Pagbaba ni Lilia ng eroplano, sumalubong sa kanya ang malamig na hangin sa Toronto Pearson International Airport Naramdaman niya ang malamig na hangin nang tumama ito sa kanyang mukha pagkalabas niya ng eroplano. Nakasuot si Lilia ng makapal na dress na lampas tuhod, nakasuot rin siya ng makapal na coat na pinatungan pa niya ng maluwag na hoodie jacket ngunit ramdam pa rin niya ang lamig na nanunuot sa buto.Matapos bumaba ng eroplano, nagtungo siya sa immigration area. Pagdating s niya doon, inabot niya ang kanyang pasaporte at medical clearance. Maingat itong sinuri ng officer.“How long will you be staying in Canada?” tanong ng officer.“Indefinitely,” sagot ni Lilia nang diretso, ang kanyang boses ay puno ng kumpiyansa.“Do you have someone to assist you here? You’re pregnant, after all,” dagdag ng officer habang sinisipat ang kanyang umbok na tiyan.Ngumiti siya. “Yes. I’ll be staying in a hotel, and I’ve hired someone to help me.”Matapos ang ilang katanungan, binigay na ng of
Last Updated : 2024-11-28 Read more