Hindi alam ni Casey ang pwede niyang maramdaman. Hindi siya mapakali sa mga pwedeng mangyari nang dahil sa binabalak ni Lincoln. Wala naman ito sa kaniyang plano. Wala ring sinabi ang lalake na may plano ito ngayong gabi. Parang gusto niya nalamang palayo sa lugar na ito. Tila nagsisisi na siya sa kaniyang mga desisyon.Nang mapansin ni Lincoln ang ekspresyon ng babae ay mas lumapit siya rito at binigyan ito ng ngiti, "Huwag ka mag-alala. Mag tiwala ka lang sa akin, Cassandra," saad nito.Huminga nang malalim si Casey habang naka tingin pa rin sa lalake. Ramdam niya naman ang sinsiridad sa boses nito ngunit may kaba pa rin sa kaniyang loob. Kahit papaano ay tama naman si Lincoln. Nakarating na si Casey sa ganitong pagkakataon, wala na siyang dahilan upang takasan at pag taguan ito. Ano pa ba ang kinakatakutan niya? Sino pa ba ang dapat na sumindak sa kaniya? Nasaktan na siya nang sobra at napahiya sa maraming tao. Hanggang kelan pa ba siya mag tatago sa dilim?Samantala, malawak nama
Tila binalot naman ng kaba at excitement ang lahat ng mga bisita. Kinakabahan dahil kapag nabunot sila ay haharap at mag sasalita sila sa maraming tao, at na e-excite rin sa parehong dahilan. Karamihan kasi sa kanila kahit mayayaman ay unang beses maranasan ang ganitong klase ng pakulo sa isang party, biglaan at hindi nakapag handa. Syempre ayaw naman nila mag mukhang tanga sa harapan ng mga malalaking personalidad na andito sa party.Habang si Casey ay naka tingin pa rin kay George na namimili ng papel sa loob ng fish bowl. Umiling si Casey ay winaglit ang lahat ng mga negatibong pangyayari sa kaniyang utak. Mas pipiliin niya na lamang na pagkatiwalaan si Lincoln sa binabalak niya. Hindi naman siguro siya ipapahamak nito. Bumuga siya ng hangin at nilingon si Lincoln, "Mag r-retouch lang ako sa banyo," saad niya sa lalake at aalis na sana ngunit hinawakan siya nito sa kaniyang braso dahilan upang mapahinto siya at tinignan ito.Sinalubong naman ni Lincoln ang tingin ng babae at malam
Madilim, malalim, at malamig ang mga tingin na binababto ni Dylan kay Casey habanag naka harang pa rin ang lalake sa pinto. Tila dumaloy naman sa mga ugat ni Casey ang mga tingin nito ngunit niya yon pinahalata at pilit pa rin na itinulak ang kaniyang sarili palabas ng banyo ngunit agad na naman humarang si Dylan, dahilan kung bakit kunot-noong inangat ni Casey ang kaniyang tingin sa lalake."Ano ba? Sa kabila ang men's comfort room, bakit ka ba andito?" saad ni Casey, puno ng iritasyon ang kaniyang boses.Hindi pa rin natitinag ang ekspresyon ng lalake at nag simulang mag salita, "Natutuwa ka ba, ha? Natutuwa ka ba sa gulo na ginagawa mo, Cassandra?" giit nito.Natawa si Casey, mayo halong inis sa kaniyang boses, "Ano ba ang pinagsasabi mo dyan? Sino ba ang nanggugulo sa ating dalawa? Ako ba ang lapit nang lapit, ha?" sagot ni Casey.Ito ang hindi niya maintindihan sa mga kinikilos ng lalake. Kating-kati ito noon na makipag hiwalay sa kaniya ngunit kabaliktaran naman ang ginagawa nit
Nang mapansin ang seryosong tingin ni Dylan sa harap ay agad naman hinanap ni Suzane kung ano ito. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita si Casey na nakatayo ngayon sa stage. Iniisip niya kung ano ang balak sabihin ni Casey sa lahat.Napalingon muli si Suzane kay Dylan na hindi pa rin inaalis ang tingin sa babae. Halata naman na hindi si Dylan ang may pakana nito. Ang tanging tao lamang na pwedeng gawin posible ang magkakasampa ni Casey sa stage ay si Lincoln. Nilipat ni Suzane ang kaniyang tingin kay Lincoln at nakangiti ito habang nakatingin din kay Casey.Iniisip ni Suzane kung ano kaya ang binabalak niya? Nabalot siya ng kuryusidad. Sigurado siyang hindi ito gagawin ni Lincoln upang magkaroon ng kaayosan sa pagitan ni Dylan at Casey, sa halip ay mas nais nga ni Lincoln na mapalapit sa kaniya si Casey upang tuluyan ng kamuhian ng babae si Dylan. Kaya walang mahanap na dahilan si Suzane kung bakit ginagawa ito ni Lincoln.Nagsimula namang kumabog ang puso ni Suzane. Umaasa siya
Lahat ay sabay-sabay na napasinghap sa sinabi na yon ni Casey, nanlaki ang kanilang mga mata sa gulat. Namuo muli ang mga bulong-bulungan sa mga bisita at tila hindi pa rin sila makapaniwala sa kanilang narinig,"Oh my gosh... totoo ba to?""Paano nangyari yon?""Hala... kelan pa?"Samot-sari ang mga komento ng mga bisita. Napakarami nilang tanong na nais sana nilang masagot ni Casey ngunit hindi ito kayang isa-isahin ng babae. Nagsimula na ang mga bisita lingunin ang pwesto na kinaroroonan ni Dylan upang makita ang reaksyon nito.Inaasahan ng halos sa mga bisita ay lilinawin ni Casey ang issue sa pagitan nila ni Lincoln ngunit nagulat sila nang mas mabigat itong binalita sa harap ng maraming tao.Hindi manlang nag dalawang isip si Casey nang sabihin niya yon at kahit mautal ay hindi nangyari sa kaniya. Sa pagkakataon na ito ay tuluyan na nga niyang winakasan ang relasyon na meron sila na Dylan na hindi lamang sa papel, kung hindi sa mata rin ng maraming tao. Nang sabihin ang balitan
Sa ngayon ay mas mahalaga muna para kay Mr. Romualdez ang kontrata na pinirmahan ni Lincoln. Ngayon ay naiintindihan niya na ang lahat ng mga nangyayari. Sadyang may kapalit ang mga eksenang nangyari ngayong gabi. Tunay nga na hindi dapat maliitin ng kung sino man si Lincoln dahil kakaiba ito kumilos patalikod.Mariing ngumiti si Lincoln kay Mr. Romualdez, puno ng respeto, "Nag enjoy ako sa party mo ngayong gabi, Mr. Romualdez, ngunit hanggang dito na lamang kami dahil maagang nag aantay sa akin bukas ang mga gagawin ko. Babawi na lamang ako sa susunod na birthday ninyo," muling paalam ni Lincoln.Ngumiti naman pabalik si Mr. Romualdez, "I understand. Salamat at naglaan kayo ng inyong oras upang makadalo rito ngayong gabi. Salamat din sa pag tanggap ng proposal ko, Mr. Ybañez. I never thought you woukd change your mind.""Maliit na bagay, Mr. Romualdez. Mauuna na ho kami," sagot ni Lincoln at tinanguan naman siya ni Mr. Romualdez.Nagsimula na mag lakad ang dalawa palabas sa exit. Nan
Gustuhin man ni Casey na makipag kwentuhan sa kaibigan ay masyado na siyang pagod ngayon gabi, "Medyo pagod na rin ako e. Sa susunod na nalang," sagot niya."Oh sige, mag pahinga ka na agad pag uwi mo ha. Kapag may problema, huwag ka mag dadalawang isip na tawagan ako," sambit ni Daisy.Napangiti naman si Casey, "Oo naman. Pero sa ngayon, mag-iingat ka dyan," sagot niya saka binaba ang tawag.Muling bumalik ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Habang nag mamaneho ay pasimpleng nilingon naman ni Lincoln si Casey. Gustuhin niya man na kamustahin ito ay ayaw niya namang ipaalala sa babae ang mga pangyayari sa party. Base kasi sa mukha nito ay parang pagod na pagod ito ngayong gabi at gusto na lamang umuwi nang hindi pinag-uusapan ang mga nangyari. Tinuon na lamang ni Lincoln ang kaniyang atensyon sa kalsada at maingat na nag maneho hanggang sa makarating sila sa condo ni Casey. Dito raw muna siya mananatili ngayong gabi upang makasiguro siya na hindi siya matatagpuan ni Dylan kung sakali
Matapos ang ilang minutong biyahe ay nakarating na rin si Casey sa mansyon ng mga Almendras. Nang makita mula sa labas ang mansyon ay samot-saring mga alala ang tila bumubulong sa pagkatao ni Casey ngunit agad niya itong winaglit at lumabas na mula sa grab car. Hindi naka lock ang gate kaya inaasahan na talaga ng lahat ang pag dating ni Casey. Binuksan niya ito pumasok na sa loob. Tatlong kasambahay agad ang sumalubong sa kaniya. Ang mga tingin nila ang makahulugan na tila pati sa kanila at nakarating na rin ang balita. Kahit pa nararapat na hindi umabot sa social media ang nangyaring birthday celebration ni Mr. Romualdez ay imposible pa rin na hindi ito kumalat. Malaya ang mga bisita gumamit ng kanilang cellphone at kumuha ng mga litrato sa party, at kahit na walang mag tangka na mag post nito sa online at mabilis pa rin kakalat ang balita na parang nagbabagang apoy.At dahil doon ay sumagi naman muli sa isip ni Casey ang presensya ni Suzane sa party. Alam niya ang binabalak ng baba
Patuloy na lumipas ang oras, bawat sandali ay dumudugtong sa susunod habang abala sina Casey at ang kanyang mga kaibigan sa kani-kanilang gawain. Sa kabila nito, patuloy ang kanilang komunikasyon sa kanilang apat na taong group chat.—Daisy: [Nahanap ko na si Leon Hernandez! Kinausap ko siya sandali at sinabi ko ang lahat. Mukhang natuwa siya at gusto niyang makipagkita kay Steph sa pamamagitan ko!]—Stephanie: [Salamat! May progress na rin ako sa pamilya ko. Tuwang-tuwa ang tatay ko nang marinig niyang bukas na ako sa kasal, kaya naging mas maalaga siya sa akin. Maging ang nanay ko, malaki ang ipinagbago ng ugali. Sana lang totoo ang pakikitungo nila sa akin…]—Daisy: [Huwag kang masyadong malungkot! Minsan, kailangan nating gawin ang mga bagay na labag sa loob natin. Sigurado akong may dahilan din ang mga magulang mo. Pero ang mahalaga, iniisip mo rin ang sarili mo! Lahat tayo, patungo sa mas magandang direksyon, ‘di ba?]—Stephanie: [Oo nga, naiintindihan ko.]—Casey: [Nakilala ko
Nakaupo si Suzanne sa sofa, masayang humuhuni habang nagbabasa sa kanyang cellphone. Halatang maganda ang kanyang mood.Napansin ito ng kanyang ina, si Regina, kaya lumapit siya at naupo sa tabi ng anak. “Mukhang ang saya-saya mo ngayon. May magandang nangyari?” tanong niya na may halong pagtataka.“Siyempre, Mom! Nakahanap ako ng perpektong regalo para sa lola ni Dylan!” sagot ni Suzanne, kumikislap ang mga mata sa tuwa.Tumaas ang kilay ni Regina, bahagyang napailing. “Tingnan mo nga ‘tong anak ko, sobrang saya lang dahil sa isang regalo.”Napangiti si Suzanne, may bahagyang kapilyahan sa kanyang ekspresyon. “Hindi lang naman dahil sa regalo ‘to, Mom!”“Oh?” Naging mas interesado si Regina at lumapit pa nang bahagya.Ipinakita ni Suzanne sa kanyang ina ang litrato ng regalong napili niya sa kanyang cellphone. “Ano sa tingin mo?”Napanganga si Regina sa ganda ng nakita niya. “Wow, ang ganda! Napaka-elegante! Alam ko na mahilig sa jade ang lola ni Dylan.”Napangiti nang malapad si Suz
Ngumiti si Casey nang bahagya at iniabot kay Grace ang isang stack ng mga litrato nang hindi nagsasalita.Kumunot ang noo ni Grace habang kinukuha ang mga larawan, at sa sandaling makita niya ang nilalaman nito, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Mabilis niyang binaliktad ang ilang pahina, ngunit nang makita ang ilan pang larawan, hindi na niya nakayanan. Ibinagsak niya ang mga ito sa mesa, bakas sa mukha ang inis at pagkagulat.“Hindi ibig sabihin nito na totoo na ang lahat!” mariing sabi niya, halatang hindi makapaniwala.Tumango si Casey, tila hindi naapektuhan sa naging reaksyon ni Grace. “Kung nag-aalinlangan ka, bakit hindi mo ako samahan mamaya? Matutulungan kitang alamin ang totoo.”Lalong dumilim ang mukha ni Grace sa suhestiyon at agad niyang iniling ang ulo bilang pagtanggi.Nagpatuloy si Casey sa mahinahong tono, “Napansin mo na ba ang mga nagte-trending sa social media? Ang pamilya Hernandez at ang pamilya Gorneo ay nagpaplanong magkaisa sa pamamagitan ng kasal, pero
Tumango si Casey nang may kumpiyansa at mabilis na nagbigay ng mga gawain sa kanilang tatlo. Biglang lumiwanag ang mukha ni Stephanie, sabik na sumigaw, “Okay! Uuwi na ako! Kailangan kong humingi ng tawad sa mga magulang ko!”Napangiti si Daisy, halatang excited. “Kung gano’n, pupuntahan ko na agad si Bryan!”Ngumiti rin si Casey, puno ng tiwala. “Sige, pupuntahan ko naman ang babaeng ‘yon.”Ibinaba ni Stephanie ang steamed buns na hawak niya at tumayo, nagmamadaling umalis. Pero mabilis siyang hinawakan ni Daisy sa braso. “Ano ba? Ang bilis mo namang umalis! Kumain muna tayo ng almusal!”Sumang-ayon si Casey na may banayad na ngiti. “Hindi maganda sa kalusugan ang hindi kumain ng maayos. Kailangan mong magpalakas.”Napabuntong-hininga si Stephanie pero naupo rin siya muli at mabilis na tinapos ang pagkain niya. Pagkatapos, pinunasan niya ang kanyang bibig, kinuha ang bag, at buong siglang sinabi, “Aalis na ako! Kung hindi ako magmamadali, baka mas lalo pang lumala ang sitwasyon sa ba
Napangisi si Stephanie, may halong pait ang kanyang ngiti. “Ano pang silbi ng pagsisimula ng laban kung kahit anong gawin ko, sila pa rin ang may kontrol? Parang magic trick lang ang mga magulang ko—hindi ko alam kung paano nila nagagawang pilitin akong magpakasal. Alam nilang ayaw ko, pero patuloy pa rin sila sa panlilinlang na ‘to.”Biglang bumuhos ang emosyon niya, hinablot niya ang tissue mula sa kamay ni Daisy habang patuloy ang pag-agos ng kanyang luha. “Ang tagal ko nang wala sa bahay, pero ni isang tawag, wala silang ginawa para kamustahin ako! Sa halip, mas pinili nilang i-announce ang lahat sa social media. Sa tingin ba nila, wala akong pakialam kung bigla akong mawala?”“Huwag mong sabihin ‘yan,” mahinahong sabi ni Casey habang mahigpit niyang hinawakan ang nanginginig na kamay ni Stephanie. “Ang kasal mo sa pamilya Hernandez ay hindi magandang desisyon. Handa ang ama mo na isakripisyo ang kaligayahan mo para lang sa koneksyon nila.”Huminga nang malalim si Stephanie, ramda
Patuloy na pinagmamasdan ni Yuan si Casey, na nakaupo sa tabi niya. Napansin niya kung paano bahagyang kumunot ang noo nito bago ito bumuntong-hininga at marahang nagsabi, “Pasensya na.”Si Daisy, na laging mahilig sa drama, ay agad na sumingit na may kunwaring kayabangan, “Hindi sapat ang simpleng sorry lang! Kailangan mong bumawi sa amin ng may kasamang aksyon!”Sumang-ayon naman agad si Stephanie, na tila biglang bumalik sa reyalidad. “Tama! Ang paghingi ng tawad na walang kasamang kilos ay walang halaga.”Nagkunwaring walang magawa si Casey, ibinuka niya ang kanyang mga mata na tila inosente. “Ano ba ang gusto n’yong gawin ko? Wala naman akong maiaalok bilang kapalit.”“Sino may sabing wala?” sagot ni Daisy na may mapanuksong ngiti. “Simple lang! Simula ngayon, ikaw ang magpapakain sa amin tuwing hapunan!”Napatawa si Stephanie at umiling. “Seryoso ka? Gagawin mo siyang personal mong tagaluto? Kapal din ng mukha mo, ah!”Umismid si Casey, kunwaring naiinis. “Ayaw mo bang kumain? H
Hindi lubos na alam ni Daisy ang buong sitwasyon; ang tanging alam lang niya ay may malalim na damdamin si Yuan para kay Casey. Dahil sa kawalan niya ng kaalaman sa tunay na koneksyon nilang lahat, inisip niyang magiging magandang ideya kung bibigyan niya ng pagkakataon sina Casey at Yuan na magkasama.Kung nalaman lang niya ang buong katotohanan, malamang ay iba ang naging diskarte niya.May kapilyuhang tawa si Daisy nang sabihin niya, “Hindi naman siguro ganun kaseryoso. Kung pakakawalan mo si Casey, baka hindi mo na kailangang problemahin ang kumpetisyong ito!”Napangiti si Yuan, pero halata ang pait sa kanyang ngiti. “Sa totoo lang, alam kong maliit ang tsansa kong manalo ngayon. Narinig kong sina Lincoln at Dylan ay pursigidong ligawan si Wisteria. Kahit saan pa man mapunta ang bulaklak, pakiramdam ko wala akong laban sa kanila.”Ang gwapong mukha niyang laging puno ng kumpiyansa, ngayon ay may bahagyang lungkot at panghihinayang.Sumingit si Stephanie, may kislap ng panghihikaya
Habang natatapos sina Daisy at Casey sa paghahanda ng hapunan, dumating sina Stephanie at Yuan.Pagkapasok pa lang nila, bumungad ang nakakagutom na amoy ng anim na putaheng inihanda kasama ang isang mainit at mabangong sabaw. Halos maglaway sila sa sarap ng amoy pa lang.“Grabe! Ang bango! Paborito kong lasa ito!” bulalas ni Stephanie, kitang-kita ang tuwa sa kanyang mga mata.Pagkatapos magpalit ng sapatos at maghugas ng kamay, agad siyang naupo sa mesa, pumikit, at huminga nang malalim. “Nag-away kami sa bahay at hindi ako nakakain. Pero mukhang suwerte pa rin ako ngayong gabi!” aniya, sabay ngiti nang may kasiyahan.Umupo si Daisy sa tabi niya, may bahagyang pag-aalala sa boses. “Ano na namang pinagtalunan niyo?”Tinanggal ni Casey ang kanyang apron at lumapit sa mesa, napansin niyang magkatabi sina Daisy at Stephanie. Naupo siya sa tapat ni Stephanie, habang si Yuan naman ay umupo sa tabi niya.Habang kinukuha ang chopsticks, ramdam pa rin ang inis sa boses ni Stephanie. “Gusto n
Napatawa si Daisy at sinabing, “Kasama ko si Casey ngayon. Nag-shopping kami kanina at napagdesisyunang mag-dinner nang magkasama. Ikaw, nasa labas ka rin ba?”“Oo, kararating ko lang. Nag-away kami ni Papa, nakakainis talaga,” sagot ni Stephanie, halatang naiinis.“Kung ganon, bakit hindi ka na lang pumunta sa bahay ni Casey? Nagluluto siya, at maniwala ka, sobrang sarap ng luto niya!” masiglang mungkahi ni Daisy.“Si Casey ang nagluluto?” tanong ni Stephanie, halatang nagulat.“Siyempre! Sige na, punta ka na! Ipapadala ko sa’yo ang address.” Agad na nag-log in si Daisy sa WeChat para ibigay ang lokasyon.Matapos ang ilang saglit na katahimikan, sumagot si Stephanie at ibinaba ang tawag.Nang maipadala na ang mensahe, saglit na nag-alinlangan si Daisy bago nagtanong, “Casey, since magkakasama na tayong tatlo, sa tingin mo ba dapat nating imbitahan si Yuan din?”Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Casey, tila hindi sigurado.Napansin ni Daisy ang pag-aalinlangan ng kaibigan kaya mabil