All Chapters of I Give You My All ( El fuego Series #3 ): Chapter 41 - Chapter 50

77 Chapters

Kabanata 40: Formal Discussions

LYRA POVNang makarating kami sa bahay ay agad kaming pumasok sa study room. Magkaharap kami ngayong tatlo dito at halos ramdam ko na ang kakaibang awra sa loob ng silid na ito. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang seryoso ng mangyayaring usapan ngayon sa pagitan naming tatlo.Biglang may kumatok at mula sa pintuan ay pumasok doon ang aming isa sa mga kasambahay. May bitbit itong isang tray na naglalaman ng tatlong tasa ng tsaa. Marahan itong lumapit sa amin at tsaka nito inilapag sa aming harapan ang kanyang mga dala. At nang matapos sa kanyang ginagawa ay mabilis itong yumuko sa amin at tahimik na lumabas ng silid.Ilang sandaling pumaibabaw sa amin ang isang mahabang katahimikan at si Engineer na mismo ang pumutol sa katahimikan na iyon."Gusto ko po sanang humingi ng paumanhin sa inasal ko po kanina sa dinner meeting Tita Lyra," panimula niya na ikinatigil ko.T-tita? Tinawag niya akong Tita?Hindi makapaniwalang nilingon ko si Edgar na siyang nasa tabi ko lamang. Marahan siyang tumango
last updateLast Updated : 2024-11-09
Read more

Kabanata 41: Realization

KYLIE POV Tanghali na ng ako'y magising at pagkatapos kong kumain ay napag isip-isip kong maglakad lakad na lang muna sa may dalampasigan. Marami-rami na rin ang mga taong nakikita kong naliligo sa mapayapang dagat. At karamihan sa mga ito ay mga foreigner. Hindi masyadong mainit ang sikat ng araw kaya naman hindi na rin ito masyadong masakit sa balat kung maiisipan ko man na maligo ngayon. Umihip ang preskong hangin dahilan para liparin nito ang aking mga mahahabang buhok. Napapikit ako at ninamnam ang kapayapaang nararamdam ko ngayon. The breeze of the gentle wind and the sounds of the ocean added by the chirping of the birds. Sobrang nakakarelax sa pakiramdam. "Since how long are you planning to stay at this place?" Agad akong napamulagat nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. At nang lingunin ko ito ay agad nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang mukha niya. Parang sa isang kisap mata ko lang ay nawala ang lahat ng kapayapaan na naramdaman ko kani-kanina lang. "Wh
last updateLast Updated : 2024-11-11
Read more

Kabanata 42: Flushed

KYLIE POV"I'm sorry.""I'm sorry about what happened."Halos sabay pa naming dalawa na sinabi iyon. Nagulat siya at ganon rin naman ako."What did you say?" hindi makapaniwala niyang tanong sa akin.Napayuko ako at agad na nag-iwas ng tingin sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang intensidad sa mga titig niya sa akin. Parang tumatagos iyon sa loob ko at may kung ano sa akin ang hindi mapakali kapag ginagawa niya iyon sa akin."I said...I'm sorry," ulit ko sa medyo niinis na tono."Bakit ganyan ang tono ng pananalita mo? Hindi naman ganyan iyong kanina ahh?"Napapantastikuhang tinitigan ko siya at nakita ko mula sa gilid ng labi niya ang isang multo ng ngiti."Iniinis mo na naman ba ako?" hindi makapaniwala kong tanong sa kanya."Ayan ka na naman. Kaya tayo hindi nagkakabating dalawa ay dahil diyan sa ugali mong iyan," nakaturong sabi niya sa akin habang nakapaskil na ang kanyang mga ngiti.Dumating ang order naming dalawa at iyon na lamang ang binalingan ko nang pansin. Habang siya naman a
last updateLast Updated : 2024-11-12
Read more

Kabanata 43: Carmela

KYLIE POVNanatili ako ng ilang mga minuto dito sa loob ng banyo at nang mahimasmasan na ako ay tsaka lang ako lumabas.Hawak-hawak ko ang aking magkabilang mukha sa paglalakad ko pabalik sa mesa namin. Ngunit natigilan rin naman ako nang makita ko ang isang babae na nakaupo na ngayon sa mismong upuan ko. Kaharap nito si Zamrick at sa nakikita ko sa kanilang dalawa ay mukhang seryoso yata ang pinag-uusapan nila.The woman is very beautiful. Isang tingin mo lang sa kanya ay alam mo na agad na nakapagtapos na ito ng kanyang pag-aaral at mayroon nang magandang trabaho. Hindi katulad ko na nag-aaral pa lamang at walang maipagmamalaki sa sarili kundi ang pagiging anak lang ng isang kilalang Clarkson.Nag-aalangan na tuloy akong bumalik pa sa mesa namin ni Zamrick. Bakit ba ako nag-iisip ng mga hindi magaganda at kailan pa ako naging conscious sa sarili ko tuwing nakakasama ko si Zamrick? Hayss!Muli ko silang sinulyapan at hindi nakatakas sa mga mata ko ang pag-abot ng babae sa mismong kal
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Kabanata 44: Follows

CARMELA POV "Engineer. Why are you even wasting your time on her? Unang kita ko pa lang sa kanya ngayon pero hindi ko na siya nagustuhan. She's a spoiled brat. Ni hindi niya nga ako pinakitunguhan ng maayos kanina. Talaga bang ganoong klase ng babae ang gusto mo?" sabi ko kay Engineer habang ang mga mata ay nakatingin sa pintuang nilabasan ni Miss Clarkson. Nang lingunin ko si Engineer ay nakita ko siyang nakatitig sa pintuang nilabasan ni Kylie. "Engineer?" tawag ko sa kanya para naman makuha ko ang buong atensyon niya. "I need to go now, Miss Oroño," biglaang sabi niya at tsaka nagbaba ng pera sa lamesa marahil ay para iyon sa inorder nila. "But...." Hindi ko na nadugtungan pa ang mga dapat ko pa sanang sasabihin nang sa malalaking mga hakbang siyang umalis din sa restaurant na ito. Where is he going? Susundan niya ba ang batang iyon? Dahil sa sobrang kuryosidad ko kaya napagpasiyahan kong sundan siya. Mabilis ang bawat lakad ko ngunit nang makalabas na ako ng restaur
last updateLast Updated : 2024-11-14
Read more

Kabanata 45: Victory Party

KYLIE POVIt's been three days sinced the last time I saw Zamrick and his girl friend Carmela.Pagkatapos nang naging pag-uusap naming dalawa ni Carmela ay deretso na akong nagcheck-out sa hotel na iyon. I just can't stand another day or minute with them. Lalong lalo na at napapansin kong sinusundan ni Carmela si Zamrick.Napabuntong hininga na lamang ako at walang ganang napatingin sa designer na kausap ngayon ni Mommy. Nandito kasi kami ngayon sa isang boutique kung saan kami palaging nagpapagawa ng mga dresses. Magkaibigan na sila noong designer at kaya lang naman kami naririto ngayon ay dahil sa nalalapit na nga ang birthday ko. Kahit na sa susunod na buwan pa nga naman iyon ay talagang atat na atat na itong si mommy na magpagawa ng gown ko.Sinimsim ko ang juice na nasa mesa ko at ibinaling ko na lamang ang aking mga mata sa mga taong dumadaan sa labas nitong store."The motifs of the party is royal blue so I am expecting that the dress will be fit to it. I want something extrava
last updateLast Updated : 2024-11-15
Read more

Kabanata 46: Answer

KYLIE POVHabang umiikot ang sasakyan namin sa fountain ng main entrance nitong hotel ay hindi ko mapigilan ang makaramdam ng kaba.Kabado na naman ulit ako ngayon sa hindi ko malamang dahilan. I know that Zamrick is also here tonight. Lalong lalo na ang parents niya. If ever that I would see them tonight in this event then this would be my the very first time to meet them in person.Matagal ko nang naririnig ang pangalan nila sa publiko pero wala naman akong pakialam doon. Kaya naman ay hindi ko talaga sila kilala sa personal.Nang makababa na kami ni mommy sa sasakyan ay agad naman kaming sinalubong ni daddy na mukhang katulad namin ay kadarating lang din. We entered the hotel together at nang nasa tanggapan pa lang kami ay halos abot-abot na ang tahip ng aking dibdib.Panay ang bati ng mga empleyadong nakakasalubong namin sa hall. And like usually happens they part like the sea whenever we pass by the halls. Ramdam ko ang kakaibang mga titig ng iilang mga kababaihan na naririto at
last updateLast Updated : 2024-11-16
Read more

Kabanata 47: Busy

KYLIE POVMatapos ang usapan namin ni Mrs. Mondragon kanina ay agad na kaming umalis sa kanilang harapan. Dahil marami pang mga bisita ang gusto rin silang makausap at mabati.The whole night is filled with elegant laughing and chatterings. Even my parents are busy talking to their friends and colleagues. Habang ako naman ay tahimik lang na nakaupo rito sa mesa namin. Obviously ay talagang nabuburo na ako rito mag-isa. Pero kung makikihalo naman ako sa mga kabataang naririto ay mas gugustuhin ko pa ang mapag-isa na lang kesa sa makipagplastikan ako sa kanilang lahat.Bored kong ibinaling ang aking tingin sa may gawing kanan at doon nakita ko ang kinaroroonan ng buffet table. Nakuha ang atensyon ko sa chocolate fountain na naroroon. Bigla tuloy akong natakam nang makita ko iyon.Wala naman yatang makakapansin sa akin kung kukuha man ako non. Kaya napagpasyahan ko ngang tumayo at lumapit sa kinaroroonan ng buffet table. At nang nakalapit na ako doon ay agad akong binigyan ng isang pingg
last updateLast Updated : 2024-11-17
Read more

Kabanata 48: Escapes

KYLIE POV "I was busy these past few days. Marami akong inasikaso at naging hectic rin ang schedule ko," sabi niya habang prenteng nakaupo paharap sa akin. Hindi niya alintana ang iilang mga tingin at bulungan ng mga kabataang kagaya ko sa paligid namin ngayon. May iilang pa ngang mga babaeng nasa edad niya rin ang napapasulyap sa pwesto namin. Bakit niya ba sinasabi sa akin ang lahat ng mga bagay na iyon? Hindi ko naman siya tinatanong kung ano ba ang mga ginagawa niya sa nakalipas na mga araw na hindi kami nagkitang dalawa. Tumango na lamang ako na para bang naiintindihan ko ang lahat kahit na ang totoo ay hindi ko alam kung papaano siya sasagutin sa mga sinabi niyang iyon. He shifted his weight on his seat and pull his chair more closer to me. He then tilted his head as if trying to catch my vision. At dahil doon ay mas lalo lamang akong kinabahan. Damn! "Ang sabi mo ay naging busy ka sa school at sa preparations ng birthday mo. You were so busy that you can't even pay a visi
last updateLast Updated : 2024-11-18
Read more

Kabanata 49: I Love You..

KYLIE POV "Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ba ako sinusundan? Papaano mo na buksan itong kotse namin?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagpapalo sa kanya. Bawat palo ko sa kanya ay mabilis niyang sinasalag kaya mas lalo lamang akong naiinis sa kanya. "Stop it, Kylie! Kung ayaw mong sundan kita ay huwag mo akong iwasan!" galit na sabi niya sabay hawak sa magkabilang kamay ko para mapigilan ako sa aking ginagawa. Hindi ako nagpaawat pero natigilan rin nang makita ko ang galit sa asul niyang mga mata. "You have been avoiding me, AGAIN! Bakit ba ang hilig-hilig mong umiwas sa akin? Ano na naman ba ang nagawa kong mali para iwasan mo ako ngayong gabi? I already told you my reason of my sudden absences in the past days!" mariing sabi niya habang nakatitig nang deretso sa aking mga mata. Kagat labi akong napayuko at pagalit kong binawi ang aking kamay mula sa hawak niya. "Sinundan kita sa hotel na pinuntahan mo ngunit nalaman ko na lang na nagcheck out ka na pala. Gusto kitang sun
last updateLast Updated : 2024-11-19
Read more
PREV
1
...
345678
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status