KYLIE POV "Anong ginagawa mo dito? Bakit mo ba ako sinusundan? Papaano mo na buksan itong kotse namin?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagpapalo sa kanya. Bawat palo ko sa kanya ay mabilis niyang sinasalag kaya mas lalo lamang akong naiinis sa kanya. "Stop it, Kylie! Kung ayaw mong sundan kita ay huwag mo akong iwasan!" galit na sabi niya sabay hawak sa magkabilang kamay ko para mapigilan ako sa aking ginagawa. Hindi ako nagpaawat pero natigilan rin nang makita ko ang galit sa asul niyang mga mata. "You have been avoiding me, AGAIN! Bakit ba ang hilig-hilig mong umiwas sa akin? Ano na naman ba ang nagawa kong mali para iwasan mo ako ngayong gabi? I already told you my reason of my sudden absences in the past days!" mariing sabi niya habang nakatitig nang deretso sa aking mga mata. Kagat labi akong napayuko at pagalit kong binawi ang aking kamay mula sa hawak niya. "Sinundan kita sa hotel na pinuntahan mo ngunit nalaman ko na lang na nagcheck out ka na pala. Gusto kitang sun
KYLIE POV"Damn girl," mariing mura niya sa kanyang sarili at nagulat ako nang hinapit niya ako sa aking baywang tsaka ako siniil ng halik sa aking labi.Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang iyon at halos magramblelan na ang mga paro-paro ko sa tiyan. Para akong na tuod sa aking posisyon ngayon dahil sa sobrang gulat. Ito ang kauna-unahang hinalikan niya ako nang ganito ka dikit ang aming mga katawan naming dalawa. Gumalaw ang kanyang labi na para bang gusto niyang gantihan ko rin siya ng halik at dahil doon ay natauhan ako sa naging biglaang pagkagulat.Marahas akong nagpumiglas sa hawak niya ngunit mabilis ang naging pagkilos niya dahil sa isang kamay niya akong iniangat sa aking pang-upo at ikinandong sa kanya. Akmang sasakupin na naman sana niya muli ang aking labi nang marahas kong ibinaon ang aking mukha sa kanyang dibdib. Mariin akong napapikit at halos magusot na ang suot niyang damit dahil sa higpit ng kapit ko doon. Halos habol ko na rin ang aking hininga dahil sa ginawa
ZAMRICK POV"Ang sweet mo naman. Nasaan na siya ngayon? I want to meet her," tanong niya pa."Shes tired. Hinatid ko na pauwi," maikling sagot ko sa tanong ni Mariel."Ang sweet mo naman, Kuya Zamrick. Sana ganyan ka rin sa akin Leon," malambing na sabi niya at kumapit kay Leon.Nakita ko na mas lalo lamang umasim ang mukha ni Leon sa naging tugon niyang iyon.Tsk!What are you gonna do now my little brother?If you don't like the girl then dumped her already. Your taking this long enough."Tss!" Leon scoffs.Sinimsim ko ang alak na hawak ko nang makita ko ang kaawa-awang naging reaksiyon ni Mariel.Damn brute."Leon!"Sabay kaming tatlo na napatingin sa taong tumawag kay Leon at doon nakita namin ang papalapit na pigura ni Zackeriel."Excuse me," sabay kalas ni Leon sa mga kamay ni Mariel na nakapulupot sa kanyang mga braso."Zack, outside," maikling utal ni Leon kay Zackeriel na ikinatawa naman ng isa."Leon! Where are you going?" Mariel called while following them."Tss! That two b
ARSUS POV"M-mr. Buenaventura, b-bakit po kayo napasadya ngayon sa akin?" nauutal na tanong niya sa akin.Tumalim lamang ang mga mata ko sa kanya dahil doon. Is he actually thinking that I would easily let go of him? Matapos niyang lustayin ang pera ko. Then his actually wrong by that mere idea of him."Mr. Santivañez," tawag ko sa pangalan niya na mas lalo lamang niyang ikinatakot."Nasaan ang anak mo? Tingin mo ba hahayaan ko na lamang kayong mag-ama nang basta-basta na lang matapos mong lustayin sa sugal ang pera ko! Nangako ka sa akin na ang tanging ipambabayad mo sa naging utang mo ay ang nag-iisa mong anak. Nasaan siya?!" galit na tanong ko sa matandang kaharap.Mabilis naman ang naging pagluhod ng mga kasambahay sa biglaang galit ko. At maging ang kanilang amo ay ganoon rin."Mr. Buenaventura hindi ko po talaga alam. Maniwala po kayo hindi ko po itinatago sa iyo ang anak kong si Georgina. Ipinapahanap ko na po siya. Bigyan niyo lamang po ako ng ilang panahon para makita siya at
KYLIE POV"I couldn't find your account that's why," sabi niya.Hindi ako nakaimik sa tinuran niyang iyon kaya tahimik ko na lamang inadd ang account ko sa mismong facebook account niya.Abala ako sa pagkalikot ng cellphone niya nang may bigla na lamang tumawag dito. Nakita ko ang pag appear ng pangalang Lena sa screen niya kaya natigilan ako sa aking ginagawa at agad ko iyong ipinakita sa kanya.Lena? Sino kaya ito?Sinagot ni Zamrick ang tawag ngunit hindi ko namalayan na ikinonek niya pala iyon sa bluetooth speaker ng sasakyan niya. Nagulat tuloy ako sa biglaang pagsalita nito.[ Hello, Sir? ] rinig kong sabi ng babae mula sa kabilang linya.Sir? Boss niya si Zamrick?"Yes, Lena. What's up?" utal ni Zamrick habang inililiko ang sasakyan sa isang crossing lane papasok sa paaralan ko.Hindi ako umimik at nanatili lamang akong tahimik sa tabi niya. Itinuon ko ang aking mga mata sa labas ng sasakyan. So, this Lena girl is working on him huh? I wonder if what kind of employee she is to
KYLIE POV Mabilis na dumaan ang mga araw at sa mga araw na iyon ay masasabi kong naging maayos naman ang relasyon naming dalawa ni Zamrick. Sinusundo niya ako tuwing umaga sa bahay namin at tuwing lunch break naman ay sabay kaming kumakain dalawa. Pagdating naman ng hapon ay sinusundo niya pa rin ako sa eskwelahan at inihahatid sa bahay namin. Ganoon ang routine naming dalawa sa paglipas ng mga araw. "Naku ang ganda mo talaga, hija. Welcome to the legal age. Sigurado akong maraming mga kalalakihan ang pipila sa panliligaw sa iyo," masayang sabi sa akin ng make-up artist. "Ehh, papaano naman maliligawan iyan ehh hindi mo na ba alam na may fafa na iyan. If I know bantay sarado ito kay Engineer Mondragon," tudyo ng isa pang bading na hairstylist ko naman. "Owss! So totoo pala talaga iyong chismis. Naku! Ang swerte mo naman pala talaga Señorita," kinikilig na tudyo ng nauna. Hindi ko sila pinansin at nanatili lamang ang mga mata ko sa aking repleksiyon sa salaming nasa aking harapan
KYLIE POVAbala ako sa pakikiharap sa mga bisita at halos pakiramdam ko ay ito na ang pinakamahabang gabi sa buong buhay ko. Panay ang ngiti at pasasalamat ko sa mga bisitang dumalo. At nang naging malalim na ang gabi ay dahan-dahan ng umuwi ang mga iilan rin sa kanila.May pa after party pa nga ako mamaya. Pupunta kaming lahat ng mga kaibigan ko sa isang club. Sinang ayunan naman iyon nila daddy dahil natural lang naman ang ganon."Kylie, kita na lamang tayo doon ha. Happy birthday ulit," ngiti ni Kim sa akin.Kinawayan ko lamang siya habang hinahatid ko siya ng tingin pasakay sa sasakyan nila. Akmang papasok na sana ako sa loob nang sa ganon ay makapagbihis na ng damit para sa gagawing pagpunta sa club nang mahagip ng tingin ko ang isang bulto ng lalaki sa loob ng mini garden namin.At first at hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy lamang ako sa aking ginagawang paglalakad. Ngunit natigilan rin nang mapansin ko na medyo pamilyar ang kanyang bulto. Nakatalikod kasi ito at mukhang medy
KYLIE POVPagkatapos nang nangyari kanina sa mini garden ay agad na kaming pumunta dito sa paborito naming club ng mga barkada ko. Nang makarating nga ako kanina ay halos hilahin na nila ako papunta sa dance floor pero nang makita nila si Zamrick sa aking likuran ay agad din silang tumigil.Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay takot ang mga kaibigan ko kay Zamrick. O baka guni-guni ko lang ang lahat nang iyon."KYLIEEEE!" napalingon ako sa bandang kanan at mula sa kinauupuan namin ngayon ni Zamrick ay nakita ko ang namumulang si Kim.Pasuray-suray na siya sa kanyang paglalakad at base sa itsura niya ay mukhang lasing na siya."KYLIEEE! BAKIT NANDITO KA LANG AT NAKAUPO?! ANG KJ MO NAMAN!" sigaw niya sa akin nang tuluyan na siyang makalapit sa tabi ko.Malakas ang tugtugin ng musika kaya kinakailangan pa naming magsigawan para lang magkarinigan kaming dalawa."Here! Drink it!" She shouted while giving me a one shot of tequila.Nag-aalangan pa akong abutin iyon dahil nasa tabi
KAYE POVPagkatapos ng mga nangyari kanina ay minabuti na muna ni Nanay Neneth na pauwiin ako sa bahay. Hindi pa sana ako papayag nang ipagpilitan niya sa akin ang gusto niya dahilan para sundin ko na lamang nga siya.Marahan kong hinubad ang suot kong apron at tsaka ako nagpunas ng aking mga kamay."Sigurado po ba talaga kayo na ok lang po kayo dito mag-isa Nanay Neneth?" paniniguradong tanong ko sa kanya."Ok lang naman po sa akin na samahan po kayong magbantay dito Nay. Hindi ko naman po masyadong pinapansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan niyo po sa akin," dagdag ko pa.Mabilis naman siyang umiling-iling sa akin. At inabutan ako ng 500 pesos sa aking kaliwang kamay. Nagtatakang napatitig naman ako sa halagang iyon."Ok lang ako dito Kaye at tsaka isa pa ay mas mabuti na rin na mauna ka nang umuwi at nang makapag pamalengke ka na rin para sa hapunan natin mamayang gabi," mahabang sabi niya sa akin."Ok po," sagot ko na lamang sa kanya at tsaka na nagpaalam na aalis na.Lumapit ako
KAYE POVAbala ako sa pagpapaypay ng aming mga paninda nang may isang kostumer ang lumapit sa harapan ng mga paninda namin. At base sa itsura at postura ng suot nito ay mukhang turista pa ito."How much?" tanong nito sabay turo sa kumpol ng mga isdang tulingan na nakadisplay."280 per kilo sir," agad na sagot ko rito."How about this one? Is this new?" turo na naman nito sa ibang kumpol ng mga isda."This one is cost 250 per kilo sir. And yes it is new and still fresh. My father caught all of this early in this morning," tuloy-tuloy na sagot ko sa turistang kaharap.Nakita kong napatitig ito sa akin na tila ba manghang mangha siya sa akin."Ok then, I want to buy this one. Just a half of kilo if it is okay with you Miss?" nakangiting sabi nito sa akin."Sure!"Mabilis akong kumuha ng isang supot at agad na tinimbang ang isdang napili niya at nang maibigay ko ito sa kanya ay agad naman siyang nagbayad sa akin ng tamang halaga."You know I've been always here in Matnog and this is the v
ZAMRICK POV"Kuya," tawag ni Leon sa akin na kararating lang.Deretso siyang naupo sa upuang nasa harapan ko at marahan niyang sinuyod ng tingin ang buong lugar."Anong gusto mong sabihin sa akin, Kuya?" tanong niya sa akin.Nagtawag siya ng waiter para sa order niyang alak.Nandito kami ngayon sa isang nightclub. Kahapon kasi ay tinawagan ko siyang makikipagkita ako ngayon sa kanya at may importante akong dapat na sasabihin sa kanya."May pabor aka sa iyo, Leon," bigkas ko habang prenteng nilalaro ang alak na laman ng aking baso.Mukhang nakuha ko naman ang buong atensyon niya dahil agad na kumunot ang kanyang noo sa akin."What is it?" seryosong tanong niya sa akin.Dumating ang inorder niyang alak at nang matapos itong mailapag ng waiter sa mesa namin ay tsaka lang ako nagpatuloy."I need a break. Alam mo na ang ibig kong sabihin Leon," pakli ko tsaka marahas na tinunga ang aking alak.Marahan naman siyang tumango tango sa akin na tila ba naiintindihan niya ang ibig kong sabihin."
ZAMRICK POV "What is happening to you Zamrick?! Hindi ka naman dating ganito ahh? Sa nakalipas na tatlong taon ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagtuunan ng pansin ang paghahanap kay Kylie! Nakamove on na ang lahat hijo. Ikaw na lamang ang hindi!" Biglaang sabog ni Mama sa akin nang maabutan niya ako dito sa condominium ko na lasing. Sahalip na lingunin siya ay inabot ko na lamang ang isang bote ng alak. Nagkalat dito sa sala ang mga bote ng alak na ininom ko kung kaya'y ganoon na lamang ang biglaang galit niya sa akin. Tss! Who cares anyway? Akmang iinumin ko na ito nang marahas niyang inagaw sa akin ang boteng hawak ko at pagalit na inilagay ito sa mini table na naririto. "Pwede bang tumigil ka na, anak!" sigaw niya sa akin at nagsimula na siyang umiyak. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak pero anong magagawa ko? Kung ako nga mismo ay nasasaktan at nagdurusa rin sa kaloob-looban ko. "This is not you, son. Please, bumalik ka na sa dati. Ibalik mo ang dati
KAYE POV Mabilis akong inalalayan ni Kapitan at agad niya akong inilayo doon tsaka ipinaupo ako sa upuan. "Masakit ba? Tingnan ko nga," anas niya at agad na inabot ang aking kamay na napaso. "O-ok lang ako. Hindi naman ganoon ka lala ang nangyari sa akin," sabay bawi ko sa kamay na hawak-hawak niya. Halos sabay pa kaming dalawa na napatingin sa bukana ng kusina nang pumasok sina Nanay Neneth at Mang Roque doon. Maging ang mga baranggay tanod ay nakasunod sa kanila. "Anong nangyari, Kaye? Narinig namin ang pagsigaw mo. Ok ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Nanay Neneth sa akin at kaagad akong nilapitan. Mabilis namang gumilid si Kapitan upang mabigyang daan si Nanay Neneth sa akin. "Ok lang po ako, Nay. Napaso lamang po ako," sabi ko sa kanya at nilingon sina Mang Roque. "Pasensya na po sa abala at napasugod pa po tuloy kayo rito sa kusina. Pasensya na po talaga," hinging paumanhin ko sa kanilang lahat. "Naku! Sobrang pula na ng kamay mo, Kaye. Halika sa sala at nang malagya
KAYE POV "Kapitan, a-anong pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko sa kanya. Marahan siyang ngumiti sa akin at humakbang papalapit sa akin. Napatingin naman ako sa ginawa niyang iyon. "Sinabi ko na sa iyo, Kaye. Huwag mo na akong pino po. Magkaising edad lang naman tayong dalawa," ngiti niya at deretso akong tinitigan sa aking mga mata. Napalunok ako at agad na nakaramdam nang pagkaasiwa sa kanya. Bakit ba siya ganyan? Hindi niya ba napapansin na iniiwasan ko nga siya? Hindi niya ba napapansin na hindi ako komportable sa mga ginagawa at ipinapakita niya sa akin. "Pwede bang tulungan na kita diyan sa mga ginagawa mo, Kaye?" tanong niya sa akin tsaka tumabi sa akin at tiningnan ang mga gulay na nasa mesa. "Ahmm..." litong anas ko at hindi na ako nakaangal pa nang abutin niya ang isang sibuyas at sinimulan nang balatan at hiwain iyon. Kahit na naiilang ay hindi na ako umimik pa at hinayaan na lamang siyang gawin ang gusto niya. "Ahm..Kaye, malapit na ang pista rito sa bayan n
KYLIE POVMarahan akong pumasok sa maliit na gate ng bakod na gawa sa patpat ng mga kawayan. At tsaka dahan-dahang umakyat sa may kaliitan at iilang baitang ng balkonahe nitong bahay. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaakyat ay agad nang nakatayo si Kapitan at dali-dali akong inalalayan papaakyat sa balkonahe."Salamat po, Kapitan," marahang anas ko sa kanya ng tuluyan na akong nakaakyat.Isang ngiti ang kanyang iginawad sa akin."Huwag mo na akong pino po, Kaye," ngiti niya at naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kaliwang kamay na hawak-hawak niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinilabutan sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay hindi ito pwede at para bang may kung ano sa loob ko ang nagsasabi sa akin na may kung sino man ang magagalit sa ginawa niyang iyon sa akin.Mabilis pa sa alas kwatro kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kanya."Mang Roque, pasensya na po at natagalan na naman ako sa
KAYE POV Nakatanaw ako ngayon sa napakalawak na karagatan at halos ramdam ko pa sa aking mukha ang pagdampi ng malamig na hanging amihan. Bawat paghampas ng alon dito sa baybayin ay talagang hindi ko mapigilan ang mapatulala. At habang nakatitig ako sa kawalan ay may kung ano sa akin ang kulang. Pakiramdam ko ay may napakahalaga at importanteng bagay sa akin ang nawawala at hindi ko alam kung ano ba ang bagay na iyon. Napabuntong hininga na lamang ako habang tinititigan ang papalubog na araw sa may kalayuan na dagat. Panibagong araw na naman ito sa akin. Tuwing hapon na talaga ako dito sa maliit na kubo at tulalang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa karagatan at ni hindi ko alam kung bakit ko ba ito palaging ginagawa. Wala sa sariling napahaplos ako sa aking suot na kwentas. Sino ba talaga ako? Bakit nararamdaman ko ang lahat ng mga nakakalitong bagay na ito sa buhay ko? "Ate Kaye!!! Ate Kaye!!" Napalingon ako sa bandang kanan ko at doon nakita ko si Timothy na tumatakbo sa
KYLIE POV Malamig. Madilim. At ramdam ko sa aking mukha ang iilang patak ng ulan gayon din ay rinig na rinig ko rin ang tunog ng paghampas ng alon sa aking katawan. Mamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko? Nakakatakot. Natatakot akong mamatay sa ganitong klaseng paraan. Kakainin ba ako ng mga pating o magpapalutang lutang na lamang ba ang katawan ko dito sa karagatan. Muling nanlabo ang paningin ko at isang pag-igik ang aking pinakawalan nang makaramdam ako nang sobrang pagkasakit sa aking ulo. Ang aking natitirang lakas para sa aking paglangoy ay tuluyan ng nawala. At pakiramdam ko ay muli na naman akong nilamon ng tubig papunta sa pinakapusod ng karagatan. ( After 3 Years ) ZAMRICK POV "Please, Zamrick, tigilan mo na ang lahat ng ito! Kylie is dead! Hindi na siya babalik pa!" sigaw ni Mommy sa akin ng umuwi na naman akong lasing sa bahay namin. Marahan ko lang siyang sinulyapan at nakita ko pa si Leon sa kanyang likuran na tahimik lamang na nakatingin sa aming dalawa