan ako. “Manang-mana ka talaga kay Marissa,” problemadong wika ni tito Limuel. “Tumahimik ka, Limuel. Nagkamali ang ina pero walang kasalanan dito ang anak,” makahulugang sita ni lolo Albert sa anak. “Anong plano mo ngayon?” pagsuko ni tito at malumanay na ang boses ngayon. “Aakuin ko po ang responsibilidad bi
Loss(Thala's Point of View)“Y-Your mom is dead, Thala.”Naiwan sa ere ang mga katanungan ko sapagkat nabitawan ko na ang hawak kong cellphone. Noong una ay naglalakbay pa sa kawalan ang utak ko ngunit nang may kung anong sumaksak sa aking puso, walang tigil na ang pag-agos ng aking masaganang luha.Nanlamig ako at nagsimulang manginig. Kinagat ko ang aking mga kuko hanggang sa dumugo ang iilan sa mga ito. Nagiging tatlo na ang paningin ko at kahit saan ako lumingon, naririnig ko ang mga sinabi sa akin ni tito Limuel. Hindi ko alam pero malakas akong humalakhak ngunit umiiyak pa rin. Para akong nilayasan ng sariling katinuan sa mga oras na ito.“Ma'am Thala!” sigaw ng isa sa kasambahay namin. Nabitawan niya ang bitbit na tray ng pagkain sa sobrang pagkakataranta. Dinaluhan niya ako at pinapakalma.“Hindi! Buhay pa ang mommy ko 'di ba?” natatawa kong tanong na humagulgol na namanpagkatapos.“Ma'am Thala, makakasama po ito sa mga anak mo,” nag-aalalang paalala ng kasambahay na pilit ak
News(Thala's Point of View)“Franz...” Umiling ako sa kanya at nagmakaawang bawiin niya ang kanyang mga sinabi. “Franz, please... gusto kong makita ang kambal. Parang awa mo na,” nanghihina kong dugtong na hindi na halos makita si Franz dahil sa panlalabo ng mata dala ng pag-iyak.“Thala, hey Thala... listen to me. Alam kong mahirap tanggapin sa ngayon pero may isa ka pang anak. Kailangan mong maging malakas para sa kanya. Kayanin mo, Thala,” sambit ni Franz na tinulungan na rin ako sa pagpupunas ng luha sa aking pisngi.“What the hell is happening with my life, Franz? K-Kinuha na nga si mommy, pati ba naman ang anak ko?” Umiling-iling ako na halos hindi na masabi ng diretso ang mga salita sapagkat nahahaluan na ito ng paghikbi. Hinayaan lang ako ni Franz na hampasin siya. Hindi ganoon kalakas dahil sa panghihina ko subalit masakit pa rin sapagkat sunod-sunod ito. Sa kanya ko nailalabas lahat ng pagdadalamhati na nararamdaman ko ngayon. Nagpapasalamat akong nandito siya upang damaya
Laban(Thala's Point of View)“Thala, kumain ka. Kailangan ka ngayon ng anak at pamilya mo.” Pilit akong sinusubuan ni Franz ng pagkain ngunit wala talaga akong gana. Sobrang laki ng ibinawas ng aking timbang at namumutla pa ang aking balat. Nanunuyo ang aking labi at isang tulak na lamang ay matutumba na ako. Balisa pa rin ako hanggang ngayon at walang interes sa nangyayari sa lahat.“Thala naman. Huwag namang ganito. Hindi ko kayang nakikita ka ng ganito,” pagsusumamo ni Franz na wala pa ring balak na sukuan ako.Napatingin ako sa kanya. Itinikom ko ang aking labi at malungkot na ngumiti kay Franz. “Bakit hindi ka pa bumabalik sa Tremour?” nanghihina kong tanong.Ang laki ng pinagbago ni Franz. Hindi ko aakalaing siya ang lalaking kinaiinisan ko rati. Kung sino pa 'yong taong gusto kong burahin sa buhay ko, iyon pa pala ang magiging matalik kong kaibigan.“You are creeping me out, Thala.” Nailapag niya ang hawak na kutsara at kuryuso akong sinuri. “Pero mas maganda nga na ngumingi
Obsession (Alaric's Point of View)I rushed to the hospital when Tito Harris called, asking about Thala's condition and how the surgery went. Noong una ay nabigla ako. Hindi ko naman kasi alam kung anong tinutukoy ni Tito. It's late at ang alam ko ay nasa kwarto siya natutulog. I am busy with paperworks at my office na hindi ko na namalayang lumabas pala siya.“Roy, what exactly happened?” tanong ko sa aking assistant, kasama ang private investigator ko.“Si Rowena Gonzales ang nakausap at ang mismong bumaril kay Thala. Hindi lang iyon, kataka-taka rin ang pagsulpot niya sa Tremour gayong binalaan mo na siyang huwag saktan si Thala. Ipinaliwanag mo na sa kanya ang lahat pero mukhang may nagmanipula sa kanya upang muling pagtangkaan si Thala,” salaysay ni Roy.“Bakit niya alam kung saan sila magkikita? Thala knew her number at hinding-hindi siya basta-basta sasagot sa kung kaninong tawag, lalo na kung galing sa kanya,” kuryuso kong tanong. Nasa harapan na ako ng silid kung nasaan si T
Mother(Thala’s Point of View) Kinagabihan, bandang alas onse ng gabi, papatulog na sana ako galing sa kwarto ni Flora, subalit naudlot ito dahil sa isang tawag. Kinakabahan ko itong sinagot at tahimik na nagdarasal na sana hindi ito iyong babae.“Thala...” Naibsan ang kabang dumaloy sa aking katawan dahil narinig kong si Franz lang pala ito.“Bakit ibang numero ang gamit mo ngayon. Kinabahan tuloy ako nang wala sa oras dahil sa'yo,” wika ko na may kaunting inis sa aking sarili. Nagiging paranoid na ako lately dahil sa misteryosong babaeng iyon.“I found her, Thala,” seryosong sambit ni Franz na ikinaayos ko ng upo.“Alin? Iyong babae ba? Saan, Franz? Nasaan siya?” aligaga akong tumayo at naghanda para umalis ng bahay. Nagbihis ako ng simpleng t-shirt at jeans habang nakikinig sa mga sinasabi ni Franz.“That woman is currently staying at your father’s Laurenco Relish. Katabi ng kwarto kung saan napabalitang tumalon ang mommy mo. Nandito siya ngayon sa rooftop, Thala,” salaysay ni Fra
Silid(Thala's Point of View)Nasa sasakyan si Alaric at hinihintay kaming makalabas ng bahay. Ngayon na kami lilipat ng Kiken. Bitbit ni Eliana si Flora pero nakabalot ito ng lampin. Tulog siya kaya kahit papaano ay napapayapa ako. Pinagbuksan ni Alaric si Eliana ng pintuan sa likod at pagkatapos ay ako naman sa harapan. Wala si Roy kaya nagtataka akong tumingin kay Alaric. “Tutulungan na kita, Alaric.” May tatlo kaming maleta at alam kong mabibigat ang mga iyon. Nakakahiya naman atang siya ang pagbuhatin ko.“You are too skinny to carry all of this. Ako na. Maghintay ka na lamang sa loob,” pagpigil niya at pinagsarhan na ako ng pintuan.Nagkatinginan kami ni Eliana nang lingunin ko ang direksyon nila. “Ayos ka lang ba, Ma'am Thala? Halata pong kinakabahan kayo,” sambit ni Eliana. Dahilan kung bakit ikinalma ko ang aking sarili.Tumingin ako sa labas at sinundan ng tingin si Alaric na naghahakot ng maleta namin. Papunta sa likuran ng kanyang sasakyan. Nang makapasok siya ay ngumiti
Obsessed (Thala's Point of View)Isang linggo ang nakalipas nang iniligtas ako ni Alaric sa humaharurot na sasakyan. Bukas din ay lilipat na kami sa Kiken. Labag man sa aking kalooban subalit mas pipiliin ko ang kaligtasan namin ni Flora sa ngayon.“Eliana, patulugin mo muna si Flora. May pag-uusapan lang kami ni Franz,” utos ko sa aming kasambahay. Pinaimbestigahan ko ang tungkol sa mga tawag at death threats na natatanggap ko recently. Pati na rin iyong natanggap ko sa kasal namin ni Alaric. Maaaring konektado ang mga ito at iisa lamang ang may gawa. Kinakabahan man sa mga ibubunyag ni Franz ay nakahanda na akong marinig ito.“Kailangan mo ba talagang lumipat sa Kiken? Hibang ka na ba, Thala? Pwede naman sa ancestral house o sa aking condominium kayo pansamantalang manatili. Bakit kailangang doon pa sa mansyon ng tusong iyon?” iritadong siyasat ni Franz na hindi na napigilan ang sariling magtaas ng boses. “Franz...nag-usap na tayo tungkol dito. Isa pa, nandito tayo para pag-usapa
Babalik(Thala's Point of View)Nasa conference room kami ngayon. Kanina pa nagsisimula ang meeting pero hindi pa rin kami nangangalahati sa meeting. Bahing kasi nang bahing si Alaric. “Mr. Atkinson, maybe we can reschedule this meeting tomorrow,” suhestiyon ng isang shareholder. Nagtanguan naman ang iba pa.“Right... let's continue this tomorrow. Ayusin niyo na muna iyong pinapatrabaho ko sa inyo. The meeting is adjourned,” mabilis na salaysay ni Alaric dahil nababahing na naman siya.Nang makalabas na ang mga bisita ay lumapit si Roy kay Alaric. “Hindi po ba at si Ma'am Thala ang may sakit kahapon...” Itinagilid niya ang kanyang ulo at pabalik-balik kaming tinignan ni Alaric. Para bang may kung anong dapat i-point out pero hindi niya masabi. Sa huli, ngumiti na lamang siya sa amin at tumango-tango.Naiilang kaming nagpalitan ng titig ni Alaric. He cleared his throat at ibinaling ang tingin sa assistant. “Roy, call Dr. Sasha. Papuntahin mo siya.”“Uuwi ka...uh...Mr. Atkinson?” naii
Suob(Thala's Point of View)“Alam kong hindi totoo ang kasal niyo! Aminin mo na, Alaric. Excuse mo lang iyan para matakasan ako at magantihan si Thala!”Naalimpungatan ako dahil sa mga katagang dumaan sa aking tainga. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nag-a-adjust pa ako sa liwanag at inaalisa ang nasa paligid. Kung nasaan na ba ako at ano ang nangyayari. Nanghihina akong umupo at inilibot ang paningin sa buong silid. Hanggang sa tumigil ito sa isang partikular na painting na huli kong nakita sa kwarto ko sa Kiken.Wait, ibig sabihin...“Nasa Kiken ako ngayon?!” histerikal kong sabi sabay bumalikwas ng tayo. Nagsisi rin kalaunan dahil nahilo ako bigla. Napaupo na lamang ulit ako sa sahig at sumandal sa kama. Nilalagnat pa rin ako at ni hindi man lang makatayo ng maayos dahil sa sakit ng katawan ko.“Nahimatay nga pala ako.” Ginulo ko ang aking buhok at napayuko. Natulala ako sandali sa sahig nang maalala na ang lahat bago ako nawalan ng malay sa party.Avory proposed in
Alok (Thala's Point of View) “Are you done?” pagputol ni Alaric sa kasiyahang pumuno sa akin. “Kapag hindi ka tumigil kaiiyak, pababayaran ko sa iyo ang limang milyong aking ginastos sa painting na iyon,” banta niya pa. Natanto kong tumawid na pala ako sa kanyang linya. Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at pinahiran ang aking namamasang pisngi. “P-Pasensya na, Alaric. Natuwa lang ako,” sagot ko. Mabilis kong pinagpag ang nabasa niyang suit sa may balikat na parte. As if naman matutuyo ito ng gano'n-gano'n lang. Hinuli niya ang aking palapulsuan at naniningkit ang mga matang sinuri ako. “Anong mayroon sa painting na iyon at umaasta ka ng ganito?” kuryuso niyang tanong na nagpatikom ng aking bibig. “What a show you got there Mr. and Mrs. Atkinson,” sabat ni Chairman Vizencio. Nang magkatagpo ang mga mata namin ay tinaasan niya ako ng kilay. Nasa likod niya ang iilang socialites kasali sina Avory at Penelope. Lahat ng tingin nila sa akin ay napakasama. Kulang na lang ay marinig k
Crimson Love(Thala's Point of View)Nasa sasakyan ako katabi ang wala sa mood na si Alaric. Inaantok ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Dala no'ng tumawag sa akin. Nilalagnat pa ako ngunit kailangan ko pa ring sumama.Nakapikit lamang si Alaric at nakahalukipkip. Papunta kami sa Art Gallery upang simulan na ang plano namin. Nakasuot ako ng dark blue na one shoulder maxi dress at kumikinang ito dahil sa diamanteng ginamit bilang disenyo. Nakapusod ang aking buhok, a messy bun with braided hair to be exact. Sinigurado talaga ng makeup artist pati ng designer na magmumukha akong elegante.As if naman hindi. With or without makeup, may ayos man o wala, may ilalaban din itong ganda ko.Tumunog ang cellphone ko sa isang mensahe: FRANZ: So you're married huh? News everywhere...I sighed, “Hindi ko rin naman alam, eh.” ME: dunno either FRANZ: usap tayo, alam kong pupunta ka sa galleryI sighed again. Paniguradong maraming makikiusisa mamaya. Lalo na si daddy.“Stop sighing. I
What ifs (Avory's Point of View) Maaga akong nakarating sa restaurant na binook ko kahapon. Kung kagabi ay sobrang kaba ang pumuno ng aking sistema, ngayon ay tanging ang kagustuhan na makuha si Alaric na lamang ang laman ng aking utak. “I don’t care if you are married, I’ll still marry you.” Sa kanya lang talaga ako nabaliw ng ganito. Dati, kalmado lang naman ako sa mga bagay-bagay. Now? I’ll raise hell just to get him. Nagiging ugaling kanal ako pagdating sa kanya and I don't fvcking care. Kalahating oras ang nagdaan nang sa wakas ay dumating siya. Halatang galing pa sa trabaho at mukhang wala sa mood. “Hi, good evening, Alaric. Akala ko hindi mo na naman ako sisiputin,” bungad ko sa kanya sabay ngumiti ng matamis. “Anong pag-uusapan natin, Av? Just spill it,” walang bahid ng ngiti niyang pagbabalik tanong. His eyes shifted on his wristwatch. “Order na muna tayo. Alam kong gutom ka na.” My smile slowly faded. Peke na lamang akong ngumiti ulit at sumenyas sa waiter.