ZAMRICK POV "Good afternoon po Sir Zamrick," bati ng isang kasambahay ng makita niya akong papasok sa loob ng bahay namin. Itinaas ko lang ang isang kamay ko sa kanya habang dere-deretso akong tumungo sa study room ni daddy. "Oh! Hijo, nandito ka na pala," baling ni daddy sa akin ng makapasok ako sa study room niya. He was sitting in front of his table while wearing his reading glasses. Kapansin pansin ang iilang mga papeles na nasa ibabaw ng lamesa niya. "Nandito lang po ako para kumuha ng iilang mga damit," I said while still standing at the door. Tumango-tango naman siya sa akin na para bang wala lang sa kanya iyon. "So your still staying at the Clarkson's huh? Hindi ko talaga maintindihan kung bakit doon mo pa napiling makituloy, hijo. Nakakahiya sa pamilya nila ang ginagawa mo," naiiling niyang sabi habang inaayos ang salamin na suot niya. Hindi ko siya sinagot at tinalikuran ko lang siya pero napatigil rin nang muli na naman siyang magsalita. "She's young, hijo. Ilang ta
Last Updated : 2024-10-29 Read more