Madilim, malalim, at malamig ang mga tingin na binababto ni Dylan kay Casey habanag naka harang pa rin ang lalake sa pinto. Tila dumaloy naman sa mga ugat ni Casey ang mga tingin nito ngunit niya yon pinahalata at pilit pa rin na itinulak ang kaniyang sarili palabas ng banyo ngunit agad na naman humarang si Dylan, dahilan kung bakit kunot-noong inangat ni Casey ang kaniyang tingin sa lalake."Ano ba? Sa kabila ang men's comfort room, bakit ka ba andito?" saad ni Casey, puno ng iritasyon ang kaniyang boses.Hindi pa rin natitinag ang ekspresyon ng lalake at nag simulang mag salita, "Natutuwa ka ba, ha? Natutuwa ka ba sa gulo na ginagawa mo, Cassandra?" giit nito.Natawa si Casey, mayo halong inis sa kaniyang boses, "Ano ba ang pinagsasabi mo dyan? Sino ba ang nanggugulo sa ating dalawa? Ako ba ang lapit nang lapit, ha?" sagot ni Casey.Ito ang hindi niya maintindihan sa mga kinikilos ng lalake. Kating-kati ito noon na makipag hiwalay sa kaniya ngunit kabaliktaran naman ang ginagawa nit
Last Updated : 2025-01-25 Read more