ZAMRICK POVMatapos ang usapan namin ni Leon sa harapan ng study room ni daddy ay tumulak na ako sa silid ko. Kumuha ako ng iilang mga damit dahil kakaonti lamang ang aking naibaon sa bahay nila Kylie. Hindi na rin ako pumunta pa sa condo unit ko at dito na lamang ako dumeretso. Medyo matagal na rin kasi noong huli akong makauwi dito.Nasa kalagitnaan na ako ng pag-iimpake ko nang makatanggap ako ng isang mensahe galing mismo sa parents ni Kylie.Napatigil ako sa aking ginagawa at napakagat labi ng mabasa ko ang mensahe ni Tita sa akin. Ilang segundo rin akong napaisip at natigil lamang ang pag-iisip na iyon nang tumunog ang hawak kong cellphone. Nakita kong ang assistant secreatry ko pa lang si Lena ang tumatawag."Hello, Lena. What is it?" bungad na sagot ko sa tawag niya at tinungo ang teresa dito sa silid ko.[ Hello, Sir. Pasensya na po at napatawag po ako. May kinakilangan lang po kasi kayong malaman tungkol sa proyekto natin sa Makati. May kaonti lang po kasing problema regardi
KYLIE POVIlang araw na rin ang nakalilipas simula nang makauwi sila mommy at daddy rito sa bahay. At sa mga ilang araw rin na iyon ay bumalik sa dati ang takbo ng aking buhay. Though may mga pagkakataon na naiisip at naaalala ko na lamang bigla si Zamrick. Pero mabilis ko rin agad iyong iwinawaglit sa isipan ko.Simula kasi nang makabalik rin sila mommy at daddy rito ay hindi ko na siya nakita at nakausap pa. Tumigil na rin siya sa pagsundo sa akin sa school. Ni hindi pa nga niya nakukuha iyong mga damit niya rito sa bahay. I wonder kung ano na nga ba ang ginagawa niya ngayon? Kung ano na ba ang pinagkakaabalahan niya at ni hindi manlang siya tumawag o kumamusta manlang sa akin.Damn!Ano ba itong mga iniisip ko? At bakit naman niya ako kakamustahin? Ni hindi niya nga ako girlfriend para gawin niya ang mga bagay na iyon sa akin.Pababa na ako ng hagdan dahil may lakad ako ngayon kasama si Kim nang makita ko si mommy sa sala. Nakakunot ang kanyang noo habang may kausap siya sa kanyang
KYLIE POV Nang makababa na ako sa aking sasakyan ay agad na sumalubong sa akin ang site manager. Siguro ay tinawagan na siya ni daddy na darating ako ngayon. Alam ko na agad ang mga sasabihin niya sa akin kaya mabilis ko na siyang pinigilan sa kanyang pagtatangkang pagsasalita. "Ang mabuti pa ay samahan mo na lang ako sa paghatid ng folder na ito sa opisina ni Daddy. Ayaw kong mapagalitan ako ni mommy dahil lang sa hindi ako mismo ang nag-abot nito sa ama ko," agad na sabi ko sa kanya. Mukhang nakuha naman niya agad ang ibig kong sabihin dahil agad niyang iginiya sa akin ang daan papaakyat sa tamang palapag na kinaroroonan ni Daddy. "Walang problema, hija. Pero mas mabuti pang suotin mo na rin itong hard hat habang naririto ka," sabay bigay niya sa isang kulay yellow na hard hat sa akin. Agad ko naman iyong inabot tsaka sinuot habang naglalakad kami papasok sa isang elevator. "Ano bang ginagawa ni Daddy ngayon? May meeting ba siya?" tanong ko sa kanya habang nililibot ko ng ting
KYLIE POV "What are you doing here?" he suddenly asked with his distinctive deep voice. "Uhm.." anas ko lang at itinaas ang hawak-hawak kong folder sa harapan niya. Hindi ko kayang makipag-usap sa kanya kaya mabilis kong binalingan ng tingin ang site manager na tahimik lang sa isang tabi. "Shall we?" tanong ko rito. "Yes, Miss Clarkson. This way please," untag niya at nauna na sa paglalakad. Tahimik kong tinalikuran si Zamrick at sumunod sa naunang site manager. Lumiko kami sa isang pasilyo at nakita ko siyang huminto sa harapan ng isang nakasarang pintuan. "Thank you," pakli ko sa site manager at tsaka ko pinihit ang siradora ng pintuan. Unang bumungad sa akin ay ang walang taong sofa. Ibinaling ko ang aking mga mata sa may kaliwa at doon nakita ko si daddy na may katawagan sa kanyang cellphone. Hinintay ko siyang matapos at nang bumaling siya sa pwesto ko ay mukhang nagulat pa siya na naririto na ako. "Nandito na siya. Oo, kararating niya lang. Ok, I love you." Napairap a
KYLIE POV "What the hell! What are you planning to do now huh?! You-" napasinghap ako at napatigil sa pagsasalita nang deretso niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. I just caught off guard about that stance of him. Gulat ko siyang tinitigan sa kanyang mga mata at nang makabawi ay itinulak ko siya sa kanyang dibdib palayo sa akin. Pero napamura lamang ako nang humigpit ang pagkakahawak niya sa aking baywang dahilan para mas lalo lamang akong mapadikit sa kanya. "Ilang beses ko na bang sinabi sa iyo Miss Clarkson na bawal ka dito. Pero heto ka na naman at parang namamasyal lang sa lugar na ito," bigkas niya na halos ramdam ko na ang kanyang hininga sa balat ko dahil sa sobrang lapit. Napalunok ako at tahimik na ipinakalma ang aking sarili sa nangyayaring ito. Itinagilid ko ang aking mukha at halos mapaliyad na ako para lang maiwasan ang kanyang pagkakalapit sa aking mukha. "What the hell are you talking about, Zamrick! Akala mo ba gusto kong magpunta dito? Nautusan lamang ako
KYLIE POV Dahil sa hindi ko nga matanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko kaya ang ginagawa ko na lang ay ang apakan ng buong lakas ang paa niya. Naging effective naman iyon dahil lumayo siya sa akin at binitiwan niya ako. "Ouch! Fuck! Fuck! Fuck!" malulutong na mura niya habang paika-ika sa paang inapakan ko. Galit niya akong binalingan ng tingin na ikinataas naman ng kilay ko. "I'm maybe seventeen, yes! But I'm more matured than the any girls at your age. Sakatunayan nga ay mas maganda pa ako sa mga babaeng nakapaligid sa iyo. And I am sure of that!" Kitang-kita ko ang gulat at may halong iritasyon sa mga mata niya. His dark brown midnight eyes glinted, as if something inside of him snapped. "Then maybe your right. And you are just using that assets of your's just to prove yourself that you were right!" Napakurap-kurap ako sa sinabi niya. Bakit pakiramdam ko ay may kung ano akong natamaan sa kanya na sobrang ikinagalit niya. Umayos siya ng tayo tsaka ako malamig na ti
KYLIE POV"Ayos ka lang ba, Kylie?" tanong ni Kim sa akin nang mapansin niya ang malalim kong pag-iisip.Muli akong napabuntong hininga bago ko siya tuluyang sinagot."Hindi ako okay, Kim. Ang totoo kasi niyan ay nagtalo kasi kami ni Zamrick kanina sa construction site," pag-amin ko sa kanya.Naging kuryuso naman siya kaya ikwenento ko sa kanya ang lahat ng mga nangyari kanina."Alam mo satingin ko lang ay hindi lang kayo nagkaintindihang dalawa. Bakit naman kasi sa dinami dami ng mga maaari mong sabihin ay iyon pa ang napili mo? Malamang sa malamang na iba ang interpretasyon niya sa mga salitang iyon dahil mas matured siya sa iyo Kylie," sabi niya matapos kong maikwento sa kanya ang lahat.Inaamin ko naman sa sarili ko na talagang nagkamali nga ako sa mga sinabi ko sa kanya kanina. Kaya nga ako nahihiya sa sarili ko diba!"Hayysss! Ewan ko ba Kim. May pagkamatigas din naman kasi ang ulo niya kung alam mo lang-"Natigilan ako sa pagsasalita ng mapansin ko ang kakaiba niyang tingin sa
KYLIE POV "I'm sorry, but we are not interested about your offer, Sir," sabi ko sa kanya ng seryoso. "Naku! Sayang naman hija. Sayang ang ganda mo at ang opportunity na ito para sa iyo. Sa nakikita ko sa iyo ay malayo ang mararating mo." Isang pekeng ngiti ang ibinigay ko sa kanya dahil sa litanya niyang iyon. Alam ko ang galawan sa modelling industry. Kapag wala kang kapit sa itaas ay hindi ka basta-basta nakukuha o nakakapasok. "I'm sorry but do we looked like a an easy and normal girls to you?" sabay lapag ko sa mamahaling purse bag ko sa gilid ng mesa. Sumunod naman ang tingin niya roon at nakita ko pa kung papaano umusli ang ngiti ni Kim sa ginawa kong iyon. Sumandal ako sa aking upuan at tsaka humalukipkip. Gulat naman siyang tumingin sa akin na ikinataas ng kilay ko. "Ohh! I'm sorry ladies. My bad, excuse me," nagmamadaling alis niya sa mesa namin. Sakto namang nakalapit na ang waiter na may dala ng aming mga pagkain na inorder namin ni Kim. "Ang sama talaga ng ugali m
KAYE POVPagkatapos ng mga nangyari kanina ay minabuti na muna ni Nanay Neneth na pauwiin ako sa bahay. Hindi pa sana ako papayag nang ipagpilitan niya sa akin ang gusto niya dahilan para sundin ko na lamang nga siya.Marahan kong hinubad ang suot kong apron at tsaka ako nagpunas ng aking mga kamay."Sigurado po ba talaga kayo na ok lang po kayo dito mag-isa Nanay Neneth?" paniniguradong tanong ko sa kanya."Ok lang naman po sa akin na samahan po kayong magbantay dito Nay. Hindi ko naman po masyadong pinapansin ang mga sinasabi ng mga kaibigan niyo po sa akin," dagdag ko pa.Mabilis naman siyang umiling-iling sa akin. At inabutan ako ng 500 pesos sa aking kaliwang kamay. Nagtatakang napatitig naman ako sa halagang iyon."Ok lang ako dito Kaye at tsaka isa pa ay mas mabuti na rin na mauna ka nang umuwi at nang makapag pamalengke ka na rin para sa hapunan natin mamayang gabi," mahabang sabi niya sa akin."Ok po," sagot ko na lamang sa kanya at tsaka na nagpaalam na aalis na.Lumapit ako
KAYE POVAbala ako sa pagpapaypay ng aming mga paninda nang may isang kostumer ang lumapit sa harapan ng mga paninda namin. At base sa itsura at postura ng suot nito ay mukhang turista pa ito."How much?" tanong nito sabay turo sa kumpol ng mga isdang tulingan na nakadisplay."280 per kilo sir," agad na sagot ko rito."How about this one? Is this new?" turo na naman nito sa ibang kumpol ng mga isda."This one is cost 250 per kilo sir. And yes it is new and still fresh. My father caught all of this early in this morning," tuloy-tuloy na sagot ko sa turistang kaharap.Nakita kong napatitig ito sa akin na tila ba manghang mangha siya sa akin."Ok then, I want to buy this one. Just a half of kilo if it is okay with you Miss?" nakangiting sabi nito sa akin."Sure!"Mabilis akong kumuha ng isang supot at agad na tinimbang ang isdang napili niya at nang maibigay ko ito sa kanya ay agad naman siyang nagbayad sa akin ng tamang halaga."You know I've been always here in Matnog and this is the v
ZAMRICK POV"Kuya," tawag ni Leon sa akin na kararating lang.Deretso siyang naupo sa upuang nasa harapan ko at marahan niyang sinuyod ng tingin ang buong lugar."Anong gusto mong sabihin sa akin, Kuya?" tanong niya sa akin.Nagtawag siya ng waiter para sa order niyang alak.Nandito kami ngayon sa isang nightclub. Kahapon kasi ay tinawagan ko siyang makikipagkita ako ngayon sa kanya at may importante akong dapat na sasabihin sa kanya."May pabor aka sa iyo, Leon," bigkas ko habang prenteng nilalaro ang alak na laman ng aking baso.Mukhang nakuha ko naman ang buong atensyon niya dahil agad na kumunot ang kanyang noo sa akin."What is it?" seryosong tanong niya sa akin.Dumating ang inorder niyang alak at nang matapos itong mailapag ng waiter sa mesa namin ay tsaka lang ako nagpatuloy."I need a break. Alam mo na ang ibig kong sabihin Leon," pakli ko tsaka marahas na tinunga ang aking alak.Marahan naman siyang tumango tango sa akin na tila ba naiintindihan niya ang ibig kong sabihin."
ZAMRICK POV "What is happening to you Zamrick?! Hindi ka naman dating ganito ahh? Sa nakalipas na tatlong taon ay wala ka nang ibang ginawa kundi ang pagtuunan ng pansin ang paghahanap kay Kylie! Nakamove on na ang lahat hijo. Ikaw na lamang ang hindi!" Biglaang sabog ni Mama sa akin nang maabutan niya ako dito sa condominium ko na lasing. Sahalip na lingunin siya ay inabot ko na lamang ang isang bote ng alak. Nagkalat dito sa sala ang mga bote ng alak na ininom ko kung kaya'y ganoon na lamang ang biglaang galit niya sa akin. Tss! Who cares anyway? Akmang iinumin ko na ito nang marahas niyang inagaw sa akin ang boteng hawak ko at pagalit na inilagay ito sa mini table na naririto. "Pwede bang tumigil ka na, anak!" sigaw niya sa akin at nagsimula na siyang umiyak. Ayaw na ayaw ko siyang nakikitang umiiyak pero anong magagawa ko? Kung ako nga mismo ay nasasaktan at nagdurusa rin sa kaloob-looban ko. "This is not you, son. Please, bumalik ka na sa dati. Ibalik mo ang dati
KAYE POV Mabilis akong inalalayan ni Kapitan at agad niya akong inilayo doon tsaka ipinaupo ako sa upuan. "Masakit ba? Tingnan ko nga," anas niya at agad na inabot ang aking kamay na napaso. "O-ok lang ako. Hindi naman ganoon ka lala ang nangyari sa akin," sabay bawi ko sa kamay na hawak-hawak niya. Halos sabay pa kaming dalawa na napatingin sa bukana ng kusina nang pumasok sina Nanay Neneth at Mang Roque doon. Maging ang mga baranggay tanod ay nakasunod sa kanila. "Anong nangyari, Kaye? Narinig namin ang pagsigaw mo. Ok ka lang ba?" sunod-sunod na tanong ni Nanay Neneth sa akin at kaagad akong nilapitan. Mabilis namang gumilid si Kapitan upang mabigyang daan si Nanay Neneth sa akin. "Ok lang po ako, Nay. Napaso lamang po ako," sabi ko sa kanya at nilingon sina Mang Roque. "Pasensya na po sa abala at napasugod pa po tuloy kayo rito sa kusina. Pasensya na po talaga," hinging paumanhin ko sa kanilang lahat. "Naku! Sobrang pula na ng kamay mo, Kaye. Halika sa sala at nang malagya
KAYE POV "Kapitan, a-anong pong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ko sa kanya. Marahan siyang ngumiti sa akin at humakbang papalapit sa akin. Napatingin naman ako sa ginawa niyang iyon. "Sinabi ko na sa iyo, Kaye. Huwag mo na akong pino po. Magkaising edad lang naman tayong dalawa," ngiti niya at deretso akong tinitigan sa aking mga mata. Napalunok ako at agad na nakaramdam nang pagkaasiwa sa kanya. Bakit ba siya ganyan? Hindi niya ba napapansin na iniiwasan ko nga siya? Hindi niya ba napapansin na hindi ako komportable sa mga ginagawa at ipinapakita niya sa akin. "Pwede bang tulungan na kita diyan sa mga ginagawa mo, Kaye?" tanong niya sa akin tsaka tumabi sa akin at tiningnan ang mga gulay na nasa mesa. "Ahmm..." litong anas ko at hindi na ako nakaangal pa nang abutin niya ang isang sibuyas at sinimulan nang balatan at hiwain iyon. Kahit na naiilang ay hindi na ako umimik pa at hinayaan na lamang siyang gawin ang gusto niya. "Ahm..Kaye, malapit na ang pista rito sa bayan n
KYLIE POVMarahan akong pumasok sa maliit na gate ng bakod na gawa sa patpat ng mga kawayan. At tsaka dahan-dahang umakyat sa may kaliitan at iilang baitang ng balkonahe nitong bahay. Hindi pa nga ako tuluyang nakakaakyat ay agad nang nakatayo si Kapitan at dali-dali akong inalalayan papaakyat sa balkonahe."Salamat po, Kapitan," marahang anas ko sa kanya ng tuluyan na akong nakaakyat.Isang ngiti ang kanyang iginawad sa akin."Huwag mo na akong pino po, Kaye," ngiti niya at naramdaman ko ang marahan niyang pagpisil sa aking kaliwang kamay na hawak-hawak niya.Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lamang akong kinilabutan sa ginawa niyang iyon. Pakiramdam ko ay hindi ito pwede at para bang may kung ano sa loob ko ang nagsasabi sa akin na may kung sino man ang magagalit sa ginawa niyang iyon sa akin.Mabilis pa sa alas kwatro kong binawi ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak at dali-dali akong nag-iwas ng tingin sa kanya."Mang Roque, pasensya na po at natagalan na naman ako sa
KAYE POV Nakatanaw ako ngayon sa napakalawak na karagatan at halos ramdam ko pa sa aking mukha ang pagdampi ng malamig na hanging amihan. Bawat paghampas ng alon dito sa baybayin ay talagang hindi ko mapigilan ang mapatulala. At habang nakatitig ako sa kawalan ay may kung ano sa akin ang kulang. Pakiramdam ko ay may napakahalaga at importanteng bagay sa akin ang nawawala at hindi ko alam kung ano ba ang bagay na iyon. Napabuntong hininga na lamang ako habang tinititigan ang papalubog na araw sa may kalayuan na dagat. Panibagong araw na naman ito sa akin. Tuwing hapon na talaga ako dito sa maliit na kubo at tulalang pinagmamasdan ang papalubog na araw sa karagatan at ni hindi ko alam kung bakit ko ba ito palaging ginagawa. Wala sa sariling napahaplos ako sa aking suot na kwentas. Sino ba talaga ako? Bakit nararamdaman ko ang lahat ng mga nakakalitong bagay na ito sa buhay ko? "Ate Kaye!!! Ate Kaye!!" Napalingon ako sa bandang kanan ko at doon nakita ko si Timothy na tumatakbo sa
KYLIE POV Malamig. Madilim. At ramdam ko sa aking mukha ang iilang patak ng ulan gayon din ay rinig na rinig ko rin ang tunog ng paghampas ng alon sa aking katawan. Mamatay na ba ako? Ito na ba ang katapusan ko? Nakakatakot. Natatakot akong mamatay sa ganitong klaseng paraan. Kakainin ba ako ng mga pating o magpapalutang lutang na lamang ba ang katawan ko dito sa karagatan. Muling nanlabo ang paningin ko at isang pag-igik ang aking pinakawalan nang makaramdam ako nang sobrang pagkasakit sa aking ulo. Ang aking natitirang lakas para sa aking paglangoy ay tuluyan ng nawala. At pakiramdam ko ay muli na naman akong nilamon ng tubig papunta sa pinakapusod ng karagatan. ( After 3 Years ) ZAMRICK POV "Please, Zamrick, tigilan mo na ang lahat ng ito! Kylie is dead! Hindi na siya babalik pa!" sigaw ni Mommy sa akin ng umuwi na naman akong lasing sa bahay namin. Marahan ko lang siyang sinulyapan at nakita ko pa si Leon sa kanyang likuran na tahimik lamang na nakatingin sa aming dalawa