DINALA ni Zian si Rica sa bahay ng ama nito. Hindi niya alam kung bakit dito siya dinala ng binata at hanggang ngayon ay hindi pa rin maiproseso ng utak niya ang pag-amin nito ng sariling nararamdaman para sa kanya."Dad,"Pagtawag ni Zian sa isang matanda at matangkad na lalakeng nagbabasa ng diyaryo habang nakaupo ito sa sofa ng living room. Lumingon naman ang lalake sa kanila at natigilan pa ito dahil may kasamang babae ang anak niyang si Zian."Zian, you're here."tawag nung lalake saka ito muling tumingin kay Rica at nginitian ang dalaga.Base sa itsura ay mga nasa mid 40's na siguro ang lalake. Matangkad ito at makisig pa rin sa kanyang edad. Kamukha nito si Zian at sigurado na nung kabataan nito ay habulin rin ito ng mga babae."By the way, she's Rica, Dad." pagpapakilala ni Zian kay Rica sa Dad nito."Kagandang bata naman nitong kasama mo, Zian. How old are you, hija?" tanong ng lalake kay Rica nang bumaling ito sa kanya.
Last Updated : 2024-10-26 Read more