Lahat ng Kabanata ng I Give You My All ( El fuego Series #3 ): Kabanata 61 - Kabanata 70

77 Kabanata

Kabanata 60: LDR

KYLIE POV "A-anong sabi mo? I-ikaw ang nagbihis sa akin?" nauutal na tanong ko sa kanya. Bakas sa buong mukha ko ang kahihiyan. Itinaas lamang ni Zamrick ang kanyang dalawang kamay na animoy parang sumusuko sa akin. "Don't worry. Wala naman akong ibang nakita o nahawakan," sabay ngiti niya ng nakakaloko. Mas lalo lamang akong pinamulahan sa sinabi niyang iyon. The fucking hell! Dapat ba akong matuwa sa sinabi niyang iyon eh sa alam ko naman talaga ang totoo na may pagkamanyak pa naman siya. Hindi ko siya sinagot at nanatili lamang akong nakatungo. Kasalanan ko naman ang lahat ng ito dahil napasobra ako sa pag-iinom ko kagabi. Kung meron mang ibang dapat na sisihin dito ay ako iyon. Tinulungan lamang ako ni Zamrick at kung hindi pa niya iyon ginagawa ay baka kung ano pa ang nangyari sa akin doon sa club. "Huwag mo nang alalahanin ang lahat. I swear it to you. Wala akong masamang ibang ginawa sa iyo. Ikaw nga itong..." bigkas niya pero hindi ko na narinig ang huli niyang mga sinab
last updateHuling Na-update : 2024-11-29
Magbasa pa

Kabanata 61: LDR Part 2

KYLIE POV( After A few Months )Marahas akong napasuklay sa aking mahabang buhok habang sa malalaki ang mga hakbang akong naglalakad rito sa soccer field."Ito nah!" sabay lapag ko sa iilang mga librong dala ko sa bermuda grass na naririto.Agad naman iyong tiningnan isa-isa nila Kim at binuklat ang mga bawat pahina."I can't believe this! Halos matuyo na ang utak ko sa project nating ito," inis na anas ni Kim sabay lapag sa librong hawak niya.Naupo ako sa tabi niya at pati ako ay nakihanap na rin."Hindi ba't boyfriend mo si Engineer Mondragon? Bakit hindi na lamang tayo humingi ng tulong sa kanya, Kylie," anas ng isa pa naming kasamahan sa project na ito na si Leona.Tatlo kasi kami sa group project na ito. Ako si Leona at si Kim at ngayong byernes na ang deadline nito.Napabangon naman si Kim mula sa kanyang pagkakahiga sa damuhan dahil sa sinabing iyon ni Leona."Oo nga noh? Bakit hindi na lamang tayo humingi ng tulong sa jowa mo Kylie?" dadag pa niya at halos sabay pa silang d
last updateHuling Na-update : 2024-11-30
Magbasa pa

Kabanata 62: Video Call

KYLIE POV"So, how's school?" tanong ni Zamrick sa akin mula sa screen ng aking laptop.Kimi lamang akong ngumiti sa kanya."The usual, busy pa rin sa project and stuffs," sagot ko sa kanya habang matamang pinagmamasdan ang kanyang itsura.He looks so weary at base sa suot niyang damit ay galing lang siya sa kanyang pagkakaidlip at talagang gumising lang ng madaling araw para matawagan ako."I want to ask something and I hope you don't mind," mahinang anas ko sa kanya.Nasa kama na ako ngayon at nakahilig sa headboard. Marahan siyang napahilot sa kanyang sintido habang mariing nakapikit. Alam kong pagod siya sa trabaho niya at maya-maya ay balik trabaho naman ulit siya."Sure baby, what is it?" bruskong tanong niya sa akin.Mataman niya akong tinitigan mula sa screen at nakita ko pa ang paghaplos niya sa gilid nito na para bang animoy hinahawakan niya ako."Hindi ba't madaling araw na diyan ngayon? Pwede namang hindi mo na ako tawagan ng ganitong oras ehh," sabi ko sa kanya na muli ni
last updateHuling Na-update : 2024-12-01
Magbasa pa

Kabanata 63: Missing You

KYLIE POVMedyo nagmature ang pangangatawan niya at mas lalo lamang nadepina ang kanyang makapal na kilay at ang kanyang matangos na ilong. Idagdag mo pa ang nangungusap niyang asul na mga mata.Pakiramdam ko tuloy ay parang gusto ko na yatang magtago sa loob ng aking silid dahil sa biglaang kahihiyan na nararamdam."U-uhmm...h-hello?" nauutal na patanong kong tanong sa kanya.Halos gusto ko nang batukan ang sarili ko sa sinabi kong iyon. Bakit sa lahat ng pwedeng sabihin ay iyon pa ang napili kong pagbati sa kanya.Pumaibabaw sa aming dalawa ang malamig na katahimikan. At halos gusto ko na siyang talikuran dahil sa sobrang pagkakailang ko sa kanya. Bakit ba ako naiilang?! Ehh dati rati naman ay hindi ganito ang dating niya sa akin!"A-ano? K-kanina ka pa ba diyan?" naiilang kong tanong sa kanya habang panay ang iwas ko ng tingin sa kanya.Hindi siya nagsalita at nanatili lamang siyang matamang nakatitig sa akin.Bakit ba siya ganyan?!!"Uh..sa baba na lamang tayo mag-usap ha? Kukunin
last updateHuling Na-update : 2024-12-02
Magbasa pa

Kabanata 64: Pag-iwas

KYLIE POV Sa loob ng dalawang araw niyang pananatili dito sa Pilipinas ay lahat ng oras niya ay inilaan niya sa akin. We go out like what normal couples do. And we even went to the villa kung saan niya ako dinala noong minsang nalasing ako sa birthday ko. At dahil doon ay napag-alaman ko na sa kanya pala ang villa na iyon at ako lamang ang tanging nag-iisang babaeng dinala niya doon. Hindi ko tuloy maiwasang makaramdam ng saya nang malaman ko iyon mula sa kanya. Pakiramdam ko ay isa ako sa napakahalagang tao sa buhay niya. Matapos ang dalawang araw ay muli na naman siyang umalis para sa trabaho niya. Madaling lumipas ang ilang buwan at ganoon pa rin ang cycle naming dalawa. Kahit na sobrang busy siya ay nagagawa niya pa rin akong tawagan tuwing gabi at kapag nagkakataon siya ay umuuwi siya dito sa pilipinas para makasama ako. "Ano? Makakauwi ka ba?" excited na tanong ko sa kanya habang katawagan ko siya. Bukas na ulit ang birthday ko at ito ang kauna-unahang pagkakataon na humil
last updateHuling Na-update : 2024-12-07
Magbasa pa

Kabanata 65: Vacation

KYLIE POV "Hello?" nakapikit na tanong ko kay Kim sa kabilang linya. "Are you ready?" masiglang tanong niya sa akin at rinig na rinig ko mula sa background niya ang ingay ng mga kaibigan namin. "What was happening?" nakapikit pa ring tanong ko sa kanya habang sapo-sapo ang nanakit kong ulo. "Duh! Earth to Miss Clarkson. Ngayon po ang lakad natin sa probinsiya nila Cedric. Nakalimutan mo na?" Isang pagod na ungol lamang ang aking itinugon sa sinabi niyang iyon. Papaano ko ba nakalimutan ang tungkol sa bagay na iyon? Fuck! "Pwede bang pass muna ako ngayon. May hangover pa kasi ako," sagot ko sa kanya na agad naman niyang tinutulan. "Shit! Kylie! Ikaw na lamang ang hinihintay namin. Nandito na kami ngayon lahat sa yate. Pack your things right now and make it fast! Pareho lang tayong lahat na may hangover noh. Hihintayin ka namin," malakas na sabi niya at hindi na hinintay pa ang sagot ko dahil agad na niya akong binabaan ng tawag. Shit! Kahit na labag sa loob ko ay mabilis akong
last updateHuling Na-update : 2024-12-09
Magbasa pa

Kabanata 66: Missing

ZAMRICK POV "What exactly happened?" tanong ko kay Duke habang malalaki ang hakbang na papasok sa elevator. "Ayon po sa nalaman ko ay umalis po si Miss Kylie sa bahay nila mga bandang alas 3 ng hapon upang sumama sa mga kaibigan niya papuntang Sorsogon. At habang nasa yate po sila ay bigla na lamang po sumabog ang kaliwang dulo ng yate. Ayon po sa imbestigasyon ay nagkaproblema po sa makina nito," balita ni Duke sa akin habang sinusundan ako papalabas ng kompanya. "Did anyone saw her before the accident happened? Bakit walang nakabantay sa kanya? Hindi ba dapat ay nakabuntot sa kanya si Carlos upang mabantayan siya? Ano bang ginagawa niya?!" sunod-sunod na tanong ko kay Duke habang papasakay na sa naghihintay na sasakyan. "Nakasunod po si Mr. Carlos sa kanya Sir. Pero hanggang pier lamang po siya dahil hindi po siya pinapasok ng mga security sa anak ng may-ari ng yate." Isang malutong na mura ang pinakawalan ko. Fuck! Fuck! Fuck! Kung umuwi na sana ako ay hindi na sana ito mangy
last updateHuling Na-update : 2024-12-10
Magbasa pa

Kabanata 67: Lost

KYLIE POV Malamig. Madilim. At ramdam ko sa aking mukha ang iilang patak ng ulan gayon din ay rinig na rinig ko rin ang tunog ng paghampas ng alon sa aking katawan. Mamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko? Nakakatakot. Natatakot akong mamatay sa ganitong klaseng paraan. Kakainin ba ako ng mga pating o magpapalutang lutang na lamang ba ang katawan ko dito sa karagatan. Muling nanlabo ang paningin ko at isang pag-igik ang aking pinakawalan nang makaramdam ako nang sobrang pagkasakit sa aking ulo. Ang aking natitirang lakas para sa aking paglangoy ay tuluyan ng nawala. At pakiramdam ko ay muli na naman akong nilamon ng tubig papunta sa pinakapusod ng karagatan. ( After 3 Years ) ZAMRICK POV "Please, Zamrick, tigilan mo na ang lahat ng ito! Kylie is dead! Hindi na siya babalik pa!" sigaw ni Mommy sa akin ng umuwi na naman akong lasing sa bahay namin. Marahan ko lang siyang sinulyapan at nakita ko pa si Leon sa kanyang likuran na tahimik lamang na nakatingin sa aming dalawa
last updateHuling Na-update : 2024-12-11
Magbasa pa

Kabanata 68: Blown Part 1

KAYE POV Nakatanaw ako ngayon sa napakalawak na karagatan at halos ramdam ko pa sa aking mukha ang pagdampi ng malamig na hanging amihan. Bawat paghampas ng alon dito sa baybayin ay talagang hindi ko mapigilan ang mapatulala. At habang nakatitig ako sa kawalan ay may kung ano sa akin ang kulang. Pakiramdam ko ay may napakahalaga at importanteng bagay sa akin ang nawawala at hindi ko alam kung ano ba ang bagay na iyon. Napabuntong hininga na lamang ako habang tinititigan ang papalubog na araw sa may kalayuan na dagat. Panibagong araw na naman ito sa akin. Tuwing hapon na talaga ako dito sa maliit na kubo at tulalang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa karagatan at ni hindi ko alam kung bakit ko ba ito palaging ginagawa. Wala sa sariling napahaplos ako sa aking suot na kwentas. Sino ba talaga ako? Bakit nararamdaman ko ang lahat ng mga nakakalitong bagay na ito sa buhay ko? "Ate Kaye!!! Ate Kaye!!" Napalingon ako sa bandang kanan ko at doon nakita ko si Timothy na tumatakbo sa
last updateHuling Na-update : 2024-12-12
Magbasa pa

Kabanata 69: Blown Part 2

KYLIE POVMarahan akong pumasok sa maliit na gate ng bakod na gawa sa patpat ng mga kawayan. At tsaka dahan-dahang umakyat sa may kaliitan at iilang baitang ng balkonahe nitong bahay. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaakyat ay agad nang nakatayo si Kapitan at dali-dali akong inalalayan papaakyat sa balkonahe."Salamat po, Kapitan," marahang anas ko sa kanya ng tuluyan na akong nakaakyat.Isang ngiti ang kanyang iginawad sa akin."Huwag mo na akong pino po, Kaye," ngiti niya at naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kaliwang kamay na hawak-hawak niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinilabutan sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay hindi ito pwede at para bang may kung ano sa loob ko ang nagsasabi sa akin na may kung sino man ang magagalit sa ginawa niyang iyon sa akin.Mabilis pa sa alas kwatro kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kanya."Mang Roque, pasensya na po at natagalan na naman ako sa
last updateHuling Na-update : 2024-12-13
Magbasa pa
PREV
1
...
345678
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status