Lahat ng Kabanata ng Wished One, But Got Five: Kabanata 11 - Kabanata 20

20 Kabanata

Chapter 10

GUSTO nang sugurin ni Ran si Sage sa loob ng kwarto nito pero pinipigilan lang siya nina Wenhan at Zian. Hindi siya makapaniwalang magagawa iyon ni Sage sa dating nobya at hindi rin niya inaasahan na nagkakaganoon ang matalik niyang kaibigan.Nag-uusap silang tatlong magkakaibigan ngayon sa sala at iniwan muna nila sa kwarto si Rica na nakatulog na.Mukhang obsessed na nga si Sage na magkabalikan pa sila ni Rica pero hindi pa siguro ito handang patawarin ni Rica na hindi naman matanggap ni Sage."Kailangan nating ilayo si Rica kay Sage. Paano kung sa susunod ay may gawin na namang masama ang gagong 'yon sa kanya?" mamomroblemang sabi ni Ran at mariin itong napapikit.Simula nang makilala niya si Rica ay alam niyang may nagbago na sa nararamdaman niya. Pagdating sa ibang babae ay mukhang nawawalan na siya ng ganang mag-entertain pa sa mga iyon na ilang beses na siyang tinatawagan at tinetext na hindi niya sinasagot. Those girls wants to have a fun with him pero wala na siyang gana pan
Magbasa pa

Chapter 11

IPINIKIT na lang ni Yruma ang kanyang mga mata nang rinig na rinig niya ang pagtatalo ng mga magulang niya sa ibaba ng living room nila. Sa tuwing umuuwi siya sa Cavite kung saan ay dito na nakatira ang mga ito at hindi na sa Maynila ay wala yatang araw na hindi nag-aaway o nagsusumbatan ang mga magulang niya.Alam niyang rinding-rindi at sawa na rin ang dalawa niyang mga nakatatandang kapatid sa pagtatalo ng mga ito. Simula mga bata palang sila ay ganito na ang kinalakihan nilang pamilya. Ni wala yatang matandaan si Yruma na naging masaya siya sa sariling pamilya habang lumalaki siya.Kaya nga naisipan nalang niyang bumukod sa mga ito at tumira sa condo unit ni Sage para maiwasan niya ang ganitong klaseng mga eksena sa araw-araw niyang pamumuhay. He only want a peaceful and happy life but he can't because of his parents.Masyado kasing selosa ang Mom niya na lahat nalang ng mga babaeng nakakasalamuha ng Dad niya ay sasabihing kabit nito. Yruma knows that his father is a good, loyal a
Magbasa pa

Chapter 12

NANG makauwi na sina Rica at Yruma sa condo unit ni Sage ay naabutan nila sa sala sina Sage, Wenhan at Ran na nakaupo sa sofa at parang may importanteng pinag-uusapan. Lumingon naman sila sa pinanggagalingan nila Rica at Yruma.Kaagad umiwas ng tingin si Sage sa dalawa at patay malisya nitong ininom ang hawak niyang soda in can. Si Wenhan ay nakangiti sa mga ito habang si Ran naman ay seryoso lang na nakatingin sa kanila."Nandito na pala kayo. Kumusta na nga pala ang first day of work mo, Rica?" nakangiting tanong ni Wenhan kay Rica."Ayos naman, hindi ako gaanong nahirapan sa trabaho ko." sagot ni Rica at nginitian rin nito si Wenhan."That's good. If you want another job, I can refer you to our company. Even if you're not a college graduated ay marami naman akong paraan para makuha ka sa trabaho." suhestiyon ni Wenhan."Salamat, Wenhan pero ayos na rin sa akin ang trabaho ko sa flower shop. Nakakahiya naman na magpapasok ka ng undergra
Magbasa pa

Chapter 13

IKINUWENTO na ni Rica kina Emily at Maru ang lahat ng mga kaganapan na nangyayari ngayon sa buhay niya. Nagulat ang mga ito nang sinabi niyang nakatira na siya ngayon sa condo unit ni Sage at hiwalay na rin silang dalawa.Inamin niya rin na nalaglag ang anak nila ni Sage sa sinapupunan niya dahil aksidente siyang nalaglag sa baitang ng hagdanan ng condo building nito nang dahil sa nakita niyang litatro ni Sage na kahalikan ang dating nobya."Hiwalay naman pala kayo ni Sage edi bumukod ka na at maghanap ng ibang matitirhan, friend. Tutulungan ka namin ni Maru sa paghahanap ng bagong apartment na pwede mong tuluyan. Hindi ako makapaniwalang magagawa kang saktan ni Sage. Nababaliw na yata siya!" umiiling na sabi ni Emily."Aalis rin naman ako sa condo unit ni Sage pero nakiusap sa akin ang mga kaibigan niya na pansamantala muna akong makitira doon. Malapit lang rin kasi sa flower shop ang condo building ni Sage." sabi naman ni Rica.Napailing si Emil
Magbasa pa

Chapter 14

ZIAN ignored Rica and Yruma nang makita siya ng mga ito. Babatiin sana siya ni Rica nang kaagad niyang binilisan ang kanyang paglalakad makapunta lang sa kwarto niya.When he entered to his room ay napabuntong-hininga siya at napakuyom ang isang kamao. Hindi na niya nagugustuhan ang kakaibang nararamdaman niya para kay Rica. He hates this feeling dahil alam niya na kapag nagpatuloy pa iyon ay baka hindi na niya kayang maisalba ang sarili niya.He needs to ignore her and her existence. Hindi naman siya bulag na hindi makitang may interes rin ang mga kaibigan niya kay Rica. They are all concerned and being sweet to her nang dahil sa ginawa ni Sage rito.He hates women kaya dapat lang ay hindi siya ma-attach sa isang babae. Baka kapag nagmahal siya sa huli ay mararanasan niya ring maloko at masaktan at ayaw niyang mangyari iyon.Saksi si Zian sa panlolokong ginawa ng Mom niya sa Dad niya kaya kahit na kailan ay hinding-hindi siya magmamahal. Girls ar
Magbasa pa

Chapter 15

HINDI pa rin makapaniwala si Wenhan na naisama nga ni Ran sina Zian at Yruma sa bakasyon nila ngayon sa Coron, Palawan. Nagleave ng tatlong araw ang magkaibigan para lang sundin ang pabor ni Ran sa kanila.Para makasama rin sa bakasyon si Rica ay sumama na rin sa kanila ang kaibigan nitong si Emily at ang boyfriend nitong si Maru na may-ari ng flower shop na pinagtatrabauhan ni Rica. Nagleave rin ng tatlong araw ang mga ito sa klase nila katulad ni Yruma at hindi na alam ni Ran ang idinahilan ng mga ito makasama lang sa bakasyon nila. Nakapalagayan naman nila ng loob ang dalawang magkasintahan dahil mababait naman ang mga ito pero siya ay hindi niya maintindihan ang inis na nararamdaman niya kay Maru.Nasa dagat sila ngayon at abala sa pagsi-swimming ang mga kasama nila. Nakatanaw lang naman si Ran habang naninigarilyo sa kinaroroonan nina Rica at Emily na tumatawa-tawa pa at nagkukulitan habang lumalangoy sa dagat.Hindi niya mapigilang humanga sa ganda n
Magbasa pa

Chapter 16

NANG masundan ni Rica si Yruma sa loob ng resthouse ay nagdire-diretso si Yruma hanggang sa makapasok sila sa kwarto na tinutuluyan nito.Umupo si Yruma sa kama at nailamukos nito ang mukha gamit ang dalawang palad. Hindi naman maiwasan ni Rica na maawa sa bagong kaibigan dahil napahiya ito kanina sa mga pinagsasabi ng nakatatandang kapatid nito na si Calvin."Yruma?" pagtawag ni Rica sa binata.Doon lang napatingin si Yruma kay Rica. Hindi na niya napansin ang dalaga na sinundan pala siya hanggang sa makarating siya sa loob ng kwarto niya."W-Why are you here? Bumalik ka na do'n at baka hinahanap ka na nila." sabi ni Yruma sa mababang boses.Bumuntong-hininga naman si Rica saka ito umupo sa tabi ni Yruma."Alam mo, isa ka sa pinakamabait na taong nakilala ko bukod sa mga magulang ko at kay Lola Pacita." nakangiti nitong ani."Why?" tanong ni Yruma."Dahil kahit ilang beses ka nang pinapahiya at sinasabihan ng m
Magbasa pa

Chapter 17

PAGKATAPOS ng tatlong araw na bakasyon nila Rica, Zian, Sage, Wenhan, Ran, Yruma at sina Emily at Maru sa Coron ay umuwi na rin sila sa Maynila. Kahit papaano'y naenjoy rin naman ni Rica ang bakasyon nila doon dahil nakasama nito ang kaibigan niyang si Emily.Sabado ngayon at nasa condo unit ang limang magkakaibigan. Marahil ay napagod rin sila sa layo ng byinahe nila mula sa Palawan pabalik sa Maynila at gusto munang makapagpahinga ng mga ito ngayong araw.Nakaupo sa sofa sa sala sila Wenhan, Ran at Yruma habang lumabas muna si Sage para bumili ng take out dinner nila. Wala na rin kasi silang lakas na magluto pa kaya nagpresinta nalang si Sage na ito ang bibili ng pagkain nila.Nakita naman ni Rica na nagpunta kanina si Zian sa may balcony kaya sinundan niya ito para makausap.Nang makarating na si Rica sa balcony ay nadatnan niya doon si Zian na nakatanaw lang sa tanawin at tila may malalim na iniisip habang parehong nakakrus ang mga kamay. Napa
Magbasa pa

Chapter 18

HINDI maiwasan ni Rica na mainis dahil kanina pa tunog ng tunog ang cellphone niya habang abala siya sa cashier cubicle kung saan siya nakapwesto.Muli niyang binasa isa-isa ang mga new text messages ni Calvin na wala namang katuturan.From Kuya Calvin Hi, Rica. Good morning :)Good afternoon. I heard from Trevor na sa flower shop nila Marlon ka pala nagwowork?Why are you not answering my texts? Gusto sana kitang tawagan kaso baka busy kaCan I fetch you later? What time ba ang off mo?Kung magtext ito sa kanya ay umaakto ito na parang nobyo niya. Kaya nga niya binigay ang number niya kay Calvin nang dahil iyon kay Yruma pero wala man lang itong nabanggit sa isa sa mga texts nito kung kumusta na ba si Yruma o kung nasa mabuti ba ang kalagayan nito. Ang dating ay mukhang kinuha lang nito ang number niya para makipagtextmate sa kanya.Hindi naman niya mareplyan sa text si Calvin dahil wala siyang load kaya lakin
Magbasa pa

Chapter 19

NAGTIPON ngayon ang limang magkakaibigan sa sala ng condo unit ni Sage. Ran confessed to his friends na nililigawan na niya si Rica. Hindi na nabigla doon sina Wenhan at Yruma na habang si Sage naman ay halos magwala na dahil sa inamin nito."Ahas kang punyeta ka! Ex-girlfriend ko tapos liligawan mo? Wala ka na ba talagang ni katiting na respeto sa akin bilang kaibigan mo?" nanggagalaiting sigaw ni Sage na pilit namang inaawat ni Wenhan.Ran doesn't care if Sage is acting like a faithful ex-boyfriend to Rica. Sinayang nito ang tsansa sa dalaga kaya siya naman ang kukuha ng tsansang iyon na hinding-hindi niya sasayangin."Rica allowed me to court her and that is the important. Ayaw na niya sa'yo, Sage kaya-"Tumawa ng ubod ng lakas si Sage at padabog nitong hinawi ang braso ni Wenhan na nakaharang sa kanya. Anytime kasi ay handa na itong sugurin at saktan si Ran kung hindi nito iyon pipigilan. Ayaw ni Wenhan na magkasakitan ang mga kaibigan niya na
Magbasa pa
PREV
12
DMCA.com Protection Status