WALANG makapang sabihin si Rica sa pitong lalakeng kasama niya ngayon sa loob ng hotel room na tinutuluyan niya. Nakatitig lang ng masama ang mga ito sa isa't-isa.Maaga na yata siyang tatanda sa kunsomisyon dahil sa mga ito. Hindi rin niya alam kung bakit nandito ngayon sila Trevor, Zian, Wenhan, Ran at Yruma."Wala ba kayong balak umalis dito? I just want to be alone and I'm tired too kaya gusto ko nang matulog at magpahinga." pag-imik niya sa mahaba nilang katahimikan."Bakit mo ba pinapatuloy sa loob ng hotel room mo ang dalawang lalakeng 'to?" may bahid pang inis na tanong ni Ran at itinuro nito sina Calvin at Marlon na tahimik lang sa isang tabi.Rica rolled her eyes. "I'd met them at my grandfather's restaurant at nagmagandang loob silang ihatid ako dito sa hotel room ko kaya papapasukin ko muna sila dito para alukin man lang ng coffee or juice." naaasar na niyang sagot.Ano ba naman sa kanila kung may iba siyang kasamang lalake? H
Last Updated : 2024-11-01 Read more