ZAMRICK POV"Hai," malanding sabi ng isang babae sa akin."Are you alone?" tanong pa nito sa akin sabay upo niya sa tabi ko.Hindi ko siya pinansin at nanatili lamang ang mga mata ko kay Kylie na ngayon ay masaya nang sumasayaw sa gitna ng dance floor. Nandito ako sa ikalawang palapag at sinadya ko talagang maupo dito malapit sa bannisters. Prente lamang akong nakaupo dito habang ang mga mata ay matamang nakamasid kay Kylie na nasa ibaba.She was dancing sexily together with her girl friends.Tinunga ko ang aking alak nang makita ko ang dahan-dahan niyang pag grind pababa.Damn it!Kung sakaling nasa ibang pagkakataon kami ngayon ay baka sakaling nahila ko na siya paalis doon. Pero fuck it! Birthday niya ngayon at hindi ko pwedeng sirain ang mahalagang araw na ito sa kanya.Muli na naman akong napainom ng isa pang shot ng alak nang makita ko kung papaano niya marahang hinaplos ang katawan pataas sa kanyang ulo habang sumasayaw. At halos kita ko na ang mga mata ng mga lalaking naririto
ZAMRICK POV"W-wait,..where are we going?" tanong niya sa akin gamit ang lasing niyang boses.Damn it!Ilan bang shot ang nainom niya? 3?! At nalasing na siya sa tatlong shot na iyon? Unbelievable!"Let go of me, Zamrick! Ano ba?!" pagpupumiglas niya sa akin sa medyo lasing na boses.Nasa labas na kami ngayon ng club at kahit na madaling araw na ay may iilan pa ring mga tao ang naririto."Party's over. We need to go," seryosong sabi ko sa kanya na ikinakunot ng noo niya."What? Nasa loob pa ang mga kaibigan ko. I can't just go alone knowing that they are still inside. This is my party and I am leaving them behind? That's sounds so selfish of me," napapapikit na anas niya sa akin.Hinila ko siya palapit sa nakaparada kong sasakyan at tsaka ko siya deretsong ipinasok sa loob ng passenger seat."Zamrick! What the hell?!" sigaw niya sa akin."Sabing ayaw ko pa ngang umuwi ehh! Nasa loob pa ang mga kaibigan ko!"Marahas ko siyang hinawakan sa kanyang magkabilang balikat at tsaka ko siya ip
KYLIE POVMasakit ang ulo ko at pakiramdam ko ay ang bigat-bigat din nito. Marahan kong idinilat ang aking mga mata at ang una kong nakita ay ang nakabukas na bintana. Marahang isinasayaw ng hangin ang puting tela ng kurtina na nakalagay doon.Nilibot ko ng tingin ang buong lugar at kumunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi ito ang silid ko. Pansin ko ang napakalinis ng buong silid at maayos na nakahilera ang iilang mga libro na nasa isang maliit na shelf.Teka sandali. Nasaan ba ako? Hindi pamilyar sa akin ang silid na ito.Marahan akong bumangon at halos mapaigik pa ako nang maramdaman ko nanaman ulit ang pananakit ng ulo ko. Napasapo ako sa aking ulo ng wala sa oras. Nahulog ang puting kumot na nakapulupot sa katawan ko at halos manlaki pa ang mga mata ko nang makita ko na ibang damit na ang suot ko ngayon.Natataranta kong tiningnan ang suot ko at doon ko lang napagtanto na nakasuot na ako ng isang manipis na puting sleeveless na pantulog. Napahawak ako sa bandang dibdib ko at
KYLIE POV "A-anong sabi mo? I-ikaw ang nagbihis sa akin?" nauutal na tanong ko sa kanya. Bakas sa buong mukha ko ang kahihiyan. Itinaas lamang ni Zamrick ang kanyang dalawang kamay na animoy parang sumusuko sa akin. "Don't worry. Wala naman akong ibang nakita o nahawakan," sabay ngiti niya ng nakakaloko. Mas lalo lamang akong pinamulahan sa sinabi niyang iyon. The fucking hell! Dapat ba akong matuwa sa sinabi niyang iyon eh sa alam ko naman talaga ang totoo na may pagkamanyak pa naman siya. Hindi ko siya sinagot at nanatili lamang akong nakatungo. Kasalanan ko naman ang lahat ng ito dahil napasobra ako sa pag-iinom ko kagabi. Kung meron mang ibang dapat na sisihin dito ay ako iyon. Tinulungan lamang ako ni Zamrick at kung hindi pa niya iyon ginagawa ay baka kung ano pa ang nangyari sa akin doon sa club. "Huwag mo nang alalahanin ang lahat. I swear it to you. Wala akong masamang ibang ginawa sa iyo. Ikaw nga itong..." bigkas niya pero hindi ko na narinig ang huli niyang mga sinab
KYLIE POV( After A few Months )Marahas akong napasuklay sa aking mahabang buhok habang sa malalaki ang mga hakbang akong naglalakad rito sa soccer field."Ito nah!" sabay lapag ko sa iilang mga librong dala ko sa bermuda grass na naririto.Agad naman iyong tiningnan isa-isa nila Kim at binuklat ang mga bawat pahina."I can't believe this! Halos matuyo na ang utak ko sa project nating ito," inis na anas ni Kim sabay lapag sa librong hawak niya.Naupo ako sa tabi niya at pati ako ay nakihanap na rin."Hindi ba't boyfriend mo si Engineer Mondragon? Bakit hindi na lamang tayo humingi ng tulong sa kanya, Kylie," anas ng isa pa naming kasamahan sa project na ito na si Leona.Tatlo kasi kami sa group project na ito. Ako si Leona at si Kim at ngayong byernes na ang deadline nito.Napabangon naman si Kim mula sa kanyang pagkakahiga sa damuhan dahil sa sinabing iyon ni Leona."Oo nga noh? Bakit hindi na lamang tayo humingi ng tulong sa jowa mo Kylie?" dadag pa niya at halos sabay pa silang d
KYLIE POV"So, how's school?" tanong ni Zamrick sa akin mula sa screen ng aking laptop.Kimi lamang akong ngumiti sa kanya."The usual, busy pa rin sa project and stuffs," sagot ko sa kanya habang matamang pinagmamasdan ang kanyang itsura.He looks so weary at base sa suot niyang damit ay galing lang siya sa kanyang pagkakaidlip at talagang gumising lang ng madaling araw para matawagan ako."I want to ask something and I hope you don't mind," mahinang anas ko sa kanya.Nasa kama na ako ngayon at nakahilig sa headboard. Marahan siyang napahilot sa kanyang sintido habang mariing nakapikit. Alam kong pagod siya sa trabaho niya at maya-maya ay balik trabaho naman ulit siya."Sure baby, what is it?" bruskong tanong niya sa akin.Mataman niya akong tinitigan mula sa screen at nakita ko pa ang paghaplos niya sa gilid nito na para bang animoy hinahawakan niya ako."Hindi ba't madaling araw na diyan ngayon? Pwede namang hindi mo na ako tawagan ng ganitong oras ehh," sabi ko sa kanya na muli ni
KYLIE POVMedyo nagmature ang pangangatawan niya at mas lalo lamang nadepina ang kanyang makapal na kilay at ang kanyang matangos na ilong. Idagdag mo pa ang nangungusap niyang asul na mga mata.Pakiramdam ko tuloy ay parang gusto ko na yatang magtago sa loob ng aking silid dahil sa biglaang kahihiyan na nararamdam."U-uhmm...h-hello?" nauutal na patanong kong tanong sa kanya.Halos gusto ko nang batukan ang sarili ko sa sinabi kong iyon. Bakit sa lahat ng pwedeng sabihin ay iyon pa ang napili kong pagbati sa kanya.Pumaibabaw sa aming dalawa ang malamig na katahimikan. At halos gusto ko na siyang talikuran dahil sa sobrang pagkakailang ko sa kanya. Bakit ba ako naiilang?! Ehh dati rati naman ay hindi ganito ang dating niya sa akin!"A-ano? K-kanina ka pa ba diyan?" naiilang kong tanong sa kanya habang panay ang iwas ko ng tingin sa kanya.Hindi siya nagsalita at nanatili lamang siyang matamang nakatitig sa akin.Bakit ba siya ganyan?!!"Uh..sa baba na lamang tayo mag-usap ha? Kukunin
KYLIE POV Sa loob ng dalawang araw niyang pananatili dito sa Pilipinas ay lahat ng oras niya ay inilaan niya sa akin. We go out like what normal couples do. And we even went to the villa kung saan niya ako dinala noong minsang nalasing ako sa birthday ko. At dahil doon ay napag-alaman ko na sa kanya pala ang villa na iyon at ako lamang ang tanging nag-iisang babaeng dinala niya doon. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng saya nang malaman ko iyon mula sa kanya. Pakiramdam ko ay isa ako sa napakahalagang tao sa buhay niya. Matapos ang dalawang araw ay muli na naman siyang umalis para sa trabaho niya. Madaling lumipas ang ilang buwan at ganoon pa rin ang cycle naming dalawa. Kahit na sobrang busy siya ay nagagawa niya pa rin akong tawagan tuwing gabi at kapag nagkakataon siya ay umuuwi siya dito sa pilipinas para makasama ako. "Ano? Makakauwi ka ba?" excited na tanong ko sa kanya habang katawagan ko siya. Bukas na ulit ang birthday ko at ito ang kauna-unahang pagkakataon na humil
KAYE POVPagkatapos ng mga nangyari kanina ay minabuti na muna ni Nanay Neneth na pauwiin ako sa bahay. Hindi pa sana ako papayag nang ipagpilitan niya sa akin ang gusto niya dahilan para sundin ko na lamang nga siya.Marahan kong hinubad ang suot kong apron at tsaka ako nagpunas ng aking mga kamay."Sigurado po ba talaga kayo na ok lang po kayo dito mag-isa Nanay Neneth?" paniniguradong tanong ko sa kanya."Ok lang naman po sa akin na samahan po kayong magbantay dito Nay. Hindi ko naman po masyadong pinapansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan niyo po sa akin," dagdag ko pa.Mabilis naman siyang umiling-iling sa akin. At inabutan ako ng 500 pesos sa aking kaliwang kamay. Nagtatakang napatitig naman ako sa halagang iyon."Ok lang ako dito Kaye at tsaka isa pa ay mas mabuti na rin na mauna ka nang umuwi at nang makapag pamalengke ka na rin para sa hapunan natin mamayang gabi," mahabang sabi niya sa akin."Ok po," sagot ko na lamang sa kanya at tsaka na nagpaalam na aalis na.Lumapit ako
KAYE POVAbala ako sa pagpapaypay ng aming mga paninda nang may isang kostumer ang lumapit sa harapan ng mga paninda namin. At base sa itsura at postura ng suot nito ay mukhang turista pa ito."How much?" tanong nito sabay turo sa kumpol ng mga isdang tulingan na nakadisplay."280 per kilo sir," agad na sagot ko rito."How about this one? Is this new?" turo na naman nito sa ibang kumpol ng mga isda."This one is cost 250 per kilo sir. And yes it is new and still fresh. My father caught all of this early in this morning," tuloy-tuloy na sagot ko sa turistang kaharap.Nakita kong napatitig ito sa akin na tila ba manghang mangha siya sa akin."Ok then, I want to buy this one. Just a half of kilo if it is okay with you Miss?" nakangiting sabi nito sa akin."Sure!"Mabilis akong kumuha ng isang supot at agad na tinimbang ang isdang napili niya at nang maibigay ko ito sa kanya ay agad naman siyang nagbayad sa akin ng tamang halaga."You know I've been always here in Matnog and this is the v
ZAMRICK POV"Kuya," tawag ni Leon sa akin na kararating lang.Deretso siyang naupo sa upuang nasa harapan ko at marahan niyang sinuyod ng tingin ang buong lugar."Anong gusto mong sabihin sa akin, Kuya?" tanong niya sa akin.Nagtawag siya ng waiter para sa order niyang alak.Nandito kami ngayon sa isang nightclub. Kahapon kasi ay tinawagan ko siyang makikipagkita ako ngayon sa kanya at may importante akong dapat na sasabihin sa kanya."May pabor aka sa iyo, Leon," bigkas ko habang prenteng nilalaro ang alak na laman ng aking baso.Mukhang nakuha ko naman ang buong atensyon niya dahil agad na kumunot ang kanyang noo sa akin."What is it?" seryosong tanong niya sa akin.Dumating ang inorder niyang alak at nang matapos itong mailapag ng waiter sa mesa namin ay tsaka lang ako nagpatuloy."I need a break. Alam mo na ang ibig kong sabihin Leon," pakli ko tsaka marahas na tinunga ang aking alak.Marahan naman siyang tumango tango sa akin na tila ba naiintindihan niya ang ibig kong sabihin."
ZAMRICK POV "What is happening to you Zamrick?! Hindi ka naman dating ganito ahh? Sa nakalipas na tatlong taon ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagtuunan ng pansin ang paghahanap kay Kylie! Nakamove on na ang lahat hijo. Ikaw na lamang ang hindi!" Biglaang sabog ni Mama sa akin nang maabutan niya ako dito sa condominium ko na lasing. Sahalip na lingunin siya ay inabot ko na lamang ang isang bote ng alak. Nagkalat dito sa sala ang mga bote ng alak na ininom ko kung kaya'y ganoon na lamang ang biglaang galit niya sa akin. Tss! Who cares anyway? Akmang iinumin ko na ito nang marahas niyang inagaw sa akin ang boteng hawak ko at pagalit na inilagay ito sa mini table na naririto. "Pwede bang tumigil ka na, anak!" sigaw niya sa akin at nagsimula na siyang umiyak. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak pero anong magagawa ko? Kung ako nga mismo ay nasasaktan at nagdurusa rin sa kaloob-looban ko. "This is not you, son. Please, bumalik ka na sa dati. Ibalik mo ang dati
KAYE POV Mabilis akong inalalayan ni Kapitan at agad niya akong inilayo doon tsaka ipinaupo ako sa upuan. "Masakit ba? Tingnan ko nga," anas niya at agad na inabot ang aking kamay na napaso. "O-ok lang ako. Hindi naman ganoon ka lala ang nangyari sa akin," sabay bawi ko sa kamay na hawak-hawak niya. Halos sabay pa kaming dalawa na napatingin sa bukana ng kusina nang pumasok sina Nanay Neneth at Mang Roque doon. Maging ang mga baranggay tanod ay nakasunod sa kanila. "Anong nangyari, Kaye? Narinig namin ang pagsigaw mo. Ok ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Nanay Neneth sa akin at kaagad akong nilapitan. Mabilis namang gumilid si Kapitan upang mabigyang daan si Nanay Neneth sa akin. "Ok lang po ako, Nay. Napaso lamang po ako," sabi ko sa kanya at nilingon sina Mang Roque. "Pasensya na po sa abala at napasugod pa po tuloy kayo rito sa kusina. Pasensya na po talaga," hinging paumanhin ko sa kanilang lahat. "Naku! Sobrang pula na ng kamay mo, Kaye. Halika sa sala at nang malagya
KAYE POV "Kapitan, a-anong pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko sa kanya. Marahan siyang ngumiti sa akin at humakbang papalapit sa akin. Napatingin naman ako sa ginawa niyang iyon. "Sinabi ko na sa iyo, Kaye. Huwag mo na akong pino po. Magkaising edad lang naman tayong dalawa," ngiti niya at deretso akong tinitigan sa aking mga mata. Napalunok ako at agad na nakaramdam nang pagkaasiwa sa kanya. Bakit ba siya ganyan? Hindi niya ba napapansin na iniiwasan ko nga siya? Hindi niya ba napapansin na hindi ako komportable sa mga ginagawa at ipinapakita niya sa akin. "Pwede bang tulungan na kita diyan sa mga ginagawa mo, Kaye?" tanong niya sa akin tsaka tumabi sa akin at tiningnan ang mga gulay na nasa mesa. "Ahmm..." litong anas ko at hindi na ako nakaangal pa nang abutin niya ang isang sibuyas at sinimulan nang balatan at hiwain iyon. Kahit na naiilang ay hindi na ako umimik pa at hinayaan na lamang siyang gawin ang gusto niya. "Ahm..Kaye, malapit na ang pista rito sa bayan n
KYLIE POVMarahan akong pumasok sa maliit na gate ng bakod na gawa sa patpat ng mga kawayan. At tsaka dahan-dahang umakyat sa may kaliitan at iilang baitang ng balkonahe nitong bahay. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaakyat ay agad nang nakatayo si Kapitan at dali-dali akong inalalayan papaakyat sa balkonahe."Salamat po, Kapitan," marahang anas ko sa kanya ng tuluyan na akong nakaakyat.Isang ngiti ang kanyang iginawad sa akin."Huwag mo na akong pino po, Kaye," ngiti niya at naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kaliwang kamay na hawak-hawak niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinilabutan sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay hindi ito pwede at para bang may kung ano sa loob ko ang nagsasabi sa akin na may kung sino man ang magagalit sa ginawa niyang iyon sa akin.Mabilis pa sa alas kwatro kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kanya."Mang Roque, pasensya na po at natagalan na naman ako sa
KAYE POV Nakatanaw ako ngayon sa napakalawak na karagatan at halos ramdam ko pa sa aking mukha ang pagdampi ng malamig na hanging amihan. Bawat paghampas ng alon dito sa baybayin ay talagang hindi ko mapigilan ang mapatulala. At habang nakatitig ako sa kawalan ay may kung ano sa akin ang kulang. Pakiramdam ko ay may napakahalaga at importanteng bagay sa akin ang nawawala at hindi ko alam kung ano ba ang bagay na iyon. Napabuntong hininga na lamang ako habang tinititigan ang papalubog na araw sa may kalayuan na dagat. Panibagong araw na naman ito sa akin. Tuwing hapon na talaga ako dito sa maliit na kubo at tulalang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa karagatan at ni hindi ko alam kung bakit ko ba ito palaging ginagawa. Wala sa sariling napahaplos ako sa aking suot na kwentas. Sino ba talaga ako? Bakit nararamdaman ko ang lahat ng mga nakakalitong bagay na ito sa buhay ko? "Ate Kaye!!! Ate Kaye!!" Napalingon ako sa bandang kanan ko at doon nakita ko si Timothy na tumatakbo sa
KYLIE POV Malamig. Madilim. At ramdam ko sa aking mukha ang iilang patak ng ulan gayon din ay rinig na rinig ko rin ang tunog ng paghampas ng alon sa aking katawan. Mamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko? Nakakatakot. Natatakot akong mamatay sa ganitong klaseng paraan. Kakainin ba ako ng mga pating o magpapalutang lutang na lamang ba ang katawan ko dito sa karagatan. Muling nanlabo ang paningin ko at isang pag-igik ang aking pinakawalan nang makaramdam ako nang sobrang pagkasakit sa aking ulo. Ang aking natitirang lakas para sa aking paglangoy ay tuluyan ng nawala. At pakiramdam ko ay muli na naman akong nilamon ng tubig papunta sa pinakapusod ng karagatan. ( After 3 Years ) ZAMRICK POV "Please, Zamrick, tigilan mo na ang lahat ng ito! Kylie is dead! Hindi na siya babalik pa!" sigaw ni Mommy sa akin ng umuwi na naman akong lasing sa bahay namin. Marahan ko lang siyang sinulyapan at nakita ko pa si Leon sa kanyang likuran na tahimik lamang na nakatingin sa aming dalawa