Napakapit ako sa suot kong makapal na jacket nang biglang umihip ng malamig na hangin. Pisil ni Dark ang kamay ko, kaya napalingon ako sa kanya. Nakatingin pa rin siya sa harap namin, kung saan naroon ang isang maaliwalas at gawa sa kahoy na chalet. Ang chalet na iyon ay mistulang nagniningning sa gitna ng mga niyebeng bundok, at bawat detalye nito ay nagpapatingkad sa ganda ng paligid. Sa mga balkonahe, may mga intricate na ukit na nagbibigay ng kakaibang alindog habang matatanaw mo ang tahimik at malamig na tanawin sa paligid.Tulad ko, alam kong nagulat si Dark, at sabik na rin siya sa kung ano ang maaari naming matuklasan. May halong kaba, pag-aalinlangan, at katanungan sa aming mga isipan, ngunit hindi maitatanggi ang pananabik na nararamdaman niya.Napansin niyang nakatitig ako sa kanya, kaya nginitian niya ako bago ako hinalikan sa noo. Ramdam ko ang init at pagmamahal sa bawat haplos niya, isang uri ng kasiguraduhan sa kabila ng hindi namin alam na sitwasyon."I'm confused and
Last Updated : 2024-11-02 Read more